Summer, Torres Family Mansion
Walang tigil sa pagnguya ng chewing gum ang isang dalaga habang prenteng nakahiga sa mamahaling sofa ng kanilang mansiyon. Makinis at malaporselana ang balat ng dalaga na parang kumikinang sa sinag ng araw. Makurba at makapal ang kaniyang mga kilay, maamo ang kaniyang mukha at mala-dyosa ang hubog ng kaniyang katawan na animo isang karakter na nagmula sa isang sining sa museyo.
Pinalobo niya ang chewing gum sa kaniyang mapupulang labi, hanggang sa maging halos kasing laki ito ng kaniyang mukha.
“That worthless, Farrah doesn’t deserve me. Wala na akong balak ituloy ang kasal namin!” Turan ng isang lalaking nakatayo sa pinto, samantalang ang dalaga sa sofa ay taas ang kilay na nakatingin sa binata.
Hindi mapakali si Francia Torres—ina ni Farrah Torres noong marinig niya iyon sa lalaking dumating.
“Mr. Javier, hindi kita masisisi. Kasalanan ito ni Farrah. Pasaway siya, hindi nakapag-aral at puro kalokahan lang ang alam. Ngunit ang kasalang ito ay kasunduan sa pagitan ng inyong mga Lolo, hindi ito maaaring baliin na lamang ng basta.” Nanlilisik ang mga mata ni Francia noong tumunghay sa anak matapos sabihin iyon.
“Nakatayo ka pa riyan? Wala ka bang balak lumapit dito at humingi ng pasensya kay Mr. Javier, at mangakong hindi mo na siya ipapahiya at magloloko kahit kailan!”
Bumuntong hininga si Farrah at binalik sa bibig ang kanina pang pinalolobong chewing gum. Tumingin siya sa lalaki. Pumilantik ang kaniyang mahahabang pilikmata sa kaniyang pagtunghay sa binata. Mayabang na tingin ang pinukol ng maamo niyang mga mata at nakataas naman ang perpekto niyang kilay.
“Ako, hihingi ng tawad sa kaniya? Isn’t he the one who should apologize to me? Siya ang unang sumira sa kasunduan nang walang paalam at kung ano-ano pang masasamang salita ang binitawan niya laban sa akin. Sinabi niya pang wala akong kwenta para sa kaniya.”
Nanlumo si Francia sa mga tinuran ng anak, halos hindi na maipinta ang kulay ng kanyang mukha dahil sa pinagsasabi ng dalaga.
Muling nagpatuloy si Farrah sa pagsasalita. “Isa pa, hindi ako gumawa ng kalokohan, paano ko siya pinahiya? Siya nga itong palikero at nakikipagbolhan sa kung sino-sinong babae diyan, he’s a playboy. Kaya mas mainam pa ngang tigilan na ang kalokohang kasalang ito, para hindi niya na ako mapahiya!”
“Farrah Torres! Ikaw—” Nagtatagis ang mga bagang na sigaw ni Francia sa anak, ngunit nahinto ito sa pagsasalita ni Caius Javier.
“Tama na ang usapang ito. Maganda lang si Farrah, pero hindi ako hibang para patulan at pakasalan ang tulad niya. Kahit lumuhod at yumuko pa siya sa harapan ko ngayon, ay nunca akong magpapakasal sa tulad niya. Because my heart is already owned by someone who deserves me—” He said, and his eyes adoringly gazed at the top of the staircase.
“Quina Torres.”
“Caius, my love!” Nagmamadaling lumakad pababa si Quinna sa hagdan halata ang excitement sa kaniyang mga mukha.
“Nana!” Malalaki ang mga hakbang na umakyat ang lalaki, sinalubong niya ng yakap ang iniibig na dalaga.
They hugged each other.
“We can finally get married!” madramang turan ni Quinna, maluha-luha pa siya habang sinasabi iyon.
“I’m sorry, Nana. I didn’t mean to made you wait that long for me to cancel this engagement.”
“It’s okay, I know that cancelling it is not that easy.” Patuloy pa rin sa paglalampungan ang hitad at ang palikero, noong makatanggap ng mensahe sa kaniyang cellphone si Farrah.
Scholar Trinidad, your research has reached the final stage. To secure your safety, the superiors sent the elites to protect you. We have arrived at the door of your residence. When will you come out?
I’ll be there in a minute.
Pagka-reply ni Farrah ay tinapon niya ang kanina pang nginunguyang chewing gum sa nakita niyang basuran at walang ano-anong tumayo mula sa pagkakaupo at lumakad papunta sa malaking pintuan ng mansiyon. Pasimpleng pinanonood ni Quina ang ginagawa ni Farrah.
Napansin ng dalaga na paalis ito, sa palagay niya ay napahiya ito at hindi matanggap ang nasaksihan sa pagitan nila ni Caius. Nasaktan marahil ito sa pagkansela ni Caius sa engagement nila.
Nanghihinayang si Quina dahil hindi pa man niya ito napapahiya ay nagwalk-out na agad ito.
“Farrah, my dear sister! H’wag ka muna umalis. I’m sorry, I shouldn’t let this happen. Caius my love was supposedly my brother-in-law. Pero wala naman akong magagawa dahil nagmamahalan na kami. Hindi ko na siya kayang pakawalan. Kung galit ka sa amin, sa akin na lang. H’wag mo nang idamay sa galit mo si Caius my love!”
Huminto si Farrah sa akmang paglabas at bumaling sa nagda-dramang babae. Blanko ang tingin ngunit nakataas ang kaniyang isang kilay noong tignan niya ang dalaga. “H’wag kang magmalinis, at lumayas ka na sa pamamahay na ito!” may diin sa bawat salitang binitawan niya.
“Hindi mo ba ako kayang patawarin, my dear sister Farrah? Sige, saktan mo na lang ako! Ibaling mo sa akin ang lahat ng galit mo. Tell me anything you want to say to my face!” Lumapit si Quina kay Farrah. She took her hand and put it in her face. “Sampalin mo ako, Farrah.” Nanghahamong sabi nito kay Farrah.
“Sige Farrah, subukan mo lang saktan si Nana, makikita mo ang hinahanap mo!” Sabad ni Caius na lumapit sa dalawa. Bago pa man makalapit si Caius ay nagmamadaling lumapit si Francia at tinabig ang nakataas na kamay ni Farrah. Malakas ang paghampas ng ginang sa kamay ng anak.
Hinabol ng tingin ni Farrah ang nasaktang kamay. Kitang kita ang namumulang bakas ng kamay ni Francia sa braso ni Farrah.
Dalawang sigundo ng nakabibinging katahimikan ang namagitan, inangat ni Farrah ang kaniyang paningin at itinuon iyon sa sariling ina.
How could this woman—her own mother be so harsh to her. She loves her adopted daughter Quina than her, she was Francia’s real daughter. Her own mother who loves that bitch more than her. Siya na tunay na kadugo ng kaniyang ina ngunit wala itong kaamor amor sa tunay na anak.
“Ma, walang kasalan si Farrah, it was me who caused this, I snatched her fiancé from her I—” madamdaming salaysay niya na namumula pa ang mata dahil sa pagpilit na pag-iyak, may paghikbi pa siyang nalalaman.
Hindi pa man niya natatapos ang nais sabihin ay nagsalita na si Farrah.
“How can a I blame you? You only think of yourself. Hindi mo kayang mabuhay nang walang lalaki. Lahat ng akin ay inagaw mo. Wala naman akong magagawa kasi natural na ‘yon sa’yo.” Sunod sunod na salaysay ni Farrah.
Natahimik si Quina at hindi makapagsalita. Namula ang kaniyang mukha sa inis.
“Farrah! Paano mo nagagawa ‘yang sabihin sa kapatid mo?! Where’s your manners?” Kitang kita sa mga mata niya ang disgusto sa inaasal ng anak.
Sarkastiko ang ngiti sa mukha ni Farrah na hindi mawari kung masaya o galit siya.
“Hindi ko siya kapatid. I never had a sister.” May diin ang mga salitang binitawan niya.
Isang mapait na pangyayari ang naganap sa pamilya Torres may dalampung taon na ang nakararaan. They were accidentally switched places by the nurse on duty when they were born.Labinlimang taon ang inabot bago nakabalik si Farrah sa mga Torres—ang kaniyang totoong pamilya. Limang taon na ang nakakalipas mula noong umalis siya sa probinsiya kung saan siya nanirahan mula pagsilang at magdalaga siya.Kahit nakabalik na si Farrah, ay masyado nang napamahal si Francia sa anak na si Quina, na pinalaki niya ng ilang taon. Hindi niya kayang patirahin ito sa probinsiya at maghirap. Kaya pinanatili niya rin ito bilang anak. She kept both Quina and Farrah as her daughters.Palibhasa ay sa probinsya lumaki ang tunay na anak ni Francia na si Farrah, malayo ang personalidad nito sa anak na napalaki niya. Kung kaya’t hindi niya ito masyadong pinapaboran. Mas matimbang para sa kaniya si Quina.“How can you say those rude words to her, Farrah? Anak ko pa rin si Quina kahit hindi siya nanggaling sa akin
Two days later. Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa Special Laboratory ng Research Institute. Maraming matatandang professors, at mga batikang iskolar ang pumupuri sa success ng research experiment ni Farrah. “Kung hindi dahil sa iyo, Scholar Torres, hindi natin magagawa itong carbon nanomaterials ng ganito kabilis. We just worked and finished it for less than a year.” Mahabang komento ng isa. “Yes! Thanks to Scholar Torres! Kung sakaling magamit na ito ng lahat, paniguradong malaki at magiging mabilis ang pag-unlad ng ating bansa.” Papuri pa ng isa. “Bukod pa roon, paniguradong maraming magugulat sa ating imbensiyon.” Parang mga batang tuwang tuwa sa nagawang laruan ang naging reaksiyon ng mga bihasang professors dahil sa success ng research na pinamunuan ni Farrah. Ang lahat ay nagsasaya at nagdiriwang sa saya at galak. Samantala, si Farrah ay tahimik lang sa sulok habang umiinom ng isang lata ng in canned pineappl
“Yes.” Tumango si Farrah at tumingin sa lalaki. The guy was wearing a floral shirt with a collar. Nakasuot rin ito ng makapal na kwintas na agaw pansin. Ito ba ang pinagmamalaking apo ni Lolo? “Ow, hindi ko inalang maganda ka.” Kumento ng lalaki, napasulyap si Farrah sa isa pang tao sa loob ng backseat. “Maswerte ka, Hector, magaling pumili ang iyong lolo.” Sa narinig napagtanto ni Farrah na nagkamali siya ng akala. Nasa likod pala ang apo ni Lolo. Papasok na sana ng sasakyan si Farrah, noong marinig niya ang isang malalim at baritong tinig na nagsalita mula sa likod. “I have no business with her.” Kalmado lang si Farrah at tumuloy sa pagsakay sa backseat ng sasakyan. Doon niya tuluyang nakita ang itsura ng apo ni Lolo. Kita ang pagkamangha sa kaniyang magagandang mga mata. Sa edad na bente, marami na siyanng papuntahang mga bansa at nakitang mga lalaki, marami na siyang nakitang mga matitipuno at ma
“Sinabi ko nang wala akong pakialam sa kaniya.” Tugon ni Hector. Nakahinga ng maluwag si Stepen sa sagot ng kaibigan. Hindi nga siya interesado sa dalaga. Kanina pa, inip na nag-aantay sa pintuan ang matanda. Ang kaniyang mga mata ay kuminang noong makita ang dalaga. “Farrah, Hija. Nakarating ka na rin sa aking mansiyon. How was it?” salubong ng matanda. Inikot ng paningin ng dalaga ang kabuuan ng mansiyon. These house shouts how rich the old man was. The mansion itself was made of expensive and luxurious materials. Crystals, chandeliers, leather sofas and even the tiles look expensive. “It’s really good.” Komento ng dalaga.” Naglakad sila hanggang sa makarating sa malawak na living room. Doon siya pinaupo ng matanda. “Mukhang nagustuhan mo ito, titira ka na ba rito? Nang sa gayon ay maging manugang na kita. At bigyan mo ako ng cute at matatabang mga apo, hindi ako papayag na isa lang. Pito kaya?” biro ng matanda. Sa narinig a
“One month. After one-month maghihiwalay kami at wala nang pakialaman.” Malamig ang tinig na suhestiyon ni Farrah. “Isang buwan? Masyado naman yata iyong maiksi? Hector, talk to her now.” Balisang utos ng matandang Hontiveros sa apo. “Okay, just one month.” Sang ayon ni Hector. “It’s a deal.” Itinaas ng dalaga ang kamay para makipag-pinky promise. Tinanggap iyon ng binate. “I will never break my promise.” Sa puntong iyon ay agkasundo ang dalawa. But the old man was anxious about the deal. “Hey—” Huminga siya ng malalim bago nakapagsalitang muli. “Kung iyan ang gusto niyo. Antayin niyo na makapili ako ng araw ng engagement ninyo.” “Okay.” Tipid na sang-ayon ni Farrah. “It’s getting late, I think I should go.” “Dito ka na maghapunan bago ka umalis.” Habol pa ng matanda upang manatili pa ang dalaga sa mansiyon nito. “Ilang araw na akong hindi nakakauwi, baka hinahanap na ako sa am
“Anong pangalan niya? Oh, Farrah Torres of Torres family. “Okay, saglit lang ho, Sir. Check ko lang po sa files.” Sagot ng police officer na kausap ng ama ni Farrah. Maya-maya ay rinig na rinig ang nanginginig na tinig ng tao sa kabilang linya. “Mukhang nagkamali kayo, Torres—” Tumikhim ito sa kabilang linya. “Wala hong kahit anong nagawang krimen at o anumang tala na tumakas sa kulangan si Ms. Torres, Farrah! Kung tatawag kayo ulit para sa walang kabuluhang bagay gaya nito, ay maaari kayong kasuhan for slandering!” Tapos biglang naputol ang linya. Natigilan si Juanito, gayun rin si Francia na katabi ng asawa at narinig ang naging usapan ng malinaw. “Kung tapos na po kayo, Magpapahinga na po ako sa taas.” Ani Farrah na lumakad na papunta sa hagdan. Nakokonsensiyang pinanood ni Francia ang anak na si Farrah, na paakyat. She felt guilty. Kung tutuusin si Farrah ay kaniyang dugo’t laman at siyang totoong anak.
Ala sais ng umaga noong magising si Farrah. Maaga siyang lumabas ng bahay suot ang training outfit niya. Matagal tagal na rin mula noong huli siyang nakapag-exercise. Ngayon niya na isipang pumunta sa parke para magpractice ng Tai Chi. Natanaw agad ni Farrah ang isang matandang lalaki na nakasuot din ng training outfit at nagpapractice ng Tai chi, at maraming matatandang lalaki ang nanonood dito. Marami ang pumuri matandang narinig niyang tinawag na Master Zubiri. Umasim ang mukha ni Farrah sa nasaksihan. “Parang hindi naman nagawa ng maayos ang ilang mga moves.” Bata pa lang kasi siya ay nag-aral na siya ng Tai Chi sa probinsya kasama ang kaniyang mahusay na Master. Kaya alam na alam niya ang nagawang pagkakamali ng matanda. Sa sinabi niya ay naagawa niya ang atensiyon ng matandang tinatawag na Master Zubiri. Sumama ang tingin ng matanda noong makita siya. “Ineng, masiyado ka pang bata, para malaman ang lahat tungkol sa Tai
Ni hindi man lang tinaman si Farrah ng lalaki ngunit siya ang umaatake at pinilipit ang braso ng lalaki. Gamit ang mga kamay ay tumalon siya at bumagsak bigla si Berto. Natigilan ito, natulala at gulat sa nasaksihan. Sa mga oras na iyon ay nakabibbingi ang katahimikan ng buong parke at walang ni isang may balak na magsalita. “Mahusay! Isa talaga siyang batang master ng Tai Chi! Perfect!” Sigaw ni Master Salcdo, sobrang saya niya sa pinakita ng dalaga. Halos lumuwa ang mata ni Master Zubiri sa nasaksihan, bagsak din ang panga at balikat niya sa tindi ng gulat. Maging ang ilang matatandang naroon ay hindi makapaniwala sa nakita nila. Kahit ilang beses nilang inaral iyon ay hindi iyon kasing husay ng gawa ng dalaga. Iba talaga ang husay ng dalaga. “Imposible ito, sinuwerte lang ang isang ‘yan!” Hindi pa rin tanggap ni Yukari ang pagkatalo sa pustahan. Halos magkaedad lang sila ng babae, pero kakaib ang husay nito. Kayang kaya nit
Few days later… “Wow! Hindi ito kapani-paniwala. This is such a huge deal!” Nagmamadaling balita ni Stephen habang papalapit sa lames ani Hector sa opisina. Hininto ni Hector ang ginagawa at tumingin sa paper na hawak ng matalik na kaibigang si Stephen. “Tungkol ba ito sa mangyayaring press con? Tanong ni Hector sa kaibigan. “Alam mo na rin?” balik tanong ni Stephen kay Hector. Huminga isya ng malalim, lumunok ng laway, nanlalaki pa ang mga mata bago nagsalita. “Sobrang nagulat ako. Sa 28 nga gaganapin ito!” Kanina habang nag-uumagahan ay narinig ni Stephen mula sa kaniyang mga magulang ang tungkol sa press conference para sa launch ng new nanomaterials. Walang ibang araw kung hind isa 28th ng buwang iyon. “Tama si Farrah!” Pinagsalikop ni Hector ang mga daliri sa dalawang kamay at ipinatong iyon sa lamesa. Inaalala niya ang mga sinabi ni Farrah noong nakaraang naroroon ito sa kanila. Doon
Parehong napatingin si Hector at Stephen sa nagsalitang si Farrah. “Paano mo naman nalaman?” kunot noong tanong ni Hector kay Farrah. “I just know.” Mabilis na sagot ni Farrah. Kaninang umaga kasi ay minessage si Farrah ng isang matandang iskolar sa Research Institute. Sinabi nito na approved na ang date ng press conference niya. It would be on the 28th of the month. Tinanong siya nito kung ayos oras siya available. Kung hindi siya ayos ay ililipat na lang nito sa ibang oras. “Oh? Paano mo naman nalaman?” Naniningkit ang mga matang tanong ni Hector kay Farrah. Napakagat labi si Farrah. “Exact date lang ang maari kong sabihin sa inyo, hindi puwede ang ibang mga detalye.” Lumapit si Stephen sa tainga ni Hector at bumulong. “Hindi ko talaga siya kayang kasama. Kung hindi lang siya maganda, baka sinusuka ko na siya sa sama ng asta at yabang niya! Marami na akong nakikitang mayayabang pero iba a
Hindi raw siya nararapat para kay Farrah may ibig sabihin ang sinabing iyon ng dalaga at hindi lang ito basta-basta at nagyayabang lang o gumagawa ng kuwento. Ang katotohanang may kakayahan ito na ayusin ang robot ay hindi sapat upang makapantay ito sa kaniya, lalo nang hindi siya karapat dapat para sa talaga. Napatingin si Farrah sa batang lalaking nasa harapan niya, bigla niya tuloy naalala si Yukari na gusto ring maging disipulo niya sa Tai Chi kanina lang umaga. Ano bang mayroon sa araw na ito at mraming gustong maturuan niya? Bakit ang daming gustong matrain niya sa kung ano-anong bagay? “Sige na po, Ate idol! Promise hindi ka magsisisi na turuan ako.” Patuloy na pangungulit ni Xyrus kay Farrah. Natutop ni Farrah ang kaniyang noo. “Hindi namansa ayaw kong tanggapin o turuan ka, pero ayoko kasing magkaroon ng itetrain sa ngayon. Busy ako halos araw araw. Dahil doon ay hindi ko na kayang maghandle ng trainee na tuturuan ko.
“Oh, her you go!” Mabilis na sagot ni Xyrus at iniabot kay Farrah ang hawak na robot. Nais niyang makita kung gaano kahusay ang babae, base sa mga paliwanag niya kanina. “Kailangan ko ng mga tools, para masilip ito.” Ani Farrah habang sinisipat ang hawak na robot. “Nasa kwarto ko, kukunin ko para sa’yo, Ate.” Excited na sagot ni Xyrus. “Good!” Maya maya ay hawak na ni Farrah ang mga kagamitan para maayos niya ang robot ni Xyrus. Binuksan niya iyon at makalipas lang ang ilang minuto ay binalik niya ulit iyon sa dati. “Alam niya nga.” Nasa tinig ni Stephen ang paghanga sa nagawa ni Farrah. Samantala, ang mga mat ani Hector ay hindi maalis sa ginagawa ni Farrah. Bigla siyang nagkaroon ng ibang perspektibo sa babae, hindi lang pala ito basta-basta. She can do different and unsual things. Imagine, his brother is considered a genius, knows his robots very well. Pero si Farrah sa isang tingin niya lang sa isan
Parang mga tinamaan ng kidlat ang mga taong naroroon. Nakatulala silang lahat habang palapit ang gwapong binata sa harap ni Farrah at pinayungan. “Let’s go!” Malalim ang tinig na utos ni Hector. “Yeah.” Tuamtangong sagot ni Farrah. Anong nangyayari? Hindi lahat makapaniwala sa nakita nila. Itong sobrang gwapong lalaki na artistahin at mala-adonis ay si Farrah pala ng susunduin! At mas nanlaki ang mga mata nila at na lagalga ang panga nila noong mapansin ang sinakyan nila. The limited-edition Maybach na nakapark sa sidewalk. “Mukang limited edition ang Mayback na iyon. Siguradong milyon-milyon ang halaga. At hindi iyon basta-basta rin mabibili ng basta pera lang.” komento ng isang lalaking kaklase nila na maraming alam sa sasakyan. Sa narinig ay, ang lahat maging si Sheena ay napatingin sa sportscar ni Xean. Kahit maganda at elegante ang sportscar pero iba pa rin ang Maybach.*** “Thank you.” Magalang na
Sa isang kisapmata lang ay natapos n ani Farrah ang pagsagot ng mahihirap na equation sa pisara. Sa nasaksihan ay sobrang namangha ang mga kaklase ni Farrah. “Wow! Si Farrah na mahina sa klase kaya ‘yong gawin lahat!” Manghang sabi ng isa. “Hindi ko nga kaya ang mga iyan! Ni hindi siya nag-isip ng matagal, sinagot niya agad.” Dagdag pa ng isa. “Hindi kaya mukha lang mahina sa klase itong si Farrah, pero ang totoo ay isa pala talaga siyang top student?” Hinuha ng isa. Rinig na rinig ng ginang ang mga komento ng mga mag-aaral patungkol sa kanilang nasaksihan. Nag-init ang kaniyang mukha sa mga narinig. Ang totoo ay hindi niya ibinigay ang mga iyon para ipahiya si Farrah, ang nais niya ay maturuan ito ng leksyon para magsikap na sa pag-aaral at huwag nang lumiban sa mga klase. Pero ganito ang nasaksihan ng lahat. Kung hindi niya ipinahiya si Farrah ngayon, ay hindi niya pa malalaman ang katotohanang mahusay ito.
8:15 am na noong makarating si Farrah sa klase. Masama ang tingin sa kaniya ng kaniyang Math teacher. “You’re late in my class again! Wala ka bang pagpapahalaga sa klase ko?” galit na bulyaw nito. “Baka naman po hindi talaga siya pumasok sa first class niya at nalate rin po siya sa inyo. O baka nga ngayon lang ulit siya nagkaroon ng balak na pumasok.” Sabad ng isang kaklase ni Farrah. Inalis ng guro niya ang bara sa lalamunan bago muling nagsalita. “Farrah, hindi ka bata, pero lagi ka pa ring late sa klase. Parang ginagawa mo lang itong laro.” “Kung ganyan ka nang ganyan hindi ka na gagraduate sa high school o makapasa pa man sa college. Kung ako ikaw—” Hindi natapos ang sinasabi ng guro noong nagsalita si Farrah. “Ma’am, can I come in? Kanina pa po ako nakatayo rito.” May himig sarkasmo ang tinig niya. Tumunghay siya sa kaniyang upuan. Nagpupuyos sag alit ang kaniyang guro. Pero kahit gaano pa siya kagalit
Ni hindi man lang tinaman si Farrah ng lalaki ngunit siya ang umaatake at pinilipit ang braso ng lalaki. Gamit ang mga kamay ay tumalon siya at bumagsak bigla si Berto. Natigilan ito, natulala at gulat sa nasaksihan. Sa mga oras na iyon ay nakabibbingi ang katahimikan ng buong parke at walang ni isang may balak na magsalita. “Mahusay! Isa talaga siyang batang master ng Tai Chi! Perfect!” Sigaw ni Master Salcdo, sobrang saya niya sa pinakita ng dalaga. Halos lumuwa ang mata ni Master Zubiri sa nasaksihan, bagsak din ang panga at balikat niya sa tindi ng gulat. Maging ang ilang matatandang naroon ay hindi makapaniwala sa nakita nila. Kahit ilang beses nilang inaral iyon ay hindi iyon kasing husay ng gawa ng dalaga. Iba talaga ang husay ng dalaga. “Imposible ito, sinuwerte lang ang isang ‘yan!” Hindi pa rin tanggap ni Yukari ang pagkatalo sa pustahan. Halos magkaedad lang sila ng babae, pero kakaib ang husay nito. Kayang kaya nit
Ala sais ng umaga noong magising si Farrah. Maaga siyang lumabas ng bahay suot ang training outfit niya. Matagal tagal na rin mula noong huli siyang nakapag-exercise. Ngayon niya na isipang pumunta sa parke para magpractice ng Tai Chi. Natanaw agad ni Farrah ang isang matandang lalaki na nakasuot din ng training outfit at nagpapractice ng Tai chi, at maraming matatandang lalaki ang nanonood dito. Marami ang pumuri matandang narinig niyang tinawag na Master Zubiri. Umasim ang mukha ni Farrah sa nasaksihan. “Parang hindi naman nagawa ng maayos ang ilang mga moves.” Bata pa lang kasi siya ay nag-aral na siya ng Tai Chi sa probinsya kasama ang kaniyang mahusay na Master. Kaya alam na alam niya ang nagawang pagkakamali ng matanda. Sa sinabi niya ay naagawa niya ang atensiyon ng matandang tinatawag na Master Zubiri. Sumama ang tingin ng matanda noong makita siya. “Ineng, masiyado ka pang bata, para malaman ang lahat tungkol sa Tai