8:15 am na noong makarating si Farrah sa klase. Masama ang tingin sa kaniya ng kaniyang Math teacher. “You’re late in my class again! Wala ka bang pagpapahalaga sa klase ko?” galit na bulyaw nito. “Baka naman po hindi talaga siya pumasok sa first class niya at nalate rin po siya sa inyo. O baka nga ngayon lang ulit siya nagkaroon ng balak na pumasok.” Sabad ng isang kaklase ni Farrah. Inalis ng guro niya ang bara sa lalamunan bago muling nagsalita. “Farrah, hindi ka bata, pero lagi ka pa ring late sa klase. Parang ginagawa mo lang itong laro.” “Kung ganyan ka nang ganyan hindi ka na gagraduate sa high school o makapasa pa man sa college. Kung ako ikaw—” Hindi natapos ang sinasabi ng guro noong nagsalita si Farrah. “Ma’am, can I come in? Kanina pa po ako nakatayo rito.” May himig sarkasmo ang tinig niya. Tumunghay siya sa kaniyang upuan. Nagpupuyos sag alit ang kaniyang guro. Pero kahit gaano pa siya kagalit
Sa isang kisapmata lang ay natapos n ani Farrah ang pagsagot ng mahihirap na equation sa pisara. Sa nasaksihan ay sobrang namangha ang mga kaklase ni Farrah. “Wow! Si Farrah na mahina sa klase kaya ‘yong gawin lahat!” Manghang sabi ng isa. “Hindi ko nga kaya ang mga iyan! Ni hindi siya nag-isip ng matagal, sinagot niya agad.” Dagdag pa ng isa. “Hindi kaya mukha lang mahina sa klase itong si Farrah, pero ang totoo ay isa pala talaga siyang top student?” Hinuha ng isa. Rinig na rinig ng ginang ang mga komento ng mga mag-aaral patungkol sa kanilang nasaksihan. Nag-init ang kaniyang mukha sa mga narinig. Ang totoo ay hindi niya ibinigay ang mga iyon para ipahiya si Farrah, ang nais niya ay maturuan ito ng leksyon para magsikap na sa pag-aaral at huwag nang lumiban sa mga klase. Pero ganito ang nasaksihan ng lahat. Kung hindi niya ipinahiya si Farrah ngayon, ay hindi niya pa malalaman ang katotohanang mahusay ito.
Parang mga tinamaan ng kidlat ang mga taong naroroon. Nakatulala silang lahat habang palapit ang gwapong binata sa harap ni Farrah at pinayungan. “Let’s go!” Malalim ang tinig na utos ni Hector. “Yeah.” Tuamtangong sagot ni Farrah. Anong nangyayari? Hindi lahat makapaniwala sa nakita nila. Itong sobrang gwapong lalaki na artistahin at mala-adonis ay si Farrah pala ng susunduin! At mas nanlaki ang mga mata nila at na lagalga ang panga nila noong mapansin ang sinakyan nila. The limited-edition Maybach na nakapark sa sidewalk. “Mukang limited edition ang Mayback na iyon. Siguradong milyon-milyon ang halaga. At hindi iyon basta-basta rin mabibili ng basta pera lang.” komento ng isang lalaking kaklase nila na maraming alam sa sasakyan. Sa narinig ay, ang lahat maging si Sheena ay napatingin sa sportscar ni Xean. Kahit maganda at elegante ang sportscar pero iba pa rin ang Maybach.*** “Thank you.” Magalang na
“Oh, her you go!” Mabilis na sagot ni Xyrus at iniabot kay Farrah ang hawak na robot. Nais niyang makita kung gaano kahusay ang babae, base sa mga paliwanag niya kanina. “Kailangan ko ng mga tools, para masilip ito.” Ani Farrah habang sinisipat ang hawak na robot. “Nasa kwarto ko, kukunin ko para sa’yo, Ate.” Excited na sagot ni Xyrus. “Good!” Maya maya ay hawak na ni Farrah ang mga kagamitan para maayos niya ang robot ni Xyrus. Binuksan niya iyon at makalipas lang ang ilang minuto ay binalik niya ulit iyon sa dati. “Alam niya nga.” Nasa tinig ni Stephen ang paghanga sa nagawa ni Farrah. Samantala, ang mga mat ani Hector ay hindi maalis sa ginagawa ni Farrah. Bigla siyang nagkaroon ng ibang perspektibo sa babae, hindi lang pala ito basta-basta. She can do different and unsual things. Imagine, his brother is considered a genius, knows his robots very well. Pero si Farrah sa isang tingin niya lang sa isan
Hindi raw siya nararapat para kay Farrah may ibig sabihin ang sinabing iyon ng dalaga at hindi lang ito basta-basta at nagyayabang lang o gumagawa ng kuwento. Ang katotohanang may kakayahan ito na ayusin ang robot ay hindi sapat upang makapantay ito sa kaniya, lalo nang hindi siya karapat dapat para sa talaga. Napatingin si Farrah sa batang lalaking nasa harapan niya, bigla niya tuloy naalala si Yukari na gusto ring maging disipulo niya sa Tai Chi kanina lang umaga. Ano bang mayroon sa araw na ito at mraming gustong maturuan niya? Bakit ang daming gustong matrain niya sa kung ano-anong bagay? “Sige na po, Ate idol! Promise hindi ka magsisisi na turuan ako.” Patuloy na pangungulit ni Xyrus kay Farrah. Natutop ni Farrah ang kaniyang noo. “Hindi namansa ayaw kong tanggapin o turuan ka, pero ayoko kasing magkaroon ng itetrain sa ngayon. Busy ako halos araw araw. Dahil doon ay hindi ko na kayang maghandle ng trainee na tuturuan ko.
Parehong napatingin si Hector at Stephen sa nagsalitang si Farrah. “Paano mo naman nalaman?” kunot noong tanong ni Hector kay Farrah. “I just know.” Mabilis na sagot ni Farrah. Kaninang umaga kasi ay minessage si Farrah ng isang matandang iskolar sa Research Institute. Sinabi nito na approved na ang date ng press conference niya. It would be on the 28th of the month. Tinanong siya nito kung ayos oras siya available. Kung hindi siya ayos ay ililipat na lang nito sa ibang oras. “Oh? Paano mo naman nalaman?” Naniningkit ang mga matang tanong ni Hector kay Farrah. Napakagat labi si Farrah. “Exact date lang ang maari kong sabihin sa inyo, hindi puwede ang ibang mga detalye.” Lumapit si Stephen sa tainga ni Hector at bumulong. “Hindi ko talaga siya kayang kasama. Kung hindi lang siya maganda, baka sinusuka ko na siya sa sama ng asta at yabang niya! Marami na akong nakikitang mayayabang pero iba a
Few days later… “Wow! Hindi ito kapani-paniwala. This is such a huge deal!” Nagmamadaling balita ni Stephen habang papalapit sa lames ani Hector sa opisina. Hininto ni Hector ang ginagawa at tumingin sa paper na hawak ng matalik na kaibigang si Stephen. “Tungkol ba ito sa mangyayaring press con? Tanong ni Hector sa kaibigan. “Alam mo na rin?” balik tanong ni Stephen kay Hector. Huminga isya ng malalim, lumunok ng laway, nanlalaki pa ang mga mata bago nagsalita. “Sobrang nagulat ako. Sa 28 nga gaganapin ito!” Kanina habang nag-uumagahan ay narinig ni Stephen mula sa kaniyang mga magulang ang tungkol sa press conference para sa launch ng new nanomaterials. Walang ibang araw kung hind isa 28th ng buwang iyon. “Tama si Farrah!” Pinagsalikop ni Hector ang mga daliri sa dalawang kamay at ipinatong iyon sa lamesa. Inaalala niya ang mga sinabi ni Farrah noong nakaraang naroroon ito sa kanila. Doon
Twentieth of the Month There are only few days left before the 28th of the month. Kabi-kabilaan na ngayon sa iba’t ibang balita ang tungkol sa tagumpay ng nanomaterials research. Noong gabing iyon, sama sama sa living room ang pamilyang Torres habang nanonood ng balita sa telebisyon.Channel No. 1 “Nitong umpisa lang ng buwan ay napabalitang ang research na pinamumunuan ni Scholar T, ng Hiraya Research Institute ay naging matagumpay. Tinatayang halos isang taon din ang ginugol ng mga mananaliksik upang matapos ang kanilang ginawang mga pagsusuri. Nadiskubre na nga ang pinakabagong nanomaterial. Sinasabing ang research na ito ay hindi lamang tagumpay ng Hiraya Research Institute, kun’di malaking ambag sa bansa, at ngayong pinag-usapan na rin sa buong mundo.” “Ang galing! Isang taon lang ng research ay may bago nang nagawang nanomaterial. Narinig ko rin na si Scholar T, na namuno sa research ay napakabata pa at halos kaedad lang ni Nana.”
Noong sumunod na umaga, matapos makapaligo st maghanda. Naabutan niya si Xyrus na balisa habang naghahakot mg likod ng ulo. Nakita ni Farrah na abala ang bata sa paggawa ng homework. "Bakit hindi mo 'yan ginawa kahapon?" "Shh..." sinaway siya ni Xyrus sa takot na may makarinig sa kaniya. Nilagau pa niya ang hintuturo sa labi at ngumuso. "Oh!" Napaawang ang labi ni Farrah at tumango. Hiyang-hiya ang balisang si Xyrus. "Hindi na ba ako mabuting bata sa paningin mo, dahil hindi ko ginagawa ang homework ko. Baka hindi mo na ako kukuning estudyante mo, ganun ba?" "Bakit naman? Hindi ko rin naman ginagawa sng homework ko sa school. At tamad rin ako kahit sa pagsasagot ng test papers." Cool na kuwneto ni Farrah. Masyado kasing madadali ang tanong kaya nabobored siya. Mas gusto niya ang magsolve ng mga math problems sa research institute. "Wow!" Binigyan pa ng thumbs up ni Xyrus si Farrah bago nangunot ang noo. "Wala na po akong o
Bahagyang tinaas ni Farrah ang kilay. Hindi niya alam king namamalik mata lang siya pero may kakaiba lagi sa mga reaksyon at salita ng lalaki nitong nakakaraan. "Syempre nagpaalam ako sa amin na maglilipay ako." Sagot niya nahinihila na pataas ang mga bagahe. "Let me help you." Mabilis ang mga hakbang na tinungo siya ng binata. Inagaw sa kamay niya sng mga bagahe. Natulala ma lang si Farrah sa mga kinikilos ng lalaki. As if he is trying to please her. Kanina lang ay ang sarkastiko niya magsalita. Pero sa isang iglap ganito. Ang bilis naman niya magbago? "Hindi na, magaan lang naman ang mga ito, kaya ko ito mag-isa." Kunwari ay inagaw ni Farrah ang mga bagahe. Ngunit walang intensiyon ang lalaki na ibalik ito sa kaniya. At inakyat ito ng mag-isa. Nang makarating ang binata sa tapat ng kwarto ng dalaga, ay dali-dali nitong itinulak ang pinto at pumasok. Sa loob loob ni Farrah, may kakaiba talaga sa kinikilos ng binata ngayon. Hindi niya mawari kung anong mayroon. Hindi ba'
"At ikaw- hindi sa minamaliit kita, pero alam mo naman ang kakayahan mo." Huminto saglit si Francia. "Sa abilidad mo lang, tapos gusto minh makapasok sa prestihiyong paaralam sa Maynila. Malaking pasaslamat ko na ang maipasa mo ang isang ordinaryong kolehiyo." "Kaya sa tingin mo, may sense kung babayaran ko ang renta mo? Parang pag-aaksaya lang iyon ng pera 'di ba?" Umangat ang dulo ng labi ni Farrah. "Kapag sinabi kong makakapasok ako, makakapasok ako. Kaya kong makapasok sa magandang university sa Mega City!" Nakaramdam ng guilt si Francia sa mga biniyawan niyang salita. Pero sa mga naririnig niya mula sa anak, ay parang nahihirapan siyang makahigot ng paghinga. "Sumosobra ka na Farrah! Kung hindi ka lang dugo't laman ko, paniguradong napalayas na kita ng bahay! Sabihin mo sa akin anong pagkakamali ko sa una kong buhay para parushan ako ng anak na gaya mo?!" Madramang sabi ni Francia. "Sinasabi ko naman sayo. Kung gusto mong bayaran ko ang renta ko, magpakumbaba ka lang a
"Pinapaalala ko lang sa'yo kahit napilitan lang tayo ma-engage sa loob ng isang buwan, you're still my fiancee. So don't get too close to other men." Ni hindi humarap si Farrah sa mga narinig niya. Napaawang ang mga labi niya bago siya nagsalita. "Puwede ka naman magkaroon ng intimate relationship sa kahit sinong babae pa ang gustuhin mo. Masaya 'yon 'di ba? Nasamid si Hector sa narinig. "Tara na!" Aya ni Farrah kay Levi tapos umalis na sila. Nang makita ni Hector ang papalayong likod ng dalawang tao ay naikuyom niya ng madiin ang mga labi. Hindi maiwasan ni Stephen ang mapanuntong hininga, "Hindi talaga ordinaryong tao si Farrah! Bukod sa naayos niya ang sirang robot, kaya niya rin makipaglaban, at siya pa pala si Master Shane Tan. Ang dami niyang skills pero bagsak siya sa mga klase niya. Hector, sa tingin ko ay hindi mo na dapat siyang pakawalan. Ang babaeng tulad niya ay kakaiba. Kahit minsan nagsisinguling siya at naiirita niya ang karamihan sa mga tao. Masyado siyang ta
Gayunpaman, si Hector ay mabilis sa paglalaro ng chess at hindi masyadong pinag-iisipan ang mga galaw. Ganoon rin naman si Farrah. Noong binigay na ni Hector ang kaniyang unang tira, siya naman ang sumunod. Sandaling katahimikan, tanging ang tunog na lamang ng galaw ng chess pieces ang maririnig. Nakaupo sa hindi kalayuan sina Levi at Stephen, parehong hindi mapakali. Mahusay! Sulit ang pinakaaabangang laban ni Shane Tan at Yuan Hilario! Hindi malaman kung sino ba ang mananalo sa dalawa. Kalahating oras ang lumipas, kinuha ni Farrah ang tsaa sa tabi niya at sumimsom doon. Unti-unting iniangat ni Hector ang kaniyang kamay sa ere at tumingin kay Farrah sa harap niya. Maganda ang makapal at kurbadong kilay ng dalaga, maganda rin ang kaniyang mukha. Kakaiba ang kaniyang natural na ganda. She was calm and graceful, she moves as graceful as a swan. Masyadong malalim ang tingin ni Hector kay Farrah na nawala siya
"Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhang tanong ni Hector. Sumegunda pa si Stephen. "Baka maling kwarto ang pinasukan mo." "Oh, sorry." Lumabas si Farrah saglit para silipin ang number sa labas ng kwarto. "Paano? Levi, ito ang reserved room na sinabi mo 'di ba?" Nagulat rin si Levi, "Oo, tama naman ito." Naintindihan na ni Farrah kaya, tinulak niya ang pinto at muling pumasok. "Bakit ka bumalik?" Naguguluhang tanong ni Stephen. Lumakad papasok si Farrah at inobserbahan si Hector at Stephen, bago nagsalita. "Hindi naman kami magkakamali, baka kayo ang nagkami ng room reservation. Dito talaga ang reserved na pagkikitaan namin ng kaibigan namin." "Paano nangyari iyon? E ako ang personal na nagbook ng kwartong ito! Baka nagkakamali ka!" Matigas na sagot ni Stephen. Nalukot ang mukha ni Farrah sa narining, hindi siya nagsalita ng ilang segundo. "Sigurado ka bang ikaw ang nagbook nito?" Binuksan ni Stephen ang cellphone at pinakita
"Suotin mo ito!" Naghihilahan pa si Farrah at Yolly pero naikbit na ng huli sa dalaga ang jade bracelet. "Huwag mo 'yang huhubarin! Kapag inalis mo, para mo na ring hindi ginalang ang senior mo." Dahil sa sinabi ni Yolly ay hindi na nakatanggi si Farrah. Si Hector na nakatayo sa harap nila ay tahimik na pinapanood ang kaniyang ina at fiancee, masyado silang close, mukhang maganda na ang samahan nila. "Okay, masyado na tayong nahuhuli, tara na at ituloy natin ang engagement party." Hinila ni Yolly si Farrah palapit sa saksakyan niya habang kinakausap niya ito na parang matagal na silang magkakilala. Lumapit si Stephen kay Hector at tinapik ito sa balikat. Wala nang iba pang sinabi. Tumingin si Hector kay Stephen, walang kahit anong sinabi tinaboy ang kamay nito. At lumakad na palayo. ~~~ Mabilis na natapos ang engagement party. Nanatili pa si Farrah sa mansiyon ng mga Hontiveros. Nangako kasi siya kay Lolo Arnaldo na mananatili
Matapos ang palitan nila ng sagot, nakumpirma nila kung sino sila. "Nabalitaan ko nga po kay Master Manding na nakabalik na po kayo sa Mega City." Ano Farrah kay Yolly. "Nabalitaan ko rin mula kay Master noon pa na tinanggap ka niya matagal na panahon na. Ikaw daw ang pinakahuling tinrain niya. Ako naman ay nag-abroad dahil sa personal reasons, matagal akong nasa ibang bansa at hindi na nakabalik. Hindi ko akalain na ang junior ko na pinupuri maigi ni Master Cruz at ikaw pala." "Hindi ko rin po akalaing ang Senior ko ay manugang pa ni Lolo Naldo. Walang duda ang husay niyo sa pakikipaglaban." "Huwag mo na akong bolahin, ikaw itong magaling at talentado. Tama si Master, pinanganak ka para mag Tai Chi. Twenty ka lang this year, kay Master Cruz ka lang natuto sa maiksing panahon. Pero ang husay mo ay malapit na sa perfection. Na-miss ko kayo! Ikaw, at ang iba niyo pang kasamang seniors at juniors na nag-eensayong mabuti." "Sa totoo lang, noong ganyan ang edad ko, sa husay mo kay
"Subukan mo." Naningkit Ng mga mata ni Farrah at lumakad papalapit. Tinulak ni Yolly si Farrah sa balikat bago magsalita. "Huwag mo akong pilitin gawin ang bahay na ito. Sa hilaw mong Tai Chi skills, natalo mga ang mga tanga kong bodyguards, pero hindi mo ako kaya. Kaya kitang patumbahin in three moves." Nagulat si Farrah sa narinig mula kay Yolly. Hindi niya akalaing may alam sa martial arts ang ina ni Hector. "E 'di tignan natin kung gaano katagal mo akong maiipit ngayon." Pagkasabi noon ni Farrah ay itimaas niya na ang isa niyang kamay at hinila ang braso ni Yolly na nakababa. Tapos ay humakbang siya paartras. Hinila pa ulit ni Farrah ang braso ni Yolly at hinila niya iyon. Tapos itinulak palayo sa kaniya. 'Hindi basta basta ang babaeng ito! Mukhang hindi siya gumamit ng sobra sobrang lakas labas sa mga bodyguards niya kanina, at siya at itinulak lang ng basta basta.' Napag-isip-isip ni Yolly. "Hija. Seseryosohin na kita ngayon. Humanda ka