“Congratulation, Mrs. Alvarez, you are pregnant!”
Nakahiga sa kama si Isabel. Paulit-ulit na naririnig niya sa isip ang mga sinabi ng doktor kaninang hapon. Halos limang linggo na siyang nagdadalang-tao. Nakagugulat ang balita dahil maingat naman sila palagi. Pero heto na nga siya, buntis.
Naputol lamang ang kanyang pagiisip nang kalabitin siya ni Allen, ang kanyang asawa. May bahid na pag-alala ang mukha nito habang tinitignan siya, tila ba may sinisigurado.
“What are you thinking?” Tanong nito.
Hindi makapagsalita si Isabel at natutok lamang siya sa nakakaakit na mga mata nito. Parang mga bituin na naglalaro ng mga kislap sa langit, ang mga kulay ay nakakakalunod, nagdudulot ng lalim na pagkaka-akit na halos hindi niya maialis ang paningin.
Hindi niya nagawang makasagot dahil hinawak ni Allen ang likod ng kanyang ulo at mariing hinalikan ang kanyang noo. Ang halik ay mariin, parang sinusubukang ayusin ang naguguluhan niyang isipan. Walang kapantay ang presensya na hatid ng kanyang asawa, parang ang bawat sandali ng kanyang pag-iral ay nagpapatahimik sa kabuuan ng kanyang pagkatao.
Matapos ang ilang sandali, humiwalay ito, hindi maipinta ang mukha, at nagtungo sa banyo. Ang tunog ng umaagos na tubig ang pumuno sa katahimikan ng silid, habang ang isip ni Isabel ay patuloy na nag-aalala. Nakahiga siyang nanghihina, basa ang gilid ng kanyang noo, at tila lumulutang ang kanyang mga mata sa kalituhan.
Huminga siya nang malalim at kumuha ng papel mula sa drawer. Inilabas niya ang resulta ng pregnancy test. Pumunta siya sa ospital kaninang hapon dahil sa pananakit ng tiyan, at doon niya nalaman na siya ay buntis. Nakagugulat, hindi niya inaasahan. Pilit niyang binalikan ang mga pangyayari noong nakaraang buwan, at naalala niya nang ihatid siya ni Allen pauwi matapos ang isang cocktail party.
Sa harap ng kanilang bahay, habang nasa pintuan sila, biglang nagtanong si Allen kung ligtas ba ito. Ang ibig niyang malaman ay kung ang oras ng kanilang pagniniig ay nasa tinatawag na "safe period," ang mga araw na sinasabing mababa ang chance na mabuntis.
Ngunit napagtanto ni Isabel na hindi pala ganun katiyak ang "safe period." Kahit na sinunod nila ang mga patakaran ng kalendaryo, hindi pa rin nila matitiyak na hindi magreresulta ito sa pagbubuntis. Sa kabila ng kanilang pag-iingat, nabuntis pa rin si Isabel, na nagdulot sa kanya ng pagkabigla at pag-aalala.
Patuloy pa rin ang tunog ng tubig mula sa banyo, kung saan naliligo ang kanyang asawa, na siya ring kanyang boss at ang presidente ng Alvarez Incorporated. Dalawang taon na silang kasal, pero patago ang kanilang pagsasama, bunga ng isang aksidenteng dulot ng kalasingan na humantong sa kanila sa isang gabing magkasama. Nang magkasakit ang lolo ni Allen, nag propose ito ng isang pekeng kasal para matupad ang hiling ng kanyang lolo na makita siyang nagtataguyod ng pamilya. Pumirma sila ng prenuptial agreement, at itinago ang kanilang kasal sa opisina, na may kasunduang maaari itong tapusin anumang oras.
Parang napakalaking biyaya ang bumagsak kay Isabel. Hindi niya inakala na mapapakasalan niya ang lalaking lihim niyang minahal ng walong taon, kaya agad siyang pumayag sa kasunduan.
Mula nang sila'y ikasal, sobrang abala si Allen, madalas wala sa loob ng halos isang buwan. Ngunit kahit ganon, sa loob ng dalawang taon, walang ibang babae sa buhay niya, wala siyang nabalitaan. Maliban sa malamig na pakikitungo ni Allen ay perpekto ang kanyang asawa.
Muli niyang tiningnan ang resulta ng pregnancy test a kanyang kamay, may halong tamis at pangamba. Nagpasya siyang sabihin ito kay Allen, pati na rin ang matagal na niyang nararamdaman para dito. Biglang huminto ang tunog ng tubig mula sa banyo.
Tumunog ang telepono ni Allen, kaya't lumabas ito mula sa banyo na nakatapis lang, at sinagot ang tawag sa terrace. Tiningnan ni Isabel ang oras at napagtanto na lagpas hatinggabi na. May kung anong kaba ang bumalot sa kanya.
Sino kaya ang tatawag nang ganito ka-late?
Nang matapos ang tawag, bumalik si Allen sa loob ng silid. Agad nitong hinubad ang tuwalya at nagsimulang magbihis. Napakaganda ng katawan nito, six pack abs, malalakas na braso, at para bang isa siyang imahe ng isang perkpektong lalaki. Kahit na nakita na niya ito nang maraming beses, namula pa rin ang kanyang pisngi at bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"Matulog ka na," sabi nito, malamig ang boses, habang tinatali ang kanyang neck tie. Walang makikitang emosyon sa mukha ni Allen, blanko lamang ito at tila walang pakialam.
Nakaramdam ng kaunting pagkadismaya si Isabel. Lalabas na naman ba siya? Nag-alangan siya, hawak pa rin ang resulta ng pregnancy test.
"Gabing-gabi na." Ani ni Isabel, hindi na niya napigilang magsalita.
Saglit na tumigil si Allen, bago ito lumapit at pinisil ang kanyang tenga, isang bihirang pagpapakita ng lambing.
"Sleep tight tonight" Bahagya itong nakangiti.
Namula ang mukha ni Isabel, bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ngunit baago pa siya makapagsalita, binitiwan na siya ni Allen.
"Magpahinga ka na, may kailangan pa akong gawin. Huwag mo na akong hintayin." Mabilis niyang sabi at akmang lalabas na ito ng silid.
"A-Allen” Pag-aalinlangan na tawag ni Isabel, pigil ang boses ngunit napahinto nito ang asawa.
Napalingon si Allen, nagtataka ang mukha at matalim ang tingin.
"May problema ba?" tanong nito, malamig ang boses na tila nagdulot ng kaunting lamig sa silid.
Nakaramdam ng bigat sa dibdib si Isabel, pilit na inipon ang lakas ng loob para magsalita. Hindi niya malaman kung magtatanong ba siya or sasabihin niya ang katotohanan. Huminga siya ng malalim, kumukuha ng lakas ng loob.
"S-saan ka pupunta?" Tanong niya.
Hindi mapigilan ni Isabel na magtanong. Kakauwi lang din kasi ni Allen mula sa tatlong araw na business trip at ngayon ay aalis na naman ito. Lagpas hating gabi na, wala na naman sigurong opisina sa ganitong oras.
"Importante lang" mabilis na sagot ni Allen, walang kasiguraduhan.
“Hindi ba maaring ipagpabukas?” Nagbabakasaling tanong niya. Nami-miss na niya ang asawa at gusto niya itong makatabi ngayong gabi.
“I need to go” Sagot ni Allen pagkatapos ng isang buntong hininga, at agad nang umalis.
Nang maiwan siyang mag-isa, hindi siya makatulog. Kinakabahan siya at balisa ang isip. Napagdesisyonan niyang bumangon para uminom ng gatas. Habang iniinom ito, napansin niya ang isang notification ng balita sa kanyang telepono.Wala siyang interes sa mga balitang showbiz, ngunit may pamilyar na pangalan na bumungad sa dito. Sa sobrang pagka-usisa, pinindot niya ito.
Habang nagloload ang pahina, lalong bumilis ang tibok ng puso ni Isabel. Naningkit ang kanyang mata sa imaheng nakita, isang babae na nakapulopot ang braso sa lalaking nakaitim na polo. Nasa airport sila at parang kakarating lang ng babae galing sa ibang bansa.
Kung titignan mo sila, para silang magkasintahan na nagkita muli sa haba ng panahon. Inaalalayan ito ng lalaki at dala ang kanyang maleta gamit ang isang kamay. Kumonot ang noo ni Isabel nang dahan-dahang niyang makilala ang ginoo.
Nanlamig ang buo niyang katawan sa nakita. Kilala niya ang lalaking nandon, kahit nakatalikod at tila hindi ganon kalinaw ang imahe nito. Hindi siya maaring magkamali.
“A-allen……” Sambit ni Isabel habang ang puso ay unti-unting nadudurog.
Kakabalik lang ni Victoria Montenegro sa Pilipinas, isa itong sikat na designer na nagtratrabaho sa New York. Unang beses siyang nakita sa airport kasama ang isang misteryosong lalaki. Sa mga litratong kumalat online, suot ni Victoria ang isang fisherman's hat na nagtatago ng kanyang mukha, habang ang lalaking kasama niya ay naka itim na polo. Kahit na malabo ang imahe, halata na maganda ang tindig ng lalaki.Hindi man ganon kalinaw ang imahe ngunit kilala niya ang tindig ng lalaki. Umalingawngaw ang malakas na ingay sa kanyang ulo nang makita si Allen sa screen.Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Parang may mabigat na batong bumagsak sa kanyang puso. Tumakbo ang mga tanong sa isip niya.Ito ba ang dahilan kung bakit niya kinansela ang meeting noong hapon? Para sunduin ang ex-girlfriend niyang si Victoria? tanong niya sa sarili habang ang takot sa kanyang dibdib ay lalong tumindi.Nanginginig ang kanyang mga kamay nang hindi sinasadyang pindutin niya ang contact ni Allen sa ka
Bumukas ang pinto at bumungad si Gabriel, nanlaki ang mga mata nito at tila hindi na nakakapagsalita ulit. Halatang hindi ito mapakali. Napalunok ito at binuksan ng malaki ang pinto.Mahigpit na kinuyom ni Isabel ang kanyang mga kamao, inaayos ang sariling nararamdaman. Pinipilit niyang umaktong normal, na para bang hindi siya dinurog ng mga salitang narinig niya kanina.“Magandang umaga, Mr. Lopez” Magalang na bati niya kay Gab.Dinaanan niya ito at iniabot ang mga dokumento kay Allen. Nakaupo ang kanyang asawa sa swivel chair, suot ang mamahaling suit na lalong nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan. Pero hindi niya maiwasang mapansin na hindi iyon ang suot niya kagabi."Magandang Umaga, Mr. Alvarez” Bati niya sa asawa. Sanay naman siya sa pormal na pakikitungo niya sa asawa simula noong nagtatrabaho siya, ngunit hindi niya parin maiwasang mailang. “Morning” Sagot ni Allen, sinundan ito ng buntong hininga.“Nandito na po ang marketing report. Kailangan niyong pirmahan." Sabi ni Isabel
PARANG nabingi si Isabel sa narinig mula sa kanyang Asawa. Rules and regulations?Aniya sa isipan. Kahit kailangan hindi siya sumuway sa patakaran sa opisina lalo na ang gumawa ng gulo dahil alam niyang ayaw ni Allen non. “I know sir and I followed” Depensa niya sa kanyang sarili. Nakakunot ang kaniyang kilay habang tinitingnan si Allen. “I never want to start a war” Dagdag pa niya. “Never want to start a war!? Look at me!” Sigaw muli ni Marga, tinuturo pa ang sarili sa parang kaawa-awa talaga siya. Nakaagaw ng atensyon ang sigaw ni Marga, kaya naman pinigilan siya ni Allen. Kahit hindi nakatingin ang ibang empleyado at patuloy na nagtra-trabaho, alam niyang nakamasid ito sa eksenang hatid nila. Bumuntong hininga si Isabel nang maisip niya na paguusapan na naman siya ng mga ito. “Miss Fajardo, apologize” Tugon ni Allen na naging dahila niya para manghina. Hindi niya matanggap na papaniwalaan niya si Marga ngayon. Kahit noon paman alam na niyang ito palagi ang gumagawa ng gulo. Is
“Ma’am, saan po tayo pupunta?”Biglang natauhan si Isabel nang tanongin siya ng taxi driver. Ang lalim ng kanyang iniisip, maraming tanong na gusto niya ng kasagutan ngunit alam niyang wala siyang karapatan.“Avida Village po kuya” Maikling sagot niya.May bahay siyang binili sa Avida pagkatapos ng kasal nila ni Allen. Isa rin itong bunga ng kanyang pagtratrabaho sa kompanya. Gusto niyang magkaroon ng sariling bahay dahil alam niyang kailangan niya ng oras mag isa.Wala siyang ganang umuwi ng bahay nila ni Allen ngayong gabi. Alam din naman niyang wala siyang maaabutan na anino ng asawa doon dahil panigurado ay hindi na naman ito uuwi. Sigurad siyang kung hindi trabaho ay ang ex-girlfriend lang nito ang inaatupag. At labis siyang nasasaktan sa katotohanan na iyon.Nakarating siya sa Avida matapos ang ilang minuto. Agad siyang umakyat sa terrace para mag isip. Hindi niya maiwasang isipin kung mayroon pa bang pupuntahan ang pagsasama nila ni Allen. Ngayong alam na niyang bumalik ang kas
Natigilan si Isabel sa asta ng asawa. Hindi niya inaasahang maglalambing ito, ngunit tila hindi niya rin maintindihan ang nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. Isang musika sa tenga ang marinig na gusto ni Allen na manatili sa kanya pero parang siya mismo ay ayawa niya.Hindi niya maintindihan ang nararamdaman pero ang alam niya ay hindi na ganon ka tindi ang saya sa mga salita ni Allen, kung siguro ay ganito siya noong mga nakaraang araw, matutuwa siya sa asal nito ngayon.Nakatitig parin sila sa isa’t isa pero agad naman umiwas ng tingin si Isabel. Nasasakal siya, parang hindi makahinga. Agad niyang ipinasok ang telepono sa bulsa para hindi ito muling mapansin ni Allen.Tumalikod siya at bumuntong hininga ng malalim.“Let’s stop this, Allen......” Mahinang bulong niya sa asawa, wala sakanya ang tingin, “Nakakapagod na, paulit ulit nalang tayo. Walang patutunguhan itong relasyon na ito” Dagdag pa niya.Naramdaman niyang lumayo si Allen sakanya. Bumuntong hininga siyang muli at daha
“Bianca, narito na ang papel na kailangan mo”Inabot ni Isabel ang papel kay Bianca nang makapasok ito sa office ni Allen. Agad naman itong tinaggap ng sekretarya na may ngiti sa labi. Ngumiti ng matamis si Isabel pabalik, hindi niya nakikita ang mga ngiting galing kay Bianca sa ibang emplyado, it was pure and genuine.“Naku! Salamat talaga Isabel, kung hindi dahil sa tulong mo malamang hindi natapos ang marketing report this month!?” Ani Bianca, mukhang stress na stress na dahil sa dami ng trabaho.“It was nothing, Bianca. Wala naman akong ibang ginagawa dito, alam mo naman iyon” Ngiting pabalik ni Isabel.Natigilan siya nang biglang tumayo si Bianca at yumakap sa kanya. Hindi niya iyon inaasahan, lalo na at sa empleyado pa. Wala naming masamang relasyon sila ngunit hindi din ito masasabing ganon kaganda, ang pagyakap sakanya nito at tila nagbibigay sa kanya ng relief na at least may nakaka appreciate pa sakanya sa opisina.“Thank you talaga!” Parang kinikilig na sabi nitong muli ba
“It’s settled then, we’ll have the turn over program by the end of the month!”Isang malakas na palakpakan ang marinig sa boung café ng Luxe dahil sa pagpayag ni Mr. Edward na padaliin ang pagbibigay ng katungkolan kay Allen. Hindi naman ito nakakagulat dahil alam naman nilang one of these days ay si Allen na ang bagong CEO ng Alvarez Incorporated.This is just a formal announcement para sa council and board members, na silang magkakapamilya lang din ngunit medyo malayo na sa dugo.“That would be great, Mr. Edward. Allen will definitely take care of the company like you did, if not, then better” Ani ng isang board member.Napangiwi si Isabel. Hindi naman disagreed si Isabel don dahil magaling naman talaga si Allen. Walang kupas ang kanyang skills and capabilities, the one that made her do the face ay dahil sa pasimpleng pagkapit ni Victoria sa bras oni Allen nang pinuri ito.Hindi mapigilang mainis ni Isabel na nakikitang ginagampanan nito ang pagiging asawa, na dapat siya ang gumagaw
Natapos ang meeting nang maayos. Kinausap din ni Mr. Edward patungkol sa nangyari, humingi pa ito ng despensa sa kanya dahil ayaw niya daw trumato ng hindi maganda sa mga empleyado. Isa daw itong turo ng lolo ni Allen.Alam naman ni Isabel na wala siyang karapatan na magpataas ng kanyang pride dito dahil una sa lahat empleyado lamang siya. Isinantabi ni Isabel ang pagpapahiya sa kanya sa harap ng mga taong may matataas na posisyon. Ipinagtanggol naman niya ang sarili na, dahil walang gagawa nito kung hind siya lang, kahit si Allen ay walang magagawa nito.“Isabel!”Paalis na sana siya ng lugar ngunit may tumawag sa kanya kaya napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. It was Bianca, nagkakandarapang tumatakbo papunta sa kanya, may malaking ngiti sa labi kahit hirap na hirap itong tumakbo dahil sa heels niya.“Madadapa ka…” Natatawang ani ni Isabel sakanya.“Wag ka munang umalis, naghanda si sir Allen para sa mga empleyado niya ng dinner!” Sumisigaw ito kahit malapit na sila sa isa’t