Share

Kabanata 002

Kakabalik lang ni Victoria Montenegro sa Pilipinas, isa itong sikat na designer na nagtratrabaho sa New York. Unang beses siyang nakita sa airport kasama ang isang misteryosong lalaki. Sa mga litratong kumalat online, suot ni Victoria ang isang fisherman's hat na nagtatago ng kanyang mukha, habang ang lalaking kasama niya ay naka itim na polo. Kahit na malabo ang imahe, halata na maganda ang tindig ng lalaki.

Hindi man ganon kalinaw ang imahe ngunit kilala niya ang tindig ng lalaki. Umalingawngaw ang malakas na ingay sa kanyang ulo nang makita si Allen sa screen.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Parang may mabigat na batong bumagsak sa kanyang puso. Tumakbo ang mga tanong sa isip niya.

Ito ba ang dahilan kung bakit niya kinansela ang meeting noong hapon? Para sunduin ang ex-girlfriend niyang si Victoria?  tanong niya sa sarili habang ang takot sa kanyang dibdib ay lalong tumindi.

Nanginginig ang kanyang mga kamay nang hindi sinasadyang pindutin niya ang contact ni Allen sa kanyang telepono. Agad niyang naisip na ibaba ang tawag before he could answer it, pero huli na.

"Hello?” Isang malambing at pamilyar na boses ang narinig niya mula sa kabilang linya.

Napasinghap si Isabel, para bang bumagsak ang buong mundo sa kanyang balikat. Hindi na niya kailangang mag-isip pa kasi siguradong babae ang nasa kabilang linya. Parang nawala ang hangin sa paligid niya, para siyang naging bato, nakatayo lang at hindi makagalaw. Tila huminto ang oras at ang bawat segundo'y mas mabigat kaysa sa nauna. Gusto niyang magsalita, pero parang natuyo ang kanyang lalamunan. Sa kabila ng sakit at kirot, walang salita ang kayang niyang ilabas ng kanyang mga labi.

Bigla niyang nabitawan ang telepono at bumagsak ito sa sahig.

Napakasama ng pakiramdam niya. Sa kabila ng pagsamasama nila ni Allen, hindi niya ito narinig o napaghinalaan na mayroong babae. Ngunit sa mga oras na iyon, she realized that Allen truly don’t have a new girl, instead, he keeps on going back to his ex-girlfriend, Victoria.

Kinabukasan, pumasok si Isabel sa trabaho sa tamang oras, kahit na magulo ang kanyang damdamin. Simula nang ikasal sila ni Allen, gusto ni Allen na manatili na lang si Isabel sa bahay, ngunit labag ito sa kanyang loob at nais pa rin niyang magtrabaho.

Sa huli, pumayag si Allen, ngunit bilang kapalit, naging personal assistant niya si Isabel. Binigyan siya ng trabahong limitado sa mga simpleng gawain tulad ng paghahanda ng tsaa at pag-aasikaso ng mga gagawin niya araw-araw. Ang mas mabibigat na responsibilidad ay iniwan kay Bianca, ang special assistant ni Allen.

Walang nakakaalam sa kumpanya ng totoong relasyon ni nila ni Allen, maliban kay Bianca. Ang opisina ng presidente ay kilala na puro lalaki lang ang assistant, kaya si Isabel lang ang nag-iisang babae sa loob ng dalawang taon. Dahil dito, kumalat ang mga hinala sa mga kasamahan niya. Nagtataka sila kung mayroong espesyal na relasyon sila ni Allen na dahilan kung bakit siya nagtatrabaho doon.

Sa kabila ng mga bulong at mapanuring tingin, tiniis ni Isabel ang lahat. Natutunan niyang ibaba ang kanyang ulo at mag-focus na lang sa kanyang trabaho, binabalewala ang mga salita sa paligid niya.

Habang patuloy na nagtrabaho si Isabel, isang kasamahan ang lumapit sa kanya at inabutan siya ng mga dokumento.

"Isa, pwede mo ba itong dalhin kay sir Allen?" tanong ng kasamahan, na hindi man lang tumingin sa kanya.

Tumango si Isabel kahit may mabigat ang puso. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang mga nangyari noong gabing iyon. Hindi umuwi si Allen, at hindi rin siya nakatulog, puno ng mga tanong.

Magkasama ba sila buong gabi ng babaeng iyon? Ang mga tanong na ito ay parang mga tinik na patuloy na sumasakit habang iniisip niya.

Labis ang kaba niya pagpasok sa elevator. Tiniyak niya sa sarili na anuman ang mangyari, kailangan niya ng paliwanag para sa galing kay Allen. Asawa siya nito at kahit ito ay peke lamang, mahal niya si Allen, mahigit sampung taon na niya itong ginugusto.

Bago pa siya malunod sa pagiisip, bumukas ang elevator. Bago siya lumabas, inayos niya ang kanyang buhok upang siguraduhin na presentable ang kanyang hitsura. Nang makarating siya sa pintuan ng opisina ng Allen, siya ay huminto ng saglit nang marinig ang isang boses mula sa hindi nakaawang na pinto. 

"Bro, gusto mo ba si Isabel?" tanong ni Gabriel, pinaka inaasahng pinsan ni Allen. Ang boses niya ay may halong pag-usisa, ngunit may kaunting sarkismo na naririnig sa tono.

Kumunot ang noo ni Isabel nang marinig ang kanyang pangalan.

"What do you mean now, Gab?" Malamig ngunit may bahid na pagkairita na tanong ni Allen.

Napangiti ng bahagya si Isabel dahil sa naging reaksyon ng kanyang asawa. Alam niyang mainitin ang ulo nito lalo na sa pinsan niyang walang ibang ginagawa kundi ang asarin siya. Parang nasanay na si Isabel sa lahat ng posibleng reaksyon ni Allen, na tila ba alam na niya ang bawat galaw nito bago pa ito mangyari.

Bumuntong hininga si Gabriel at tumingala sa ceiling, nagmumukhang nag-iisip. Inaasar niya si Allen dahil alam niyang galitin ito.

 "Sa tingin ko, maganda si Isabel. Isn’t she your type?" Aniya ni Gab, habang mapaglarong nakangisi.

"Gusto mo bang ipakilala kita sa kanya?"

”Gago ka!” Tumawa si Gabriel, na tila nag-uumapaw sa sarkismo.

Hindi niya maiwasang maramdaman ang kirot sa kanyang puso. Napagtanto niyang wala talagang pakialam si Allen sakanya. Talaga bang pinamimigay niya ako? Tanong niya sa sarili.

Ang kanyang mga kamay na humahawak sa dokumento ay nanginginig, ang malamig na palad ay nagpapakita ng matinding pag-aalala. Tila ang bawat salitang iyon ay nagpapalakas ng sakit sa kanyang dibdib, na hindi niya mapigilan.

Kahit na ang usapan ay tila wala nang pakialam kay Isabel, ang mga tinig na narinig niya sa likod ng pinto ay tila sinisira ang kanyang katahimikan.

"Pero pre” Narinig niyang nagsalita muli si Gabriel. ”Yung nag viral na balita tungkol kay Victoria... ikaw yun, diba?" Dagdag nito.

Napasinghap si Isabel, gusto niya ring marinig ang mga sagot ni Allen kahit alam niyang hindi pa siya handa. Nais niyang mawalan ng pandinig sa mga oras na iyon ngunit gusto niya ring malinawan.

"I suppose” Sagot ni Allen, hindi nagbigay ng diretsong sagot sa pinsan. Malamig parin ang boses nito ngunit may gustong ipahiwatig.

"Pambihira, handa kang gawin ang lahat para mapasaya siya. Kasama mo siya buong gabi, diba?" Diretsong sagot ni Gab, walang pagdadalawang isip.

Ang mga salitang iyon ay tumama tulad ng isang malakas na suntok sa sikmura kay Isabel. Ang mundo ay biglang naging malabo at ang kanyang mukha ay namutla. Ang usapang pagkakasama buong gabi nina Allen at Victoria ay parang nagpatigil ng kanyang paghinga. Hindi niya ito matanggap, napakasakit at tila pinapatay siya.

Hindi niya na kayang tiisin ang sakit. Nanggigilid ang kanyang mga luha. Tila nawala ang kanyang kakayahang mag-isip nang malinaw, at ang lahat ng mga tunog sa kanyang paligid ay nagiging malabo. Nang sinusubukan niyang umiwas, biglang bumukas ang pinto.

“I-isabel?” Natutulirong pagtawag sa kanyang pangalan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status