Share

Kabanata 004

PARANG nabingi si Isabel sa narinig mula sa kanyang Asawa. 

Rules and regulations?Aniya sa isipan. Kahit kailangan hindi siya sumuway sa patakaran sa opisina lalo na ang gumawa ng gulo dahil alam niyang ayaw ni Allen non. 

“I know sir and I followed” Depensa niya sa kanyang sarili. Nakakunot ang kaniyang kilay habang tinitingnan si Allen. “I never want to start a war” Dagdag pa niya. 

“Never want to start a war!? Look at me!” Sigaw muli ni Marga, tinuturo pa ang sarili sa parang kaawa-awa talaga siya. 

Nakaagaw ng atensyon ang sigaw ni Marga, kaya naman pinigilan siya ni Allen. Kahit hindi nakatingin ang ibang empleyado at patuloy na nagtra-trabaho, alam niyang nakamasid ito sa eksenang hatid nila. Bumuntong hininga si Isabel nang maisip niya na paguusapan na naman siya ng mga ito. 

“Miss Fajardo, apologize” Tugon ni Allen na naging dahila niya para manghina. Hindi niya matanggap na papaniwalaan niya si Marga ngayon. Kahit noon paman alam na niyang ito palagi ang gumagawa ng gulo. 

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Isabel. Labag sa kalooban niyang sundin si Allen, sapagkat alam niyang wala siyang ginawang masama, ngunit sa kabilang banda, ayaw na din niya ng gulo pa. Tama na lahat ng nangyari sa araw na ito, wala nang ikakasira pa ng araw niya. 

“Humihingi ako ng tawad, Miss Alvarez” Malamig na tugon ni Isabel at bahangyang tumungo. Hindi niya naiwasang makita na nakangisi si Margaret sa kanyang ginawa. 

Muli niyang tiningnan si Allen, ngunit ngayon ay hindi lamang sakit ang makikita sa kanyang mga mata, kundi ang galit at pagsisisi. Ang pagod na dinaranas niya mula sa araw na iyon at higit pa, mula pa kagabi ay tila bumabalot sa kanya ng isang mabigat na pasanin.

Ang mga pangyayari na natuklasan niya mula sa telepono, ang paguusap na narinig niya sa opisina ni Allen, at ngayon ang panghihingi niya ng tawad para sa kasalanan na hindi niya ginawa. Lahat ng ito ay tila naglalagay ng isang hindi malilimutang marka sa kanyang buhay.

“Thank you, Miss Fajardo” Tugon ni Allen pero wala siyang reaksyon dito. “Marga, go home now. Dad told me you are not supposed to be here” Dadgdag niya at tiningnan si Margaret. 

Agad naman sumunod si Marga sa nakakatandang kapatid at nilampasan si Isabel. Napapikit na laman siya nang marinig muling magsalita si Marga laban sa kanya, ngunit hindi na niya ito sinagot pa. 

Pagkatapos umalis ni Marga, sumunod naman siya, walang paalam kay Allen o kahit isang salita man lang ang binigkas.

 Napagod siya. Pagod na pagod na siya. 

“Miss Alvarez, see me at my office” Biglang sabi ni Allen. Humarap si Isabel muli pero umalis na si Allen, pabalik sa kanyang opisina. 

Sa pagkakataong iyon, sinunod ni Isabel ang kanyang sarili at binalewala ang utos ni ng kanyang asawa. Ito ang unang pagkakataon na sinuway niya si Allen dahil ayaw niya muna itong kausapin. Wala na siyang lakas ng loob na kausapin pa ito dahil para na siyang mauubos. 

Dumiretso si Isabel sa kanyang opisina at muling nagtrabaho. Gusto niyang mabaling sa ibang bagay ang kanyang atensyon kahit naririnig niya ang usapan ng ibang empleyado. Hindi nagtagal ay natapos si Isabel sa kanyang mga ginagawa at napasyahang mag cr muna. 

Habang nasa banyo, nakatanggap siya ng message mula kay Danica, ang kanyang pinsan na kasalukuyang nagbabantay sa kanyang lola na nasa ospital. Bumuntong hininga siya nang tanongin siya nit kung kailangan siya makakabisita. Sobrang busy kasi ni Isabel at nawala ito sa kanyang isipan. 

Habang naghuhugas siya ng kamay ay biglang bumukas ang pintoan. Hindi niya ito tiningnan sa pagaakalang kasamahan niya ito sa trabaho. Ayaw na niya ng tanong at mga salita, pagod na siya at gusto nalang umuwi.

“Since when did you dare to disobey me?” 

Isang malamig ngunit may awtoridad na boses ang narinig niya mula sa likuran. Inangat ni Isabel ang tingin sa salamin at nakita ang repleksyon ni Allen na nakasandal sa pintoan ng cubicle. Napalunok si Isabel at pinatay ang agos ng gripo. 

“Sabi ko sumunod ka sa opisina diba?” Tanong ni Allen. 

”Wag muna ngayon, Allen” Mabilis na sagot ni Isabel na nagpakunot ng kilay ni Allen. “Pagod ako, nakakapagod” Buong puso niyang sagot. 

Aalis na sana siya ngunit hinawakan siya ni Allen sa balikat. Naramdaman niya ang init ng palad ni Allen na nagpatigil sa kanya. 

“I want to talk now-

“Allen ano ba?” Binunot ni Isabel ang kanyang kamay pabalik. “Tama na, nakakapagod na Allen. Hindi pa ba sapat yung mga nangyari sa araw na to? Hanggang kailan mo ba ako gustong ?” Dagdag niya. 

Nahagip ni Isabel kung paano nagulat si Allen dahil sa sagot niya. Kahit kailan ay hindi siya sumasagot kay dito, tahimik lang siya at sumusunod sa mga sinasabi ni Allen. Pero sa pagkakataong ito, tila gusto niyang ilabas ang sama ng loob niya sa kahit anong paraan. 

”Sige ano bang pag uusapan pa natin?” Tanong niya, may halong sarkismo ang mga tinig. “Kung paano mo ako sinisi sa kasalanang hindi ko ginawa, Allen?” Aniya. 

Nagiwas ng tingin si Allen ngunit gumagalaw ang mga panga nito, para bang galit pero may kaonting pagsisisi. 

“Nothing” Sagot naman ni Allen. Napahawak ng ulo si Isabel sa sagot niya, hindi niya maintindahan ang asawa. 

Naputol ang tensyon sa pagitan nila nang biglang tumunog ang telepono ni Allen. Agad niya itong sinagot ng walag pagaalinlangan at tila nagmamadali. Umalis ito ang iniwan siya sa banyo mag-isa. 

Napagpasyahan ni Isabel na pumunta sa kanyang lola at bumisita dito. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nong huli niyamg bisita dito. Dumating siya sa hospital na may dalang mga prutas. Kinamusta niya ito at ang kanyang pinsan. 

Hindi na naman malubha ang sakit ng kanyang lola ngunit kailangan pa rin ito ng monitoring ng mga doctor. Nang makatulog na ang kanyang lola, umalis na si Isabel ng ward at naghintay ng masasakyan sa labas. 

May nakita siyang itim na sasakyan na nagpark sa di kalayuan. Pamilyar ito sakanya kaya di niya maalis ang tingin dito. Bumukas ang pinto at napasinghap siya nang makita si Allen. 

“Anong ginagawa niya rito?” Aniya sa sarili. 

Pinagmasdan laman ni Isabel si Allen nang umikot ito sa kabilang pinto ng sasakyan. Biglang natigilan si Isabel nang makita na inalalayan ni Allen ang isang pamilyar na babae habang lumalabas ito ng sasakyan. 

Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdam. Ito ba ang tumawag sakanya sa telepono kanina na til nagmamadali siya? Parati ba silang magkasama? Bigla sumikip ang dibdib ni Isabel nang nakilala niya ang babae.

Victoria Montenegro, ang kaisa-isahang ex girlfriend ni Allen na kailangan man ay hindi niya malubayan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status