Share

Kabanata 006

Natigilan si Isabel sa asta ng asawa. Hindi niya inaasahang maglalambing ito, ngunit tila hindi niya rin maintindihan ang nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. Isang musika sa tenga ang marinig na gusto ni Allen na manatili sa kanya pero parang siya mismo ay ayawa niya.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman pero ang alam niya ay hindi na ganon ka tindi ang saya sa mga salita ni Allen, kung siguro ay ganito siya noong mga nakaraang araw, matutuwa siya sa asal nito ngayon.

Nakatitig parin sila sa isa’t isa pero agad naman umiwas ng tingin si Isabel. Nasasakal siya, parang hindi makahinga. Agad niyang ipinasok ang telepono sa bulsa para hindi ito muling mapansin ni Allen.

Tumalikod siya at bumuntong hininga ng malalim.

“Let’s stop this, Allen......” Mahinang bulong niya sa asawa, wala sakanya ang tingin, “Nakakapagod na, paulit ulit nalang tayo. Walang patutunguhan itong relasyon na ito” Dagdag pa niya.

Naramdaman niyang lumayo si Allen sakanya. Bumuntong hininga siyang muli at dahan-dahang hinarap ito. Nakatitig lang si Allen sa kanya, parang hindi makapaniwala sa mga salitang binanggit niya.

‘‘Relasyon?” Naguguluhang tanong ni Allen. “Nakalimutan mo na ba ang kasunduan?” Dagdag nito.

Tila nawala sa huwisyo si Isabel nang pinaalahanan siya ni Allen sa kasunduan nila. Parang nanuyo ang lalamunan niya at hindi makapagsalita.

Tama nga, mula pa sa simula, napakalinaw ng usapan nila, isang kasunduang kasal, no emotions involve bukod sa kanilang pagsasama sa kama. Sa mata ng iba, wala silang koneksyon maliban sa trabaho.

Binansagan na heir si Allen ng napakamayaman na kompanya, walang ibang makakapag patuloy ng image na sinimulan ng kanyang ama at lolo kung hindi ay siya lamang, he is capable and had the ability to do so. Sa puntong ito, alam ni Isabel na kayang-kaya ni Allen na talikoran siya kung hindi dahil sa kasunduan.

Napakagat si Isabel ng kanyang labi, nakailang lunok siya bago tumango.

“Right, may kasunduan nga tayo” Ani ni Isabel. “Pasensya na at natawag ko itong relasyon, Sir Allen” dagdag pa niya, tila may sakrismo sa mga pananlita.

“Isabel-

“Umuwi ka na po, sir Allen. May trabaho ka pa bukas, lisanin mo na ang Avida” Pagputol niya sa sasabihin sana ng asawa.

Pagkasabi niya ng mga salitang iyon, hindi napigilan ni Isabel ang mga luhang dumaloy mula sa kanyang namumulang mga mata.

Paano ba siya hindi masasaktan? Ang lalaking ito ang siyang naging mundo niya sa loob ng sampung taon, ang tanging taong minahal niya ng buong puso, ng walang pag-aalinlangan.

Ngunit kahit gaano kasakit, kailangan niyang ipilit sa sariling bitawan ito. Hindi na niya kayang magpatuloy sa pagkapit sa isang relasyong walang laman, isang relasyong unti-unting kumikitil sa kanyang pagkatao. Kailangan niyang piliin ang sarili, kahit na ang kapalit nito ay ang pagkawala ng taong minahal niya higit pa sa sarili niya.

Ayaw niyang dumating ang araw na magmukha siyang isang trahedya, na tila isang katawa-tawa sa sariling mga mata—nag-aabang ng pagmamahal mula sa isang taong hindi naman siya kayang mahalin pabalik

Nasanay na siyang tiisin ang mga maliliit na pagkadismaya ni Isabel paminsan-minsan, ngunit sa pagkakataong ito, pakiramdam niya'y talagang nasagad na ang kanyang pasensya. Lumampas na ito sa hangganan na kaya niyang palampasin.

Muli niyang tiningnan si Allen ngunit nang makita niya ang mga luhang namuo sa mga mata ni Isabel, biglang lumambot ang kanyang tono. Sa halip na galit, bumaba ang kanyang boses.

““If this is about Victoria-

“Wala siyang kinalaman dito, sir Allen. Mas mainam na umuwi ka na....” Pagputol niya dito.

Hindi niya maipagkailang may kinalaman si Victoria sa lahat ng ito, pero hindi siya ang tanging hadlang sa pagitan nila. Maraming pagkakataon na nakita na ni Mingxi na tila wala nang patutunguhan ang kanilang relasyon, kahit noong wala pa si Victoria sa Pilipinas.

Naramdaman niya ang distansyang hindi mapaliwanag, ang paglamig ng mga damdamin na kahit anong pilit niyang ayusin, hindi na kayang ibalik sa dati.

Sobrang pagod na kanyang nararamdaman kaya’t agad siyang tumalikod, pupunta na sana ng kama. Nakakaramdam siya ng matinding pagkakahilo at parang matutumba na siya.

Hindi naman natuwa si Allen sa malamig na pakikitungo ni Isabel, kaya’t hinablot niya ito pabalik at kinulong sa mga yakap niya. Siniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ni Isabel, tila muling naglalambing.

“Wag mo akong awayin” Ani nito, mahina at malumanay ang boses.

Magsasalita na sana si Isabel ngunit biglang pumiglas si Allen, tinignan siya habang may kunot sa noo.

“Nilalagnat ka?” Tanong nito, nagaalala at tila galit na naman.

May hindi maipaliwanag na tensyon na bumalot sa paligid.

Lalo na sa mga kilos ni Allen, na tila handa siyang halikan anumang sandali. Ramdam ni Mingxi ang bigat ng sitwasyon, at tila bumagal ang kanyang pag-iisip. Nang mapansin niyang napakalapit na nila sa isa't isa, agad niyang itinulak ang dibdib ng lalaki upang magbigay ng distansya.

Ganito nalang ba talaga ang gusto ni Allen sa kanila? Tila gusto niyang painitin ang katawan sa gabing iyon. Hindi mapigilan ni Isabel na isipin ang sabi ni Marga, na isa lamang siyang pampainit sa kama.

Bago pa siya makalayo, mahigpit siyang niyakap ni Fu Siyan.

“Bakit ka umiwas?” Malamig ang ekspresyon sa kanyang mukha, at ang kanyang boses ay mababa, halos isang bulong.

“A-anong ginagawa mo?” Alinlangan niyang tanong nang buhatin siya ni Allen.

“You need to be check by a doctor” Sabi ng asawa.

Nanlaki ang mata ni Isabel at agad na bumalik ang kanyang diwa. Alam niyang kapag binigyan siya ng dextrose, nanganganib ang maliit na buhay na nasa kanyang sinapupunan!

Kahit hindi pa tanggap ng lahat ang sanggol na ito, habang nasa kanya pa ito, siya ang ina at may tungkulin siyang protektahan ito, anuman ang mangyari. Nagpumiglas siyang makawala mula sa matitibay na bisig ni Allen, pero sobrang lakas nito at hindi niya kayang tumakas mula sa mahigpit na yakap ng lalaki.

"Kapag may sakit, kailangan mo ng doktor," madiing sabi ni Allen, hindi alintana ang kanyang pagtutol.

Walang patid ang kanyang mga hakbang patungo sa pinto, buhat si Isabel na halos tumalon ang puso sa kaba. Sa takot at desperasyon, hinawakan ni Isabel ang braso ni Allen.

"Hindi ako pwedeng pumunta sa ospital!" Pasigaw na sabi niya.

“Why not?” Napatigil rin si Allen sa paglalakad at taking-taka.

“B-because there’s something you need to know…..” Kinakabahang ani ni Isabel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status