Share

Kabanata 005

“Ma’am, saan po tayo pupunta?”

Biglang natauhan si Isabel nang tanongin siya ng taxi driver. Ang lalim ng kanyang iniisip, maraming tanong na gusto niya ng kasagutan ngunit alam niyang wala siyang karapatan.

“Avida Village po kuya” Maikling sagot niya.

May bahay siyang binili sa Avida pagkatapos ng kasal nila ni Allen. Isa rin itong bunga ng kanyang pagtratrabaho sa kompanya. Gusto niyang magkaroon ng sariling bahay dahil alam niyang kailangan niya ng oras mag isa.

Wala siyang ganang umuwi ng bahay nila ni Allen ngayong gabi. Alam din naman niyang wala siyang maaabutan na anino ng asawa doon dahil panigurado ay hindi na naman ito uuwi. Sigurad siyang kung hindi trabaho ay ang ex-girlfriend lang nito ang inaatupag. At labis siyang nasasaktan sa katotohanan na iyon.

Nakarating siya sa Avida matapos ang ilang minuto. Agad siyang umakyat sa terrace para mag isip. Hindi niya maiwasang isipin kung mayroon pa bang pupuntahan ang pagsasama nila ni Allen. Ngayong alam na niyang bumalik ang kasintahan nito, mas lalong nawalan siya ng pag-asang mamahalin siya ni Allen pabalik.

Iilang buntong hininga ang napakawalan niya. Para bang nakiramay ang ulan sa kanya, bigla siyang napaisip kung ano nga ba ang dapat niyang gawin. Hindi man lang siya nakatanggap ng paliwanang galing kay Allen tungkol sa pagkawala niya noong nakaraang gabi. Dagdagan pa ng paguusap na narinig niya mula sa opisina at ang alitan nila ni Marga.

Tila lahat ng pangyayari ay hindi niya masikmura. Ano ba itong nangyayari sakin? Aniya sa sarili. Naguguluhan na siya at hindi na niya alam ang nangyayari. Parang binagsakan siya ng langit at lupa.

Pagod na pagod na siya.

Ang dalawang taon na pagsasama nila ay napalitan lamang sa isang araw na paguwi ni Victoria. Hindi niya lubos maisip na kayang kaya ni Allen iwan siya para sa ibang babae. Siya na asawa ni Allen.

Bumuntong hininga si Isabel at napagpasyahang pumasok na ng kwarto. Wala siyang ibang magagawa kundi ang iligtas ang sarili sa kalungkutan. Walang pakialam si Allen sakanya, kaya’t dapat alagaan niya ang sarili.

Nagayos si Isabel ng sarili para matulog. Ngunit hindi pa man siya nakasampak sa kama ay biglang may kumatok sa pintoan. Napakunot ang kilay ni Isabel, nagtataka kung sino ang bibisita sa kanya ng ganitong oras.

Bumaba siya ng kwarto at binuksan at pinto. Sa hindi inaasahan ay bumungad si Allen sakanya, basang-basa sa ulan.

His sleeves were messily rolled up, and the collar of his shirt had two buttons undone, sumisilip ang kanyang leeg at magandang figure ng kanyang collarbone.

“I’ve been looking for you…..” Bungad nito, medyo hiningal pa. Tiningnan niya ang relo at muling tinitigan si Isabel. “It’s been two hours” Dagdag nito.

Umuwi ng tahanan si Allen at nadatnan na wala si Isabel, kahit anino o bakas man lang. He tried calling Bianca kung nasa opisina pa ba si ang asawa, ngunit nabigo siya dahil matagal na daw itong nakaalis. Nag-aalala siya dahil hindi naging maganda ang usapan nila bago siya tuluyang umalis.

“Bakit na narito?” Tanong ni Isabel. Sa  pagkakataong iyon, nagtataka siya sa mga kilos ni Allen. Sa una ay magkasama sila ni Victoria ngunit ngayon, nandito na naman ito ang hinahanap siya.

“We will go home, Isa” Sabi ni Allen.

Maganda sana sa pandinig ang pagbigkas ni Allen sa kanyang mga pangalan ngunit ngayon ay naiinis siya. Naiinis siya sa hindi malamang dahilan, iniisip niyang isa itong symptoms ng pagbubuntis. Ngnunit alam niyang mayroon pang mga dahilan kung bakit magkahalo halo ang kanyang nararamdaman.

“Ayoko, Allen” Diretsong sagot naman niya. “Kung gusto mo umuwi, hindi kita pipigilan. Hayaan mo muna ako dito.” Dadgdag pa nito.

Naguguluhang tumingin si Allen sa kanya, tila hindi makapaniwala sa sagot ng asawa. Hindi ito kailangan sumuway sa kanyang sinasabi, mabait ito at parating sumusunod.

“What? You are coming home with me” Sagot ni Allen, akmang hahawakan siya sa kamay ngunit agad siyang lumayo.

“Allen pwede ba? Tama na oh, napapagod na akong intindihin lahat”

Sa unang pagkakataon, tumaas ang boses ni Isabel. Hindi niya maiwasang mabigla sa sarili ngunit alam niyang kailangan niyang ilabas ang sama ng loob. Kung hindi ngayon, kailangan pa? Hanggang sa mabaliw siya kakaisip sa mga pangyayari?

“Allen, I’m really tired of this shit” Ani ni Isabel, tumalikod mula sa asawa upang hindi makaramdam ng guilt. “Pagod na akong unawain kung ano ba talaga ako dito? Am I really just a compliance to your responsibilities? Hindi mo nga maipagtanggol ang tama kanina. Nagmumukha akong tanga!” Dagdag niya.

Walang sagot na galing kay Allen, ang tanging narinig niya lang ay ang pagbukas at pagsira ng pinto. Ramdam pa din niya ang presensya ni Allen mula sa likoran, tila ba napakalakas nito at hindi niya maiwasan.

“It’s not like that” Rinig niyang bulong ni Allen.

“Then what Allen?” Inis na tanong ni Isabel.

“I’m trying to figure things out, okay?” Sabi ni Allen.

Napasinghap nalang si Isabel at tumalikod muli, nasa mga bewang niya ang kanyang kamay at nakatingala sa ceiling. Bigla siyang nawalan ng pag-asa sa lahat ng bagay na namamagitan nila ni Allen. Tama nga siya, wala siyang ibang role sa buhay nito kundi ang magpanggap.

Nabasag ang katahimikan nang biglang tumonog ang telepono ni Isabel. At dahil nasa coffee table ito malapit kung saan si Allen, hindi niya maiwasang tingnan kung sino ang tumatawag sa asawa.

“Why does an OBGYN calling you?” Tanong ni Allen.

Biglang napalitan ng matinding kaba ang kaninang galit ni Isabel. Hindi siya mapakali at nag dadalawang isip kung ano ang isasagot niya dito. Hindi nga niya alam kung kukunin ba niya ang telepono o hindi.

Bakit ba kasi tumatawag si doc ng ganitong oras? Tanong niya sa isipan.

”S-si Danica, ginawa niya akong emergency contact” Pagsisinungaling niya at bigla hinalbot ang telepono. Huminga ng malalim si Isabel at nag iwas ng tingin.

Hindi maaring malaman ni Allen na buntis siya sa ganitong sitwasyon nila. Maaga pa at sobrang gulo ng nangyayari sa paligid kaya mainam na itago muna niya ito.

“Is she pregnant?” Napapikit ng mata si Isabel sa narinig.

”Umuwi ka na Allen....” Sagot niya dito, binalewala ang tanong ng kanyang asawa.

Hindi kumibo ang asawa pero ramdam niyang lumapit ito sa kanya. Nanindig ang balahibo ni Isabel ng hawakan siya ni Allen sa braso, hinihimas ito, tila ba naglalambing. Bumuntong hininga si Isabel at buong tapang na hinarap si Allen.

“I’ll stay with you…..” Aniya ni Allen habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status