Natapos ang meeting nang maayos. Kinausap din ni Mr. Edward patungkol sa nangyari, humingi pa ito ng despensa sa kanya dahil ayaw niya daw trumato ng hindi maganda sa mga empleyado. Isa daw itong turo ng lolo ni Allen.Alam naman ni Isabel na wala siyang karapatan na magpataas ng kanyang pride dito dahil una sa lahat empleyado lamang siya. Isinantabi ni Isabel ang pagpapahiya sa kanya sa harap ng mga taong may matataas na posisyon. Ipinagtanggol naman niya ang sarili na, dahil walang gagawa nito kung hind siya lang, kahit si Allen ay walang magagawa nito.“Isabel!”Paalis na sana siya ng lugar ngunit may tumawag sa kanya kaya napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. It was Bianca, nagkakandarapang tumatakbo papunta sa kanya, may malaking ngiti sa labi kahit hirap na hirap itong tumakbo dahil sa heels niya.“Madadapa ka…” Natatawang ani ni Isabel sakanya.“Wag ka munang umalis, naghanda si sir Allen para sa mga empleyado niya ng dinner!” Sumisigaw ito kahit malapit na sila sa isa’t
Nakatayo si Isabel na parang nakatulala, habang ang eksena sa kanyang harapan ay dahan-dahang nagiging masakit. Ang tanawin ni Allen, ang kanyang asawa, at si Victoria, ang babaeng minsang naghari sa kanyang puso, na magkasama sa isang malapit na pag-uusap sa madilim na koridor, ay tila nagpupunit ng kanyang dibdib sa matinding sakit. Ang kanilang pagiging malapit, ang pamilyar na paggalaw, ay isang masakit na paalala ng mga bagay na wala na siya o marahil, ay hindi pa niya talaga nakuha.Hinawakan ni Allen ang braso ni Victoria nang magaan, ang kanyang tinig ay mahinahon at tahimik habang nagsasalita. Hindi marinig ni Isabel ang mga salita, ngunit ang kabigatan ng kanilang kilos ay sapat na upang magdulot ng isang malalim na kirot sa kanyang puso. Para bang ang lahat ng pangarap at pag-asa niya sa kanilang pag-aasawa ay nawawala sa harapan ng kanyang mga mata.Hindi matanggap ni Isabel ang pagkakaroon ni Victoria ng ganitong pabor, lalo na ngayon na si Victoria ang tila nasa harap ni
Nakatulala si Isabel, hinaharap ang mga damit niyang nasa maleta. Lalong dumadami ang mga bagay sa kanyang isip, tila hindi na niya mawari kung ano ba ang nararapat gawin. Ngunit sa kabila ng kalitohan ay alam niyang ayaw mun ana makasama si Allen. “Allen will never see me the way I see him” Aniya sa sarili, tuluyang nawalan ng pag-asa sa kanilang dalawa.Hindi niya alam kung ilang beses na siyang huminga ng malalim bago tuluyang pumunta sa kusina. Ngayon ay nasa bahay siya nila Allen, nagbabalot ng mga gamit dahil nais na muna niyang huminga. Nasagad na ang pagod niya at gusto na muna niyang umalis.Habang patuloy siyang nagbabalot ay hindi mawala ang scenario na nakita niya kanina sa cafe. Akala niya kasi nagkakamabutihan na sila ni Allen, na kahit hindi naman ganon kalalim ang kanilang pagkakaintindihan matapos ang gabing ayaw umuwi ni Allen mula sa Avida, naramdaman niya na may progress ito.Nakaramdam siya ng pag-asa sa gabing iyon, nagbabakasakaling dumating ang panahon na ting
“Let’s get a divorce……”A linya ni Isabel ay nagpatigil kay Allen, bigla siyang nakaramdam ng matinding pag-aalala sa sinabi ng asawa. Hindi rin mawala sa isip niya ang biglaang pag-confess nito sakanya. Tinitigan niya lamang ang likod ni Isabel habang ito’y nakaharap sa bintana ng silid nila.May kabang hindi maintindihan si Allen, isang pakiramdam na hindi niya matukoy ngunit ang alam niya ay ito ang unang beses na naramdaman niya iyon. Matinding kaba at sobrang pagaalala ang nararamdaman niya.Sa kabilang banda, nakakaramdam ng pagkabalisa si Isabel. Hindi niya lubos maisip na binitawan niya ang mga salitang kahit kailan ay wala sa plano. Alam niyang malaking impact ito sakanila, lalo na sa kanya dahil ayaw naman talaga niyang mawalay kay Allen ngunit dahil sa sitwasyon ngayon ay tila ito ang kailangan nila.Alam ni Isabel na pagsisisihan niyang sinabi niya iyon dahil mahal na mahal niya ang asawa ngunit hindi na niya matiis ang mixed signals nito, hindi na niya kaya ang mga nangya
“Congratulation, Mrs. Alvarez, you are pregnant!” Nakahiga sa kama si Isabel. Paulit-ulit na naririnig niya sa isip ang mga sinabi ng doktor kaninang hapon. Halos limang linggo na siyang nagdadalang-tao. Nakagugulat ang balita dahil maingat naman sila palagi. Pero heto na nga siya, buntis. Naputol lamang ang kanyang pagiisip nang kalabitin siya ni Allen, ang kanyang asawa. May bahid na pag-alala ang mukha nito habang tinitignan siya, tila ba may sinisigurado. “What are you thinking?” Tanong nito. Hindi makapagsalita si Isabel at natutok lamang siya sa nakakaakit na mga mata nito. Parang mga bituin na naglalaro ng mga kislap sa langit, ang mga kulay ay nakakakalunod, nagdudulot ng lalim na pagkaka-akit na halos hindi niya maialis ang paningin.Hindi niya nagawang makasagot dahil hinawak ni Allen ang likod ng kanyang ulo at mariing hinalikan ang kanyang noo. Ang halik ay mariin, parang sinusubukang ayusin ang naguguluhan niyang isipan. Walang kapantay ang presensya na hatid ng kanya
Kakabalik lang ni Victoria Montenegro sa Pilipinas, isa itong sikat na designer na nagtratrabaho sa New York. Unang beses siyang nakita sa airport kasama ang isang misteryosong lalaki. Sa mga litratong kumalat online, suot ni Victoria ang isang fisherman's hat na nagtatago ng kanyang mukha, habang ang lalaking kasama niya ay naka itim na polo. Kahit na malabo ang imahe, halata na maganda ang tindig ng lalaki.Hindi man ganon kalinaw ang imahe ngunit kilala niya ang tindig ng lalaki. Umalingawngaw ang malakas na ingay sa kanyang ulo nang makita si Allen sa screen.Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Parang may mabigat na batong bumagsak sa kanyang puso. Tumakbo ang mga tanong sa isip niya.Ito ba ang dahilan kung bakit niya kinansela ang meeting noong hapon? Para sunduin ang ex-girlfriend niyang si Victoria? tanong niya sa sarili habang ang takot sa kanyang dibdib ay lalong tumindi.Nanginginig ang kanyang mga kamay nang hindi sinasadyang pindutin niya ang contact ni Allen sa ka
Bumukas ang pinto at bumungad si Gabriel, nanlaki ang mga mata nito at tila hindi na nakakapagsalita ulit. Halatang hindi ito mapakali. Napalunok ito at binuksan ng malaki ang pinto.Mahigpit na kinuyom ni Isabel ang kanyang mga kamao, inaayos ang sariling nararamdaman. Pinipilit niyang umaktong normal, na para bang hindi siya dinurog ng mga salitang narinig niya kanina.“Magandang umaga, Mr. Lopez” Magalang na bati niya kay Gab.Dinaanan niya ito at iniabot ang mga dokumento kay Allen. Nakaupo ang kanyang asawa sa swivel chair, suot ang mamahaling suit na lalong nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan. Pero hindi niya maiwasang mapansin na hindi iyon ang suot niya kagabi."Magandang Umaga, Mr. Alvarez” Bati niya sa asawa. Sanay naman siya sa pormal na pakikitungo niya sa asawa simula noong nagtatrabaho siya, ngunit hindi niya parin maiwasang mailang. “Morning” Sagot ni Allen, sinundan ito ng buntong hininga.“Nandito na po ang marketing report. Kailangan niyong pirmahan." Sabi ni Isabel
PARANG nabingi si Isabel sa narinig mula sa kanyang Asawa. Rules and regulations?Aniya sa isipan. Kahit kailangan hindi siya sumuway sa patakaran sa opisina lalo na ang gumawa ng gulo dahil alam niyang ayaw ni Allen non. “I know sir and I followed” Depensa niya sa kanyang sarili. Nakakunot ang kaniyang kilay habang tinitingnan si Allen. “I never want to start a war” Dagdag pa niya. “Never want to start a war!? Look at me!” Sigaw muli ni Marga, tinuturo pa ang sarili sa parang kaawa-awa talaga siya. Nakaagaw ng atensyon ang sigaw ni Marga, kaya naman pinigilan siya ni Allen. Kahit hindi nakatingin ang ibang empleyado at patuloy na nagtra-trabaho, alam niyang nakamasid ito sa eksenang hatid nila. Bumuntong hininga si Isabel nang maisip niya na paguusapan na naman siya ng mga ito. “Miss Fajardo, apologize” Tugon ni Allen na naging dahila niya para manghina. Hindi niya matanggap na papaniwalaan niya si Marga ngayon. Kahit noon paman alam na niyang ito palagi ang gumagawa ng gulo. Is