Share

Kabanata 003

Bumukas ang pinto at bumungad si Gabriel, nanlaki ang mga mata nito at tila hindi na nakakapagsalita ulit. Halatang hindi ito mapakali. Napalunok ito at binuksan ng malaki ang pinto.

Mahigpit na kinuyom ni Isabel ang kanyang mga kamao, inaayos ang sariling nararamdaman. Pinipilit niyang umaktong normal, na para bang hindi siya dinurog ng mga salitang narinig niya kanina.

“Magandang umaga, Mr. Lopez” Magalang na bati niya kay Gab.

Dinaanan niya ito at iniabot ang mga dokumento kay Allen. Nakaupo ang kanyang asawa sa swivel chair, suot ang mamahaling suit na lalong nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan. Pero hindi niya maiwasang mapansin na hindi iyon ang suot niya kagabi.

"Magandang Umaga, Mr. Alvarez” Bati niya sa asawa. Sanay naman siya sa pormal na pakikitungo niya sa asawa simula noong nagtatrabaho siya, ngunit hindi niya parin maiwasang mailang. 

“Morning” Sagot ni Allen, sinundan ito ng buntong hininga.

“Nandito na po ang marketing report. Kailangan niyong pirmahan." Sabi ni Isabel at inangat ang tingin para makita ang mukha ng asawa.

Walang ekspresyon si Allen habang pinirmahan ang mga papeles at ibinalik ito sa kanya.

“Thank you. I’ll send this to the marketing team right away, sir” Aniya at tumalikod. Ngunit hindi paman siya nakahakbang nang bigla siyang tinawag ni Allen ulit.

“Isabel”

Napalunok siya sa kaba pero hindi niya maiwasang makaramdam ng kuryente sa kanyang buong katawan dahil sa napakagandang pagbigkas ng kanyang pangalan.

Walang makakatumbas sa paraan ng pagbigkas ni Allen sa kanyang pangalan. Para itong musika sa mga tenga at tila gusto niyang paulit-ulit itong marining.

“S-sir?” Kabadong sagot niya at humarap muli.

Nagkatagpo ang kanilang mga mata. Wala siyang mabasa na emosyon sa mga mata ni Allen pero nagkapagtataka na may bahid ng pagaalala na nakikita niya rito.

Sasabihin ba niya sakin ang tungkol kagabi? Tanong niya sa kanyang isipan. 

“Are you evedropping us?” Tanong ni Allen, na naging dahilan sa pagkawala ng pag-asang makuha ang mga sagot na bumabagabag sa kanyang isip.

Kinakabahang umiling si Isabel. Hiniling niya rin sanang hindi niya narinig ang lahat ng sinabi ni Allen at kung paano siya nito ipinamimigay sa kanyang pinsan. Labis ang hapdi na nararamdam niya nang mapagtanto na wala lang siya para kay Allen at kahit dalawang taon na silang kasal at magkasama sa iisang bubong ay hindi parin siya natutunang mahalin nito.

“K-kararating ko lang po” Aniya ni Isabel at napalunok.

”Good” Sagot ni Allen. ”You may leave now” Dagdag nito at umiwas ng tingin.

Agad namang lumabas si Isabel nang walang pagdadalwang isip. Kailangan niyang makalabas ng office ni Allen para makahinga.

"Grabe, kinabahan ako don ah! Akala ko pa naman narinig niya tayo!" Nang mawala na si Isabel, saka pa lang nag-salita si Gabriel.

Hindi sumagot si Allen at ibinaling ang tingin sa pintuan kung saan lumabas ang kanyang asawa. Alam niyang si Isabel ay tahimik lang, ngunit sa mga oras na iyon pansin niyang may bumabagabag sa utak ng asawa, nadagdagan pa sa salitang narinig niya.

Pagkarating sa elevator, agad na pumatak ang mga luha ni Isabel. Dalawang taon na silang magkasama. Akala niya sapat na ang panahong iyon para mapansin ni Allen ang kanyang pagmamahal. Pero mali pala siya. Ang lahat ng iyon ay imahinasyon lang niya.

Lumabas siya sa elevator at tila bumalik na sa normal, pero kapansin-pansin ang labis na pamumutla ng kanyang mukha.

Pinilit niyang pumasok sa pantry para gumawa ng tsaa, nagbabakasakaling kumalma siya.

"Nabalitaan niyo ba? Bumalik na raw sa bansa si Victoria”

Hindi maiwasang marinig ni Isabel ang paguusap ng mga empleyado. Lahat nalang ng usapang ayaw niyang marinig ay gumagawa ng paraan na lumapit sakanya.

"Sino yun?"

"Hindi mo siya kilala? Siya lang naman ang anak ng Montenegro Group, at isa ring senior designer. Pero ang pinakaimportante, siya lang ang kaisa-isang girlfriend na inamin ni sir Allen. Sabi nga nila, siya rin daw ang first love!"

Habang nagtitimpla ng tsaa ay napapikit na lamang si Isabel sa narinig. Hindi niya maiwasang bumuntong hininga ng napakalalim. First love huh? Aniya sa isipan.

"Eh di ba may chismis na si sir Allen at Isabel ay may relasyon?" Tanong ng isa pa.

“Si Isabel? Wala namang inamin si sir Allen.”

“Baka isa lang siya sa babae ni sir Allen”

Mapait na ngumiti si Isabel. Alam niyang mas halata ng lahat ang sitwasyon nila kaysa sa kanya. Siya lang ang nagiging bulag sa katotohanan dahil ayaw niya itong tanggapin. Hindi niya matanggap na naging asawa lang siya nito dahil kailangan at hindi kagustohan.

“Oh, Allen’s wife is now awake from her dreams?”

May narinig siyang pamilyar na boses mula sa likuran. Hindi lang ito pamilyar, kinaiinisan pa niya ang presensya nito. Margaret Alvarez, half sister ni Allen at hindi sila nagkakasundo nito simula sa unang araw ng kanilang pagkikita. Palagi siyang gumagawa ng mga tsismis sa opisina tungkol sa kanya, siya ang nagpasimuno nito.

“Wag ngayon, Marga” Ani ni Isabel. Ayaw niya ang nakikipagtalo sa trabaho, lalo na at ayaw ni Allen ng gulo.

Tumalikod si Isabel ngunit hinarang siya Margaret. Tiningnan siya nito ng mapanlait ang mapangasar. Maliban sakanila ni Allen, siya lamang ang nakakaalam na mag-asawa sila, kabilang siya sa mga tao na nandoon sa panahon na nagkasakit ang kanilang lolo.

“Oh no, Victoria is now back” Mapagpanggap na pagaalala ni Marga. “Do you still think Allen will sleep beside you” Nakangisi niyang tanong.

Hindi siya pinansin ni Isabel. Sapat na ang lahat ng narinig niya ngayong araw, wala na siyang lakas ng loob na dagdagan pa iyon, hindi mula kay Margaret na walang ginawa kundi ang asarin at siraan siya.

“Don’t waste your time with this nonsense, Marga” Malamig na tugon ni Isabel. “May mas importante pa tayong trabaho na kailangan pagbigyan pansin” Dagdag niya.

Biglang tumawa ng malakas si Margaret, para bang narinig niya ang pinaka nakakatawang biro sa buong mundo. Kumuha si Margaret ng kape at tiningnan siyang nakangisi.

“Shouldn’t we acknowledge your performance in bed? Doon mo nakuha si Allen diba?!” Ani ni Marga, napakalakas ng boses nito.

Bumuntong hininga si Isabel.

“Bakit ang dami mong sinasabi, Marga? Diba’t anak ka lamang sa labas” Sumagot niya, binitawa ang mga salitang nagpapakulo ng dugo ni Marga.

Hindi siya nagkamali, nagbago ang reaksyon nito. Mula sa mapangasar, naging malamig at unti-unting nawawala ang ngiti sa labi.

“How dare you!?” Sigaw ni Marga kasabay ng napakalakas na sampal. 

Napangiwi si Isabel sa sakit ngunit hindi niya namalayang nabitawan niya ang tsaa at natapon ito sa damit ni Marga. 

“What the fuck!?” Sigaw ni Marga habang tinitingnan ang kanyang damit.

Walang gulo na mangyayari kung tinantanan lamang siya nito simula kanina. Ngunit hindi nagpapatalo si Margaret. Magsasalita na sana si Isabel ngunit may biglang dumating mula sa likuran.

“Brother Allen!” Tawag ni Marga at tumakbo na parang bata sa kapatid. “She intentionally poured her tea on me!” Sumbong niya.

Tiningnan niya si Allen, waiting for his reaction. Alam niyang hindi ito maniniwala kay Marga dahil mahilig itong gumagawa ng kwento noon paman. Sigurado siyang papanigan siya ni Allen dahil siya ang palaging pinapanigan pagdating kay Marga.

Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Allen.

“Ms. Isabel Fajardo, don't you remember the company's rules and regulations?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status