Palinga-linga si Rhea sa magkabilang gilid ng daan sa pag-asam na makahahanap siya ng palatandaang malapit na siya sa lugar na nais niyang puntahan. Mag-aalas onse na ng tanghali ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay laman pa rin siya ng kalsada. Ni hindi niya man lang alam kung malapit na ba siya sa patutunguhan o malayo pa. Patungo siya sa bayan ng San Nicholas. Mula sa Kamaynilaan kung saan sila nakatira ay bumiyahe siya patungo sa lugar na iyon. At ang pagsadya niya sa naturang bayan ay dahil sa iisang rason--- ang sundan ang kanyang inang si Rebecca na halos tatlong buwan na niyang hindi nakikita. Biyuda na ang kanyang ina. Her father died because of heart failure four years ago. She found it so hard to move on especially that she had been so close to her father ever since. Maging ang kanyang ina ay ganoon din. Alam niya kung gaano nito kamahal ang kanyang ama at nasaksihan niya kung paano ito nasaktan nang mawala ang kanilang padre de pamilya. Hanggang sa napansin niyang
Tuloy-tuloy na naglakad si Sergio papasok sa kanilang bahay. Mula sa restaurant kung saan niya kinatagpo si Charlie ay dumiretso na siya ng uwi sa rancho na pag-aari ng kanilang pamilya, ang Rancho Arganza. Malawak na lupain iyon na kilalang-kilala sa buong San Nicholas. Ang kanyang abuelo, ang ama ng kanyang papa, ang nagsimula niyon. Napalago iyon ng kanyang lolo dahil na rin sa husay nito sa pamamahala. Mayroon silang iba't ibang alaga sa Rancho Arganza. Sa pagdaan ng mga taon, mas nadagdagan pa ang mga hayop na inaalagaan nila sa kanilang lupain. Ang ilan doon ay naibebenta pa nila, hindi lang sa San Nicholas kundi maging sa ibang karating bayan. Maliban sa paghahayupan, iba't ibang pananim din ang pinagkakakitaan ng kanyang pamilya. Lahat ng iyon ay magkatulong nilang inaasikaso ng kanyang Uncle Fabian... at Uncle Richard. "Welcome back, hijo..." Agad na natigilan si Sergio sa paglalakad nang marinig niya ang tinig na iyon--- ang kanyang Uncle Fabian. May malawak itong ngit
Marahang inihinto ni Rhea ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan nang makita na niya ang malaking arko kung saan nakalagay ang pangalan ng lugar na kanina niya pa hinahanap--- ang Rancho Arganza. Malayo pa lang ay mababasa na iyon na sadyang aagaw ng atensyon ninumang dadaan sa naturang kalsada.Tuluyan na siyang lumapit sa may arko at marahang bumusina upang makuha ang atensyon ng guwardiyang nakabantay doon. Nang lumingon ito ay mabilis na lumabas ng kanyang kotse si Rhea at naglakad palapit sa puwesto ng lalaki."Magandang hapon," bati niya nang makalapit."Yes, Ma'am?" tipid nitong tanong."Obviously, this is Rancho Arganza. I just want to ask... nariyan ba si F-Fabian Arganza?""Ano ho ang kailangan ninyo kay Sir Fabian? At ano ho ang pangalan niyo, Ma'am?" magkasunod nitong tanong.She swallowed hard and smiled at him. Naging alanganin pa ang pagngiting ginawa niya. "A-Actually, I am looking for Rebecca. Hindi ko alam kung kilala mo siya... Rebecca Sanchez?""Si Ma'am Rebecca, an
Nakatuon ang mga mata ni Rhea sa mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Nakamasid siya roon ngunit ang isipan niya ay nasa mga taong kasama niya nang mga oras na iyon. Kasalukuyan silang nasa may patio ng bahay ng mga Arganza. Matapos niyang sundan papasok ang kanyang ina at si Fabian ay inaya siya ng mga ito roon. Isang masaganang meryenda nga ang inihain ng mga ito para sa kanya.Maraming inihain ang mga ito pero wala man lang kinuha si Rhea kahit isa. Maliban sa hindi pa siya nagugutom, ang atensyon niya ay nakatuon sa kung paano niya mapahihinuhod ang kanyang ina na sumama na sa kanya pauwi ng Manila."Don't you like the food, 'nak?" pukaw ni Rebecca sa pananahimik niya.Rhea raised her head and met her mother's eyes. Masuyo itong nakatitig sa kanya at bakas sa mukha nito ang kasiyahan dahil nagkita sila ulit. Kailanman ay hindi pa nangyari na nagkahiwalay sila nang matagal. Ngayon pa lang talaga at iyon ay dahil sa lalaking bagong karelasyon nito.Rhea's eyes darted to Fabian. Magkata
Marahang iniunat ni Rhea ang kanyang katawan habang nakahiga pa rin at nakapikit ang kanyang mga mata. Nang tuluyang magising ang kanyang diwa ay tuluyan na siyang nagmulat saka iginala ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan niya.Ibang-iba iyon sa kanyang silid sa bahay nila sa Manila. Her own room was full air-conditioned. Ang silid na kinaroroonan niya ngayon, though, may air-con din naman ngunit hindi iyon nakabukas. Naalala niyang hindi niya pinagkaabalahang buksan iyon kagabi pagkapasok niya sa kuwarto. Mas pinili niyang maglinis na lang ng kanyang katawan at pagkabihis. Pagkatapos, binuksan niya ang sliding door sa may teresa saka natulog na.And in fairness, she has fallen asleep easily. Hindi niya alam kung dahil iyon sa pagod mula sa pagmamaneho patungong San Nicholas, o dahil sa sariwang hangin na pumapasok sa silid na inookupa niya.Marahan na siyang naupo sa kama. Hindi niya pa maiwasang maisip ang kanyang ina. Kagabi, pagkahapunan ay sinamahan siya nito
"Welcome sa kuwadra ng aming rancho, Rhea," wika ni Sergio sa kanya. Inilahad pa nito ang mga kamay na para bang ipinapakita sa kanya ang kanilang kinaroroonan.Rhea roamed her eyes around the place. Matapos makapag-almusal ay isinama nga siya ni Sergio sa kuwadra kung saan hindi niya mabilang kung ilang hayop ang naroon. Iba't iba ang mga alaga ng mga Arganza. Hindi niya pa nga maiwasang mamangha habang iginagala ang kanyang paningin sa buong paligid.Ilang kabayo ang nakakulong sa kuwadra. Hindi lang basta-bastang kabayo ang mga naroon. Nahihinuha niyang ang ilan doon ay galing pa sa ibang bansa. Stallions! May stallions ang mga Arganza! Alam niyang kung hindi nabibilang sa maaalwan na pamilya ay nunca makabibili ng ganoong mga alaga.Ilang metro naman mula sa kuwadra ay ang malawak na koral ng iba pang mga hayop. May mga baka at kambing na nanginginain sa malawak na damuhan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya mabilang kung ilan ang mga baka at kambing na nakakalat roon. The
"Let us stop this," saad ni Sergio sabay ng marahas na pagtayo. Ang ginawa niya ay naging dahilan para tingalain siya ni Rhea. Bakas sa mukha nito ang pagkalito dahil sa ikinilos niya."W-What?" tanong nito sabay bitiw sa baka. "M-May mali ba sa ginawa ko?"Damn! Hindi mapigilan ni Sergio ang mapamura ulit sa kanyang isipan. Rhea didn't have any idea what was happening on him. Kahit siya mismo ay hindi rin maunawaan kung bakit ganoon na lang ang naging epekto sa kanya ng pagmasid lang sa ginagawa ng dalaga. He was turned on, he wouldn't deny it."Umuwi na tayo," aniya sa seryosong tinig. Pilit niya pang hinamig ang kanyang sarili bago tumalikod na sa dalaga."Umuwi?" naguguluhang tanong ni Rhea. Tumayo na rin ito at mabilis na sumunod sa kanya. Nasa may bukana na sila ng kulungan nang maabutan siya nito. "Wait, Sergio. What is wrong with you? Hindi ba---""Iuuwi na kita," saad niya sabay harap sa dalaga."Why? Did I do something wrong? Nagawa ko naman, hindi ba?" Sumulyap pa ito sa ba
Halos naitulos sa kinatatayuan si Rhea pagkakita niya sa ginagawa nina Sergio at Armira. Hindi niya pa nga maiwasang may lumabas na mga salita mula sa kanyang bibig dahilan para kapwa mapalingon sa kanya ang dalawa.Sergio was shocked to see her. Agad nitong binitiwan si Armira at mabilis na isinara ang ilang butones ng suot nitong polo. Bukas na kasi ang unang tatlong butones niyon na marahil ay dahil na rin sa ginagawa ng mga ito. Kung hindi siya dumating ay alam niya kung saan hahantong ang tagpong naabutan niya.They were making out in a broad day! At bukas pa ang pinto?"I-I..." She couldn't find any word to say. Naroon lang siya, nakatayo at natitigilan habang nakatitig sa mga ito."Rhea..." sambit ni Sergio sa pangalan niya. Tuluyan din itong pumihit upang humarap sa kanya.Nakarehistro sa mukha ni Sergio ang pag-aalangan kung lalapitan ba siya o hindi. Para itong isang batang hindi malaman kung magpapaliwanag ba o hindi. Katulad niya ay waring wala itong maapuhap na salitang m