"Welcome sa kuwadra ng aming rancho, Rhea," wika ni Sergio sa kanya. Inilahad pa nito ang mga kamay na para bang ipinapakita sa kanya ang kanilang kinaroroonan.
Rhea roamed her eyes around the place. Matapos makapag-almusal ay isinama nga siya ni Sergio sa kuwadra kung saan hindi niya mabilang kung ilang hayop ang naroon. Iba't iba ang mga alaga ng mga Arganza. Hindi niya pa nga maiwasang mamangha habang iginagala ang kanyang paningin sa buong paligid. Ilang kabayo ang nakakulong sa kuwadra. Hindi lang basta-bastang kabayo ang mga naroon. Nahihinuha niyang ang ilan doon ay galing pa sa ibang bansa. Stallions! May stallions ang mga Arganza! Alam niyang kung hindi nabibilang sa maaalwan na pamilya ay nunca makabibili ng ganoong mga alaga. Ilang metro naman mula sa kuwadra ay ang malawak na koral ng iba pang mga hayop. May mga baka at kambing na nanginginain sa malawak na damuhan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya mabilang kung ilan ang mga baka at kambing na nakakalat roon. The place was so wide that she wondered if she could explore it in just a day. Malamang na sa malawak na damuhan ding iyon dinadala ang mga kabayo sa tuwing inilalabas ang mga iyon sa kuwadra. Mula nang dumating siya kahapon sa Rancho Arganza ay ngayon niya lamang napansin kung gaano kalawak ang lupaing mayroon ang pamilya nina Sergio. Napakalaki ng sakop ng buong rancho! "So, ngayong narito na tayo, gusto mo na bang simulan ang pagtulong sa akin?" Marahas na lumingon si Rhea kay Sergio. Hindi niya itinago ang yamot sa kanyang mukha nang marinig ang mga sinabi nito. "Sa paglinis ng kuwadra? Excuse me? You really think that I will help you?" mataray niyang sabi. Waring hindi naman naapektuhan ng pagtataray niya ang binata. Pilyo pa itong napangiti sabay hakbang palapit sa isang kulungan kung saan naroon ang dalawang baka. Hindi niya alam kung bakit hindi kasama ang dalawa sa ilang baka na nasa damuhan. "Sa kabila naman ng pagbabangayan natin, hindi ko naman ipipilit sa iyo na linisin ang kuwadra, Rhea. Marunong pa rin naman ako mag-estima ng bisita. Narito tayo dahil gusto kitang ipasyal sa rancho." "Wow!" she said exaggeratedly. "As if hindi ko alam kung bakit ka nagmadaling umalis tayo sa bahay ninyo at magtungo na agad dito. Halos kaladkarin mo nga ako pasakay sa sasakyan mo, hindi ba?" Dahil sa mga sinabi niya ay marahan itong natawa. "So, napansin mo pala?" "Yeah," maarte niyang sabi. "Sinadya mo, hindi ba? Sinadya mong isama talaga ako para walang pipigil sa pag-alis ni Mama at ng tiyuhin mo." "Dahil alam kong gagawin mo iyon," mabilis nitong sansala sa kanya. "Pipigilan mong makaalis ang mama mo. Paano? Gagawa ka ng rason para hindi nila maasikaso ang mga kailangan nila sa kanilang kasal? Para kang bata, Rhea." "How dare you!" she hissed with so much irritation. Halos hindi niya pa nga ubos ang kanyang kape kanina nang tumayo na ito at akayin siya palabas. Ito na rin ang nagpaalam kina Rebecca at Fabian. Ni hindi man lang siya binigyan nito ng pagkakataong makausap ang kanyang ina. Hawak siya sa kanyang braso ay naglakad na ang binata patungo sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Labis pang naguluhan sina Rebecca at Fabian sa palitan nila ng usapan ni Sergio kanina. Hindi kasi maiwasang magpatutsadahan silang dalawa. Nang-usisa pa ang dalawang nakatatanda pero kapwa na sila hindi sumagot ni Sergio. Nasisiguro niyang pagkaalis nila ni Sergio ay gagayak na rin ang dalawa paalis. Alam niyang magiging abala ang kanyang ina at si Fabian sa pag-aasikaso ng mga kakailanganin para sa planong kasal ng mga ito. At ang bagay na iyon ay nakadagdag pa sa yamot ni Rhea. Gusto niyang pigilan sa pag-alis ang kanyang ina. Hindi niya gustong sumama ito kay Fabian at maging abala sa paghahanda sa kasal ng mga ito. Pero ang balak niyang pagpigil sa kanyang ina ay hindi niya nagawa sapagkat agad na siyang inaaya ng antipatikong si Sergio. Hinawakan pa nga nito ang kanyang braso habang iginigiya palabas, wari bang nais talaga siyang ilayo sa magkasintahan. "Huwag mong sayangin ang panahon mo sa paggawa ng walang kabuluhang bagay, Rhea. Instead of wasting your time on ruining their wedding plans, why don't you just try to enjoy your stay here?" "How would I enjoy kung ikaw ang kasama ko?" halos pabulong niyang saad sabay titig sa dalawang bakang nasa loob ng kulungan. Sergio chuckled. Umabot sa pandinig nito ang mga sinabi niya. "Maraming pupuwedeng gawin kasama ako na siguradong ikae-enjoy mo." She looked at him abruptly. Halos panliitan niya ito ng mga mata. "Alam ba ng mama na ganyan kabastos ang bibig mo?" "May mali ba sa mga sinabi ko?" maang-maangan nito. He even faked a shocked expression. Nagpatuloy pa ito sa pagsasalita kasabay ng pagkuha ng dalawang lalagyan na kung saan nito gagamitin ay wala siyang ideya. "Ikaw lang ang naglalagay ng dobleng kahulugan sa mga sinasabi ko, Rhea." "Hindi ba't iyon naman---" Hindi niya na natapos pa ang ano mang sasabihin nang pabalang nitong iabot sa kanya ang isa sa mga lalagyang kinuha nito. Wala siyang napagpilian kung hindi ang kunin iyon sapagkat binitiwan agad ni Sergio ang naturang bagay. "What the hell, Sergio?!" "Kaysa magpagod ka katatalak diyan, tulungan mo na lang ako," anito. Humakbang na ito palapit sa kulungan ng baka. "Let us milk these two cows." "M-Milk? You will milk these cows?" "Tayong dalawa, Rhea," pagtatama nito. "Tayo ang gagawa nito." "I-I don't know how to milk a cow." "Tuturuan kita." She swallowed hard. Hindi niya alam kung paano gatasan ang bakang nasa harapan nila. Katunayan, bilang lumaki siya sa siyudad ay wala talaga siyang kaalam-alam na ano mang bagay tungkol sa mga hayop. Pero ang marinig ang mga sinabi ni Sergio ay parang nagdulot sa kanya ng excitement. Hindi niya pa nagawa ang ganoon pero gusto niyang masubukan. "So? Game?" untag nito sa pananahimik niya. "W-Won't that cow attack me?" natatakot niya pang tanong. Masusi niyang pinagmasdan ang dalawang baka. Nasa loob ang mga ito ng kulungan na ang harang ay hanggang sa kanyang dibdib dahilan para kita pa rin sa labas ang mga nakakulong na hayop. Malawak ang loob niyon na sa hinuha niya ay doon na rin gagawin ang sinasabi ni Sergio na paggatas. "Hindi mananakit ang hayop kung hindi rin masasaktan," saad nito sabay bukas na ng kulungan. Nagpatiuna ito sa pagpasok habang si Rhea ay hindi man lang kumilos para sundan ito. "Ikaw ba talaga ang gagawa niyan? Nasaan ang mga tauhan ninyo?" magkasunod niyang tanong, hindi pa rin tumitinag sa kanyang kinatatayuan. "Inako ko na ang paggawa nito dahil abala ang lahat sa pagkokopra at pag-ani ng mga mais," saad nito sabay turo ng bangkitong nasa tapat ng isang baka. " Come here," mariin nitong utos. May pag-aatubiling pinagmasdan ni Rhea si Sergio. She was torn between excitement because, somehow, she wanted to experience how to milk a cow. Pero hindi niya sana gustong gawin iyon sa harap ni Sergio. Hindi siya maalam sa ganoong bagay. Kapag nakita ng binata na wala siyang alam pagdating sa bagay na iyon ay baka pagtawanan pa siya nito. Knowing how sarcastic he is, gagamitin na naman nito iyong pang-alaska laban sa kanya. Pero kung tatanggihan niya naman ang hamon ng binata ay mas pagtatawanan siya nito. Kaya naman, sa huli ay inihakbang niya papasok ng kulungan ang kanyang mga paa. Nang ituro ni Sergio ang bangkitong nasa tabi ng baka ay naupo na siya roon. Halos mapaigtad pa siya nang bahagyang gumalaw ang bakang nasa harapan niya. "Relax," Sergio said. "Madali lang ito." "You are doing it by hand? Mukhang progresibo naman ang rancho ninyo, why not do it by machine?" hindi niya maiwasang itanong. Sergio smiled. "Mayroon talaga kami niyon. But don't you like to experience it by hand?" Her eyebrow arched. May makina naman palang maaaring gamitin pero talagang ipapagawa pa sa kanya nang mano-mano! "Laking Maynila ka, Rhea," maagap na wika ni Sergio. "This kind of experience will---" "Okay na... Okay na," halos paasik niyang sabi. "So, what should I do?" For a moment, Sergio stared at her intently. Seryoso ang ekspresyon sa mukha nito at wari bang hindi makapaniwalang tinanggap niya ang pinapagawa nito. Maya-maya ay hinamig nito ang sarili. Naupo na ito sa isang bangkitong katabi ng kinauupuan niya saka nagsalita. "Wrap your hands around its two teats," Sergio instructed. Napalunok pa muna siya bago iniangat na ang kanyang mga kamay. Ginawa niya ang mga sinabi ni Sergio. Ipinaikot niya ang kanyang dalawang kamay sa dalawang dede ng baka. "Not like that," mabilis na sabi ng binata na sadyang ikinalingon niya rito. "W-Why?" To her surprise, Sergio moved closer to her. Mabilis nitong hinawakan ang dalawang kamay niya at iginiya iyon sa dapat gawin. Damang-dama niya ang labis na pagkailang dahil sa kaisipan na magkadaiti na ang kanilang mga balat. "You should choose the diagonal teats. For example, the front left and the rear right," saad ni Sergio. Ipinuwesto nito nang tama ang mga kamay niya. "Grip the teats, Rhea, by placing them at the base of your palm and forefinger. Squeeze them downward." Hinigpitan ni Rhea ang pagkakahawak niya sa dalawang dede ng baka. Hindi niya maunawaan pero nakadarama siya ng labis na antisipasyon. Damdamin iyon na hindi niya alam kung para saan. Dahil ba sa nae-excite siya sa ginagawa o dahil sa kaalaman na halos magkadikit ang mga katawan nila ni Sergio? "Don't pull them, Rhea," awat nito nang makitang halos hilain na niya ang mga dede ng baka. "Just gently clamp each teat. Ganoon lang ang gawin mo hanggang sa may lumabas na gatas." "Oh, God, Sergio. I have never done this," aniya saka napaupo nang maayos. ***** MATAMANG napatitig si Sergio sa mukha ni Rhea. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa kanya dahilan para makita niya ang determinasyong nakarehistro roon. Eagerness and determination were visible on her face. Wari bang gustong-gusto talaga nitong magawa ang paggatas sa kanilang baka. Totoong may makina silang ginagamit para makakuha ng gatas mula sa kanilang mga alaga pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya ginamit. Nais niya lang hamunin ang dalaga. Inakala niyang tatanggi itong gawin iyon pero sa laking mangha ni Sergio, para bang nanabik pa si Rhea na makakuha ng gatas mula sa bakang nasa harapan nila. "Am I doing it right?" bigla ay tanong nito dahilan para matigil siya sa pagmasid sa mukha ng dalaga. She was so engrossed on what she's doing. Her hands were gently holding the cow's teats, almost sensually squeezing them. He swallowed hard. Parang nag-iba ang pakiramdam niya habang pinagmamasdan ang kamay nitong marahang pinipisil-pisil ang dalawang dede ng kanilang alaga. Her hands were moving gently in almost stroking movement. Fvck! He cursed in his mind. He was turned on! Paano kung sa 'kanya' iyon gawin ng dalaga? Hindi niya namalayang naibaba na niya ang kanyang mga kamay. Nagpatuloy lang si Rhea sa ginagawa nito at mistula bang hindi naman napansin ang pag-iba ng timpla ng katawan niya. "Tama na ba ang ginagawa ko?" tanong pa nito. "Continue," he urged in almost a whisper. "Just empty the first ounces of milk onto the ground. We should get rid of any lumps from the teat. Pagkatapos saka mo itapat ang lalagyan para maipon na ang gatas." Hindi ito sumagot bagkus ay nagpatuloy lang sa ginagawa hanggang sa maya-maya ay napabulalas ito. "Oh my God!" Bakas ang kasiyahan sa mukha ng dalaga nang makitang may lumabas nang gatas mula sa baka. Tulad ng sinabi niya, hinayaan nitong matapon muna ang mga naunang patak ng gatas mula sa baka. Matapos niyon ay saka nito itinapat ang lalagyan upang doon na malagay ang mga sumunod na patak na nakukuha nito. "I did it right, Sergio," natutuwa nitong sabi. "Nilabasan na siya!" Nilabasan?! Sergio stopped in his track. Damn this woman!"Let us stop this," saad ni Sergio sabay ng marahas na pagtayo. Ang ginawa niya ay naging dahilan para tingalain siya ni Rhea. Bakas sa mukha nito ang pagkalito dahil sa ikinilos niya."W-What?" tanong nito sabay bitiw sa baka. "M-May mali ba sa ginawa ko?"Damn! Hindi mapigilan ni Sergio ang mapamura ulit sa kanyang isipan. Rhea didn't have any idea what was happening on him. Kahit siya mismo ay hindi rin maunawaan kung bakit ganoon na lang ang naging epekto sa kanya ng pagmasid lang sa ginagawa ng dalaga. He was turned on, he wouldn't deny it."Umuwi na tayo," aniya sa seryosong tinig. Pilit niya pang hinamig ang kanyang sarili bago tumalikod na sa dalaga."Umuwi?" naguguluhang tanong ni Rhea. Tumayo na rin ito at mabilis na sumunod sa kanya. Nasa may bukana na sila ng kulungan nang maabutan siya nito. "Wait, Sergio. What is wrong with you? Hindi ba---""Iuuwi na kita," saad niya sabay harap sa dalaga."Why? Did I do something wrong? Nagawa ko naman, hindi ba?" Sumulyap pa ito sa ba
Halos naitulos sa kinatatayuan si Rhea pagkakita niya sa ginagawa nina Sergio at Armira. Hindi niya pa nga maiwasang may lumabas na mga salita mula sa kanyang bibig dahilan para kapwa mapalingon sa kanya ang dalawa.Sergio was shocked to see her. Agad nitong binitiwan si Armira at mabilis na isinara ang ilang butones ng suot nitong polo. Bukas na kasi ang unang tatlong butones niyon na marahil ay dahil na rin sa ginagawa ng mga ito. Kung hindi siya dumating ay alam niya kung saan hahantong ang tagpong naabutan niya.They were making out in a broad day! At bukas pa ang pinto?"I-I..." She couldn't find any word to say. Naroon lang siya, nakatayo at natitigilan habang nakatitig sa mga ito."Rhea..." sambit ni Sergio sa pangalan niya. Tuluyan din itong pumihit upang humarap sa kanya.Nakarehistro sa mukha ni Sergio ang pag-aalangan kung lalapitan ba siya o hindi. Para itong isang batang hindi malaman kung magpapaliwanag ba o hindi. Katulad niya ay waring wala itong maapuhap na salitang m
Rhea couldn't help but to be mesmerized while she was staring at the black stallion in front of her. Malaki ito at halatang alagang-alaga sa Rancho Arganza. Hindi niya mawari, pero kung pagmamasdan ang naturang hayop, damang-dama niya ang pagiging maawtoridad nito. It was like a man with full of so much authority though it was just standing in front of them.Hindi niya napigilang humakbang pa palapit sa naturang hayop. Nailabas na ito mula sa kulungan at ngayon ay hawak-hawak ng isa sa mga tauhan nina Sergio ang tali nito."He is so beautiful," namamangha niyang sabi. Iniangat niya ang isang kamay niya saka masuyong hinaplos ang katawan ng kabayo. "What kind of horse is this?""A stud horse," sagot ni Sergio. Nasa likuran niya ito at kanina pa siya pinagmamasdan.Pagkatapos nga nilang makakain ay nagpaalaam muna siya sa kanyang ina at sa mag-tiyuhin. Tinawagan niya ulit si Jeselle at sinabi rito na baka matagalan pa bago siya makabalik sa Manila. Her friend was urging her to go back t
Matuling lumipas ang mga araw. Hindi na namalayan ni Rhea na mahigit isang buwan na siyang nananatili sa San Nicholas. Ang trabaho niya sa Manila ay sadyang isinantabi niya muna.Kahit papaano ay hindi naging kainip-inip para sa kanya ang mga araw sa Rancho Arganza sapagkat natuon din ang kanyang atensyon sa patuturo ni Sergio kung paano mangabayo. Tulad ng nais ni Fabian, naglaan ng panahon si Sergio upang maturuan siya kung paano sumakay sa kabayo. Totoong nahirapan siya nang simula dahil na rin sa takot na baka hindi niya magawang kontrolin ang alaga ng mga ito. But surprisingly, it didn't take long for her to learn how to do it. Agad niyang nakukuha ang mga itinuturo ng binata."Madali kang matuto. Ilang araw pa ay magagawa mo nang patakbuhin nang mag-isa ang kabayo," wika sa kanya ni Sergio.She smiled, an authentic smile for that matter. "Magaling ka rin naman magturo. Thank you." She added the last two words with sincerity.Napalingon sa kanya si Sergio dahilan para mahinto ito
"What do you mean na aalis ka sa trabaho mo? You are going to resign, Rhea?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Jeselle kay Rhea habang magkausap sila sa cell phone."You heard me, Jeselle. I need to do it," tugon niya rito habang naglalakad patungo sa may patio ng bahay ng mga Arganza. Huminto siya malapit sa mesang naroon. Pasado alas-dies na ng gabi at dahil hindi pa makatulog ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan."Are you out of your mind? Talagang gagawin mo iyan? Are you really that desperate to ruin your mother's wedding?" hindi pa rin nagpapaawat na usisa nito.Rhea heaved out a deep sigh. Napagapsyahan niya ngang umalis na sa kompanyang pinapasukan sa Manila. Si Jeselle ang kauna-unahang pinagsabihan niya ng kanyang plano. Balak niyang mag-resign sa trabaho at manatili muna sa San Nicholas hanggang sa hindi niya pa napapahinuhod ang kanyang ina sa nais niyang mangyari.She was planning to find another job once she went back to Manila. Alam niyang hindi naman siya mahihira
"Are you sure you really want to accept Fabian and Sergio's offer, anak? Ibig sabihin ba niyon ay magtatagal ka pa rito sa San Nicholas?" hindi makapaniwalang tanong ni Rebecca kay Rhea. Nasa may teresa sila ng silid na inookupa niya sa bahay na iyon ng mga Arganza.She faced her mother. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakaupo sa upuang yari sa bakal. Siya naman ay nakatayo at nakasandal ang likod sa barandilya ng teresa."Do you want me to go back to Manila, Mama?" balik-tanong niya rito."Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin," sansala ni Rebecca sa kanya. "Gustong-gusto ko na lagi kang kasama, Rhea.""Then, why not go back to Manila with me? Gusto mong lagi tayong magkasama pero tatlong buwan kang nanatili rito habang ako ay mag-isa sa Manila." Hindi niya gustong lagyan ng panunumbat ang kanyang tinig pero waring ganoon ang kinalabasan ng mga sinabi niya. Bahagya pa ngang napayuko si Rebecca dahil doon."I hope you understand me, Rhea," saad nito sa mahinang tinig. "Pa
Masusing pinag-aaralan ni Sergio ang ilang dokumentong hawak-hawak niya. Listahan iyon ng mga inilabas na produkto mula sa Rancho Arganza. Katatapos lang ng pag-ani ng mais at ngayon ay dinala na ang mga iyon sa kanilang mga parokyano. Ang ilan doon ay pangbenta sa ilang palengke sa San Nicholas. Ang ilan naman ay dadalhin sa Kamaynilaan. Hindi lang mga mais ang inilabas sa kanila sa araw na iyon. Ilang sako ng niyog at buko rin ang naibenta nila dahilan para labis na naging abala ang mga tauhan nila sa Rancho Arganza. Maging siya ay ganoon din. Tinututukan niya ang bawat transaksyong nagaganap sa kanilang rancho. "Siguradong ito na ba ang lahat, Mang Binoy?" tanong niya sa matandang lalaki. Ito ang nagbigay sa kanya ng listahan ng mga naibenta nang produkto. "Oho, Sir Gio. Iyan na ho ang mga nailabas. May ilang sako pa ho na natira. Inipon na ho namin sa kamalig," imporma nito. Tumango na lamang siya. Itiniklop niya ang folder na naglalaman ng listahang binasa niya saka muling ini
Malakas na napasinghap si Rhea kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan sapagkat hindi niya nagawang makagalaw man lang. Mahigpit ang pagkakapigil ni Sergio sa kanyang batok na wari ba ay ayaw talagang makaiwas siya. Maging ang kanyang braso ay hindi pa rin nito binibitiwan.He kissed her! Sergio kissed her!Nakadampi ang mga labi ni Sergio sa kanya. Ni hindi nito iyon ginagalaw na mistula bang pinakikiramdaman siya. And since Rhea was shocked because of what he did, she wasn't able to move. Dahilan iyon para walang kahirap-hirap na maidaiti nito ang mga labi sa kanya.Hanggang sa maya-maya ay naramdaman niya ang marahang paggalaw ng kamay nitong nakahawak sa kanyang batok. It was like he was caressing her there. His palm moved gently, fondling her skin. Hindi niya alam kung bakit pero may kung anong idinulot sa kanya ang ginawang iyon ng binata.Hindi pa nga napoproseso ni Rhea sa kanyang isipan ang ginagawang paghimas ni Sergio sa ka