Remember the kidnap scene of Tamara from Savage Billionaire Series 1:Lorenzo Olivar? Sana'y nabasa niyo na rin ang kuwento nila. Completed na rin po.
Malakas na napasinghap si Rhea kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan sapagkat hindi niya nagawang makagalaw man lang. Mahigpit ang pagkakapigil ni Sergio sa kanyang batok na wari ba ay ayaw talagang makaiwas siya. Maging ang kanyang braso ay hindi pa rin nito binibitiwan.He kissed her! Sergio kissed her!Nakadampi ang mga labi ni Sergio sa kanya. Ni hindi nito iyon ginagalaw na mistula bang pinakikiramdaman siya. And since Rhea was shocked because of what he did, she wasn't able to move. Dahilan iyon para walang kahirap-hirap na maidaiti nito ang mga labi sa kanya.Hanggang sa maya-maya ay naramdaman niya ang marahang paggalaw ng kamay nitong nakahawak sa kanyang batok. It was like he was caressing her there. His palm moved gently, fondling her skin. Hindi niya alam kung bakit pero may kung anong idinulot sa kanya ang ginawang iyon ng binata.Hindi pa nga napoproseso ni Rhea sa kanyang isipan ang ginagawang paghimas ni Sergio sa ka
Natagpuan pa rin ni Rhea ang kanyang sariling tinatanggap ang alok na trabaho ni Sergio. Iyon ay sa kabila ng katotohanang naguguluhan siya sa kung ano ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Nanatili siya sa Rancho Arganza, hindi lang dahil sa kanyang ina kundi dahil na rin sa pagtanggap sa trabahong nais ipagawa ng binata.Maliit na trabaho lamang iyon kumpara sa mga nagawa na niya sa Manila. Ang nais lang naman ni Sergio ay magpadagdag ng kamalig sa rancho. Sa dami na kasi ng mga produktong inilalabas mula sa lupain ng mga ito ay kulang na ang espasyo ng dating kamalig na mayroon ang Rancho Arganza.Ang kanyang ina ang kauna-unahang natuwa nang malamang mananatili pa siya sa San Nicholas. She started her job on Rancho Arganza. Naglatag siya ng disenyong maaaring magustuhan ni Sergio para sa ipatatayo nitong kamalig. Ayon pa sa binata, gusto pa nitong maglagay ng isa pang maliit na opisinang magiging tanggapan ng mga kliyente o iyong mga tutungo sa rancho upang kumuha ng ano mang p
Tuwid na napatayo si Rhea habang ang kanyang mga mata ay nakatutok pa rin kay Sergio. Ni hindi niya nasagot ang mga sinabi nito. Parang tumigil ang lahat sa kanya nang makita niya ang binatang nakatayo roon at matamang nakamasid sa kanya.Seconds later, Sergio started walking towards her. Katulad niya ay hindi rin mapuknat ang paninitig nito sa kanya."It's nice to see you again," ulit nito sa mga sinabi kanina."Kauuwi mo lang ba? Dito ka dumiretso?" magkasunod niyang tanong dito.Sergio smiled at her. "Yes for your first question," saad nito. "Kauuwi ko lang mula sa Manila. From Davao, I stayed there for a while to visit my condo. Saka na ako bumiyahe pauwi rito. Malapit na ako sa bahay nang makita kitang naglalakad. I was about to call you but held myself.""W-Why?" magkadikit ang mga kilay na tanong niya."I decided to follow you instead," tuwirang tugon nito."S-Sinundan mo ako papunta rito?" aniya sa nagtatakang tinig. "Bakit hindi mo na lang ako tinawag?""I enjoyed watching yo
Dali-daling inayos ni Rhea ang mga strap ng suot niyang damit. Dala ng pagkadarang sa mga ginawa ni Sergio kanina ay hindi na niya namalayang halos mahubad na ng binata ang saplot niya sa katawan. Halos malantad na nga sa paningin nito ang kanyang mga dibdib.Sergio waited until she finished fixing herself. Nang masigurong nakaayos na ulit ang damit niya ay saka siya nito binitiwan at hinarap sina Fabian at Rebecca."M-Mama..." sambit niya sa nahihiyang tinig. Parang gusto niya na lang hilinging lamunin siya ng lupa dahil sa kaisipang nahuli sila ni Sergio sa isang alanganing sitwasyon."W-What is this, Gio? What is the meaning of this?" Rebecca blurted out. Mas si Sergio ang binalingan nito kaysa sa kanya. Mula sa may entrada ng kuwadra ay tuluyan pa itong pumasok kasunod si Fabian at nilapitan sila ni Sergio."I can explain, Auntie," seryosong sabi ni Sergio. Buo pa rin ang tinig nito at ni hindi man lang kinabakasan ng pagkabahala. Hindi niya alam kung magaling lang magdala ang bin
Ilang mahihinang katok ang narinig ni Rhea mula sa labas ng silid na kanyang inookupa. Lumingon siya sa direksyon ng pintuan ngunit hindi na nag-abala pang lumapit upang buksan iyon. Iisang tao lang naman ang alam niyang maglalakas-loob na kumatok sa ganoong oras na ng gabi--- ang kanyang ina.She was not mistaken. Ilang saglit lang nga ang lumipas ay bumukas ang pinto at sumilip si Rebecca. Nang makita siya nitong nakatayo sa may teresa ay tuluyan na itong pumasok saka muling isinara ang pinto. Then, she walked towards her.Hinintay lang ni Rhea na makalapit sa kanya ang ina. Muli na niyang itinutok ang kanyang mga mata sa malawak na bakuran ng mga Arganza na kanina niya pa pinagmamasdan. Katunayan, pagkaakyat niya kanina matapos ng hapunan ay sa may teresa na siya dumiretso. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay parang hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari.Matapos nilang mag-usap-usap sa study room kanina ay siya na ang nagpatiuna sa paglabas. Dumiretso siya sa kanyang si
"You are getting... what?!" malakas na bulalas ni Richard kasabay ng marahas nitong pagtayo mula sa kinauupuan. Labis na pagkagulat ang nasa mukha nito habang nakatunghay sa kanya.Sergio smirked inwardly as he stared at his uncle's face. Kasalukuyan niyang kasama sina Fabian, Richard at Sofia. Nasa may patio sila at sadyang hinarap niya ang mag-asawa upang ipaalam sa mga ito ang kanyang napipintong pagpapakasal kay Rhea. Bagay iyon na sadyang nagpagimbal kay Richard."You heard me, Uncle. I am getting married," mariin niyang saad. "I just want to inform you about it. By next week, we will start preparing for our wedding.""At kanino ka magpapakasal?" halos paasik nitong tanong sa kanya."Kay Rhea." Si Fabian ang sumagot sa tanong nito. "Sergio is getting married to Rebecca's daughter, Richard."Hindi nakaligtas kay Sergio ang pagtiim ng mukha ni Richard. Alam niyang hindi nito inaasahan ang bagay na iyon."Kailan mo pa naging kasintahan ang anak ni Rebecca?""Hindi pa natatagalan," t
Agad na napatuon ang mga mata ni Richard kay Sofia nang makapasok na siya sa silid nilang mag-asawa. Nakatayo ito sa may bintana at nakadungaw roon. Ni hindi man lang ito tuminag kahit pa alam niyang naramdaman nito ang pagdating niya."Bakit hindi ka pa natutulog?" maawtoridad na tanong niya rito habang inila-lock ang pinto.Saka lang lumingon sa kanya si Sofia nang magsalita siya. Nabanaag niya pa sa mukha nito ang kalungkutan na kahit hindi nito sabihin kung ano ang dahilan ay nahuhulaan na niya kung ano. And because of that thought, Richard's face instantly hardened. Marahas niyang iniitsa ang susi ng kanyang sasakyan sa ibabaw ng bedside table na sadyang naglikha pa ng malakas na ingay. Nasagi kasi niyon ang isang figurine. And what he did made Sofia flinched."What's with that sad look on your face, Sofia?" he said angrily while he was walking towards her."N-Nothing, I---"Hindi na natapos pa ni Sofia ang pagsasalita nang bigla ay haltakin niya ang kanang braso nito. Pain insta
"Magandang umaga, Ma'am Rhea," nakangiting bati ni Janjan sa kanya nang maabutan niya ito sa may kuwadra nang sumunod na araw. Abala ang binata sa paglilinis roon at pag-aayos ng ilang sinako na hindi niya alam kung ano ang laman."Magandang umaga rin," ganting bati niya rito sabay gala ng kanyang mga mata sa paligid. "S-Si... Si Sergio?""Naku, Ma'am, kaaalis-alis lang ho. May kailangan lang kausapin sa may bukana ng rancho. May bagong parokyanong nais kumuha ng ilang produkto rito. Nasa may bukana ho kasi ang dalang truck kaya sinadya na lang ni Sir doon.""I-I see..." biglang nanlumo niyang saad rito.Hindi niya na naman naabutan ang binata. Kahapon, ang balak niyang humiling dito na mangabayo sila ay hindi natuloy. Hindi na kasi siya lumabas ng bahay matapos niyang makausap si Sofia. Hindi niya maintindihan sa kanyang sarili pero hindi nawala sa kanyang isipan ang naging takbo ng usapan nila. Pakiramdam niya ay may kaakibat na pagbabanta ang mga huling sinabi nito.Ngayong umaga n