Dali-daling inayos ni Rhea ang mga strap ng suot niyang damit. Dala ng pagkadarang sa mga ginawa ni Sergio kanina ay hindi na niya namalayang halos mahubad na ng binata ang saplot niya sa katawan. Halos malantad na nga sa paningin nito ang kanyang mga dibdib.Sergio waited until she finished fixing herself. Nang masigurong nakaayos na ulit ang damit niya ay saka siya nito binitiwan at hinarap sina Fabian at Rebecca."M-Mama..." sambit niya sa nahihiyang tinig. Parang gusto niya na lang hilinging lamunin siya ng lupa dahil sa kaisipang nahuli sila ni Sergio sa isang alanganing sitwasyon."W-What is this, Gio? What is the meaning of this?" Rebecca blurted out. Mas si Sergio ang binalingan nito kaysa sa kanya. Mula sa may entrada ng kuwadra ay tuluyan pa itong pumasok kasunod si Fabian at nilapitan sila ni Sergio."I can explain, Auntie," seryosong sabi ni Sergio. Buo pa rin ang tinig nito at ni hindi man lang kinabakasan ng pagkabahala. Hindi niya alam kung magaling lang magdala ang bin
Ilang mahihinang katok ang narinig ni Rhea mula sa labas ng silid na kanyang inookupa. Lumingon siya sa direksyon ng pintuan ngunit hindi na nag-abala pang lumapit upang buksan iyon. Iisang tao lang naman ang alam niyang maglalakas-loob na kumatok sa ganoong oras na ng gabi--- ang kanyang ina.She was not mistaken. Ilang saglit lang nga ang lumipas ay bumukas ang pinto at sumilip si Rebecca. Nang makita siya nitong nakatayo sa may teresa ay tuluyan na itong pumasok saka muling isinara ang pinto. Then, she walked towards her.Hinintay lang ni Rhea na makalapit sa kanya ang ina. Muli na niyang itinutok ang kanyang mga mata sa malawak na bakuran ng mga Arganza na kanina niya pa pinagmamasdan. Katunayan, pagkaakyat niya kanina matapos ng hapunan ay sa may teresa na siya dumiretso. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay parang hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari.Matapos nilang mag-usap-usap sa study room kanina ay siya na ang nagpatiuna sa paglabas. Dumiretso siya sa kanyang si
"You are getting... what?!" malakas na bulalas ni Richard kasabay ng marahas nitong pagtayo mula sa kinauupuan. Labis na pagkagulat ang nasa mukha nito habang nakatunghay sa kanya.Sergio smirked inwardly as he stared at his uncle's face. Kasalukuyan niyang kasama sina Fabian, Richard at Sofia. Nasa may patio sila at sadyang hinarap niya ang mag-asawa upang ipaalam sa mga ito ang kanyang napipintong pagpapakasal kay Rhea. Bagay iyon na sadyang nagpagimbal kay Richard."You heard me, Uncle. I am getting married," mariin niyang saad. "I just want to inform you about it. By next week, we will start preparing for our wedding.""At kanino ka magpapakasal?" halos paasik nitong tanong sa kanya."Kay Rhea." Si Fabian ang sumagot sa tanong nito. "Sergio is getting married to Rebecca's daughter, Richard."Hindi nakaligtas kay Sergio ang pagtiim ng mukha ni Richard. Alam niyang hindi nito inaasahan ang bagay na iyon."Kailan mo pa naging kasintahan ang anak ni Rebecca?""Hindi pa natatagalan," t
Agad na napatuon ang mga mata ni Richard kay Sofia nang makapasok na siya sa silid nilang mag-asawa. Nakatayo ito sa may bintana at nakadungaw roon. Ni hindi man lang ito tuminag kahit pa alam niyang naramdaman nito ang pagdating niya."Bakit hindi ka pa natutulog?" maawtoridad na tanong niya rito habang inila-lock ang pinto.Saka lang lumingon sa kanya si Sofia nang magsalita siya. Nabanaag niya pa sa mukha nito ang kalungkutan na kahit hindi nito sabihin kung ano ang dahilan ay nahuhulaan na niya kung ano. And because of that thought, Richard's face instantly hardened. Marahas niyang iniitsa ang susi ng kanyang sasakyan sa ibabaw ng bedside table na sadyang naglikha pa ng malakas na ingay. Nasagi kasi niyon ang isang figurine. And what he did made Sofia flinched."What's with that sad look on your face, Sofia?" he said angrily while he was walking towards her."N-Nothing, I---"Hindi na natapos pa ni Sofia ang pagsasalita nang bigla ay haltakin niya ang kanang braso nito. Pain insta
"Magandang umaga, Ma'am Rhea," nakangiting bati ni Janjan sa kanya nang maabutan niya ito sa may kuwadra nang sumunod na araw. Abala ang binata sa paglilinis roon at pag-aayos ng ilang sinako na hindi niya alam kung ano ang laman."Magandang umaga rin," ganting bati niya rito sabay gala ng kanyang mga mata sa paligid. "S-Si... Si Sergio?""Naku, Ma'am, kaaalis-alis lang ho. May kailangan lang kausapin sa may bukana ng rancho. May bagong parokyanong nais kumuha ng ilang produkto rito. Nasa may bukana ho kasi ang dalang truck kaya sinadya na lang ni Sir doon.""I-I see..." biglang nanlumo niyang saad rito.Hindi niya na naman naabutan ang binata. Kahapon, ang balak niyang humiling dito na mangabayo sila ay hindi natuloy. Hindi na kasi siya lumabas ng bahay matapos niyang makausap si Sofia. Hindi niya maintindihan sa kanyang sarili pero hindi nawala sa kanyang isipan ang naging takbo ng usapan nila. Pakiramdam niya ay may kaakibat na pagbabanta ang mga huling sinabi nito.Ngayong umaga n
Maang na napatitig si Rhea kay Sergio matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Ni walang lumabas na ano mang salita mula sa kanyang bibig at matamang napatitig na lamang sa binata. His eyes mirrored something that almost made her held her breath.Agad siyang nag-iwas ng paningin at biglang kumilos upang lumayo rito. Dahil sa biglaan niyang pagkilos ay agad na napangiwi si Rhea. Nawaglit sa isipan niya ang tungkol sa natamong sakit ng katawan at mga galos mula sa pagkakahulog niya sa kabayo.Sergio noticed her reaction. Mabilis itong napaupo sa kanyang tabi sabay tanong sa nag-aalalang tinig. "Are you okay? Alin ang masakit?""I-It is your fault," napapangiwing sabi niya."Paanong naging kasalanan ko?" takang tanong nito. "Ako ba ang naghulog sa iyo sa kabayo?""That's not what I meant," paasik niyang sabi sabay ayos ng pagkakaupo. "Bakit ba kasi ang lapit-lapit mo? And why are you asking me to kiss you just because I asked you not to blame Janjan on what happened?"Bigla ay namutaw
Rhea roamed her eyes around the place while she was walking towards one direction. May pagmamadali pa sa bawat paghakbang na ginagawa niya. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa marating na niya ang isang bahagi ng Rancho Arganza--- ang bahagi kung saan siya nahulog mula sa kabayo.Huminto si Rhea kung saan siya mismo bumagsak. Muli niyang iginala muna ang kanyang paningin sa paligid bago tuluyang nilapitan ang damuhang pinagtaguan niya ng dart na nakita niyang nakabaon sa binti ng kabayo. Hindi niya alam kung naroon pa iyon. Ilang araw na ang lumipas mula nang mahulog siya at hindi niya sigurado kung wala pa bang nakakita sa dart na tinago niya.When Rhea saw that no one's around, she instantly squatted on the ground. Marahan niyang hinawi ang ilang mataas na damo upang hanapin ang dart na nilagay niya roon. Hindi siya nabigo. Kahit ilang araw na ang dumaan ay hindi man lang nawala ang naturang bagay.Rhea picked it up immediately. Tumayo na siya saka matamang pinagmasdan a
Nakulong na lamang sa lalamunan ni Rhea ang kanyang pagsinghap dahil sa angkin ni Sergio ang kanyang mga labi. Halos manlaki pa ang kanyang mga mata dahil sa biglaang ginawa nito. Kung hindi lang siya inakay ng binata sa paglalakad ay baka hindi siya tuminag sa kanyang kinatatayuan. Daig niya pa kasi ang ipinako na sa sahig dahil sa paghalik nito.Narinig niya na lang ang pag-lock ni Sergio sa pinto. The next thing she knew, he was guiding her to walk towards the bed. Nakapaikot sa kanyang baywang ang isang braso nito habang ang isang kamay ay nakapigil sa kanyang batok.He was kissing her passionately. Gustuhin niya mang itulak ito at patigilin sa ginagawang pananakop sa kanyang bibig ay hindi niya magawa. Natagpuan na lang ni Rhea ang kanyang sariling mahigpit na nakahawak sa cotton shirt ng binata.A soft moan escaped from her lips. Pilit na sinasabayan niya ang bawat paghagod ng mga labi nito sa kanyang mga labi. Dahil sa pagtugon na ginawa niya ay mas naging agresibo pa ang pagha