Share

CHAPTER 50

Binagalan na ni Rhea ang kanyang pagmamaneho nang matanawan niya na ang pangalan ng establisyementong nais niyang puntahan, ang Elyong's. Saglit niya pa munang iginala ang kanyang paningin sa paligid upang maghanap ng lugar na pagpaparadahan ng kanyang sasakyan. Hangga't maaari kasi ay hindi niya gustong pumarada sa mismong harapan ng naturang kainan.

Nagpakawala pa muna siya ng isang malalim na buntonghininga bago kinabig ang manibela ng kanyang kotse. Mas pinili niyang ihinto na lamang iyon bago pa man tuluyang makarating sa may Elyong's. Sa tabi ng daan lang siya pumarada saka lumabas na mula sa may driver's seat. Siniguro niya pa munang naka-lock na lahat ng pinto ng kanyang kotse bago humakbang patungo sa sikat na kainang iyon sa San Nicholas.

It was already past nine in the morning. Mula nga sa Rancho Arganza ay nagmaneho siya patungo sa bayan. Hinintay niya lang na maging abala si Sergio bago siya naghanda sa pag-alis. Ni hindi na niya nagawa pang makapagpaalam sa kanilang Uncl
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
ဂျိုအာနာ မာရီလင်ဂွ
𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐍𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐰𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢 𝐤𝐚𝐲 𝐫𝐡𝐞𝐚
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Naku gio pina init mo ulo ko. Nag promise ka na dina maglihim, oh hayan ang rhea mo, nakuha na ng kalaban!
goodnovel comment avatar
Emee Joy Zemato Fin
parang buntis s rhea,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status