Marahang napalingon si Rhea sa kanyang likuran nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nakita niyang sumilip muna si Sergio bago tuluyan nang pumasok sa kanilang silid. It was almost a week since she was discharged from the hospital. Halos isang linggo na rin mula nang malaman nilang wala na ang kanilang anak. It's been almost a week, yet, hindi niya pa rin matanggap ang mga nangyari.Nakatingin sa kanya si Sergio habang isinasara nito ang pinto. Nang mai-lock iyon ay humakbang na ito palapit sa bedside table at doon ay inilapag ang isang baso ng gatas na dala-dala nito para sa kanya.She's now recovering. Nang masigurong maayos na ang lahat sa kanya ay pinayagan na siya ng mga doktor na umuwi. Since she was discharged from the hospital, Sergio has always been caring to her. Ito ang nag-aalaga sa kanya, nag-aayos ng mga kailangan niya at kahit alam niyang marami itong kailangan gawin sa rancho ay nasa tabi niya lamang ang kanyang asawa.Halos hindi niya ito kibuin mula nang lumabas s
Last two chapters na lang po ang Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza. Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kuwento nina Sergio at Rhea. I highly appreciate all the comments that I received, as well as the gems. Abangan niyo rin po ang kuwento nina Hendrick (series 7) at ni Alter Vladimir (series 9) katulad ng kung paano niyo sinuportahan sina Lorenzo, Romano at Sergio. Ako po ang author nila. Of course, support niyo rin po ang stories ni Author Magzz23 na kasama sa Savage Billionaire. Siya naman po ang writer ng kuwento nina Ethan, Alonzo, Winston, Von and Sebastian. (But before ko po simulan ang kuwento ni Hendrick, I'll be writing first my other story. Kung nabasa niyo na po ang HIS SCARRED HEART, kilala niyo na po si Trace De la Serna. I'll write his story first.) Thank you so much....
TWO YEARS LATER...Dahan-dahang bumaba ng hagdan si Rhea habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa asawa niyang si Sergio. Kanina pa ito nasa sala at naghihintay na lamang sa kanya. Mabilis pa nga itong napalingon nang maramdaman ang presensiya niya at agad na rumihestro sa mga mata nito ang labis na paghanga nang makita ang kanyang ayos.She smiled at him lovingly. Bago pa man siya tuluyang makababa ay naroon na ito at sinalubong siya sa pinakahuling baitang ng hagdan."Did I keep you waiting?" nakangiti niyang tanong dito."I didn't mind," anito bago sabay silang napabulalas ng tawa sapagkat pareho nilang napagtantong mga linya ng isang kanta ang mga binitiwan nilang kataga. "Kidding aside, you look so gorgeous, Mrs. Arganza."Mataman siyang pinagmasdan ni Sergio. Bumaba-taas pa ang paningin nito sa kanyang kabuuan habang nasa mga mata pa rin nito ang labis na paghanga para sa kanya.Rhea was wearing a pink dress. Hapit iyon sa kanyang katawan dahilan para mas makita ang maganda ni
Hi, guysss... Gusto ko lang sabihin na ang timeline ng Chapter 55 ay 2 years ago na. Kung nabasa niyo na po ang ibang stories ko, iyon din ang timeline kung kailan nakauwi na mula sa ibang bansa si Romano at nagkaayos na sila ng asawa niyang si Analyn. Iyon din ang timeline ng last chapter ng story nina Lorenzo at Tamara. Sa Chapter 55, since two years ago na ay may asawa na rin si Hendrick sa timeline na iyon (pero hindi ko pa nasusulat ang story niya. Hehehe!) So, bakit sinuntok ni Hendrick si Vladimir? Si Vladimir na sa timeline na iyan ay single pa rin (hehe!)...Abangan niyo po sa mismong story ni Vladimir. Doon maipapaliwanag ang scene na nasa Chapter 55. PS. I'll update the Final Chapter of Sergio and Rhea's story tomorrow. Thank you for supporting their story. —Yvette Stephanie
Agad na nahinto sa pagsusuklay ng kanyang buhok si Rhea nang makita niyang papasok na ng kanyang silid si Sergio. Hawak nito ang sariling cell phone at doon pa nga nakatitig habang isinasara na ang pinto.Naibaba niya ang suklay sa ibabaw ng mesa saka humarap sa kanyang asawa. Patuloy pa ito sa pagtipa sa pag-aaring cell phone habang nakatayo lang sa may paanan ng kama. Kung ano man ang pinagkakaabalahan nito ay hindi niya alam."Sino ang kausap mo kanina?" usisa niya rito. Nakaupo pa rin siya sa harap ng vanity mirror at naghihintay na magkuwento ito. Kanina kasi ay nagpaalam ito na may tatawagan muna. Hinayaan niya lang ang kanyang asawa nang mas piliin nitong sa sala kausapin ang kung sino mang tatawagan nito."Si Lorenzo ang kinausap ko. I called him," tugon nito kasabay ng basta na lamang pag-itsa ng cell phone sa ibabaw ng kama. "Nakikibalita ako kung kumusta na si Vladimir. Ang alam ko kasi ay pinilit niyang sumama sa kanya si Vlad upang mailayo muna kay Hendrick.""And?" pag-u
Palinga-linga si Rhea sa magkabilang gilid ng daan sa pag-asam na makahahanap siya ng palatandaang malapit na siya sa lugar na nais niyang puntahan. Mag-aalas onse na ng tanghali ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay laman pa rin siya ng kalsada. Ni hindi niya man lang alam kung malapit na ba siya sa patutunguhan o malayo pa. Patungo siya sa bayan ng San Nicholas. Mula sa Kamaynilaan kung saan sila nakatira ay bumiyahe siya patungo sa lugar na iyon. At ang pagsadya niya sa naturang bayan ay dahil sa iisang rason--- ang sundan ang kanyang inang si Rebecca na halos tatlong buwan na niyang hindi nakikita. Biyuda na ang kanyang ina. Her father died because of heart failure four years ago. She found it so hard to move on especially that she had been so close to her father ever since. Maging ang kanyang ina ay ganoon din. Alam niya kung gaano nito kamahal ang kanyang ama at nasaksihan niya kung paano ito nasaktan nang mawala ang kanilang padre de pamilya. Hanggang sa napansin niyang
Tuloy-tuloy na naglakad si Sergio papasok sa kanilang bahay. Mula sa restaurant kung saan niya kinatagpo si Charlie ay dumiretso na siya ng uwi sa rancho na pag-aari ng kanilang pamilya, ang Rancho Arganza. Malawak na lupain iyon na kilalang-kilala sa buong San Nicholas. Ang kanyang abuelo, ang ama ng kanyang papa, ang nagsimula niyon. Napalago iyon ng kanyang lolo dahil na rin sa husay nito sa pamamahala. Mayroon silang iba't ibang alaga sa Rancho Arganza. Sa pagdaan ng mga taon, mas nadagdagan pa ang mga hayop na inaalagaan nila sa kanilang lupain. Ang ilan doon ay naibebenta pa nila, hindi lang sa San Nicholas kundi maging sa ibang karating bayan. Maliban sa paghahayupan, iba't ibang pananim din ang pinagkakakitaan ng kanyang pamilya. Lahat ng iyon ay magkatulong nilang inaasikaso ng kanyang Uncle Fabian... at Uncle Richard. "Welcome back, hijo..." Agad na natigilan si Sergio sa paglalakad nang marinig niya ang tinig na iyon--- ang kanyang Uncle Fabian. May malawak itong ngit
Marahang inihinto ni Rhea ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan nang makita na niya ang malaking arko kung saan nakalagay ang pangalan ng lugar na kanina niya pa hinahanap--- ang Rancho Arganza. Malayo pa lang ay mababasa na iyon na sadyang aagaw ng atensyon ninumang dadaan sa naturang kalsada.Tuluyan na siyang lumapit sa may arko at marahang bumusina upang makuha ang atensyon ng guwardiyang nakabantay doon. Nang lumingon ito ay mabilis na lumabas ng kanyang kotse si Rhea at naglakad palapit sa puwesto ng lalaki."Magandang hapon," bati niya nang makalapit."Yes, Ma'am?" tipid nitong tanong."Obviously, this is Rancho Arganza. I just want to ask... nariyan ba si F-Fabian Arganza?""Ano ho ang kailangan ninyo kay Sir Fabian? At ano ho ang pangalan niyo, Ma'am?" magkasunod nitong tanong.She swallowed hard and smiled at him. Naging alanganin pa ang pagngiting ginawa niya. "A-Actually, I am looking for Rebecca. Hindi ko alam kung kilala mo siya... Rebecca Sanchez?""Si Ma'am Rebecca, an