Palinga-linga si Rhea sa magkabilang gilid ng daan sa pag-asam na makahahanap siya ng palatandaang malapit na siya sa lugar na nais niyang puntahan. Mag-aalas onse na ng tanghali ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay laman pa rin siya ng kalsada. Ni hindi niya man lang alam kung malapit na ba siya sa patutunguhan o malayo pa.
Patungo siya sa bayan ng San Nicholas. Mula sa Kamaynilaan kung saan sila nakatira ay bumiyahe siya patungo sa lugar na iyon. At ang pagsadya niya sa naturang bayan ay dahil sa iisang rason--- ang sundan ang kanyang inang si Rebecca na halos tatlong buwan na niyang hindi nakikita. Biyuda na ang kanyang ina. Her father died because of heart failure four years ago. She found it so hard to move on especially that she had been so close to her father ever since. Maging ang kanyang ina ay ganoon din. Alam niya kung gaano nito kamahal ang kanyang ama at nasaksihan niya kung paano ito nasaktan nang mawala ang kanilang padre de pamilya. Hanggang sa napansin niyang ang pagdadalamhati ng kanyang ina ay unti-unting nawala at bumalik sa normal ang takbo ng buhay nito. She was glad for that, of course. Kung siya ang tatanungin, wala siyang ibang nais kundi ang makitang masaya ito. Ang hindi niya lang sukat akalain ay ang kaalamang ang kasiyahang iyon ay natagpuan nito sa ibang lalaki, sa nagngangalang Fabian Arganza. Ilang buwan na ang nakararaan nang banggitin ni Rebecca sa kanya ang tungkol kay Fabian. Ayon sa kanyang ina ay naging kaklase nito sa dating unibersidad na pinasukan sa Maynila noon ang lalaki. Makalipas ng napakaraming taon ay muling nagkrus ang landas ng mga ito sa isang event na minsang dinaluhan ng kanyang ina. They got along with each other again and after a few months, Rebecca told her about her relationship with Fabian. Una pa lang ay nagpakita na ng disgusto si Rhea. Hangga't maaari ay hindi na niya gustong magkaroon pa ng ibang kakasamahin ang kanyang ina. Idagdag pa na sa loob ng ilang buwan, apat na beses niya pa lamang nakaharap si Fabian. He looked decent but looks could be deceiving. Ano ang malay niya at baka iba ang motibo ni Fabian sa pakikipagrelasyon sa kanyang ina? At iyon nga ang dahilan kung bakit kahit marami siyang kailangang gawin sa trabaho ay nagpasya siyang magtungo sa San Nicholas. Tatlong buwan na mula nang magpunta ang kanyang ina sa lugar na iyon at nang huli silang magkausap sa telepono ay nagpahiwatig ito na nais daw 'di umano ni Fabian na gawing legal ang pagsasama ng mga ito, bagay na labis niyang tinutulan. Hindi niya gustong magpakasal ito sa iba. Hindi niya gustong magkaroon ng pangalawang ama sa katauhan ng lalaking halos hindi niya pa nakikilala nang lubusan. And so she decided to go to San Nicholas. Nais niyang pilitin ang kanyang ina na sumama sa kanya pabalik sa Manila at itigil ang kahibangan nito kay Fabian. Rhea let out a deep sigh. Marahan na lamang ang kanyang pagmamaneho sa pag-asam na makakita ng makakainan. Tanghali na at nadarama niya na ang pagkalam ng kanyang sikmura. Kapag natapos kumain ay baka saka na lang niya ipagpapatuloy ang paghahanap ng Rancho Arganza. Rancho Arganza... Maliban sa lugar na San Nicholas ay tanging ang pangalan ng rancho na pag-aari ng pamilya ni Fabian ang nabanggit ng kanyang ina. Wala nang ibang sinabi pa sa kanya si Rebecca. Rhea tried searching for the ranch and according to the internet, it's well known in San Nicholas. Mukhang hindi naman siya mahihirapang hanapin ang naturang lugar. Agad niyang kinabig ang manibela ng kanyang sasakyan patabi ng kalsada nang makakita na siya ng makakainan. It was a restaurant where travelers stop to eat. Bahagya pa siyang nahirapang makahanap ng puwesto sa may parking lot sapagkat halos puno ng mga sasakyan doon. Marahil ay marami ang kumakain sa naturang establisimiyento. Hanggang sa maya-maya ay nakahanap na siya ng pagpaparadahan ng kanyang kotse. Waring iyon na lamang ang tanging bakante sa parking lot kaya halos magmadali pa siya sa pagmamaneho nang makitang may isang sasakyan na parang naghahanap din ng pagpaparadahan. It was a red car and it was almost near to the vacant space. Rhea drove faster. Mabilis niya itong inunahan sa pagmaniobra kaya agad niyang nakuha ang naturang espasyo upang paghintuan ng kanyang kotse. She smiled triumphantly. Mas nauna siyang lumiko kaya siya ang mas naunang nakaparada roon. "Sorry, I got it first," pilya niyang sabi sa kanyang sarili. Agad niyang kinuha ang kanyang shoulder bag na nakapatong sa may passenger's seat at inalis ang seat belt sa kanyang katawan saka lumabas ng sasakyan. Hindi niya pa man naisasara muli ang pinto niyon nang matigilan na siya. Malakas kasing bumusina ang nagmamaneho ng pulang sasakyang inagawan niya ng parking space. Her eyebrow arched upwardly. Marahan na niyang isinara muli ang pinto ng kanyang kotse saka naghintay kung lalabas ba ang driver ng pulang sasakyan. And he did. The door opened and a man came out from the car. Agad pang natigilan si Rhea nang makita niya ang lalaking lumabas mula sa sasakyan. Magkadikit ang mga kilay nito at halata ang yamot sa mukha. "Didn't you see that I was about to park my car? Talagang ipinilit mo pa na mauna kaysa sa akin?" lintanya nito na bakas ang inis sa tinig. The man was tall and has a well-built body. Sa kabila ng suot nitong polo shirt ay halata ang kakisigan ng katawan nito. Pakiramdam niya ay mas dumagdag pa sa pagiging makisig nito ang kayumangging kulay ng balat ng binata. Itinuon pa ni Rhea ang kanyang paningin sa mukha ng lalaki. He has dark eyes that right now, mirrored irritation. Alam niyang ang emosyong iyon ay bunga ng ginawa niyang pang-aagaw ng parking space mula rito. Matangos din ang ilong ng lalaki. May mapupula rin itong mga labi at alam niyang natural ang kulay niyon. Malamang na hindi ito naninigarilyo kaya ganoon na lamang ang kulay ng mga labi nito. At bakit pakiramdam niya ay malambot ang labing iyon gayong hindi pa naman naidadampi sa kanya? "Didn't you hear me?" paasik nitong tanong dahilan para maputol ang paglakbay ng kanyang mga mata sa kabuuan ng mukha nito. "Are you dumb? Hindi mo ba nakitang ipaparada ko na ang sasakyan ko? Mas nauna ako diyan, miss." Sadyang itinuro pa nito ang puwesto kung saan nakaparada na ang kanyang kotse. "I am not a dumb," mataray niyang balik sa lalaki. Sadyang umahon ang inis mula sa kanyang dibdib dahil sa itinawag nito sa kanya. "At kung mas nauna ka rito, 'di sana ay ang sasakyan mo ang nakaparada ngayon dito. But look..." Itinuro niya ang kanyang kotse bago nagpatuloy pa sa pagsasalita. "Ang sasakyan ko ang narito. Ibig sabihin, mas nauna ako." "You---" "Hindi ko na kasalanan kung mabagal ka, mister," putol niya sa ano mang saaabihin nito saka iniikot ang kanyang paningin sa parking lot. "Just look for a space where you can park your car. Have a nice day." Her last sentence was spoken with sarcasm. Alam niyang inis na ito kaya paano pa ito magkakaroon ng magandang araw? Iniwanan niya pa ito ng isang hilaw na ngiti na para bang nang-iinis. Agad na siyang tumalikod at tuloy-tuloy nang pumasok sa loob ng restaurant. Kung ano man ang naging reaksyon ng lalaki, hindi na niya nakita pa. Hindi na siya muling lumingon dito. ***** SINUNDAN ni Sergio ang papalayong dalaga. Papasok na ito sa kainang sadya niya rin sana sa mga oras na iyon. Pasado alas-onse na at hindi pa siya nakakakain ng tanghalian. He's hungry. Iyon ang dahilan kung bakit nagmamadali rin siyang maiparada na ang kanyang sasakyan. Kagagaling niya pa lamang sa Davao. He was there because of his friend's birthday, si Ethan. Nang-imbita ito at hindi maaaring hindi siya pumunta. Malapit niyang kaibigan ang binata at madalas na naroon sila sa mahahalagang okasyon sa buhay ng bawat isa. Sampu talaga silang malalapit na magkakaibigan. Ang ilan ay nakasama niya pa sa Davao upang daluhan ang birthday celebration ni Ethan. Sadyang naging memorable pa ang naturang pagdiriwang sapagkat natuklasan nilang buntis pala ang kasintahan ng isa sa mga kaibigan niya--- si Lorenzo. Hindi niya alam ang buong detalye pero base sa mga naging pag-uusap nila ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Lorenzo kay Tamara, ang kasintahan nito. He was just glad that everything was okay now between the two of them. Nagbabalak na ring magpakasal ang mga ito ngayon. At mula sa NAIA kung saan lumapag ang eroplanong sinakyan niya mula sa Davao ay bumiyahe na siya pabalik sa San Nicholas kung saan matatagpuan ang pag-aaring rancho ng kanilang pamilya--- ang Rancho Arganza. Gamit niya ngayon ang kanyang sariling sasakyan. Nang magtungo sa Davao ay iniwan niya iyon sa basement ng gusali kung saan mayroon siyang pag-aaring condo unit. Napabuntonghininga na lamang siya saka sinulyapan ulit ang kotse ng babaeng nakasagutan niya kanina. Malapit na siya sa parking space na iyon at alam niyang alam iyon ng dalaga. Sadyang tuso lang ito at inunahan siya sa pagparada. Napapailing na pumasok na lamang siyang muli sa kanyang sasakyan. Sakto namang may paalis na isang kotse at doon na lamang siya pumarada. Nang masigurong maayos na ang lahat ay naglakad na rin siya papasok sa kainang dinarayo pa sa lugar na iyon. While walking, Sergio checked his phone. Kasabay ng pagtungo niya roon para kumain ay makikipagkita rin siya kay Charlie, ang beterinaryo sa kanilang rancho. Ilang taon na ring naninilbihan sa kanila si Charlie. Ito ang tumitingin sa mga hayop na alaga sa Rancho Arganza. At dahil naroon naman na siya sa bayan ay nakipagkita na siya rito para pag-usapan nila ang ilang bagay tungkol sa kanilang mga alaga. Pagkapasok sa loob ay agad na niyang nakita ang binata. Kumaway pa ito sa kanya at inaya na siyang lumapit. Halos kaedad niya lang si Charlie. May klinika rin ito sa bayan ng San Nicholas at kung wala itong importanteng ginagawa sa kanilang rancho ay sa klinika ito naglalagi. "Akala ko ay matatagalan ka pa," wika nito nang makaupo na siya sa katapat nitong silya. "I told you, aabot ako, hindi ba? Maaga akong umalis sa condo ko." Charlie shrugged his shoulders. "Anyway, let's order." Tumango lang siya kaya tinawag na nito ang isang serbidor na nasa malapit lamang. Charlie gave his orders. Siya rin ay pumili na ng kakainin. Nang makaalis ang serbidor para kunin ang mga order nila ay muli siyang binalingan ni Charlie. They started talking about the ranch. Hanggang sa magsimula na silang kumain ay ang tungkol sa trabaho nito sa kanilang rancho ang kanilang paksa. "Dadaan ako ngayong weekend sa rancho ninyo, Gio. I'll check the horses," wika na ni Charlie habang naglalakad na sila palabas ng restaurant. Tapos na silang kumain at kapwa na palapit sa kanya-kanyang sasakyan. "Please do it, Charlie. Masyadong nag-aalala si Uncle Fabian sa mga hayop. Alam mo naman kung gaano ka-hands on si Uncle---" Hindi niya natapos ang pagsasalita nang mula sa restaurant ay lumabas din ang babaeng nakasagutan niya kanina. Nagsasalita ito at may kausap sa cell phone kaya madaling naagaw ang kanyang atensiyon. Hindi niya ito nakita sa loob ng restaurant na malamang ay sa dulong bahagi pumuwesto. "Yes. Malapit na yata ako, Jeselle. Hindi ko alam kung saan eksaktong naroon ang lugar na iyon... Yes... Yes, I won't stay long at Rancho Arganza. Kapag nagawa ko na ang dapat kong gawin ay uuwi na rin ako," narinig niyang sabi ng babae. Ang pagkakabanggit nito sa pag-aari nilang rancho ang nakakuha ng kanyang atensiyon. Nahinto rin sa paglalakad ang dalaga nang makita sila ni Charlie. Napakunot-noo pa ito nang sumulyap sa kanya saka muling binalingan ang kausap. "I'll just call you again, Jeselle." Nang maibaba nito ang aparato ay agad siyang nagwika. "Patungo ka sa Rancho Arganza?" "Eavesdropper?" nanunuyang tanong nito. Napaismid siya. "Ang lakas ng boses mo, miss. Paanong hindi ko maririnig?" The woman's eyebrow arched. Hindi ito tumugon kaya nagpatuloy pa siya. "Ano ang kailangan mo sa Rancho Arganza?" "And what do you care?" mataray nitong sabi sabay hakbang na palayo. "Hindi mo alam kung saan ang Rancho Arganza?" pahabol niya na nagpahinto rito sa paglalakad. "Ano ba ang pakialam mo, mister---" "Gusto mong malaman kung saan ang daan papunta roon?" mabilis niyang saad na ikinahinto nito sa pagsasalita. Dahil sa naghihintay ito ng isasagot niya ay nakaloloko pa siyang nagsalita. Humakbang siya palapit at itinuro ang kalsadang patungo sa kaliwa. "Diretsuhin mo ang daan na ito. Mga kulang dalawang kilometro pa ay may kalsadang pakaliwa. Public market ang pinakakanto niyon. Lumiko ka roon. More or less, twenty minutes drive ay ang Rancho Arganza na." "G-Ganoon pa kalayo?" Halos makita niya ang pagbagsak ng mga balikat nito. "Yes," sagot niya. Matagal na walang imik ang dalaga. Tinanaw lang nito ang daang itinuro niya. Nang parang nakabuo na ng pasyang gagawin ay napabuntonghininga ito saka siya nilingon. Naghintay siya ng sasabihin nito ngunit sa laking gulat ni Sergio ay basta na lamang tumalikod ang dalaga at lumapit na sa sasakyan nito. Nang makasakay roon ay nagmaneho na nga ito patungo sa daang itinuro niya. "Who was that, Gio? She's a knockout," narinig niyang sabi ni Charlie. Bakas sa tinig nito ang paghanga sa babae. Hindi niya ito sinagot. Nakatanaw lang siya sa papalayong sasakyan ng dalaga. "Bakit iyon ang daang itinuro mo? Bakit hindi mo sinabing halos limang minutong biyahe na lang mula rito ang rancho ninyo? At dito sa kanan ang daan, Gio." "Hayaan mo siyang maghanap," aniya na may pilyong ngiti sa mga labi. "And you didn't even say that you're the owner of Rancho Arganza. Ano ang kailangan niya sa rancho ninyo?" "Wala akong ideya, Charlie." Nagdikit ang kanyang mga kilay. Sino nga ba ang babaeng iyon? Ano ang pakay nito sa Rancho Arganza? Sergio let out a sigh. Ungrateful woman, he thought. Hindi man lang nagpasalamat na tinuro niya ang daan, kahit pa sabihing mali iyon. Basta na lang umalis nang hindi nagpapaalam. Ano nga ba ang sadya nito sa Rancho Arganza?Tuloy-tuloy na naglakad si Sergio papasok sa kanilang bahay. Mula sa restaurant kung saan niya kinatagpo si Charlie ay dumiretso na siya ng uwi sa rancho na pag-aari ng kanilang pamilya, ang Rancho Arganza. Malawak na lupain iyon na kilalang-kilala sa buong San Nicholas. Ang kanyang abuelo, ang ama ng kanyang papa, ang nagsimula niyon. Napalago iyon ng kanyang lolo dahil na rin sa husay nito sa pamamahala. Mayroon silang iba't ibang alaga sa Rancho Arganza. Sa pagdaan ng mga taon, mas nadagdagan pa ang mga hayop na inaalagaan nila sa kanilang lupain. Ang ilan doon ay naibebenta pa nila, hindi lang sa San Nicholas kundi maging sa ibang karating bayan. Maliban sa paghahayupan, iba't ibang pananim din ang pinagkakakitaan ng kanyang pamilya. Lahat ng iyon ay magkatulong nilang inaasikaso ng kanyang Uncle Fabian... at Uncle Richard. "Welcome back, hijo..." Agad na natigilan si Sergio sa paglalakad nang marinig niya ang tinig na iyon--- ang kanyang Uncle Fabian. May malawak itong ngit
Marahang inihinto ni Rhea ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan nang makita na niya ang malaking arko kung saan nakalagay ang pangalan ng lugar na kanina niya pa hinahanap--- ang Rancho Arganza. Malayo pa lang ay mababasa na iyon na sadyang aagaw ng atensyon ninumang dadaan sa naturang kalsada.Tuluyan na siyang lumapit sa may arko at marahang bumusina upang makuha ang atensyon ng guwardiyang nakabantay doon. Nang lumingon ito ay mabilis na lumabas ng kanyang kotse si Rhea at naglakad palapit sa puwesto ng lalaki."Magandang hapon," bati niya nang makalapit."Yes, Ma'am?" tipid nitong tanong."Obviously, this is Rancho Arganza. I just want to ask... nariyan ba si F-Fabian Arganza?""Ano ho ang kailangan ninyo kay Sir Fabian? At ano ho ang pangalan niyo, Ma'am?" magkasunod nitong tanong.She swallowed hard and smiled at him. Naging alanganin pa ang pagngiting ginawa niya. "A-Actually, I am looking for Rebecca. Hindi ko alam kung kilala mo siya... Rebecca Sanchez?""Si Ma'am Rebecca, an
Nakatuon ang mga mata ni Rhea sa mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Nakamasid siya roon ngunit ang isipan niya ay nasa mga taong kasama niya nang mga oras na iyon. Kasalukuyan silang nasa may patio ng bahay ng mga Arganza. Matapos niyang sundan papasok ang kanyang ina at si Fabian ay inaya siya ng mga ito roon. Isang masaganang meryenda nga ang inihain ng mga ito para sa kanya.Maraming inihain ang mga ito pero wala man lang kinuha si Rhea kahit isa. Maliban sa hindi pa siya nagugutom, ang atensyon niya ay nakatuon sa kung paano niya mapahihinuhod ang kanyang ina na sumama na sa kanya pauwi ng Manila."Don't you like the food, 'nak?" pukaw ni Rebecca sa pananahimik niya.Rhea raised her head and met her mother's eyes. Masuyo itong nakatitig sa kanya at bakas sa mukha nito ang kasiyahan dahil nagkita sila ulit. Kailanman ay hindi pa nangyari na nagkahiwalay sila nang matagal. Ngayon pa lang talaga at iyon ay dahil sa lalaking bagong karelasyon nito.Rhea's eyes darted to Fabian. Magkata
Marahang iniunat ni Rhea ang kanyang katawan habang nakahiga pa rin at nakapikit ang kanyang mga mata. Nang tuluyang magising ang kanyang diwa ay tuluyan na siyang nagmulat saka iginala ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan niya.Ibang-iba iyon sa kanyang silid sa bahay nila sa Manila. Her own room was full air-conditioned. Ang silid na kinaroroonan niya ngayon, though, may air-con din naman ngunit hindi iyon nakabukas. Naalala niyang hindi niya pinagkaabalahang buksan iyon kagabi pagkapasok niya sa kuwarto. Mas pinili niyang maglinis na lang ng kanyang katawan at pagkabihis. Pagkatapos, binuksan niya ang sliding door sa may teresa saka natulog na.And in fairness, she has fallen asleep easily. Hindi niya alam kung dahil iyon sa pagod mula sa pagmamaneho patungong San Nicholas, o dahil sa sariwang hangin na pumapasok sa silid na inookupa niya.Marahan na siyang naupo sa kama. Hindi niya pa maiwasang maisip ang kanyang ina. Kagabi, pagkahapunan ay sinamahan siya nito
"Welcome sa kuwadra ng aming rancho, Rhea," wika ni Sergio sa kanya. Inilahad pa nito ang mga kamay na para bang ipinapakita sa kanya ang kanilang kinaroroonan.Rhea roamed her eyes around the place. Matapos makapag-almusal ay isinama nga siya ni Sergio sa kuwadra kung saan hindi niya mabilang kung ilang hayop ang naroon. Iba't iba ang mga alaga ng mga Arganza. Hindi niya pa nga maiwasang mamangha habang iginagala ang kanyang paningin sa buong paligid.Ilang kabayo ang nakakulong sa kuwadra. Hindi lang basta-bastang kabayo ang mga naroon. Nahihinuha niyang ang ilan doon ay galing pa sa ibang bansa. Stallions! May stallions ang mga Arganza! Alam niyang kung hindi nabibilang sa maaalwan na pamilya ay nunca makabibili ng ganoong mga alaga.Ilang metro naman mula sa kuwadra ay ang malawak na koral ng iba pang mga hayop. May mga baka at kambing na nanginginain sa malawak na damuhan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya mabilang kung ilan ang mga baka at kambing na nakakalat roon. The
"Let us stop this," saad ni Sergio sabay ng marahas na pagtayo. Ang ginawa niya ay naging dahilan para tingalain siya ni Rhea. Bakas sa mukha nito ang pagkalito dahil sa ikinilos niya."W-What?" tanong nito sabay bitiw sa baka. "M-May mali ba sa ginawa ko?"Damn! Hindi mapigilan ni Sergio ang mapamura ulit sa kanyang isipan. Rhea didn't have any idea what was happening on him. Kahit siya mismo ay hindi rin maunawaan kung bakit ganoon na lang ang naging epekto sa kanya ng pagmasid lang sa ginagawa ng dalaga. He was turned on, he wouldn't deny it."Umuwi na tayo," aniya sa seryosong tinig. Pilit niya pang hinamig ang kanyang sarili bago tumalikod na sa dalaga."Umuwi?" naguguluhang tanong ni Rhea. Tumayo na rin ito at mabilis na sumunod sa kanya. Nasa may bukana na sila ng kulungan nang maabutan siya nito. "Wait, Sergio. What is wrong with you? Hindi ba---""Iuuwi na kita," saad niya sabay harap sa dalaga."Why? Did I do something wrong? Nagawa ko naman, hindi ba?" Sumulyap pa ito sa ba
Halos naitulos sa kinatatayuan si Rhea pagkakita niya sa ginagawa nina Sergio at Armira. Hindi niya pa nga maiwasang may lumabas na mga salita mula sa kanyang bibig dahilan para kapwa mapalingon sa kanya ang dalawa.Sergio was shocked to see her. Agad nitong binitiwan si Armira at mabilis na isinara ang ilang butones ng suot nitong polo. Bukas na kasi ang unang tatlong butones niyon na marahil ay dahil na rin sa ginagawa ng mga ito. Kung hindi siya dumating ay alam niya kung saan hahantong ang tagpong naabutan niya.They were making out in a broad day! At bukas pa ang pinto?"I-I..." She couldn't find any word to say. Naroon lang siya, nakatayo at natitigilan habang nakatitig sa mga ito."Rhea..." sambit ni Sergio sa pangalan niya. Tuluyan din itong pumihit upang humarap sa kanya.Nakarehistro sa mukha ni Sergio ang pag-aalangan kung lalapitan ba siya o hindi. Para itong isang batang hindi malaman kung magpapaliwanag ba o hindi. Katulad niya ay waring wala itong maapuhap na salitang m
Rhea couldn't help but to be mesmerized while she was staring at the black stallion in front of her. Malaki ito at halatang alagang-alaga sa Rancho Arganza. Hindi niya mawari, pero kung pagmamasdan ang naturang hayop, damang-dama niya ang pagiging maawtoridad nito. It was like a man with full of so much authority though it was just standing in front of them.Hindi niya napigilang humakbang pa palapit sa naturang hayop. Nailabas na ito mula sa kulungan at ngayon ay hawak-hawak ng isa sa mga tauhan nina Sergio ang tali nito."He is so beautiful," namamangha niyang sabi. Iniangat niya ang isang kamay niya saka masuyong hinaplos ang katawan ng kabayo. "What kind of horse is this?""A stud horse," sagot ni Sergio. Nasa likuran niya ito at kanina pa siya pinagmamasdan.Pagkatapos nga nilang makakain ay nagpaalaam muna siya sa kanyang ina at sa mag-tiyuhin. Tinawagan niya ulit si Jeselle at sinabi rito na baka matagalan pa bago siya makabalik sa Manila. Her friend was urging her to go back t