Rhea couldn't help but to be mesmerized while she was staring at the black stallion in front of her. Malaki ito at halatang alagang-alaga sa Rancho Arganza. Hindi niya mawari, pero kung pagmamasdan ang naturang hayop, damang-dama niya ang pagiging maawtoridad nito. It was like a man with full of so much authority though it was just standing in front of them.Hindi niya napigilang humakbang pa palapit sa naturang hayop. Nailabas na ito mula sa kulungan at ngayon ay hawak-hawak ng isa sa mga tauhan nina Sergio ang tali nito."He is so beautiful," namamangha niyang sabi. Iniangat niya ang isang kamay niya saka masuyong hinaplos ang katawan ng kabayo. "What kind of horse is this?""A stud horse," sagot ni Sergio. Nasa likuran niya ito at kanina pa siya pinagmamasdan.Pagkatapos nga nilang makakain ay nagpaalaam muna siya sa kanyang ina at sa mag-tiyuhin. Tinawagan niya ulit si Jeselle at sinabi rito na baka matagalan pa bago siya makabalik sa Manila. Her friend was urging her to go back t
Matuling lumipas ang mga araw. Hindi na namalayan ni Rhea na mahigit isang buwan na siyang nananatili sa San Nicholas. Ang trabaho niya sa Manila ay sadyang isinantabi niya muna.Kahit papaano ay hindi naging kainip-inip para sa kanya ang mga araw sa Rancho Arganza sapagkat natuon din ang kanyang atensyon sa patuturo ni Sergio kung paano mangabayo. Tulad ng nais ni Fabian, naglaan ng panahon si Sergio upang maturuan siya kung paano sumakay sa kabayo. Totoong nahirapan siya nang simula dahil na rin sa takot na baka hindi niya magawang kontrolin ang alaga ng mga ito. But surprisingly, it didn't take long for her to learn how to do it. Agad niyang nakukuha ang mga itinuturo ng binata."Madali kang matuto. Ilang araw pa ay magagawa mo nang patakbuhin nang mag-isa ang kabayo," wika sa kanya ni Sergio.She smiled, an authentic smile for that matter. "Magaling ka rin naman magturo. Thank you." She added the last two words with sincerity.Napalingon sa kanya si Sergio dahilan para mahinto ito
"What do you mean na aalis ka sa trabaho mo? You are going to resign, Rhea?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Jeselle kay Rhea habang magkausap sila sa cell phone."You heard me, Jeselle. I need to do it," tugon niya rito habang naglalakad patungo sa may patio ng bahay ng mga Arganza. Huminto siya malapit sa mesang naroon. Pasado alas-dies na ng gabi at dahil hindi pa makatulog ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan."Are you out of your mind? Talagang gagawin mo iyan? Are you really that desperate to ruin your mother's wedding?" hindi pa rin nagpapaawat na usisa nito.Rhea heaved out a deep sigh. Napagapsyahan niya ngang umalis na sa kompanyang pinapasukan sa Manila. Si Jeselle ang kauna-unahang pinagsabihan niya ng kanyang plano. Balak niyang mag-resign sa trabaho at manatili muna sa San Nicholas hanggang sa hindi niya pa napapahinuhod ang kanyang ina sa nais niyang mangyari.She was planning to find another job once she went back to Manila. Alam niyang hindi naman siya mahihira
"Are you sure you really want to accept Fabian and Sergio's offer, anak? Ibig sabihin ba niyon ay magtatagal ka pa rito sa San Nicholas?" hindi makapaniwalang tanong ni Rebecca kay Rhea. Nasa may teresa sila ng silid na inookupa niya sa bahay na iyon ng mga Arganza.She faced her mother. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakaupo sa upuang yari sa bakal. Siya naman ay nakatayo at nakasandal ang likod sa barandilya ng teresa."Do you want me to go back to Manila, Mama?" balik-tanong niya rito."Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin," sansala ni Rebecca sa kanya. "Gustong-gusto ko na lagi kang kasama, Rhea.""Then, why not go back to Manila with me? Gusto mong lagi tayong magkasama pero tatlong buwan kang nanatili rito habang ako ay mag-isa sa Manila." Hindi niya gustong lagyan ng panunumbat ang kanyang tinig pero waring ganoon ang kinalabasan ng mga sinabi niya. Bahagya pa ngang napayuko si Rebecca dahil doon."I hope you understand me, Rhea," saad nito sa mahinang tinig. "Pa
Masusing pinag-aaralan ni Sergio ang ilang dokumentong hawak-hawak niya. Listahan iyon ng mga inilabas na produkto mula sa Rancho Arganza. Katatapos lang ng pag-ani ng mais at ngayon ay dinala na ang mga iyon sa kanilang mga parokyano. Ang ilan doon ay pangbenta sa ilang palengke sa San Nicholas. Ang ilan naman ay dadalhin sa Kamaynilaan. Hindi lang mga mais ang inilabas sa kanila sa araw na iyon. Ilang sako ng niyog at buko rin ang naibenta nila dahilan para labis na naging abala ang mga tauhan nila sa Rancho Arganza. Maging siya ay ganoon din. Tinututukan niya ang bawat transaksyong nagaganap sa kanilang rancho. "Siguradong ito na ba ang lahat, Mang Binoy?" tanong niya sa matandang lalaki. Ito ang nagbigay sa kanya ng listahan ng mga naibenta nang produkto. "Oho, Sir Gio. Iyan na ho ang mga nailabas. May ilang sako pa ho na natira. Inipon na ho namin sa kamalig," imporma nito. Tumango na lamang siya. Itiniklop niya ang folder na naglalaman ng listahang binasa niya saka muling ini
Malakas na napasinghap si Rhea kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan sapagkat hindi niya nagawang makagalaw man lang. Mahigpit ang pagkakapigil ni Sergio sa kanyang batok na wari ba ay ayaw talagang makaiwas siya. Maging ang kanyang braso ay hindi pa rin nito binibitiwan.He kissed her! Sergio kissed her!Nakadampi ang mga labi ni Sergio sa kanya. Ni hindi nito iyon ginagalaw na mistula bang pinakikiramdaman siya. And since Rhea was shocked because of what he did, she wasn't able to move. Dahilan iyon para walang kahirap-hirap na maidaiti nito ang mga labi sa kanya.Hanggang sa maya-maya ay naramdaman niya ang marahang paggalaw ng kamay nitong nakahawak sa kanyang batok. It was like he was caressing her there. His palm moved gently, fondling her skin. Hindi niya alam kung bakit pero may kung anong idinulot sa kanya ang ginawang iyon ng binata.Hindi pa nga napoproseso ni Rhea sa kanyang isipan ang ginagawang paghimas ni Sergio sa ka
Natagpuan pa rin ni Rhea ang kanyang sariling tinatanggap ang alok na trabaho ni Sergio. Iyon ay sa kabila ng katotohanang naguguluhan siya sa kung ano ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Nanatili siya sa Rancho Arganza, hindi lang dahil sa kanyang ina kundi dahil na rin sa pagtanggap sa trabahong nais ipagawa ng binata.Maliit na trabaho lamang iyon kumpara sa mga nagawa na niya sa Manila. Ang nais lang naman ni Sergio ay magpadagdag ng kamalig sa rancho. Sa dami na kasi ng mga produktong inilalabas mula sa lupain ng mga ito ay kulang na ang espasyo ng dating kamalig na mayroon ang Rancho Arganza.Ang kanyang ina ang kauna-unahang natuwa nang malamang mananatili pa siya sa San Nicholas. She started her job on Rancho Arganza. Naglatag siya ng disenyong maaaring magustuhan ni Sergio para sa ipatatayo nitong kamalig. Ayon pa sa binata, gusto pa nitong maglagay ng isa pang maliit na opisinang magiging tanggapan ng mga kliyente o iyong mga tutungo sa rancho upang kumuha ng ano mang p
Tuwid na napatayo si Rhea habang ang kanyang mga mata ay nakatutok pa rin kay Sergio. Ni hindi niya nasagot ang mga sinabi nito. Parang tumigil ang lahat sa kanya nang makita niya ang binatang nakatayo roon at matamang nakamasid sa kanya.Seconds later, Sergio started walking towards her. Katulad niya ay hindi rin mapuknat ang paninitig nito sa kanya."It's nice to see you again," ulit nito sa mga sinabi kanina."Kauuwi mo lang ba? Dito ka dumiretso?" magkasunod niyang tanong dito.Sergio smiled at her. "Yes for your first question," saad nito. "Kauuwi ko lang mula sa Manila. From Davao, I stayed there for a while to visit my condo. Saka na ako bumiyahe pauwi rito. Malapit na ako sa bahay nang makita kitang naglalakad. I was about to call you but held myself.""W-Why?" magkadikit ang mga kilay na tanong niya."I decided to follow you instead," tuwirang tugon nito."S-Sinundan mo ako papunta rito?" aniya sa nagtatakang tinig. "Bakit hindi mo na lang ako tinawag?""I enjoyed watching yo