Share

CHAPTER 15

Natagpuan pa rin ni Rhea ang kanyang sariling tinatanggap ang alok na trabaho ni Sergio. Iyon ay sa kabila ng katotohanang naguguluhan siya sa kung ano ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Nanatili siya sa Rancho Arganza, hindi lang dahil sa kanyang ina kundi dahil na rin sa pagtanggap sa trabahong nais ipagawa ng binata.

Maliit na trabaho lamang iyon kumpara sa mga nagawa na niya sa Manila. Ang nais lang naman ni Sergio ay magpadagdag ng kamalig sa rancho. Sa dami na kasi ng mga produktong inilalabas mula sa lupain ng mga ito ay kulang na ang espasyo ng dating kamalig na mayroon ang Rancho Arganza.

Ang kanyang ina ang kauna-unahang natuwa nang malamang mananatili pa siya sa San Nicholas. She started her job on Rancho Arganza. Naglatag siya ng disenyong maaaring magustuhan ni Sergio para sa ipatatayo nitong kamalig. Ayon pa sa binata, gusto pa nitong maglagay ng isa pang maliit na opisinang magiging tanggapan ng mga kliyente o iyong mga tutungo sa rancho upang kumuha ng ano mang p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eden
mz kna no sergio kaya umuwi n rhea.. thanks s ud author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status