Rhea roamed her eyes around the place while she was walking towards one direction. May pagmamadali pa sa bawat paghakbang na ginagawa niya. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa marating na niya ang isang bahagi ng Rancho Arganza--- ang bahagi kung saan siya nahulog mula sa kabayo.Huminto si Rhea kung saan siya mismo bumagsak. Muli niyang iginala muna ang kanyang paningin sa paligid bago tuluyang nilapitan ang damuhang pinagtaguan niya ng dart na nakita niyang nakabaon sa binti ng kabayo. Hindi niya alam kung naroon pa iyon. Ilang araw na ang lumipas mula nang mahulog siya at hindi niya sigurado kung wala pa bang nakakita sa dart na tinago niya.When Rhea saw that no one's around, she instantly squatted on the ground. Marahan niyang hinawi ang ilang mataas na damo upang hanapin ang dart na nilagay niya roon. Hindi siya nabigo. Kahit ilang araw na ang dumaan ay hindi man lang nawala ang naturang bagay.Rhea picked it up immediately. Tumayo na siya saka matamang pinagmasdan a
Nakulong na lamang sa lalamunan ni Rhea ang kanyang pagsinghap dahil sa angkin ni Sergio ang kanyang mga labi. Halos manlaki pa ang kanyang mga mata dahil sa biglaang ginawa nito. Kung hindi lang siya inakay ng binata sa paglalakad ay baka hindi siya tuminag sa kanyang kinatatayuan. Daig niya pa kasi ang ipinako na sa sahig dahil sa paghalik nito.Narinig niya na lang ang pag-lock ni Sergio sa pinto. The next thing she knew, he was guiding her to walk towards the bed. Nakapaikot sa kanyang baywang ang isang braso nito habang ang isang kamay ay nakapigil sa kanyang batok.He was kissing her passionately. Gustuhin niya mang itulak ito at patigilin sa ginagawang pananakop sa kanyang bibig ay hindi niya magawa. Natagpuan na lang ni Rhea ang kanyang sariling mahigpit na nakahawak sa cotton shirt ng binata.A soft moan escaped from her lips. Pilit na sinasabayan niya ang bawat paghagod ng mga labi nito sa kanyang mga labi. Dahil sa pagtugon na ginawa niya ay mas naging agresibo pa ang pagha
"I-I didn't mean to lie. Gio---"Agad siyang nahinto sa pagsasalita nang idampi ni Sergio ang isang daliri nito sa kanyang mga labi. Titig na titig sa kanya ang binata na kung ano man ang iniisip nang mga sandaling iyon ay hindi na niya mahulaan."Pag-usapan natin ang tungkol sa bagay na iyan sa ibang pagkakataon, Rhea," wika nito sa pabulong na tinig. "We've been talking since a while ago. I prefer making love to you now than talking.""P-Pero---"Sa muli ay hindi siya natapos sa pagsasalita nang sumingit na naman ito. "I won't stop right now just because I found out the truth, Rhea," mariin nitong saad. "I want to mark you as mine tonight."Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong makasagot pa. Muli na nitong inangkin ang kanyang mga labi sa isang mapusok na halik. Naramdaman niya rin ang marahan nitong paghugot ng pagkalalaki nito mula sa kanyang entrada. Sa halip na angkinin siya agad ay pumalit ang kamay nito sa gitnang bahagi ng kanyang mga hita.She gasped and avoided his li
Pinaglipat-lipat ni Sergio ang kanyang paningin sa kanyang Uncle Fabian at Auntie Rebecca. Kasalukuyan na silang nasa loob ng study room. Ang kanyang tiyuhin ay nakapamulsa habang nakatayo sa tabi ng executive desk. Sa swivel chair na naroon ay nakaupo naman ang kasintahan nitong si Rebecca na hanggang nang mga sandaling iyon ay matatalim pa rin ang mga titig na iginagawad sa kanya.Ang almusal na dapat ay dadalhin nito para kay Rhea ay muli nitong ibinaba sa kusina. Nakiusap siyang huwag na munang gisingin ang dalaga at siya na muna ang kausapin. Hindi niya rin naman gustong pasukin nito sa silid si Rhea lalo pa't wala pang ano mang saplot sa katawan ang dalaga.Sergio heaved out a deep sigh while he was sitting on one of the visitor's chair. Mula nga sa silid ni Rhea ay agad siyang inaya ni Rebecca sa may study room upang kausapin, bagay na matapang niya namang sinunod. As a man, he wanted to face Rhea's mother. Alam niyang totoong may pananagutan na siya ngayon. Hindi na lang iyon
Agad na napatiim-bagang si Sergio nang marinig niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Richard. Gusto niya na itong sagutin ng maaanghang na salita kung hindi niya lang iniisip na kasama niya si Rhea nang mga sandaling iyon. Sergio knew very well that his Uncle Richard was just provoking him. May ganoon itong pag-uugali. Gagawa ito ng paraan para sa mismong bibig niya manggaling ang isang bagay na hindi niya gustong malaman ni Rhea.Alam niya kung ano ang gustong mangyari ni Richard--- gusto nitong malaman ni Rhea ang tungkol sa provision ng last will ng kanyang Lolo Abel. Kapag nalaman nga naman ng dalaga ang tungkol sa bagay na iyon ay may posibilidad na magalit ito at hindi pumayag sa pagpapakasal sa kanya. Iisipin ni Rhea na ginagamit niya lamang ito upang makuha ang lahat ng ari-ariang iniwan sa kanya ng kanyang abuelo."S-Sergio," untag ni Rhea sa pananahimik niya. Nang lumingon siya rito ay nakita niyang titig na titig sa kanya ang dalaga na wari ba ay naghihintay ng ano mang isas
"You are getting what?!" malakas na bulalas ni Jeselle mula sa kabilang linya.Mariing napapikit si Rhea nang marinig niya ang malakas na boses ng kanyang kaibigan. Pakiramdam niya pa ay mababasag ang kanyang eardrum dahil sa paraan ng pagsalita nito. Kausap niya sa kanyang cell phone si Jeselle at ibinalita niya rito na malapit na siyang ikasal."Ano ba naman, Jes, masisira ang tainga ko sa iyo," pananaway niya rito."Kung kaharap mo ako ay hindi lang pagsigaw ang magagawa ko, Rhea. Baka maglupasay ako rito marinig ko lang ang mga kuwento mo," dire-diretso nitong pagsasalita. "Kaya linawin mo ang mga sinabi mo. What do you mean you are getting married? Paano nangyari iyan? Ni wala kang nababanggit na may kasintahan ka tapos ngayon ay sasabihin mong ikakasal ka na? At kanino---""Kay Sergio," mabilis niyang singit sa pagsasalita nito dahilan para matahimik ang kaibigan niya.May ilang saglit na hindi nakaimik si Jeselle mula sa kabilang linya. Wari bang pinoproseso nito sa isipan ang
Sergio cleared his throat as he looked at his friends. Lahat ng mga kaibigan niya ay matamang nakatitig kay Rhea. Nabanggit niya na sa dalaga na darating ang mga ito para daluhan ang kanilang kasal. Ang hindi alam ni Rhea ay ngayong araw mismo ang dating ng mga ito sa Rancho Arganza.Rhea was not at home when his friends arrived. Kasama nito ang kaibigang si Jeselle at naglakad-lakad sa kanilang rancho."Dumalo ka pa ng kasal namin ni Rose pero wala ka man lang pasabi na ikakasal ka na rin, Gio. Binigla mo kami," wika ni Ethan sabay baling kay Rhea. "Anyway, it's nice meeting you, Rhea. I'm Ethan.""N-Nice meeting you too," nahihiyang tugon ni Rhea."Ethan is right. Bakit nang nasa Davao tayo ay hindi ka man lang nagpasabi na ikakasal ka na?" susog naman ni Winston sa mga sinabi ni Ethan.Sergio wasn't able to speak for a moment. Oo at nakadalo pa siya sa kasal nina Ethan at Rose. Matapos ng kasal ni Lorenzo at Tamara ay muli siyang umalis ng Rancho Arganza upang daluhan ang kasal ng
"Narinig mo ba ako, Gerald? I am asking you where are we going?" natataranta nang tanong ni Rhea sa binata. Palinga-linga pa siya sa kanilang dinaraanan sa pag-asam na makita ang kotseng sinasakyan ng kanyang ina at ni Jeselle.Gerald didn't answer to her. Patuloy lang ito sa pagmamaneho at waring hindi narinig ang pagsasalita niya. Dahilan iyon para bahagyang lumapit si Rhea sa may driver's seat upang silipin ito."Saan mo ako dadalhin? Why don't you answer me?" halos pabulyaw na niyang tanong dito."Dadalhin kita sa mapapangasawa mo, kaya relax ka lang diyan," wika nito kasabay ng sandaling pagsulyap sa kanya. Saglit lang iyon dahil muli na nitong ibinalik sa unahan ng sasakyan ang paningin nito."Relax? You want me to relax? Bakit dito ka dumaan? Bakit hindi mo sinundan ang sasakyan nina Mama?" sunod-sunod niya pang tanong. Halata na ang pagkataranta sa boses niya.Hindi pa siya natatagalan sa San Nicholas at aminado siyang hindi niya pa kabisado ang bawat daan doon. Sa kabila niyo