Pinaglipat-lipat ni Sergio ang kanyang paningin sa kanyang Uncle Fabian at Auntie Rebecca. Kasalukuyan na silang nasa loob ng study room. Ang kanyang tiyuhin ay nakapamulsa habang nakatayo sa tabi ng executive desk. Sa swivel chair na naroon ay nakaupo naman ang kasintahan nitong si Rebecca na hanggang nang mga sandaling iyon ay matatalim pa rin ang mga titig na iginagawad sa kanya.Ang almusal na dapat ay dadalhin nito para kay Rhea ay muli nitong ibinaba sa kusina. Nakiusap siyang huwag na munang gisingin ang dalaga at siya na muna ang kausapin. Hindi niya rin naman gustong pasukin nito sa silid si Rhea lalo pa't wala pang ano mang saplot sa katawan ang dalaga.Sergio heaved out a deep sigh while he was sitting on one of the visitor's chair. Mula nga sa silid ni Rhea ay agad siyang inaya ni Rebecca sa may study room upang kausapin, bagay na matapang niya namang sinunod. As a man, he wanted to face Rhea's mother. Alam niyang totoong may pananagutan na siya ngayon. Hindi na lang iyon
Agad na napatiim-bagang si Sergio nang marinig niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Richard. Gusto niya na itong sagutin ng maaanghang na salita kung hindi niya lang iniisip na kasama niya si Rhea nang mga sandaling iyon. Sergio knew very well that his Uncle Richard was just provoking him. May ganoon itong pag-uugali. Gagawa ito ng paraan para sa mismong bibig niya manggaling ang isang bagay na hindi niya gustong malaman ni Rhea.Alam niya kung ano ang gustong mangyari ni Richard--- gusto nitong malaman ni Rhea ang tungkol sa provision ng last will ng kanyang Lolo Abel. Kapag nalaman nga naman ng dalaga ang tungkol sa bagay na iyon ay may posibilidad na magalit ito at hindi pumayag sa pagpapakasal sa kanya. Iisipin ni Rhea na ginagamit niya lamang ito upang makuha ang lahat ng ari-ariang iniwan sa kanya ng kanyang abuelo."S-Sergio," untag ni Rhea sa pananahimik niya. Nang lumingon siya rito ay nakita niyang titig na titig sa kanya ang dalaga na wari ba ay naghihintay ng ano mang isas
"You are getting what?!" malakas na bulalas ni Jeselle mula sa kabilang linya.Mariing napapikit si Rhea nang marinig niya ang malakas na boses ng kanyang kaibigan. Pakiramdam niya pa ay mababasag ang kanyang eardrum dahil sa paraan ng pagsalita nito. Kausap niya sa kanyang cell phone si Jeselle at ibinalita niya rito na malapit na siyang ikasal."Ano ba naman, Jes, masisira ang tainga ko sa iyo," pananaway niya rito."Kung kaharap mo ako ay hindi lang pagsigaw ang magagawa ko, Rhea. Baka maglupasay ako rito marinig ko lang ang mga kuwento mo," dire-diretso nitong pagsasalita. "Kaya linawin mo ang mga sinabi mo. What do you mean you are getting married? Paano nangyari iyan? Ni wala kang nababanggit na may kasintahan ka tapos ngayon ay sasabihin mong ikakasal ka na? At kanino---""Kay Sergio," mabilis niyang singit sa pagsasalita nito dahilan para matahimik ang kaibigan niya.May ilang saglit na hindi nakaimik si Jeselle mula sa kabilang linya. Wari bang pinoproseso nito sa isipan ang
Sergio cleared his throat as he looked at his friends. Lahat ng mga kaibigan niya ay matamang nakatitig kay Rhea. Nabanggit niya na sa dalaga na darating ang mga ito para daluhan ang kanilang kasal. Ang hindi alam ni Rhea ay ngayong araw mismo ang dating ng mga ito sa Rancho Arganza.Rhea was not at home when his friends arrived. Kasama nito ang kaibigang si Jeselle at naglakad-lakad sa kanilang rancho."Dumalo ka pa ng kasal namin ni Rose pero wala ka man lang pasabi na ikakasal ka na rin, Gio. Binigla mo kami," wika ni Ethan sabay baling kay Rhea. "Anyway, it's nice meeting you, Rhea. I'm Ethan.""N-Nice meeting you too," nahihiyang tugon ni Rhea."Ethan is right. Bakit nang nasa Davao tayo ay hindi ka man lang nagpasabi na ikakasal ka na?" susog naman ni Winston sa mga sinabi ni Ethan.Sergio wasn't able to speak for a moment. Oo at nakadalo pa siya sa kasal nina Ethan at Rose. Matapos ng kasal ni Lorenzo at Tamara ay muli siyang umalis ng Rancho Arganza upang daluhan ang kasal ng
"Narinig mo ba ako, Gerald? I am asking you where are we going?" natataranta nang tanong ni Rhea sa binata. Palinga-linga pa siya sa kanilang dinaraanan sa pag-asam na makita ang kotseng sinasakyan ng kanyang ina at ni Jeselle.Gerald didn't answer to her. Patuloy lang ito sa pagmamaneho at waring hindi narinig ang pagsasalita niya. Dahilan iyon para bahagyang lumapit si Rhea sa may driver's seat upang silipin ito."Saan mo ako dadalhin? Why don't you answer me?" halos pabulyaw na niyang tanong dito."Dadalhin kita sa mapapangasawa mo, kaya relax ka lang diyan," wika nito kasabay ng sandaling pagsulyap sa kanya. Saglit lang iyon dahil muli na nitong ibinalik sa unahan ng sasakyan ang paningin nito."Relax? You want me to relax? Bakit dito ka dumaan? Bakit hindi mo sinundan ang sasakyan nina Mama?" sunod-sunod niya pang tanong. Halata na ang pagkataranta sa boses niya.Hindi pa siya natatagalan sa San Nicholas at aminado siyang hindi niya pa kabisado ang bawat daan doon. Sa kabila niyo
"You are so stupid! Simpleng bagay lang ang pinagagawa ko, hindi niyo pa magawa!" nangangalaiting sambit ni Richard sa lalaking kausap niya sa kanyang cell phone. Halos magtagis pa ang mga ngipin niya habang nagsasalita."Boss, sinunod namin ang utos mo. Nag-abang kami sa lugar na sinabi mo," wika ng lalaki mula sa kabilang linya."Istupido! Kung nag-abang kayo ay bakit nakarating pa rin sa simbahan si Rhea? Natuloy pa rin ang kasal!" he hissed angrily. Halos maglabasan pa ang mga ugat sa kanyang leeg dahil sa galit na kanyang nadarama.Natuloy ang kasal ni Sergio sa anak ni Rebecca, bagay na labis niyang pinagngingitngit ngayon. Matapos nga ng kasal ay agad na silang bumiyahe pauwi sa Rancho Arganza kung saan ginanap ang reception ng mga ito.Richard's jaws hardened. Naglakad pa siya patungo sa hardin kung saan walang halos na tao. Lahat ng bisita nina Sergio at Rhea ay nasa malawak na bakuran sa harap ng bahay. Abala ang mga ito sa pagkain habang idinadaos ang inilaang programa para
Isa-isang tinitigan ni Rhea ang mga kaibigan ni Sergio. Lahat ng mga ito ay natahimik nang makita siya sa may garahe. Hindi niya pa maiwasang mapakunot-noo kasabay ng paghakbang palapit sa mga ito. Halos lahat kasi ay nabahala nang makita siya, na kung bakit ay hindi niya alam. Galing siya sa loob ng bahay. Nang lapitan niya kanina si Jeselle ay nagpasama ito sa kanya sa banyo. Saglit lang naman sila ngunit hindi na nakasabay ang kaibigan niya sa paglabas ng bahay dahil saktong tumawag ang nobyo nito. Hindi na niya ito hinintay pa at nagpaabiso na mauuna na sa pagbalik sa labas upang estimahin ang ibang bisita sa kasal nila ni Sergio. Mas pinili niyang dumaan sa may garahe kung saan naroon lamang sa malapit ang mesang inokupa ng mga kaibigan ng kanyang asawa. Naroon pa nga si Sergio at marahas na napalingon sa kanya nang magtanong siya. Mabilis na napatayo si Sergio nang nakalapit na siya sa mga ito. Hindi pa nakaligtas kay Rhea ang pagsulyap nitong muli sa mga kaibigan bago siya
***SAVAGE BILLIONAIRE SERIES*** Ang series po na ito ay collaboration namin ni Author Magzz23. Sana po'y mabasa niyo lahat. Available on Goodnovel. Ang iba ay SOON pa lang po. Series 1:Lorenzo Olivar by Yvette Stephanie (complete) Series2:Ethan Villaver by Magzz23 (complete) Series 3:Romano Silerio by Yvette Stephanie (complete) Series 4:Alonzo Montecarlos by Magzz23 Series 5:Sergio Arganza by Yvette Stephanie Series 6:Winston Buenavista by Magzz23 Series 7:Hendrick Montañez by Yvette Stephanie Series 8:Von Hirzel Zurich III by Magzz23 Series 9:Alter Vladimir Santillanes by Yvette Stephanie Series 10:Alexius Sebastian Villareal by Magzz23 Maraming salamat sa sumusuporta ng aming mga akda. God bless po.
Agad na nahinto sa pagsusuklay ng kanyang buhok si Rhea nang makita niyang papasok na ng kanyang silid si Sergio. Hawak nito ang sariling cell phone at doon pa nga nakatitig habang isinasara na ang pinto.Naibaba niya ang suklay sa ibabaw ng mesa saka humarap sa kanyang asawa. Patuloy pa ito sa pagtipa sa pag-aaring cell phone habang nakatayo lang sa may paanan ng kama. Kung ano man ang pinagkakaabalahan nito ay hindi niya alam."Sino ang kausap mo kanina?" usisa niya rito. Nakaupo pa rin siya sa harap ng vanity mirror at naghihintay na magkuwento ito. Kanina kasi ay nagpaalam ito na may tatawagan muna. Hinayaan niya lang ang kanyang asawa nang mas piliin nitong sa sala kausapin ang kung sino mang tatawagan nito."Si Lorenzo ang kinausap ko. I called him," tugon nito kasabay ng basta na lamang pag-itsa ng cell phone sa ibabaw ng kama. "Nakikibalita ako kung kumusta na si Vladimir. Ang alam ko kasi ay pinilit niyang sumama sa kanya si Vlad upang mailayo muna kay Hendrick.""And?" pag-u
Hi, guysss... Gusto ko lang sabihin na ang timeline ng Chapter 55 ay 2 years ago na. Kung nabasa niyo na po ang ibang stories ko, iyon din ang timeline kung kailan nakauwi na mula sa ibang bansa si Romano at nagkaayos na sila ng asawa niyang si Analyn. Iyon din ang timeline ng last chapter ng story nina Lorenzo at Tamara. Sa Chapter 55, since two years ago na ay may asawa na rin si Hendrick sa timeline na iyon (pero hindi ko pa nasusulat ang story niya. Hehehe!) So, bakit sinuntok ni Hendrick si Vladimir? Si Vladimir na sa timeline na iyan ay single pa rin (hehe!)...Abangan niyo po sa mismong story ni Vladimir. Doon maipapaliwanag ang scene na nasa Chapter 55. PS. I'll update the Final Chapter of Sergio and Rhea's story tomorrow. Thank you for supporting their story. —Yvette Stephanie
TWO YEARS LATER...Dahan-dahang bumaba ng hagdan si Rhea habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa asawa niyang si Sergio. Kanina pa ito nasa sala at naghihintay na lamang sa kanya. Mabilis pa nga itong napalingon nang maramdaman ang presensiya niya at agad na rumihestro sa mga mata nito ang labis na paghanga nang makita ang kanyang ayos.She smiled at him lovingly. Bago pa man siya tuluyang makababa ay naroon na ito at sinalubong siya sa pinakahuling baitang ng hagdan."Did I keep you waiting?" nakangiti niyang tanong dito."I didn't mind," anito bago sabay silang napabulalas ng tawa sapagkat pareho nilang napagtantong mga linya ng isang kanta ang mga binitiwan nilang kataga. "Kidding aside, you look so gorgeous, Mrs. Arganza."Mataman siyang pinagmasdan ni Sergio. Bumaba-taas pa ang paningin nito sa kanyang kabuuan habang nasa mga mata pa rin nito ang labis na paghanga para sa kanya.Rhea was wearing a pink dress. Hapit iyon sa kanyang katawan dahilan para mas makita ang maganda ni
Last two chapters na lang po ang Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza. Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kuwento nina Sergio at Rhea. I highly appreciate all the comments that I received, as well as the gems. Abangan niyo rin po ang kuwento nina Hendrick (series 7) at ni Alter Vladimir (series 9) katulad ng kung paano niyo sinuportahan sina Lorenzo, Romano at Sergio. Ako po ang author nila. Of course, support niyo rin po ang stories ni Author Magzz23 na kasama sa Savage Billionaire. Siya naman po ang writer ng kuwento nina Ethan, Alonzo, Winston, Von and Sebastian. (But before ko po simulan ang kuwento ni Hendrick, I'll be writing first my other story. Kung nabasa niyo na po ang HIS SCARRED HEART, kilala niyo na po si Trace De la Serna. I'll write his story first.) Thank you so much....
Marahang napalingon si Rhea sa kanyang likuran nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nakita niyang sumilip muna si Sergio bago tuluyan nang pumasok sa kanilang silid. It was almost a week since she was discharged from the hospital. Halos isang linggo na rin mula nang malaman nilang wala na ang kanilang anak. It's been almost a week, yet, hindi niya pa rin matanggap ang mga nangyari.Nakatingin sa kanya si Sergio habang isinasara nito ang pinto. Nang mai-lock iyon ay humakbang na ito palapit sa bedside table at doon ay inilapag ang isang baso ng gatas na dala-dala nito para sa kanya.She's now recovering. Nang masigurong maayos na ang lahat sa kanya ay pinayagan na siya ng mga doktor na umuwi. Since she was discharged from the hospital, Sergio has always been caring to her. Ito ang nag-aalaga sa kanya, nag-aayos ng mga kailangan niya at kahit alam niyang marami itong kailangan gawin sa rancho ay nasa tabi niya lamang ang kanyang asawa.Halos hindi niya ito kibuin mula nang lumabas s
Kanina pa naglalakad paroo't parito si Sergio sa harap ng emergency room. Hindi siya mapalagay. Ang kaba at takot na nasa kanyang dibdib ay hindi pa rin nawawala. Ni hindi niya na nga mabilang kung ilang ulit na siyang nakausal ng panalangin para lang sa kanyang asawa na ngayon ay nasa loob na ng emergency room at tinitingnan ng mga doktor.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakadama siya ng labis na takot, hindi para sa kaligtasan niya. It was more for his wife's safety. Matapos niyang mabaril si Richard ay saka niya lang nadaluhan ang kanyang asawa. Ang nais niya ay mailayo ito mula panganib pero halos makadama siya ng kakaibang panlalamig ng kanyang katawan nang makita ang pagdurugo nito.Sa nagmamadaling kilos ay binuhat na niya si Rhea at isinakay ito sa kanyang sasakyan. Saktong nasa may kalsada na sila nang dumating naman ang kanyang Uncle Bert na una na niyang natawagan kanina. Gusto na niyang sabihin dito ang mga nangyari pero mas gusto niyang unahin muna ang kapakanan ng kanyan
Halos magsalubong ang mga kilay ni Sergio habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone. Nakailang beses siya sa pag-dial ng numero ni Rhea pero iisa lamang ang naririnig niya. His wife's number was out of reach, kung ano man ang rason ay hindi niya alam.Hindi ugali ni Rhea na magpatay ng cell phone. In the first place, hindi rin ito basta-bastang aalis ng kanilang rancho nang walang dahilan. May kinailangan ba itong puntahan? Kung mayroon man, bakit hindi man lang nito sa kanya nabanggit?He dialled her number once again. Sa muli, ganoon pa rin ang resulta. Hindi niya man gustong pangunahan ng pangamba pero waring iyon na nga ang umuusbong mula sa kanyang dibdib. Hindi na niya maiwasang mag-alala para sa kanyang asawa."M-May problema ba, Gio?" narinig niyang usisa ni Sofia mula sa kanyang likuran.Napalingon siya rito. "I can't contact my wife.""W-Who called you a while ago?" tanong pa nito."Si Uncle Fabian," tugon niya. "Wala raw sa rancho si Rhea. I was trying to call her no
Mahigpit na napahawak si Rhea sa manibela ng kanyang sasakyan habang sinusundan ng tingin si Richard na ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya. Ang bahagi kung saan naroon ang driver's seat ang sadya nitong nilapitan at hindi pa mapigilan ni Rhea na makadama ng kaba dahil doon.Agad na sumagi sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ni Sergio. Ayon sa kanyang asawa ay nagpang-abot ito at si Richard matapos ipaalam sa kanya ng huli ang tungkol sa provision ng manang natanggap ni Sergio. Her husband thought that Richard did it on purpose. Gusto nitong nagkasira silang mag-asawa bilang ganti dahil sa hindi nito nakuha ang mga ari-arian ng mga Arganza.Nagsususpetsa pa si Sergio na si Richard ang nasa likod ng lahat ng nangyari sa kanya noon--- ang pagkakahulog niya sa kabayo hanggang noong gabing may nagtangkang pumasok sa silid na inookupa niya sa bahay ng mga Arganza. Tanging si Richard lamang ang may motibo para gawin ang lahat ng iyon. Ito lang naman ay may gustong hindi maikasal si
Binagalan na ni Rhea ang kanyang pagmamaneho nang matanawan niya na ang pangalan ng establisyementong nais niyang puntahan, ang Elyong's. Saglit niya pa munang iginala ang kanyang paningin sa paligid upang maghanap ng lugar na pagpaparadahan ng kanyang sasakyan. Hangga't maaari kasi ay hindi niya gustong pumarada sa mismong harapan ng naturang kainan.Nagpakawala pa muna siya ng isang malalim na buntonghininga bago kinabig ang manibela ng kanyang kotse. Mas pinili niyang ihinto na lamang iyon bago pa man tuluyang makarating sa may Elyong's. Sa tabi ng daan lang siya pumarada saka lumabas na mula sa may driver's seat. Siniguro niya pa munang naka-lock na lahat ng pinto ng kanyang kotse bago humakbang patungo sa sikat na kainang iyon sa San Nicholas.It was already past nine in the morning. Mula nga sa Rancho Arganza ay nagmaneho siya patungo sa bayan. Hinintay niya lang na maging abala si Sergio bago siya naghanda sa pag-alis. Ni hindi na niya nagawa pang makapagpaalam sa kanilang Uncl