Sergio cleared his throat as he looked at his friends. Lahat ng mga kaibigan niya ay matamang nakatitig kay Rhea. Nabanggit niya na sa dalaga na darating ang mga ito para daluhan ang kanilang kasal. Ang hindi alam ni Rhea ay ngayong araw mismo ang dating ng mga ito sa Rancho Arganza.Rhea was not at home when his friends arrived. Kasama nito ang kaibigang si Jeselle at naglakad-lakad sa kanilang rancho."Dumalo ka pa ng kasal namin ni Rose pero wala ka man lang pasabi na ikakasal ka na rin, Gio. Binigla mo kami," wika ni Ethan sabay baling kay Rhea. "Anyway, it's nice meeting you, Rhea. I'm Ethan.""N-Nice meeting you too," nahihiyang tugon ni Rhea."Ethan is right. Bakit nang nasa Davao tayo ay hindi ka man lang nagpasabi na ikakasal ka na?" susog naman ni Winston sa mga sinabi ni Ethan.Sergio wasn't able to speak for a moment. Oo at nakadalo pa siya sa kasal nina Ethan at Rose. Matapos ng kasal ni Lorenzo at Tamara ay muli siyang umalis ng Rancho Arganza upang daluhan ang kasal ng
"Narinig mo ba ako, Gerald? I am asking you where are we going?" natataranta nang tanong ni Rhea sa binata. Palinga-linga pa siya sa kanilang dinaraanan sa pag-asam na makita ang kotseng sinasakyan ng kanyang ina at ni Jeselle.Gerald didn't answer to her. Patuloy lang ito sa pagmamaneho at waring hindi narinig ang pagsasalita niya. Dahilan iyon para bahagyang lumapit si Rhea sa may driver's seat upang silipin ito."Saan mo ako dadalhin? Why don't you answer me?" halos pabulyaw na niyang tanong dito."Dadalhin kita sa mapapangasawa mo, kaya relax ka lang diyan," wika nito kasabay ng sandaling pagsulyap sa kanya. Saglit lang iyon dahil muli na nitong ibinalik sa unahan ng sasakyan ang paningin nito."Relax? You want me to relax? Bakit dito ka dumaan? Bakit hindi mo sinundan ang sasakyan nina Mama?" sunod-sunod niya pang tanong. Halata na ang pagkataranta sa boses niya.Hindi pa siya natatagalan sa San Nicholas at aminado siyang hindi niya pa kabisado ang bawat daan doon. Sa kabila niyo
"You are so stupid! Simpleng bagay lang ang pinagagawa ko, hindi niyo pa magawa!" nangangalaiting sambit ni Richard sa lalaking kausap niya sa kanyang cell phone. Halos magtagis pa ang mga ngipin niya habang nagsasalita."Boss, sinunod namin ang utos mo. Nag-abang kami sa lugar na sinabi mo," wika ng lalaki mula sa kabilang linya."Istupido! Kung nag-abang kayo ay bakit nakarating pa rin sa simbahan si Rhea? Natuloy pa rin ang kasal!" he hissed angrily. Halos maglabasan pa ang mga ugat sa kanyang leeg dahil sa galit na kanyang nadarama.Natuloy ang kasal ni Sergio sa anak ni Rebecca, bagay na labis niyang pinagngingitngit ngayon. Matapos nga ng kasal ay agad na silang bumiyahe pauwi sa Rancho Arganza kung saan ginanap ang reception ng mga ito.Richard's jaws hardened. Naglakad pa siya patungo sa hardin kung saan walang halos na tao. Lahat ng bisita nina Sergio at Rhea ay nasa malawak na bakuran sa harap ng bahay. Abala ang mga ito sa pagkain habang idinadaos ang inilaang programa para
Isa-isang tinitigan ni Rhea ang mga kaibigan ni Sergio. Lahat ng mga ito ay natahimik nang makita siya sa may garahe. Hindi niya pa maiwasang mapakunot-noo kasabay ng paghakbang palapit sa mga ito. Halos lahat kasi ay nabahala nang makita siya, na kung bakit ay hindi niya alam. Galing siya sa loob ng bahay. Nang lapitan niya kanina si Jeselle ay nagpasama ito sa kanya sa banyo. Saglit lang naman sila ngunit hindi na nakasabay ang kaibigan niya sa paglabas ng bahay dahil saktong tumawag ang nobyo nito. Hindi na niya ito hinintay pa at nagpaabiso na mauuna na sa pagbalik sa labas upang estimahin ang ibang bisita sa kasal nila ni Sergio. Mas pinili niyang dumaan sa may garahe kung saan naroon lamang sa malapit ang mesang inokupa ng mga kaibigan ng kanyang asawa. Naroon pa nga si Sergio at marahas na napalingon sa kanya nang magtanong siya. Mabilis na napatayo si Sergio nang nakalapit na siya sa mga ito. Hindi pa nakaligtas kay Rhea ang pagsulyap nitong muli sa mga kaibigan bago siya
***SAVAGE BILLIONAIRE SERIES*** Ang series po na ito ay collaboration namin ni Author Magzz23. Sana po'y mabasa niyo lahat. Available on Goodnovel. Ang iba ay SOON pa lang po. Series 1:Lorenzo Olivar by Yvette Stephanie (complete) Series2:Ethan Villaver by Magzz23 (complete) Series 3:Romano Silerio by Yvette Stephanie (complete) Series 4:Alonzo Montecarlos by Magzz23 Series 5:Sergio Arganza by Yvette Stephanie Series 6:Winston Buenavista by Magzz23 Series 7:Hendrick Montañez by Yvette Stephanie Series 8:Von Hirzel Zurich III by Magzz23 Series 9:Alter Vladimir Santillanes by Yvette Stephanie Series 10:Alexius Sebastian Villareal by Magzz23 Maraming salamat sa sumusuporta ng aming mga akda. God bless po.
Mariing napapikit ng kanyang mga mata si Rhea kasabay ng mahigpit niyang paghawak sa bedsheet ng kama. Hindi na niya alam kung saan ibabaling ang kanyang ulo dahil sa ginagawa ni Sergio sa kanya. She didn't expect that she would have a chance to experience that kind of emotion. Iyon ang unang pagkakataong nakaranas siya niyon at sadyang namamangha siya sa sensasyong dulot ng ginagawa nito.Itinukod niya ang kanyang mga siko sa kama at bahagyang iniangat ang kanyang katawan upang tingnan si Sergio. Gusto niya pang maeskandalo sa nakikitang ginagawa nito. Nakaluhod ang kanyang asawa sa sahig at nasa gitna ng kanyang mga hita. Marahan pa itong nakahawak sa mga hita niya na sadyang pilit na pinaghihiwalay nito. And he was busy kissing her femininity that almost made her lost her breath."Oh, G-Gio..." mahina niyang sambit sabay balik sa pagkakahiga. Halos mapasinghap pa siya nang marahan siya nitong hilain. Halos nasa tampi na ng kama ang kanyang pang-upo at ang kanyang mga paa ay nakasay
Tahimik na nakatanaw si Rhea sa bakauran ng mga Arganza. Kasalukuyan siyang nasa teresa ng silid ni Sergio at naghihintay na makauwi ito. Hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga sinabi ni Richard. Para iyong isang bomba na sumabog sa kanyang harapan at ngayon ay nagdulot sa kanya ng maraming sugat, partikular sa kanyang dibdib.Humugot siya ng isang malalim na hininga. Naitukod niya pa ang kanyang dalawang kamay sa pasimano ng teresa kasabay ng pagtiim ng kanyang mukha. Nagagalit siya... nasusuklam dahil sa kanyang mga natuklasan. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Nauunawaan na niya kung bakit ganoon na lang kadeterminado si Sergio na magpakasal sila kahit noong wala pa mang nangyayari sa kanilang dalawa. It was because of his grandfather's last will and testament.Laking pagtataka niya pa kung bakit ganoon na lang kadali para rito na sumang-ayon na pakasalan siya matapos silang nahuli ng kanyang mama at ni Fabian sa kuwadra. Walang nagana
Maang na napatitig si Rhea kay Sergio. Hindi niya alam kung ilang saglit na namagitan ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang mag-asawa. Walang nangahas na magsalita at pareho lang silang nakatitig sa mukha ng isa't isa.Nakalarawan ang pagkamangha sa mukha ni Rhea. Hindi niya inaasahang marinig ang mga katagang iyon mula kay Sergio. Dahilan nga iyon para halos mapaawang ang kanyang bibig habang nakikipagpalitan ng tingin dito. Samantalang si Sergio ay may seryosong ekspresyon sa mukha. Halos nakatiim-bagang na ito habang nakatutok ang mga mata sa kanya.Disimuladong hinamig ni Rhea ang kanyang sarili. Iniwasan niya ang mga titig nito saka pagak na natawa. Halos naging histerikal pa ang pagtawa niya na nagsanhi ng pagkunot ng noo ng kanyang asawa."Gusto?" ulit niya sa sinabi nito. "Yeah, right. Bakit, Sergio? Dahil ba sa naibibigay ko sa iyo ang pangangailangan mo bilang lalaki? It would be very easy for you to claim your marital rights. Legal tayong kasal, eh.""Rhea, listen