Tahimik na nakatanaw si Rhea sa bakauran ng mga Arganza. Kasalukuyan siyang nasa teresa ng silid ni Sergio at naghihintay na makauwi ito. Hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga sinabi ni Richard. Para iyong isang bomba na sumabog sa kanyang harapan at ngayon ay nagdulot sa kanya ng maraming sugat, partikular sa kanyang dibdib.Humugot siya ng isang malalim na hininga. Naitukod niya pa ang kanyang dalawang kamay sa pasimano ng teresa kasabay ng pagtiim ng kanyang mukha. Nagagalit siya... nasusuklam dahil sa kanyang mga natuklasan. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Nauunawaan na niya kung bakit ganoon na lang kadeterminado si Sergio na magpakasal sila kahit noong wala pa mang nangyayari sa kanilang dalawa. It was because of his grandfather's last will and testament.Laking pagtataka niya pa kung bakit ganoon na lang kadali para rito na sumang-ayon na pakasalan siya matapos silang nahuli ng kanyang mama at ni Fabian sa kuwadra. Walang nagana
Maang na napatitig si Rhea kay Sergio. Hindi niya alam kung ilang saglit na namagitan ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang mag-asawa. Walang nangahas na magsalita at pareho lang silang nakatitig sa mukha ng isa't isa.Nakalarawan ang pagkamangha sa mukha ni Rhea. Hindi niya inaasahang marinig ang mga katagang iyon mula kay Sergio. Dahilan nga iyon para halos mapaawang ang kanyang bibig habang nakikipagpalitan ng tingin dito. Samantalang si Sergio ay may seryosong ekspresyon sa mukha. Halos nakatiim-bagang na ito habang nakatutok ang mga mata sa kanya.Disimuladong hinamig ni Rhea ang kanyang sarili. Iniwasan niya ang mga titig nito saka pagak na natawa. Halos naging histerikal pa ang pagtawa niya na nagsanhi ng pagkunot ng noo ng kanyang asawa."Gusto?" ulit niya sa sinabi nito. "Yeah, right. Bakit, Sergio? Dahil ba sa naibibigay ko sa iyo ang pangangailangan mo bilang lalaki? It would be very easy for you to claim your marital rights. Legal tayong kasal, eh.""Rhea, listen
Malakas na hinatak ni Sergio ang tali ng kabayong sinasakyan niya upang patigilin iyon. Naglikha pa ng marahang ingay ang kanilang alaga dahil sa ginawa niya bago ito tuluyang sumunod at huminto. Agad na siyang bumaba mula sa pagkakasampa sa kabayo at ibinigay kay Janjan ang tali upang ipasok na nito ang naturang hayop."Sir, dumaan ho ang supplier ng pataba kanina. Hinanap ho namin kung saan kayo nangabayo pero hindi ho namin kayo makita," imporma sa kanya ni Janjan habang iginigiya nito papasok ng kulungan ang sinakyan niya."What did they say?" tanong niya habang hinuhubad ang suot na sumbrero."Babalik na lamang daw ho bukas ng umaga."Hindi na siya nagbigay pa ng komento. Tumango na lamang siya saka humakbang na palapit sa kanyang sasakyang nakaparada lamang malapit sa may kuwadra. He instantly opened the door at the driver's seat and got inside. Agad na siyang nagmaneho pabalik sa kanilang bahay.Talagang hindi siya mahahanap ng mga ito. Nangabayo siya hanggang sa pinakadulong b
"Ready na ba lahat ng designs?" tanong ni Jeselle habang humahangos na lumapit sa mesa ni Rhea. Dahil sa biglang paglapit nito ay nahinto siya sa paninitig sa monitor ng kanyang laptop. Kanina pa siya nakatitig doon kahit pa ang totoo ay malayo ang itinatakbo ng isipan niya.Agad siyang napalingon sa kanyang kaibigan na ngayon ay nakatayo na sa kanyang tabi. Isang sulyap pa muna ang ibinigay ni Jeselle sa kanyang laptop bago siya naman ang matamang tinitigan. Agad pang kumunot ang noo nito nang mapagmasdan siya."Tulala ka na naman," saad nito sabay hila ng isang silya. Naupo ito roon at wari bang handa nang makipag-usap sa kanya.Rhea smiled. Isang uri ng ngiti iyon na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Iniwasan niya ang paninitig ng kanyang kaibigan at itinuon na lamang ang mga mata sa kanyang laptop."Hindi ko na itatanong kung ayos ka lang dahil alam ko na rin naman ang sagot mo," wika pa nito bago malalim na napabuntonghininga. "Iniisip mo na naman ang mga nangyari sa iyo
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Rhea habang nakikipagpalitan siya ng tingin kay Sergio. Halos hindi niya na naigalaw ang kanyang mga paa na para bang naipako na sa kanyang kinatatayuan. Waring huminto ang lahat sa kanya at ang tangi niyang nakikita ay ang kanyang asawa.Tuluyang bumaba si Sergio ngunit sa halip na lumapit sa kanila ni Fabian ay huminto na ito sa pinakaunang baitang ng hagdan. Nanatili lamang ito roon habang matamang nakatitig sa kanya. Ni hindi niya pa mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.Rhea composed herself. Pinatatag niya ang kanyang sarili sa harapan nito kahit pa ang totoo ay parang nanghihina na ang mga tuhod niya dahil sa pagkikita nilang muli. Hindi niya pa nga napigilan ang kanyang sarili na igala ang paningin sa kabuuan ng kanyang asawa.Nakasuot pa ito ng pambahay at halatang hindi pa nagsisimula ng ano mang gawain sa rancho. Noong pumunta siya roon anim na buwan na ang nakararaan ay halos nakabisado na niya ang ginagawa nito sa bawat araw
Agad na napatayo nang tuwid si Rhea nang makita niya si Sergio. Hindi niya pa mapigilang mapalunok nang mapagmasdan niya ang katawan nito. Nakatapis lamang ito ng puting tuwalya at basang-basa pa ang may kahabaan na nitong buhok. Umaabot pa sa kanyang kinatatayuan ang halimuyak ng sabong ginamit nito sa pagligo. And that sent uneasiness on her. Sapat na ang presensiya nito para magulo ang buong sistema niya.Hinamig niya ang kanyang sarili kasabay ng mariin na paglunok. "I-I... I will just get my things," wika niya sa mahinang tinig."Why will you get it?" mabilis nitong tanong bago nagsimulang maglakad sa kanya. Ang ginawa nitong pagkilos ay halos mas nagpailang sa kanya.But Rhea did her best to look firm in front of him. Hindi niya gustong malaman nitong nakadarama siya ng pagkaligalig ngayong magkaharap silang dalawa... ngayong sila lamang ang nasa loob ng isang silid."Ililipat ko sa guestroom," matatag niyang sabi."Why?" agad nitong tanong."T-This is your room, Sergio. Dito di
Tuluyang humakbang si Rhea palapit sa kinaroroonan nina Sergio, Charlie at Armira. Isang matalim na sulyap pa nga ang iginawad niya sa kamay ni Armira na nakaabriste sa braso ng kanyang asawa. For some reasons, seeing Sergio being held by someone else just like that sent irritation to her. Mukhang alam niya na rin naman kung ano ang rason kung bakit pero pilit niyang itinatanggi iyon sa kanyang isipan.Hindi niya inaasahang makita ang mga ito sa kuwadra. Kanina, pagkaalis ni Sergio ay totoong nahiga siya upang sana ay magpahinga. Nakapapagod din naman talaga magmaneho ng ilang oras mula sa Maynila hanggang sa San Nicholas. Ngunit dahil sa samu't saring bagay na gumugulo sa isipan niya ay hindi rin naman siya halos mapalagay sa loob ng silid ni Sergio.She went out of the room and decided to go to her mother. Kasalukuyan na itong nagpapahinga at dahil ayaw niya namang maistorbo ang kanyang ina ay hindi na siya pumasok pa sa silid nito at ni Fabian. Sa halip, inaya na lamang siya ng tiy
Hindi mapigilan ni Rhea ang mapangiti habang nakatitig sa kanyang inang tuwang-tuwa sa ibinigay niyang libro. Hawak ni Rebecca ang isang English novel na sadyang binili niya pa bago bumiyahe patungo sa San Nicholas. Nang mabanggit kasi ni Fabian ang tungkol sa karamdaman ng kanyang ina ay nag-isip na siya ng kung ano ang mga maaaring maibigay dito sa muli nilang pagkikita. And Rebecca loved to read, just like her. Nang nasa Manila nga sila ay iyon ang madalas nilang pampalipas ng oras kung kapwa lang din sila walang trabaho.And seeing her mom with a smile on her lips sent happiness to Rhea. Hindi niya sigurado kung mababasa pa ni Rebecca ang librong iyon lalo na ngayon na wari ay mas lumalala ang kalagayan nito. Nevertheless, the smile that she saw on her mother's face was priceless. Dahil sa karamdaman nito, wala na siyang ibang nais ibigay ngayon sa kanyang ina kundi kaligayahan."Thank you so much for this, Rhea. You really know what I love," nakangiting saad nito.Isang ngiti lam