Share

CHAPTER 38

Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Rhea habang nakikipagpalitan siya ng tingin kay Sergio. Halos hindi niya na naigalaw ang kanyang mga paa na para bang naipako na sa kanyang kinatatayuan. Waring huminto ang lahat sa kanya at ang tangi niyang nakikita ay ang kanyang asawa.

Tuluyang bumaba si Sergio ngunit sa halip na lumapit sa kanila ni Fabian ay huminto na ito sa pinakaunang baitang ng hagdan. Nanatili lamang ito roon habang matamang nakatitig sa kanya. Ni hindi niya pa mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.

Rhea composed herself. Pinatatag niya ang kanyang sarili sa harapan nito kahit pa ang totoo ay parang nanghihina na ang mga tuhod niya dahil sa pagkikita nilang muli. Hindi niya pa nga napigilan ang kanyang sarili na igala ang paningin sa kabuuan ng kanyang asawa.

Nakasuot pa ito ng pambahay at halatang hindi pa nagsisimula ng ano mang gawain sa rancho. Noong pumunta siya roon anim na buwan na ang nakararaan ay halos nakabisado na niya ang ginagawa nito sa bawat araw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Judith Herrera Uba
ihanda mo na sarili mo Rhea ihi lang pahinga mo nyan hahahha
goodnovel comment avatar
Jugea Davin
update na pls ...
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Abay nag hahanda na si gio ng matinding laban an ah!! Thanks miss a. Ang ganda ng mga story sa savage billionaire's..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status