Mahigpit na napahawak si Rhea sa magkabilang balikat ni Sergio nang bigla ay hapitin siya nito at maalab na halikan sa mga labi. Nakulong na lamang sa lalamunan niya ang pagsinghap na namutawi mula sa kanya. Ramdam niya ang init at gigil sa bawat paghagod ng mga labi nito sa kanya na halos hindi na niya masabayan pa.Mas nagdikit pa ang kanilang mga katawan nang hapitin pa siya ni Sergio sa kanyang baywang gamit ang kanang kamay nito. Ang isa namang kamay ng kanyang asawa ay pigil siya sa kanyang batok dahilan para mas lumalim pa ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. Ni hindi niya maiiwas ang kanyang mukha rito dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak.The kiss went deeper. Pilit niyang tinutugon ang halik na iginagawad ng kanyang asawa pero aminado pa rin si Rhea na hindi niya kayang sabayan ang maalab at mapusok na paggalaw ng mga labi nito. He was kissing her wildly that Rhea could feel her lips would swell afterwards.Hanggang sa maya-maya ay pinakawalan nito ang kanyang bibig s
Dahan-dahang iminulat ni Rhea ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang may banayad na humahaplos sa kanyang buhok. Pagdilat ay mukha agad ni Sergio ang kanyang nasilayan. Nakahiga pa rin ito sa kanyang tabi, nakatagilid paharap sa kanya.Nang makita nitong gising na siya ay agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi ng kanyang asawa. Ang kamay nitong humahaplos kanina sa kanyang buhok ay hinapit na siya sa kanyang baywang at mahigpit siyang niyakap."Magandang tanghali, baby," bati nito sa masuyong tinig.She just smiled lazily. Sa halip na sumagot ay isiniksik niya na lamang ang kanyang sarili sa dibdib nito at muling ipinikit ang mga mata. Dahil sa ginawa niya ay marahang natawa si Sergio sabay patak ng isang halik sa kanyang noo."Napagod ba kita masyado kagabi kaya talagang tanghali ka na nagising ngayon?" napapangiti pa nitong tanong.Rhea answered him while her eyes were still closed. Ni hindi rin siya kumilos at hinayaan lamang ang kanyang sarili na namnamin ang
"Pauwi na rin ako maya-maya. May isa lang akong kailangang bilhin pa. Iyon na lang, Gio," imporma ni Rhea kay Sergio. Kausap niya ito sa kanyang cell phone habang naglalakad na siya palapit sa kanyang sasakyan. Bitbit niya sa isa niyang kamay ang dalawang plastic bag ng pinamiling groceries. Kalalabas niya lang mula sa mini mart at ngayon nga ay pabalik na sa kanyang kotse."Dapat ay hinintay mo na lang ako, Rhea. Maaari naman kitang samahan sa pagpunta riyan sa bayan. Gusto mo bang sundan na lang kita riyan? Tapos na rin naman akong bisitahin ang kuwadra."Marahan siyang natawa dahil sa mga sinabi nito. Kasalukuyan na niyang inilalagay sa backseat ng kanyang kotse ang mga pinamili niya. "There is no need to come here, Gio. I told you, pauwi na rin ako. Besides, kung pupunta ka pa, eh, 'di dalawang sasakyan na ang gamit natin."Narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang malalim na buntonghininga. Halatang hindi pa ito sang-ayon sa mga sinabi niya. "You should have told me that you a
Marahang napapitlag si Rhea nang maramdaman niyang may yumakap mula sa kanyang likuran. Kahit hindi siya lumingon ay alam niyang ang kanyang asawa ang yumapos sa kanya. His scent was so familiar to her that even though her eyes were closed, she could still say if it's Sergio or not."Why don't you take a rest for a while, Rhea? Dalawang araw ka nang puyat. Gusto mo bang samahan kita sa taas?" puno ng pag-aalalang saad nito sa kanya."I am fine, Sergio. A-Ayokong iwan dito si Mama," sagot niya at hindi pa nga maiwasang mapalunok nang mariin upang pigilan ang pag-alpas na naman ng kanyang mga luha.Her eyes darted to her mother's coffin. She was standing just beside it when Sergio hugged her from her behind. Nanubig na naman ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kabaong ng kanyang ina. It has been two days... It has been two days since her mother died. At tulad ng sinabi ni Sergio, dalawang araw na rin siyang puyat at halos walang pahinga. Hindi niya magawang makatulog nang maayos ma
Matuling lumipas ang isang linggo. Sa dami ng bumabagabag sa isipan ni Rhea, ang tungkol sa pagkawala ng kanyang ina ang pinakadinamdam niya. Nailibing na si Rebecca at hindi niya alam kung paano niya nagawang malampasan ang araw na iyon.It wasn't the first time that she grieved for someone so dear to her. Nang mawala ang kanyang ama ay labis din ang pagdadalamhating nadama niya. Pero iba pa rin pala kapag yaong dalawang magulang na talaga ang tuluyang nang-iwan. She couldn't explain the emptiness that she felt because of her parents' death.Naging maayos ang libing ng kanyang ina. Dumating at nakiramay ang ilang kamag-anak nila mula pa sa Manila. Naroon din ang ibang kakilala ng kanyang Uncle Fabian at ni Sergio. Lahat ay nagpaabot ng pakikiramay sa kanya.Sa buong panahong iyon ay hindi siya pinabayaan ni Sergio. Lagi itong nakaagapay sa kanya at sinisigurong nakakapagpahinga pa rin siya nang maayos. Sa kabila ng umusbong na pagdududa mula sa kanyang dibdib dahil sa nakita niya ito
Binagalan na ni Rhea ang kanyang pagmamaneho nang matanawan niya na ang pangalan ng establisyementong nais niyang puntahan, ang Elyong's. Saglit niya pa munang iginala ang kanyang paningin sa paligid upang maghanap ng lugar na pagpaparadahan ng kanyang sasakyan. Hangga't maaari kasi ay hindi niya gustong pumarada sa mismong harapan ng naturang kainan.Nagpakawala pa muna siya ng isang malalim na buntonghininga bago kinabig ang manibela ng kanyang kotse. Mas pinili niyang ihinto na lamang iyon bago pa man tuluyang makarating sa may Elyong's. Sa tabi ng daan lang siya pumarada saka lumabas na mula sa may driver's seat. Siniguro niya pa munang naka-lock na lahat ng pinto ng kanyang kotse bago humakbang patungo sa sikat na kainang iyon sa San Nicholas.It was already past nine in the morning. Mula nga sa Rancho Arganza ay nagmaneho siya patungo sa bayan. Hinintay niya lang na maging abala si Sergio bago siya naghanda sa pag-alis. Ni hindi na niya nagawa pang makapagpaalam sa kanilang Uncl
Mahigpit na napahawak si Rhea sa manibela ng kanyang sasakyan habang sinusundan ng tingin si Richard na ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya. Ang bahagi kung saan naroon ang driver's seat ang sadya nitong nilapitan at hindi pa mapigilan ni Rhea na makadama ng kaba dahil doon.Agad na sumagi sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ni Sergio. Ayon sa kanyang asawa ay nagpang-abot ito at si Richard matapos ipaalam sa kanya ng huli ang tungkol sa provision ng manang natanggap ni Sergio. Her husband thought that Richard did it on purpose. Gusto nitong nagkasira silang mag-asawa bilang ganti dahil sa hindi nito nakuha ang mga ari-arian ng mga Arganza.Nagsususpetsa pa si Sergio na si Richard ang nasa likod ng lahat ng nangyari sa kanya noon--- ang pagkakahulog niya sa kabayo hanggang noong gabing may nagtangkang pumasok sa silid na inookupa niya sa bahay ng mga Arganza. Tanging si Richard lamang ang may motibo para gawin ang lahat ng iyon. Ito lang naman ay may gustong hindi maikasal si
Halos magsalubong ang mga kilay ni Sergio habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone. Nakailang beses siya sa pag-dial ng numero ni Rhea pero iisa lamang ang naririnig niya. His wife's number was out of reach, kung ano man ang rason ay hindi niya alam.Hindi ugali ni Rhea na magpatay ng cell phone. In the first place, hindi rin ito basta-bastang aalis ng kanilang rancho nang walang dahilan. May kinailangan ba itong puntahan? Kung mayroon man, bakit hindi man lang nito sa kanya nabanggit?He dialled her number once again. Sa muli, ganoon pa rin ang resulta. Hindi niya man gustong pangunahan ng pangamba pero waring iyon na nga ang umuusbong mula sa kanyang dibdib. Hindi na niya maiwasang mag-alala para sa kanyang asawa."M-May problema ba, Gio?" narinig niyang usisa ni Sofia mula sa kanyang likuran.Napalingon siya rito. "I can't contact my wife.""W-Who called you a while ago?" tanong pa nito."Si Uncle Fabian," tugon niya. "Wala raw sa rancho si Rhea. I was trying to call her no