"Ready na ba lahat ng designs?" tanong ni Jeselle habang humahangos na lumapit sa mesa ni Rhea. Dahil sa biglang paglapit nito ay nahinto siya sa paninitig sa monitor ng kanyang laptop. Kanina pa siya nakatitig doon kahit pa ang totoo ay malayo ang itinatakbo ng isipan niya.Agad siyang napalingon sa kanyang kaibigan na ngayon ay nakatayo na sa kanyang tabi. Isang sulyap pa muna ang ibinigay ni Jeselle sa kanyang laptop bago siya naman ang matamang tinitigan. Agad pang kumunot ang noo nito nang mapagmasdan siya."Tulala ka na naman," saad nito sabay hila ng isang silya. Naupo ito roon at wari bang handa nang makipag-usap sa kanya.Rhea smiled. Isang uri ng ngiti iyon na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Iniwasan niya ang paninitig ng kanyang kaibigan at itinuon na lamang ang mga mata sa kanyang laptop."Hindi ko na itatanong kung ayos ka lang dahil alam ko na rin naman ang sagot mo," wika pa nito bago malalim na napabuntonghininga. "Iniisip mo na naman ang mga nangyari sa iyo
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Rhea habang nakikipagpalitan siya ng tingin kay Sergio. Halos hindi niya na naigalaw ang kanyang mga paa na para bang naipako na sa kanyang kinatatayuan. Waring huminto ang lahat sa kanya at ang tangi niyang nakikita ay ang kanyang asawa.Tuluyang bumaba si Sergio ngunit sa halip na lumapit sa kanila ni Fabian ay huminto na ito sa pinakaunang baitang ng hagdan. Nanatili lamang ito roon habang matamang nakatitig sa kanya. Ni hindi niya pa mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.Rhea composed herself. Pinatatag niya ang kanyang sarili sa harapan nito kahit pa ang totoo ay parang nanghihina na ang mga tuhod niya dahil sa pagkikita nilang muli. Hindi niya pa nga napigilan ang kanyang sarili na igala ang paningin sa kabuuan ng kanyang asawa.Nakasuot pa ito ng pambahay at halatang hindi pa nagsisimula ng ano mang gawain sa rancho. Noong pumunta siya roon anim na buwan na ang nakararaan ay halos nakabisado na niya ang ginagawa nito sa bawat araw
Agad na napatayo nang tuwid si Rhea nang makita niya si Sergio. Hindi niya pa mapigilang mapalunok nang mapagmasdan niya ang katawan nito. Nakatapis lamang ito ng puting tuwalya at basang-basa pa ang may kahabaan na nitong buhok. Umaabot pa sa kanyang kinatatayuan ang halimuyak ng sabong ginamit nito sa pagligo. And that sent uneasiness on her. Sapat na ang presensiya nito para magulo ang buong sistema niya.Hinamig niya ang kanyang sarili kasabay ng mariin na paglunok. "I-I... I will just get my things," wika niya sa mahinang tinig."Why will you get it?" mabilis nitong tanong bago nagsimulang maglakad sa kanya. Ang ginawa nitong pagkilos ay halos mas nagpailang sa kanya.But Rhea did her best to look firm in front of him. Hindi niya gustong malaman nitong nakadarama siya ng pagkaligalig ngayong magkaharap silang dalawa... ngayong sila lamang ang nasa loob ng isang silid."Ililipat ko sa guestroom," matatag niyang sabi."Why?" agad nitong tanong."T-This is your room, Sergio. Dito di
Tuluyang humakbang si Rhea palapit sa kinaroroonan nina Sergio, Charlie at Armira. Isang matalim na sulyap pa nga ang iginawad niya sa kamay ni Armira na nakaabriste sa braso ng kanyang asawa. For some reasons, seeing Sergio being held by someone else just like that sent irritation to her. Mukhang alam niya na rin naman kung ano ang rason kung bakit pero pilit niyang itinatanggi iyon sa kanyang isipan.Hindi niya inaasahang makita ang mga ito sa kuwadra. Kanina, pagkaalis ni Sergio ay totoong nahiga siya upang sana ay magpahinga. Nakapapagod din naman talaga magmaneho ng ilang oras mula sa Maynila hanggang sa San Nicholas. Ngunit dahil sa samu't saring bagay na gumugulo sa isipan niya ay hindi rin naman siya halos mapalagay sa loob ng silid ni Sergio.She went out of the room and decided to go to her mother. Kasalukuyan na itong nagpapahinga at dahil ayaw niya namang maistorbo ang kanyang ina ay hindi na siya pumasok pa sa silid nito at ni Fabian. Sa halip, inaya na lamang siya ng tiy
Hindi mapigilan ni Rhea ang mapangiti habang nakatitig sa kanyang inang tuwang-tuwa sa ibinigay niyang libro. Hawak ni Rebecca ang isang English novel na sadyang binili niya pa bago bumiyahe patungo sa San Nicholas. Nang mabanggit kasi ni Fabian ang tungkol sa karamdaman ng kanyang ina ay nag-isip na siya ng kung ano ang mga maaaring maibigay dito sa muli nilang pagkikita. And Rebecca loved to read, just like her. Nang nasa Manila nga sila ay iyon ang madalas nilang pampalipas ng oras kung kapwa lang din sila walang trabaho.And seeing her mom with a smile on her lips sent happiness to Rhea. Hindi niya sigurado kung mababasa pa ni Rebecca ang librong iyon lalo na ngayon na wari ay mas lumalala ang kalagayan nito. Nevertheless, the smile that she saw on her mother's face was priceless. Dahil sa karamdaman nito, wala na siyang ibang nais ibigay ngayon sa kanyang ina kundi kaligayahan."Thank you so much for this, Rhea. You really know what I love," nakangiting saad nito.Isang ngiti lam
Pagkalabas ng bahay ay agad na dumiretso si Richard sa hindi kalakihang bakurang mayroon ang bahay na tinitirhan nila ni Sofia. Naglalakad siya patungo roon habang nagtitipa sa kanyang cell phone upang tawagan ang isang numero. Nakatatlong ring bago may sumagot sa tawag niya."Hello, Sir," wika ng isang tinig mula sa kabilang linya. "Kumusta ho?""Why didn't you tell me that Rhea was back?" agad niyang tanong sa halip na pansinin pa ang pangungumusta nito.Hindi niya nga maiwasang makadama ng galit dahil sa kaalamang bumalik na sa Rancho Arganza ang asawa ni Sergio. Nalaman niya lamang ang tungkol sa bagay na iyon dahil kay Sofia. Nabanggit ng kanyang asawa na nakita nito sina Sergio at Rhea na magkasama sa bayan ng San Nicholas. Hindi pa siya makapaniwala nang una dahil ang buong akala niya ay iniwan na ni Rhea nang tuluyan ang asawa nito.Rhea left San Nicholas six months ago. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nito naisipang iwanan si Sergio. Nang magkaroon ng pagkakataon ay s
Nanlaki ang mga mata ni Rhea nang lumapat na ang labi ni Sergio sa kanyang mga labi. Para siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Ang mga kamay niyang kanina ay nakapaikot sa batok nito ay agad na lumipat sa magkabila nitong balikat at doon ay mahigpit na lamang na napahawak.Rinig niya ang malakas na sigawan ng mga taong nasa paligid nila pero hindi na niya iyon lubusang binigyang pansin. Nasa kanyang asawa na ang buong atensyon niya at sa mga labi nitong nakadampi sa kanya.She was shocked because of what he did, she would admit that. Hindi naman sila ang bagong kasal pero ginawa rin nito ang ginawa ni Fabian sa kanyang ina. At dahil nasa harap sila ng maraming tao ay hindi na nakaangal pa si Rhea. She let her husband kissed her.It didn't last long. Pinakawalan din nito agad ang mga labi niya saka siya matamang pinagmasdan sa kanyang mukha. Umangat pa ang kanang kamay nito at agad na sinapo ang kanyag pisngi at marahang pinahid roon ang luhang lumandas mula sa kanyang mga mata."W
To say that Rhea was shocked because of what Sergio has said was an understatement. Sobra niyang ikinabigla ang mga sinabi ng kanyang asawa na naging dahilan para halos maiawang niya ang kanyang bibig habang matamang nakatitig sa mukha nito. Parang gusto niya pa ngang isipin na namali siya ng pagkarinig. Na baka pinaglalaruan lang siya nito. O na baka naman sinabi lang nito iyon upang paikutin na naman siya.Mahirap para kay Rhea na paniwalaang totoo ang mga sinabi ni Sergio. Dahil sa nangyari sa kanilang kasal ay waring imposibleng ganoon ang nadarama nito para sa kanya. Ni hindi naman sila opisyal na nagkaroon talaga ng relasyon.But as she looked at his face, Rhea saw so much seriousness... and sincerity. Mataman itong nakatitig sa kanya habang tuluyan nang lumapit sa kanyang kinatatayuan. Gustuhin niya mang umiwas ay hindi na niya magawa sapagkat mesa na ang nasa likuran niya. Besides, it seemed like Sergio didn't have a plan to let her walk away. Mabilis na kasi nitong itinukod a