"What do you mean na aalis ka sa trabaho mo? You are going to resign, Rhea?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Jeselle kay Rhea habang magkausap sila sa cell phone."You heard me, Jeselle. I need to do it," tugon niya rito habang naglalakad patungo sa may patio ng bahay ng mga Arganza. Huminto siya malapit sa mesang naroon. Pasado alas-dies na ng gabi at dahil hindi pa makatulog ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan."Are you out of your mind? Talagang gagawin mo iyan? Are you really that desperate to ruin your mother's wedding?" hindi pa rin nagpapaawat na usisa nito.Rhea heaved out a deep sigh. Napagapsyahan niya ngang umalis na sa kompanyang pinapasukan sa Manila. Si Jeselle ang kauna-unahang pinagsabihan niya ng kanyang plano. Balak niyang mag-resign sa trabaho at manatili muna sa San Nicholas hanggang sa hindi niya pa napapahinuhod ang kanyang ina sa nais niyang mangyari.She was planning to find another job once she went back to Manila. Alam niyang hindi naman siya mahihira
"Are you sure you really want to accept Fabian and Sergio's offer, anak? Ibig sabihin ba niyon ay magtatagal ka pa rito sa San Nicholas?" hindi makapaniwalang tanong ni Rebecca kay Rhea. Nasa may teresa sila ng silid na inookupa niya sa bahay na iyon ng mga Arganza.She faced her mother. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakaupo sa upuang yari sa bakal. Siya naman ay nakatayo at nakasandal ang likod sa barandilya ng teresa."Do you want me to go back to Manila, Mama?" balik-tanong niya rito."Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin," sansala ni Rebecca sa kanya. "Gustong-gusto ko na lagi kang kasama, Rhea.""Then, why not go back to Manila with me? Gusto mong lagi tayong magkasama pero tatlong buwan kang nanatili rito habang ako ay mag-isa sa Manila." Hindi niya gustong lagyan ng panunumbat ang kanyang tinig pero waring ganoon ang kinalabasan ng mga sinabi niya. Bahagya pa ngang napayuko si Rebecca dahil doon."I hope you understand me, Rhea," saad nito sa mahinang tinig. "Pa
Masusing pinag-aaralan ni Sergio ang ilang dokumentong hawak-hawak niya. Listahan iyon ng mga inilabas na produkto mula sa Rancho Arganza. Katatapos lang ng pag-ani ng mais at ngayon ay dinala na ang mga iyon sa kanilang mga parokyano. Ang ilan doon ay pangbenta sa ilang palengke sa San Nicholas. Ang ilan naman ay dadalhin sa Kamaynilaan. Hindi lang mga mais ang inilabas sa kanila sa araw na iyon. Ilang sako ng niyog at buko rin ang naibenta nila dahilan para labis na naging abala ang mga tauhan nila sa Rancho Arganza. Maging siya ay ganoon din. Tinututukan niya ang bawat transaksyong nagaganap sa kanilang rancho. "Siguradong ito na ba ang lahat, Mang Binoy?" tanong niya sa matandang lalaki. Ito ang nagbigay sa kanya ng listahan ng mga naibenta nang produkto. "Oho, Sir Gio. Iyan na ho ang mga nailabas. May ilang sako pa ho na natira. Inipon na ho namin sa kamalig," imporma nito. Tumango na lamang siya. Itiniklop niya ang folder na naglalaman ng listahang binasa niya saka muling ini
Malakas na napasinghap si Rhea kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan sapagkat hindi niya nagawang makagalaw man lang. Mahigpit ang pagkakapigil ni Sergio sa kanyang batok na wari ba ay ayaw talagang makaiwas siya. Maging ang kanyang braso ay hindi pa rin nito binibitiwan.He kissed her! Sergio kissed her!Nakadampi ang mga labi ni Sergio sa kanya. Ni hindi nito iyon ginagalaw na mistula bang pinakikiramdaman siya. And since Rhea was shocked because of what he did, she wasn't able to move. Dahilan iyon para walang kahirap-hirap na maidaiti nito ang mga labi sa kanya.Hanggang sa maya-maya ay naramdaman niya ang marahang paggalaw ng kamay nitong nakahawak sa kanyang batok. It was like he was caressing her there. His palm moved gently, fondling her skin. Hindi niya alam kung bakit pero may kung anong idinulot sa kanya ang ginawang iyon ng binata.Hindi pa nga napoproseso ni Rhea sa kanyang isipan ang ginagawang paghimas ni Sergio sa ka
Natagpuan pa rin ni Rhea ang kanyang sariling tinatanggap ang alok na trabaho ni Sergio. Iyon ay sa kabila ng katotohanang naguguluhan siya sa kung ano ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Nanatili siya sa Rancho Arganza, hindi lang dahil sa kanyang ina kundi dahil na rin sa pagtanggap sa trabahong nais ipagawa ng binata.Maliit na trabaho lamang iyon kumpara sa mga nagawa na niya sa Manila. Ang nais lang naman ni Sergio ay magpadagdag ng kamalig sa rancho. Sa dami na kasi ng mga produktong inilalabas mula sa lupain ng mga ito ay kulang na ang espasyo ng dating kamalig na mayroon ang Rancho Arganza.Ang kanyang ina ang kauna-unahang natuwa nang malamang mananatili pa siya sa San Nicholas. She started her job on Rancho Arganza. Naglatag siya ng disenyong maaaring magustuhan ni Sergio para sa ipatatayo nitong kamalig. Ayon pa sa binata, gusto pa nitong maglagay ng isa pang maliit na opisinang magiging tanggapan ng mga kliyente o iyong mga tutungo sa rancho upang kumuha ng ano mang p
Tuwid na napatayo si Rhea habang ang kanyang mga mata ay nakatutok pa rin kay Sergio. Ni hindi niya nasagot ang mga sinabi nito. Parang tumigil ang lahat sa kanya nang makita niya ang binatang nakatayo roon at matamang nakamasid sa kanya.Seconds later, Sergio started walking towards her. Katulad niya ay hindi rin mapuknat ang paninitig nito sa kanya."It's nice to see you again," ulit nito sa mga sinabi kanina."Kauuwi mo lang ba? Dito ka dumiretso?" magkasunod niyang tanong dito.Sergio smiled at her. "Yes for your first question," saad nito. "Kauuwi ko lang mula sa Manila. From Davao, I stayed there for a while to visit my condo. Saka na ako bumiyahe pauwi rito. Malapit na ako sa bahay nang makita kitang naglalakad. I was about to call you but held myself.""W-Why?" magkadikit ang mga kilay na tanong niya."I decided to follow you instead," tuwirang tugon nito."S-Sinundan mo ako papunta rito?" aniya sa nagtatakang tinig. "Bakit hindi mo na lang ako tinawag?""I enjoyed watching yo
Dali-daling inayos ni Rhea ang mga strap ng suot niyang damit. Dala ng pagkadarang sa mga ginawa ni Sergio kanina ay hindi na niya namalayang halos mahubad na ng binata ang saplot niya sa katawan. Halos malantad na nga sa paningin nito ang kanyang mga dibdib.Sergio waited until she finished fixing herself. Nang masigurong nakaayos na ulit ang damit niya ay saka siya nito binitiwan at hinarap sina Fabian at Rebecca."M-Mama..." sambit niya sa nahihiyang tinig. Parang gusto niya na lang hilinging lamunin siya ng lupa dahil sa kaisipang nahuli sila ni Sergio sa isang alanganing sitwasyon."W-What is this, Gio? What is the meaning of this?" Rebecca blurted out. Mas si Sergio ang binalingan nito kaysa sa kanya. Mula sa may entrada ng kuwadra ay tuluyan pa itong pumasok kasunod si Fabian at nilapitan sila ni Sergio."I can explain, Auntie," seryosong sabi ni Sergio. Buo pa rin ang tinig nito at ni hindi man lang kinabakasan ng pagkabahala. Hindi niya alam kung magaling lang magdala ang bin
Ilang mahihinang katok ang narinig ni Rhea mula sa labas ng silid na kanyang inookupa. Lumingon siya sa direksyon ng pintuan ngunit hindi na nag-abala pang lumapit upang buksan iyon. Iisang tao lang naman ang alam niyang maglalakas-loob na kumatok sa ganoong oras na ng gabi--- ang kanyang ina.She was not mistaken. Ilang saglit lang nga ang lumipas ay bumukas ang pinto at sumilip si Rebecca. Nang makita siya nitong nakatayo sa may teresa ay tuluyan na itong pumasok saka muling isinara ang pinto. Then, she walked towards her.Hinintay lang ni Rhea na makalapit sa kanya ang ina. Muli na niyang itinutok ang kanyang mga mata sa malawak na bakuran ng mga Arganza na kanina niya pa pinagmamasdan. Katunayan, pagkaakyat niya kanina matapos ng hapunan ay sa may teresa na siya dumiretso. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay parang hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari.Matapos nilang mag-usap-usap sa study room kanina ay siya na ang nagpatiuna sa paglabas. Dumiretso siya sa kanyang si
Agad na nahinto sa pagsusuklay ng kanyang buhok si Rhea nang makita niyang papasok na ng kanyang silid si Sergio. Hawak nito ang sariling cell phone at doon pa nga nakatitig habang isinasara na ang pinto.Naibaba niya ang suklay sa ibabaw ng mesa saka humarap sa kanyang asawa. Patuloy pa ito sa pagtipa sa pag-aaring cell phone habang nakatayo lang sa may paanan ng kama. Kung ano man ang pinagkakaabalahan nito ay hindi niya alam."Sino ang kausap mo kanina?" usisa niya rito. Nakaupo pa rin siya sa harap ng vanity mirror at naghihintay na magkuwento ito. Kanina kasi ay nagpaalam ito na may tatawagan muna. Hinayaan niya lang ang kanyang asawa nang mas piliin nitong sa sala kausapin ang kung sino mang tatawagan nito."Si Lorenzo ang kinausap ko. I called him," tugon nito kasabay ng basta na lamang pag-itsa ng cell phone sa ibabaw ng kama. "Nakikibalita ako kung kumusta na si Vladimir. Ang alam ko kasi ay pinilit niyang sumama sa kanya si Vlad upang mailayo muna kay Hendrick.""And?" pag-u
Hi, guysss... Gusto ko lang sabihin na ang timeline ng Chapter 55 ay 2 years ago na. Kung nabasa niyo na po ang ibang stories ko, iyon din ang timeline kung kailan nakauwi na mula sa ibang bansa si Romano at nagkaayos na sila ng asawa niyang si Analyn. Iyon din ang timeline ng last chapter ng story nina Lorenzo at Tamara. Sa Chapter 55, since two years ago na ay may asawa na rin si Hendrick sa timeline na iyon (pero hindi ko pa nasusulat ang story niya. Hehehe!) So, bakit sinuntok ni Hendrick si Vladimir? Si Vladimir na sa timeline na iyan ay single pa rin (hehe!)...Abangan niyo po sa mismong story ni Vladimir. Doon maipapaliwanag ang scene na nasa Chapter 55. PS. I'll update the Final Chapter of Sergio and Rhea's story tomorrow. Thank you for supporting their story. —Yvette Stephanie
TWO YEARS LATER...Dahan-dahang bumaba ng hagdan si Rhea habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa asawa niyang si Sergio. Kanina pa ito nasa sala at naghihintay na lamang sa kanya. Mabilis pa nga itong napalingon nang maramdaman ang presensiya niya at agad na rumihestro sa mga mata nito ang labis na paghanga nang makita ang kanyang ayos.She smiled at him lovingly. Bago pa man siya tuluyang makababa ay naroon na ito at sinalubong siya sa pinakahuling baitang ng hagdan."Did I keep you waiting?" nakangiti niyang tanong dito."I didn't mind," anito bago sabay silang napabulalas ng tawa sapagkat pareho nilang napagtantong mga linya ng isang kanta ang mga binitiwan nilang kataga. "Kidding aside, you look so gorgeous, Mrs. Arganza."Mataman siyang pinagmasdan ni Sergio. Bumaba-taas pa ang paningin nito sa kanyang kabuuan habang nasa mga mata pa rin nito ang labis na paghanga para sa kanya.Rhea was wearing a pink dress. Hapit iyon sa kanyang katawan dahilan para mas makita ang maganda ni
Last two chapters na lang po ang Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza. Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kuwento nina Sergio at Rhea. I highly appreciate all the comments that I received, as well as the gems. Abangan niyo rin po ang kuwento nina Hendrick (series 7) at ni Alter Vladimir (series 9) katulad ng kung paano niyo sinuportahan sina Lorenzo, Romano at Sergio. Ako po ang author nila. Of course, support niyo rin po ang stories ni Author Magzz23 na kasama sa Savage Billionaire. Siya naman po ang writer ng kuwento nina Ethan, Alonzo, Winston, Von and Sebastian. (But before ko po simulan ang kuwento ni Hendrick, I'll be writing first my other story. Kung nabasa niyo na po ang HIS SCARRED HEART, kilala niyo na po si Trace De la Serna. I'll write his story first.) Thank you so much....
Marahang napalingon si Rhea sa kanyang likuran nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nakita niyang sumilip muna si Sergio bago tuluyan nang pumasok sa kanilang silid. It was almost a week since she was discharged from the hospital. Halos isang linggo na rin mula nang malaman nilang wala na ang kanilang anak. It's been almost a week, yet, hindi niya pa rin matanggap ang mga nangyari.Nakatingin sa kanya si Sergio habang isinasara nito ang pinto. Nang mai-lock iyon ay humakbang na ito palapit sa bedside table at doon ay inilapag ang isang baso ng gatas na dala-dala nito para sa kanya.She's now recovering. Nang masigurong maayos na ang lahat sa kanya ay pinayagan na siya ng mga doktor na umuwi. Since she was discharged from the hospital, Sergio has always been caring to her. Ito ang nag-aalaga sa kanya, nag-aayos ng mga kailangan niya at kahit alam niyang marami itong kailangan gawin sa rancho ay nasa tabi niya lamang ang kanyang asawa.Halos hindi niya ito kibuin mula nang lumabas s
Kanina pa naglalakad paroo't parito si Sergio sa harap ng emergency room. Hindi siya mapalagay. Ang kaba at takot na nasa kanyang dibdib ay hindi pa rin nawawala. Ni hindi niya na nga mabilang kung ilang ulit na siyang nakausal ng panalangin para lang sa kanyang asawa na ngayon ay nasa loob na ng emergency room at tinitingnan ng mga doktor.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakadama siya ng labis na takot, hindi para sa kaligtasan niya. It was more for his wife's safety. Matapos niyang mabaril si Richard ay saka niya lang nadaluhan ang kanyang asawa. Ang nais niya ay mailayo ito mula panganib pero halos makadama siya ng kakaibang panlalamig ng kanyang katawan nang makita ang pagdurugo nito.Sa nagmamadaling kilos ay binuhat na niya si Rhea at isinakay ito sa kanyang sasakyan. Saktong nasa may kalsada na sila nang dumating naman ang kanyang Uncle Bert na una na niyang natawagan kanina. Gusto na niyang sabihin dito ang mga nangyari pero mas gusto niyang unahin muna ang kapakanan ng kanyan
Halos magsalubong ang mga kilay ni Sergio habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone. Nakailang beses siya sa pag-dial ng numero ni Rhea pero iisa lamang ang naririnig niya. His wife's number was out of reach, kung ano man ang rason ay hindi niya alam.Hindi ugali ni Rhea na magpatay ng cell phone. In the first place, hindi rin ito basta-bastang aalis ng kanilang rancho nang walang dahilan. May kinailangan ba itong puntahan? Kung mayroon man, bakit hindi man lang nito sa kanya nabanggit?He dialled her number once again. Sa muli, ganoon pa rin ang resulta. Hindi niya man gustong pangunahan ng pangamba pero waring iyon na nga ang umuusbong mula sa kanyang dibdib. Hindi na niya maiwasang mag-alala para sa kanyang asawa."M-May problema ba, Gio?" narinig niyang usisa ni Sofia mula sa kanyang likuran.Napalingon siya rito. "I can't contact my wife.""W-Who called you a while ago?" tanong pa nito."Si Uncle Fabian," tugon niya. "Wala raw sa rancho si Rhea. I was trying to call her no
Mahigpit na napahawak si Rhea sa manibela ng kanyang sasakyan habang sinusundan ng tingin si Richard na ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya. Ang bahagi kung saan naroon ang driver's seat ang sadya nitong nilapitan at hindi pa mapigilan ni Rhea na makadama ng kaba dahil doon.Agad na sumagi sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ni Sergio. Ayon sa kanyang asawa ay nagpang-abot ito at si Richard matapos ipaalam sa kanya ng huli ang tungkol sa provision ng manang natanggap ni Sergio. Her husband thought that Richard did it on purpose. Gusto nitong nagkasira silang mag-asawa bilang ganti dahil sa hindi nito nakuha ang mga ari-arian ng mga Arganza.Nagsususpetsa pa si Sergio na si Richard ang nasa likod ng lahat ng nangyari sa kanya noon--- ang pagkakahulog niya sa kabayo hanggang noong gabing may nagtangkang pumasok sa silid na inookupa niya sa bahay ng mga Arganza. Tanging si Richard lamang ang may motibo para gawin ang lahat ng iyon. Ito lang naman ay may gustong hindi maikasal si
Binagalan na ni Rhea ang kanyang pagmamaneho nang matanawan niya na ang pangalan ng establisyementong nais niyang puntahan, ang Elyong's. Saglit niya pa munang iginala ang kanyang paningin sa paligid upang maghanap ng lugar na pagpaparadahan ng kanyang sasakyan. Hangga't maaari kasi ay hindi niya gustong pumarada sa mismong harapan ng naturang kainan.Nagpakawala pa muna siya ng isang malalim na buntonghininga bago kinabig ang manibela ng kanyang kotse. Mas pinili niyang ihinto na lamang iyon bago pa man tuluyang makarating sa may Elyong's. Sa tabi ng daan lang siya pumarada saka lumabas na mula sa may driver's seat. Siniguro niya pa munang naka-lock na lahat ng pinto ng kanyang kotse bago humakbang patungo sa sikat na kainang iyon sa San Nicholas.It was already past nine in the morning. Mula nga sa Rancho Arganza ay nagmaneho siya patungo sa bayan. Hinintay niya lang na maging abala si Sergio bago siya naghanda sa pag-alis. Ni hindi na niya nagawa pang makapagpaalam sa kanilang Uncl