Nakatuon ang mga mata ni Rhea sa mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Nakamasid siya roon ngunit ang isipan niya ay nasa mga taong kasama niya nang mga oras na iyon. Kasalukuyan silang nasa may patio ng bahay ng mga Arganza. Matapos niyang sundan papasok ang kanyang ina at si Fabian ay inaya siya ng mga ito roon. Isang masaganang meryenda nga ang inihain ng mga ito para sa kanya.
Maraming inihain ang mga ito pero wala man lang kinuha si Rhea kahit isa. Maliban sa hindi pa siya nagugutom, ang atensyon niya ay nakatuon sa kung paano niya mapahihinuhod ang kanyang ina na sumama na sa kanya pauwi ng Manila. "Don't you like the food, 'nak?" pukaw ni Rebecca sa pananahimik niya. Rhea raised her head and met her mother's eyes. Masuyo itong nakatitig sa kanya at bakas sa mukha nito ang kasiyahan dahil nagkita sila ulit. Kailanman ay hindi pa nangyari na nagkahiwalay sila nang matagal. Ngayon pa lang talaga at iyon ay dahil sa lalaking bagong karelasyon nito. Rhea's eyes darted to Fabian. Magkatabi ito at ang kanyang ina. Nakatitig din sa kanya si Fabian at sa hindi niya mawari, nababanaag niya rin ang kasiyahan sa mukha ng matandang lalaki. "What do you like to eat, hija? Tell us. Ipahahanda ko sa---" "No need," putol niya sa pagsasalita ni Fabian. "Busog pa talaga ako." Rebecca cleared her throat. Alam niyang dama nito ang kalamigan sa pakikitungo niya. But can she blame her? Tatlong buwan na itong hindi umuuwi sa kanila dahil lang kay Fabian. Daig pa nito ang isang teenager na nakipagtanan kasama ang kasintahan. Hindi niya pa maiwasang disimuladong mapaismid. Para bang baliktad ang sitwasyon nilang mag-ina. Karaniwan, mga anak ang umaakto nang ganoon. Iyong basta na lang hindi uuwi dahil sa kasintahan. Sa sitwasyon nila, ang kanyang ina ang gumawa niyon at siya itong magpupumilit ditong umuwi. "H-How... How is your work?" pag-iiba ni Rebecca sa kanilang paksa. Pilit ding bumalik ang ngiti sa mga labi nito. "Fine. Ganoon pa rin naman," tipid niyang sagot. "W-Wala ka bang masyadong gawa sa trabaho mo ngayon? Sa mga project ninyo? Are you staying for long?" sunod-sunod na tanong ng kanyang ina. "I am not staying for long," saad niya. "Babalik din ako agad ng Manila." "Why don't you stay for a while, Rhea? Bukas ang Rancho Arganza para sa iyo," wika ni Fabian sa kanya. "I am not---" "Makabubuti sa iyo ang magbakasyon sandali, Rhea," awat ni Rebecca sa mga sasabihin niya. "Halos nakasubsob ka sa trabaho mo sa Manila. Don't you think it's a right time for you to have a vacation for a while?" "Kailangan ko ring bumalik agad sa Manila. I-I didn't bring a lot of clothes." "It doesn't matter. Maraming mabibilhan ng damit dito, Rhea," singit ng isang tinig. Agad siyang napalingon sa nagsalita. It was Sergio. Naglalakad ito palapit sa kanila habang sinasabi ang mga iyon. Ang mga mata nito ay sa kanya pa nakatutok hanggang sa tuluyang makalapit sa mesang kinaroroonan nila. Her eyebrow arched upwardly. Hindi pa rin nawawala ang inis niya para sa lalaking kaharap. Mas nadagdagan pa ang inis na iyon dahil sa mga sinabi nito kanina. She knew it was meant to irritate her. Napakaantipatiko. Napakabastos. And she wondered, paanong natatagalang pakisamahan ng kanyang ina ang taong katulad nito? "I don't see any reason to stay here for long. May trabaho ako sa Manila." "Bakit ka narito kung ganoon?" seryosong tanong ni Sergio. Kung magpalitan sila ng usapan ay para bang silang dalawa na lamang ang naroon. "Why do I need to answer you?" "Rhea..." pananaway ng kanyang ina na ikinalingon niya rito. "Why?" malamig niyang balik kay Rebecca. She wasn't like this. Kailanman ay hindi pa siya nakipag-usap sa kanyang ina sa magaspang na pamamaraan. She loves her mom, of course. Pinalaki siya nito at ng kanyang ama nang maayos at may paggalang sa iba. Hindi pa kailanman nangyari na sinagot niya ito nang pabalang. She just can't help it right now. Naiinis siya dahil sa dalawang rason. Una, dahil sa pagbabalak ng kanyang ina na pagpapakasal kay Fabian. As much as possible, hindi niya gustong palitan nito sa buhay nila ang kanyang ama. Pangalawang rason na nagpapainit ng ulo niya sa mga oras na iyon ay ang mga ginawa ni Sergio, unang araw pa lang ng pagtatagpo nila. Gusto niya pang pagtakhan kung pamangkin ba talaga ito ni Fabian. She could say that Fabian, despite her disapproval to him, was a sensible man. Mahinahong magsalita at kumilos ang matandang lalaki. Kabaliktaran yata ng pamangkin nito. "I am just here to fetch you, Mama," maya-maya ay sabi niya. Naupo siya nang tuwid saka nagpatuloy pa sa pagsasalita. "Kung bibiyahe tayo ngayon pabalik sa Manila ay makararating tayo roon bago pa magmadaling-araw. That could be---" "Hindi mo kailangang magmadali sa pag-uwi, hija." Fabian interrupted her. "Katulad ng sinabi ko, bukas ang Rancho Arganza para sa iyo. Besides, it is a right time that you are here. Maaari mong tulungan ang iyong ina sa pag-aasikaso para sa aming kasa---" "She is not marrying you," mariin niyang sabi na ikinasinghap ng kanyang ina. Hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang pagdaan ng sakit sa mukha nito dahil sa inaasal niya. Nang ibaling niya naman ang kanyang mga mata kay Sergio ay nakita niya ang pagtiim ng mukha nito. Fabian smiled casually. Mahinahon pa rin itong nagsalita sa kabila ng mga sinabi niya. "You must be tired from driving. Hindi rin biro ang pagmamaneho nang diretso mula sa Manila hanggang dito sa San Nicholas. You can take a rest, hija. Ipahahanda ko ang isa sa mga guestrooms dito sa amin para magamit mo." Rhea was dumbfounded. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging reaksyon ni Fabian. Mas nanaisin niya pang sagutin din siya nito, ang pagalitan dahil sa inaasal niya. Sa ganoon, pakiramdam niya ay mas madali niya itong malalabanan. Pero ang pakitunguhan nang maayos sa kabila ng pagtataray niya? Paano niya pa sasadyaing magpakasuplada kung ganoon pa rin ang trato nito? Tumayo na si Fabian kasunod ng kanyang ina. Kita niya pang nagpipigil ng emosyon si Rebecca. Bago tuluyang iwan siya roon ay muli itong nagsalita. "Tutulungan ko lang si Marilyn sa pag-aayos ng magiging silid mo," mahinahong sabi ni Rebecca. Kung sino man ang Marilyn na tinutukoy nito ay hindi niya alam. "K-Kung gugustuhin mo, sana ay manatili ka muna rito kahit ilang araw man lang, Rhea. Nasisiguro kong magugustuhan mo ang San Nicholas, lalo na ang Rancho Arganza." Ni hindi nito hinintay na magsalita siya. Agad nang tumalikod ang kanyang ina at magkahawak ang kamay ni Fabian na pumasok ang mga ito sa loob ng kabahayan. Mula sa kinauupuan niya ay sinundan niya ang mga ito ng tanaw. Dumiretso ang dalawa sa may hagdan at hawak-kamay pa ring umakyat na sa ikalawang palapag. "Are you always like that?" paasik na tanong ni Sergio. Marahas siyang napalingon dito. Kitang-kita niya pa ang galit na ekspresyon sa mukha ng binata. "Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa iyong ina?" Umangat ang isang kilay ni Rhea. Marahan siyang tumayo at matapang na sinalubong ang mga titig ni Sergio. "I don't need to explain myself to you, Sergio," aniya sa malamig na tinig. "Nabanggit na sa amin ni Auntie Rebecca na hindi ka sang-ayon sa pagpapakasal nila ni Uncle Fabian. You were burning the line when she talked to you over the phone. Hindi ko lang inaasahang kaya mong bastusin ang iyong ina nang harap-harapan. Ganyan ka ba talaga?" She wanted to say no. Gusto niyang ipaalam dito na malapit silang mag-ina, na kailanman ay wala pa silang pinagtalunan nang malala. Kung susuriin nga, para lang silang magkaibigan na nagsasabihan ng mga ganap sa araw-araw. Lalo na nang mawala ang kanyang ama, pakiramdam niya ay mas lalo silang naging malapit ni Rebecca. Nag-iba lang ang lahat nang dumating sa buhay nito si Fabian. Naroon sa kanya ang pakiramdam na inagaw ni Fabian ang buong atensyon ng kanyang ina. Katulad na lamang ng nangyayari ngayon. Halos tatlong buwan nang hindi umuuwi sa kanila si Rebecca dahil sa pagsama nito kay Fabian. Paano pa kapag ikinasal na ang mga ito? For sure, sa bayan na iyon na titira ang kanyang ina. "I don't need your sermon, Sergio," mataray niyang sabi bago pumihit na upang talikuran ito. Ngunit ang balak niyang pag-iwan sa binata ay agad nang naawat nang mabilis nitong nahawakan ang kanyang kanang braso. Rhea abruptly turned to look at him again. She stopped on her tracks. Naging marahas ang muli niyang paglingon, hindi dahil sa nasaktan siya sa ginawa nito. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak ng binata. Wari bang intensyon lang talaga nitong awatin siya sa paghakbang palayo rito. Sa halip, natigilan si Rhea nang hawakan ni Sergio ang kanyang braso dahil sa hindi maipaliwanag na damdaming lumukob sa kanya nang madaiti ang palad nito sa kanyang balat. She could not explain it. May kakaiba sa hawak nito. Marahas niyang binawi ang kanyang braso at pilit na iwinaksi ang emosyong umusbong dahil sa pagkakadikit nito sa kanya. She looked at him intently. Sadyang linakipan niya pa ng inis ang ekspresyon sa kamyang mukha para pagtakpan ang pagkailang na nadarama. "Will you stop preaching?" asik niya. "Nakapagtatakang anak ka ni Auntie Rebecca. Kung anong kamahinahon niyang tao ay siyang kabaliktaran mo." "At ano ang gusto mong palabasin? Hindi mo ako kilala para husgahan mo, Sergio," buwelta niya rito. "Siguro nga ay hindi pa kita gaanong kilala. Ito pa lang ang unang araw ng pagkikita natin. But one thing is for sure, Rhea. Hindi mo pinahahalagahan ang kaligayahan ng mama mo." "At ano ang kaligayahang tinutukoy mo? Ang makasal si Mama sa tiyuhin mo?" naiinis na niyang sabi. "I don't want my mom to remarry." "Selfish spoiled brat," mariin nitong saad na mas nagpaalpas ng inis sa kanyang dibdib. "Makasarili ka, Rhea." "How dare you! You---" "Matutuloy ang kasal nina Uncle Fabian at ng iyong ina. I assure you that." "Puwes, sinisiguro ko rin sa iyo na maisasama ko pauwi ng Manila ang mama ko. Matitigil din ang kahibangan niya sa tiyuhin mo." "Kahibangan? You consider falling in love as kahibangan?" anito. Sa kung ano mang rason, parang nagkaroon ng kaaliwan sa mukha nito dahil sa mga sinabi niya. "Tell me, Rhea, have you ever been in love?" Mariin siyang napalunok. Umibig na ba siya? Kung sa totoong kahulugan ng salitang iyon, hindi pa. She got attracted with opposite sex. May ilang nanligaw din naman sa kanya pero ni isa ay wala siyang nagustuhan dahilan kahit bente-singko anyos na siya ay hindi pa rin siya nagkakanobyo. But of course, hindi niya iyon sasabihin sa binata. She raised her head and bravely met his eyes. "No matter what you say, I am not letting my mom marry your uncle." "You are an only child, aren't you?" wika nito. "No wonder, lumaki ka sa layaw. Panahon na siguro para may pumutol niyang sungay mo." "S-sungay? What?!" gilalas niyang saad. "Ano ang akala mo sa akin... demonyo?!" Sergio chuckled. Alam niyang nagagalit ito sa inaasta niya pero hindi pa rin maiwasang sumilay ang kaaliwan sa mga mata nito dahil sa mga sinabi niya. "Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako." Rhea's face hardened. "So, sino ang puputol ng "sungay" ko? Ikaw?" paismid niyang sabi. Sergio moved closer to her. Napatayo nang tuwid si Rhea dahil sa ginawa nitong pagkilos. Gusto niya pang mapaatras upang iwasan ito pero sadyang pinigilan niya ang kanyang sarili. Hangga't maaari ay hindi niya gustong magpakita ng pagkatalo sa binata. Kapag umiwas siya ngayon kay Sergio ay iisipin nitong naiilang siya. Mas pagtatawanan siya nito. Kaya naman kahit pa labis nang naiilang ay nanatili siya sa kanyang kinatatayuan hanggang sa huminto si Sergio sa mismong harapan niya. He stared at her face intently as he spoke in a very serious tone. "Why not, Rhea? I am so willing to do that. Kung hindi ka napadapa ng mga magulang mo noon, ako ang gagawa niyon." "Tingnan natin," naghahamon niyang sabi. "Baka dalawang araw pa lang ako rito ay sumuko ka na, Sergio. No one can just order me around, not even you. Baka sa halip na ako ang mapadapa mo, eh, sa iyo ko magawa iyan. Tsk... tsk..." Nanunuyang pailing-iling pa siya. Napatiim-bagang si Sergio. Bago pa man may lumabas na ano mang salita mula sa bibig nito ay mabilis nang tumalikod si Rhea at iniwan ito roon. Sa pagkakataong iyon, alam niyang siya ang nanalo sa pag-uusap nilang iyon ng binata. And she couldn't help but smlied because of that.Marahang iniunat ni Rhea ang kanyang katawan habang nakahiga pa rin at nakapikit ang kanyang mga mata. Nang tuluyang magising ang kanyang diwa ay tuluyan na siyang nagmulat saka iginala ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan niya.Ibang-iba iyon sa kanyang silid sa bahay nila sa Manila. Her own room was full air-conditioned. Ang silid na kinaroroonan niya ngayon, though, may air-con din naman ngunit hindi iyon nakabukas. Naalala niyang hindi niya pinagkaabalahang buksan iyon kagabi pagkapasok niya sa kuwarto. Mas pinili niyang maglinis na lang ng kanyang katawan at pagkabihis. Pagkatapos, binuksan niya ang sliding door sa may teresa saka natulog na.And in fairness, she has fallen asleep easily. Hindi niya alam kung dahil iyon sa pagod mula sa pagmamaneho patungong San Nicholas, o dahil sa sariwang hangin na pumapasok sa silid na inookupa niya.Marahan na siyang naupo sa kama. Hindi niya pa maiwasang maisip ang kanyang ina. Kagabi, pagkahapunan ay sinamahan siya nito
"Welcome sa kuwadra ng aming rancho, Rhea," wika ni Sergio sa kanya. Inilahad pa nito ang mga kamay na para bang ipinapakita sa kanya ang kanilang kinaroroonan.Rhea roamed her eyes around the place. Matapos makapag-almusal ay isinama nga siya ni Sergio sa kuwadra kung saan hindi niya mabilang kung ilang hayop ang naroon. Iba't iba ang mga alaga ng mga Arganza. Hindi niya pa nga maiwasang mamangha habang iginagala ang kanyang paningin sa buong paligid.Ilang kabayo ang nakakulong sa kuwadra. Hindi lang basta-bastang kabayo ang mga naroon. Nahihinuha niyang ang ilan doon ay galing pa sa ibang bansa. Stallions! May stallions ang mga Arganza! Alam niyang kung hindi nabibilang sa maaalwan na pamilya ay nunca makabibili ng ganoong mga alaga.Ilang metro naman mula sa kuwadra ay ang malawak na koral ng iba pang mga hayop. May mga baka at kambing na nanginginain sa malawak na damuhan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya mabilang kung ilan ang mga baka at kambing na nakakalat roon. The
"Let us stop this," saad ni Sergio sabay ng marahas na pagtayo. Ang ginawa niya ay naging dahilan para tingalain siya ni Rhea. Bakas sa mukha nito ang pagkalito dahil sa ikinilos niya."W-What?" tanong nito sabay bitiw sa baka. "M-May mali ba sa ginawa ko?"Damn! Hindi mapigilan ni Sergio ang mapamura ulit sa kanyang isipan. Rhea didn't have any idea what was happening on him. Kahit siya mismo ay hindi rin maunawaan kung bakit ganoon na lang ang naging epekto sa kanya ng pagmasid lang sa ginagawa ng dalaga. He was turned on, he wouldn't deny it."Umuwi na tayo," aniya sa seryosong tinig. Pilit niya pang hinamig ang kanyang sarili bago tumalikod na sa dalaga."Umuwi?" naguguluhang tanong ni Rhea. Tumayo na rin ito at mabilis na sumunod sa kanya. Nasa may bukana na sila ng kulungan nang maabutan siya nito. "Wait, Sergio. What is wrong with you? Hindi ba---""Iuuwi na kita," saad niya sabay harap sa dalaga."Why? Did I do something wrong? Nagawa ko naman, hindi ba?" Sumulyap pa ito sa ba
Halos naitulos sa kinatatayuan si Rhea pagkakita niya sa ginagawa nina Sergio at Armira. Hindi niya pa nga maiwasang may lumabas na mga salita mula sa kanyang bibig dahilan para kapwa mapalingon sa kanya ang dalawa.Sergio was shocked to see her. Agad nitong binitiwan si Armira at mabilis na isinara ang ilang butones ng suot nitong polo. Bukas na kasi ang unang tatlong butones niyon na marahil ay dahil na rin sa ginagawa ng mga ito. Kung hindi siya dumating ay alam niya kung saan hahantong ang tagpong naabutan niya.They were making out in a broad day! At bukas pa ang pinto?"I-I..." She couldn't find any word to say. Naroon lang siya, nakatayo at natitigilan habang nakatitig sa mga ito."Rhea..." sambit ni Sergio sa pangalan niya. Tuluyan din itong pumihit upang humarap sa kanya.Nakarehistro sa mukha ni Sergio ang pag-aalangan kung lalapitan ba siya o hindi. Para itong isang batang hindi malaman kung magpapaliwanag ba o hindi. Katulad niya ay waring wala itong maapuhap na salitang m
Rhea couldn't help but to be mesmerized while she was staring at the black stallion in front of her. Malaki ito at halatang alagang-alaga sa Rancho Arganza. Hindi niya mawari, pero kung pagmamasdan ang naturang hayop, damang-dama niya ang pagiging maawtoridad nito. It was like a man with full of so much authority though it was just standing in front of them.Hindi niya napigilang humakbang pa palapit sa naturang hayop. Nailabas na ito mula sa kulungan at ngayon ay hawak-hawak ng isa sa mga tauhan nina Sergio ang tali nito."He is so beautiful," namamangha niyang sabi. Iniangat niya ang isang kamay niya saka masuyong hinaplos ang katawan ng kabayo. "What kind of horse is this?""A stud horse," sagot ni Sergio. Nasa likuran niya ito at kanina pa siya pinagmamasdan.Pagkatapos nga nilang makakain ay nagpaalaam muna siya sa kanyang ina at sa mag-tiyuhin. Tinawagan niya ulit si Jeselle at sinabi rito na baka matagalan pa bago siya makabalik sa Manila. Her friend was urging her to go back t
Matuling lumipas ang mga araw. Hindi na namalayan ni Rhea na mahigit isang buwan na siyang nananatili sa San Nicholas. Ang trabaho niya sa Manila ay sadyang isinantabi niya muna.Kahit papaano ay hindi naging kainip-inip para sa kanya ang mga araw sa Rancho Arganza sapagkat natuon din ang kanyang atensyon sa patuturo ni Sergio kung paano mangabayo. Tulad ng nais ni Fabian, naglaan ng panahon si Sergio upang maturuan siya kung paano sumakay sa kabayo. Totoong nahirapan siya nang simula dahil na rin sa takot na baka hindi niya magawang kontrolin ang alaga ng mga ito. But surprisingly, it didn't take long for her to learn how to do it. Agad niyang nakukuha ang mga itinuturo ng binata."Madali kang matuto. Ilang araw pa ay magagawa mo nang patakbuhin nang mag-isa ang kabayo," wika sa kanya ni Sergio.She smiled, an authentic smile for that matter. "Magaling ka rin naman magturo. Thank you." She added the last two words with sincerity.Napalingon sa kanya si Sergio dahilan para mahinto ito
"What do you mean na aalis ka sa trabaho mo? You are going to resign, Rhea?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Jeselle kay Rhea habang magkausap sila sa cell phone."You heard me, Jeselle. I need to do it," tugon niya rito habang naglalakad patungo sa may patio ng bahay ng mga Arganza. Huminto siya malapit sa mesang naroon. Pasado alas-dies na ng gabi at dahil hindi pa makatulog ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan."Are you out of your mind? Talagang gagawin mo iyan? Are you really that desperate to ruin your mother's wedding?" hindi pa rin nagpapaawat na usisa nito.Rhea heaved out a deep sigh. Napagapsyahan niya ngang umalis na sa kompanyang pinapasukan sa Manila. Si Jeselle ang kauna-unahang pinagsabihan niya ng kanyang plano. Balak niyang mag-resign sa trabaho at manatili muna sa San Nicholas hanggang sa hindi niya pa napapahinuhod ang kanyang ina sa nais niyang mangyari.She was planning to find another job once she went back to Manila. Alam niyang hindi naman siya mahihira
"Are you sure you really want to accept Fabian and Sergio's offer, anak? Ibig sabihin ba niyon ay magtatagal ka pa rito sa San Nicholas?" hindi makapaniwalang tanong ni Rebecca kay Rhea. Nasa may teresa sila ng silid na inookupa niya sa bahay na iyon ng mga Arganza.She faced her mother. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakaupo sa upuang yari sa bakal. Siya naman ay nakatayo at nakasandal ang likod sa barandilya ng teresa."Do you want me to go back to Manila, Mama?" balik-tanong niya rito."Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin," sansala ni Rebecca sa kanya. "Gustong-gusto ko na lagi kang kasama, Rhea.""Then, why not go back to Manila with me? Gusto mong lagi tayong magkasama pero tatlong buwan kang nanatili rito habang ako ay mag-isa sa Manila." Hindi niya gustong lagyan ng panunumbat ang kanyang tinig pero waring ganoon ang kinalabasan ng mga sinabi niya. Bahagya pa ngang napayuko si Rebecca dahil doon."I hope you understand me, Rhea," saad nito sa mahinang tinig. "Pa
Agad na nahinto sa pagsusuklay ng kanyang buhok si Rhea nang makita niyang papasok na ng kanyang silid si Sergio. Hawak nito ang sariling cell phone at doon pa nga nakatitig habang isinasara na ang pinto.Naibaba niya ang suklay sa ibabaw ng mesa saka humarap sa kanyang asawa. Patuloy pa ito sa pagtipa sa pag-aaring cell phone habang nakatayo lang sa may paanan ng kama. Kung ano man ang pinagkakaabalahan nito ay hindi niya alam."Sino ang kausap mo kanina?" usisa niya rito. Nakaupo pa rin siya sa harap ng vanity mirror at naghihintay na magkuwento ito. Kanina kasi ay nagpaalam ito na may tatawagan muna. Hinayaan niya lang ang kanyang asawa nang mas piliin nitong sa sala kausapin ang kung sino mang tatawagan nito."Si Lorenzo ang kinausap ko. I called him," tugon nito kasabay ng basta na lamang pag-itsa ng cell phone sa ibabaw ng kama. "Nakikibalita ako kung kumusta na si Vladimir. Ang alam ko kasi ay pinilit niyang sumama sa kanya si Vlad upang mailayo muna kay Hendrick.""And?" pag-u
Hi, guysss... Gusto ko lang sabihin na ang timeline ng Chapter 55 ay 2 years ago na. Kung nabasa niyo na po ang ibang stories ko, iyon din ang timeline kung kailan nakauwi na mula sa ibang bansa si Romano at nagkaayos na sila ng asawa niyang si Analyn. Iyon din ang timeline ng last chapter ng story nina Lorenzo at Tamara. Sa Chapter 55, since two years ago na ay may asawa na rin si Hendrick sa timeline na iyon (pero hindi ko pa nasusulat ang story niya. Hehehe!) So, bakit sinuntok ni Hendrick si Vladimir? Si Vladimir na sa timeline na iyan ay single pa rin (hehe!)...Abangan niyo po sa mismong story ni Vladimir. Doon maipapaliwanag ang scene na nasa Chapter 55. PS. I'll update the Final Chapter of Sergio and Rhea's story tomorrow. Thank you for supporting their story. —Yvette Stephanie
TWO YEARS LATER...Dahan-dahang bumaba ng hagdan si Rhea habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa asawa niyang si Sergio. Kanina pa ito nasa sala at naghihintay na lamang sa kanya. Mabilis pa nga itong napalingon nang maramdaman ang presensiya niya at agad na rumihestro sa mga mata nito ang labis na paghanga nang makita ang kanyang ayos.She smiled at him lovingly. Bago pa man siya tuluyang makababa ay naroon na ito at sinalubong siya sa pinakahuling baitang ng hagdan."Did I keep you waiting?" nakangiti niyang tanong dito."I didn't mind," anito bago sabay silang napabulalas ng tawa sapagkat pareho nilang napagtantong mga linya ng isang kanta ang mga binitiwan nilang kataga. "Kidding aside, you look so gorgeous, Mrs. Arganza."Mataman siyang pinagmasdan ni Sergio. Bumaba-taas pa ang paningin nito sa kanyang kabuuan habang nasa mga mata pa rin nito ang labis na paghanga para sa kanya.Rhea was wearing a pink dress. Hapit iyon sa kanyang katawan dahilan para mas makita ang maganda ni
Last two chapters na lang po ang Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza. Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kuwento nina Sergio at Rhea. I highly appreciate all the comments that I received, as well as the gems. Abangan niyo rin po ang kuwento nina Hendrick (series 7) at ni Alter Vladimir (series 9) katulad ng kung paano niyo sinuportahan sina Lorenzo, Romano at Sergio. Ako po ang author nila. Of course, support niyo rin po ang stories ni Author Magzz23 na kasama sa Savage Billionaire. Siya naman po ang writer ng kuwento nina Ethan, Alonzo, Winston, Von and Sebastian. (But before ko po simulan ang kuwento ni Hendrick, I'll be writing first my other story. Kung nabasa niyo na po ang HIS SCARRED HEART, kilala niyo na po si Trace De la Serna. I'll write his story first.) Thank you so much....
Marahang napalingon si Rhea sa kanyang likuran nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nakita niyang sumilip muna si Sergio bago tuluyan nang pumasok sa kanilang silid. It was almost a week since she was discharged from the hospital. Halos isang linggo na rin mula nang malaman nilang wala na ang kanilang anak. It's been almost a week, yet, hindi niya pa rin matanggap ang mga nangyari.Nakatingin sa kanya si Sergio habang isinasara nito ang pinto. Nang mai-lock iyon ay humakbang na ito palapit sa bedside table at doon ay inilapag ang isang baso ng gatas na dala-dala nito para sa kanya.She's now recovering. Nang masigurong maayos na ang lahat sa kanya ay pinayagan na siya ng mga doktor na umuwi. Since she was discharged from the hospital, Sergio has always been caring to her. Ito ang nag-aalaga sa kanya, nag-aayos ng mga kailangan niya at kahit alam niyang marami itong kailangan gawin sa rancho ay nasa tabi niya lamang ang kanyang asawa.Halos hindi niya ito kibuin mula nang lumabas s
Kanina pa naglalakad paroo't parito si Sergio sa harap ng emergency room. Hindi siya mapalagay. Ang kaba at takot na nasa kanyang dibdib ay hindi pa rin nawawala. Ni hindi niya na nga mabilang kung ilang ulit na siyang nakausal ng panalangin para lang sa kanyang asawa na ngayon ay nasa loob na ng emergency room at tinitingnan ng mga doktor.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakadama siya ng labis na takot, hindi para sa kaligtasan niya. It was more for his wife's safety. Matapos niyang mabaril si Richard ay saka niya lang nadaluhan ang kanyang asawa. Ang nais niya ay mailayo ito mula panganib pero halos makadama siya ng kakaibang panlalamig ng kanyang katawan nang makita ang pagdurugo nito.Sa nagmamadaling kilos ay binuhat na niya si Rhea at isinakay ito sa kanyang sasakyan. Saktong nasa may kalsada na sila nang dumating naman ang kanyang Uncle Bert na una na niyang natawagan kanina. Gusto na niyang sabihin dito ang mga nangyari pero mas gusto niyang unahin muna ang kapakanan ng kanyan
Halos magsalubong ang mga kilay ni Sergio habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone. Nakailang beses siya sa pag-dial ng numero ni Rhea pero iisa lamang ang naririnig niya. His wife's number was out of reach, kung ano man ang rason ay hindi niya alam.Hindi ugali ni Rhea na magpatay ng cell phone. In the first place, hindi rin ito basta-bastang aalis ng kanilang rancho nang walang dahilan. May kinailangan ba itong puntahan? Kung mayroon man, bakit hindi man lang nito sa kanya nabanggit?He dialled her number once again. Sa muli, ganoon pa rin ang resulta. Hindi niya man gustong pangunahan ng pangamba pero waring iyon na nga ang umuusbong mula sa kanyang dibdib. Hindi na niya maiwasang mag-alala para sa kanyang asawa."M-May problema ba, Gio?" narinig niyang usisa ni Sofia mula sa kanyang likuran.Napalingon siya rito. "I can't contact my wife.""W-Who called you a while ago?" tanong pa nito."Si Uncle Fabian," tugon niya. "Wala raw sa rancho si Rhea. I was trying to call her no
Mahigpit na napahawak si Rhea sa manibela ng kanyang sasakyan habang sinusundan ng tingin si Richard na ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya. Ang bahagi kung saan naroon ang driver's seat ang sadya nitong nilapitan at hindi pa mapigilan ni Rhea na makadama ng kaba dahil doon.Agad na sumagi sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ni Sergio. Ayon sa kanyang asawa ay nagpang-abot ito at si Richard matapos ipaalam sa kanya ng huli ang tungkol sa provision ng manang natanggap ni Sergio. Her husband thought that Richard did it on purpose. Gusto nitong nagkasira silang mag-asawa bilang ganti dahil sa hindi nito nakuha ang mga ari-arian ng mga Arganza.Nagsususpetsa pa si Sergio na si Richard ang nasa likod ng lahat ng nangyari sa kanya noon--- ang pagkakahulog niya sa kabayo hanggang noong gabing may nagtangkang pumasok sa silid na inookupa niya sa bahay ng mga Arganza. Tanging si Richard lamang ang may motibo para gawin ang lahat ng iyon. Ito lang naman ay may gustong hindi maikasal si
Binagalan na ni Rhea ang kanyang pagmamaneho nang matanawan niya na ang pangalan ng establisyementong nais niyang puntahan, ang Elyong's. Saglit niya pa munang iginala ang kanyang paningin sa paligid upang maghanap ng lugar na pagpaparadahan ng kanyang sasakyan. Hangga't maaari kasi ay hindi niya gustong pumarada sa mismong harapan ng naturang kainan.Nagpakawala pa muna siya ng isang malalim na buntonghininga bago kinabig ang manibela ng kanyang kotse. Mas pinili niyang ihinto na lamang iyon bago pa man tuluyang makarating sa may Elyong's. Sa tabi ng daan lang siya pumarada saka lumabas na mula sa may driver's seat. Siniguro niya pa munang naka-lock na lahat ng pinto ng kanyang kotse bago humakbang patungo sa sikat na kainang iyon sa San Nicholas.It was already past nine in the morning. Mula nga sa Rancho Arganza ay nagmaneho siya patungo sa bayan. Hinintay niya lang na maging abala si Sergio bago siya naghanda sa pag-alis. Ni hindi na niya nagawa pang makapagpaalam sa kanilang Uncl