Share

CHAPTER 3

Marahang inihinto ni Rhea ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan nang makita na niya ang malaking arko kung saan nakalagay ang pangalan ng lugar na kanina niya pa hinahanap--- ang Rancho Arganza. Malayo pa lang ay mababasa na iyon na sadyang aagaw ng atensyon ninumang dadaan sa naturang kalsada.

Tuluyan na siyang lumapit sa may arko at marahang bumusina upang makuha ang atensyon ng guwardiyang nakabantay doon. Nang lumingon ito ay mabilis na lumabas ng kanyang kotse si Rhea at naglakad palapit sa puwesto ng lalaki.

"Magandang hapon," bati niya nang makalapit.

"Yes, Ma'am?" tipid nitong tanong.

"Obviously, this is Rancho Arganza. I just want to ask... nariyan ba si F-Fabian Arganza?"

"Ano ho ang kailangan ninyo kay Sir Fabian? At ano ho ang pangalan niyo, Ma'am?" magkasunod nitong tanong.

She swallowed hard and smiled at him. Naging alanganin pa ang pagngiting ginawa niya. "A-Actually, I am looking for Rebecca. Hindi ko alam kung kilala mo siya... Rebecca Sanchez?"

"Si Ma'am Rebecca, ang kasintahan ni Sir Fabian?" wika nito na ngumiti pa sa kanya. "Kilala ko siya, Ma'am. Ano ho ang kailangan mo sa kanya?"

"I-I---"

Ano mang sasabihin niya sa lalaki ay agad nang nahinto nang marinig niya ang ugong ng papalapit na sasakyan. Napalingon siya roon. Palabas ito ng Rancho Arganza at kahit bahagyang malayo pa ito mula sa kinatatayuan niya ay agad na iyong nakilala ni Rhea.

She couldn't be wrong. Kahit pa sabihing marami namang ganoong uri ng sasakyan ay malakas ang loob niya na iyon ang sasakyan ng antipatikong lalaking nakasagutan niya kanina... ang lalaking dahilan kung bakit nagmaneho pa siya nang malayo sapagkat maling daan ang itinuro sa kanya! At ang damuho... nasa Rancho Arganza rin naman pala! Ano ang ipinunta nito sa lugar na iyon? Bakit galing ito sa Rancho Arganza?

Napahalukipkip si Rhea. Naglakad siya palapit muli sa kanyang sasakyan upang makita ng lalaki, bagay na agad namang nangyari. Agad na huminto ang sasakyan nito sa tabi ng kanyang kotse. Seconds later, the man got out of his car and walked towards her. Ni hindi niya man lang ito nakitaan ng pagkabigla sa mukha. Inaasahan ba nitong makita siya sa Rancho Arganza?

"So, you finally found Rancho Arganza," anito, may nakalolokong ngiti sa mga labi.

"Thanks to you. Itinuro mo ang daan," nanunuya niyang sabi sabay tanaw ng daan papasok ng rancho. "Dito ka lang din pala pupunta, ibang daan pa ang sinabi mo sa akin."

May kalakip na inis ang tinig niya nang banggitin ang huling pangungusap. Wala siyang pakialam kung mapansin man iyon ng binata. Talagang naiinis siya rito. Pero sa halip na patulan ang pagtataray niya ay naging seryoso ang ekspresyon nito sa mukha saka nang-usisa.

"Tell me, Miss. Why are you here? Ano ang kailangan mo sa Rancho Arganza?"

"Sir---"

Akmang may sasabihin ang guwardiyang kaharap niya kanina ngunit agad na naawat ang pagsasalita nito nang magtaas ng isang kamay ang binata. Dahilan iyon para matahimik ang guwardiya.

Hindi maiwasan ang pagtaas ng isang kilay ni Rhea. Sir? Tinawag bang sir ng guwardiya ang antipatikong lalaking ito? Sino ba ito at bakit ito nasa Rancho Arganza?

"Hindi basta-bastang nakapapasok sino man sa lugar na ito, Miss? Sabihin mo, ano ang sadya mo sa lugar na ito?"

"Hindi basta-bastang nakapapasok sino man?" ulit niya sa mga sinabi nito. "So, why are you here? Taga-rito ka ba?"

"Ako ang unang nagtanong," buwelta nito.

"Why would I tell you why I'm here? Ikaw ba may-ari ng rancho na ito? Besides, hindi ikaw ang sadya ko."

"So tell me, sino ang sadya mo?"

"I don't have time to talk to you. Si Fabian at R-Rebecca ang hanap ko, na kanina ko pa sana nakaharap dito kung tamang daan lang ang itinuro mo."

Hindi nito pinansin ang patutsada niya. Napatayo ito nang tuwid nang marinig ang mga pangalang binanggit niya.

"Ano ang kailangan mo sa kanila?" seryoso nitong tanong.

Sa halip na sagutin ito, humarap si Rhea sa guwardiyang kanina pa nakikinig sa usapan nila. "Why don't you call Fabian and tell him that someone's looking for him? I would rather talk to Fabian than just someone else."

"Eh, Ma'am..." napapakamot sa ulong sagot ng guwardiya sa kanya. Napansin pa ni Rhea na napapasulyap ito sa lalaking kabangayan niya.

"Kung hindi mo sasabihin ang sadya mo ay magsasayang ka lang ng oras dito. Hindi ka papapasukin ng guwardiya at mas lalong hindi ka haharapin ng may-ari ng rancho na ito."

Pagkawika niyon ay humakbang na ulit ang lalaki palapit sa sasakyan nito. Nabuksan na nito ang pinto sa may driver's seat nang maagap na nagsalita si Rhea.

"I want to talk to Fabian and Rebecca," halos pasigaw na niyang sabi na ikinalingon ulit ng lalaki.

"You're not telling the reason why---"

"I want to talk to my mom!" saad niya na ikinahinto nito sa pagsasalita.

Agad na natigalgal ang binata. Mataman siya nitong pinagmasdan na wari ba ay pinoproseso ang mga sinabi niya. Nang hindi man lang nabawasan ang determinasyon na nasa mukha ni Rhea ay mabilis na isinara ulit nito ang pinto ng sasakyan saka muling humakbang palapit sa kanya.

"What did you say?" he said in a tone demanding for an answer.

Mariing napalunok si Rhea. Hindi niya kilala kung sino ang lalaking ito pero bakit ba pakiramdam niya, eh, dito siya dapat na magsabi kung ano ang sadya niya sa lugar na iyon? Ano ba ang kaugnayan nito sa Rancho Arganza?

"I'm asking you," muli nitong saad.

"Rebecca is my mother and I want to see her right now," she said firmly.

*****

IPINARADA ni Rhea ang kanyang kotse sa mismong tabi ng sasakyan ng lalaking nakausap niya. Matapos niyang banggitin na anak siya ni Rebecca ay masusi siya nitong pinagmasdan na para bang inaalam kung totoo ba ang mga sinabi niya.

Nang waring hindi kumbinsido ay kinuha pa nito ang pag-aaring cell phone at agad na may tinawagan. Halos mapataas pa ang kilay ni Rhea nang maulanigan niyang ang kanyang ina ang kausap nito. The man asked for her name and when she mentioned it, he instantly said it to her mother.

Noon pa lang ito naniwala sa kanya. Gusto niya pa sana itong tarayan ngunit agad nang naawat si Rhea nang ayain siya ng binata na tumuloy na sa rancho. She was puzzled, actually. Gusto niyang magtanong kung sino ito. Bakit nito nakausap ang kanyang ina? Bakit parang may kakayahan itong magpapasok ng kung sino sa lugar na iyon?

She has a lot of questions but Rhea wasn't given a chance to voice them out. Agad na kasing sumakay sa kotse nito ang lalaki at inutusan siyang sundan ito gamit ang sarili niyang sasakyan. Yes! Inutusan! The man was so dominant that she could hear so much authorities on his voice. Ni hindi man lang nagbago ang pakikitungo nito nang malamang hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niyang anak siya ni Rebecca.

Agad na siyang lumabas ng kanyang sasakyan. Ang kanyang mga mata ay natuon sa may entrada ng bahay kung saan nakatayo ang kanyang ina katabi ang kasintahan nitong si Fabian. Para bang naghihintay na talaga ang mga ito sa kanya.

"Rhea..." nagagalak na wika ni Rebecca. Lumapit ito sa kanya at ginawaran siya ng isang mahigpit na yakap. Then, she stood up straight again and continued talking. "Hindi ka nagpasabing darating ka. You suprised me."

Hindi siya tumugon bagkus ay ngumiti na lamang. Sa kabila ng hinanakit niya sa ina dahil sa pagpaplano nitong pagpapakasal sa iba ay hindi niya pa rin maitatangging labis niyang pinanabikang makita ito ulit.

"Welcome to Rancho Arganza, hija," narinig niyang wika ni Fabian. May matamis din itong ngiti sa mga labi. "Mabuti't hindi ka nahirapang hanapin itong sa amin. Kung nagpasabi kang darating ka, 'di sana'y nasundo ka namin sa pinakabayan ng San Nicholas."

Her eyebrow arched. Awtomatikong napalingon siya sa lalaking nakausap niya kanina.

"Hindi naman ako nahirapang hanapin itong sa inyo. Itinuro niya sa akin ang 'tamang daan'." She faked a smile, intended for the arrogant man that she met. Disimulado niya rin itong pinanliitan ng mga mata. At kung napansin man ng kanyang ina at ni Fabian ang sarkasmo sa kanyang tinig ay hindi na niya alam. Umahon na naman kasi ang inis sa kanyang dibdib nang maalalang maling daan ang itinuro sa kanya ng lalaki.

But the arrogant man was unbothered. Tumikwas lang ang isang sulok ng mga labi nito habang sa kanya rin nakatitig. Hindi man ito magsalita, alam ni Rhea na dama nitong naiinis siya.

"Oh? Nagkakilala na ba kayo ni Sergio, 'nak?"

Rhea's expression suddenly became serious. Agad pa siyang napabaling sa kanyang ina nang marinig niya ang pangalang binanggit nito.

"S-Sergio?" tanong niya. Agad pang sumagi sa kanyang isipan ang pangalang sinabi ng tinderang nakausap niya sa may palengke. Ayon dito, isang Sergio Arganza ang namamahala na ngayon ng Rancho Arganza.

"Pamangkin siya ni Fabian, Rhea. Si Sergio... Sergio Arganza."

Marahas niyang nilingon ulit ang binata. Isang nakalolokong ngiti ang naglalaro sa mga labi nito. Sergio Arganza! Isa itong Arganza!

Dumoble ang inis na nadarama ni Rhea. Isa itong Arganza at alam nito kanina na sa Rancho Arganza ang tungo niya pero ibang daan pa rin ang itinuro nito! Sadyang pinag-trip-an pa siya! At ang antipatikong lalaki, pangiti-ngiti pa ngayon. Wari bang natutuwa pa ngayong alam na niya kung sino ito.

"Tumuloy ka muna sa loob, hija. Magpapahanda ako ng meryenda para sa iyo," wika ni Fabian.

Nagpatiuna na ito sa paglalakad papasok ng bahay. Agad na rin itong sinundan ni Rebecca na inaya na rin siyang pumasok. But Rhea didn't move. Isang matalim na tingin pa muna ang ibinigay niya kay Sergio saka nagwika.

"How dare you?" nangangalaiti niyang sabi. "Isa ka naman palang Arganza, bakit hindi mo pa sinabi sa akin kung saan ang daan papunta rito sa rancho ninyo? Itinuro mo pa talaga ako sa malayo."

Sergio smiled mischievously. "Nakuha mo pa rin naman ang tamang daan, hindi ba? Ayaw mo niyon? Nag-joyride ka."

Her teeth almost gritted. "Yeah, thanks to you," sarkastiko niyang sabi bago biglang may naalala. Lumapit siya sa kanyang sasakyan para kunin ang mga pinamiling prutas. Nang makuha ang mga iyon ay pabalya niyang iniabot sa binata. "Buti na lang itinuro mo sa akin ang daan papuntang palengke. I was able to buy fruits. Pasalubong ko para sa iyo," punong-puno nang panunuyang wika niya.

Sergio chuckled. Bakas na bakas ang kaaliwan sa mukha ng binata na mistula bang kasiyahan para rito ang mapikon siya.

"Hindi mo naman kailangang mag-abala pa," nakaloloko nitong sabi sabay kuha ng isang mansanas. Marahan nito iyong sinalo-salo sa isang palad nito.

"Oh no, para sa iyo talaga iyan," eksaherada niyang sabi. Isang ubod na tamis na ngiti pa ang ibinigay niya rito, to the point, na halatang-halatang peke iyon. Then, in a split of a second, her expression suddenly switched in a serious mode. "Mabilaukan ka sana," matalim niya pang dagdag bago pumihit na upang sundan ang kanyang ina.

Ngunit hindi pa man tuluyang nakalalayo si Rhea ay agad na rin siyang natigilan. Marahan kasing tumawa si Sergio na para bang tuwang-tuwa sa mga sinabi niya. Nang muli siyang lumingon sa binata ay pinupunasan na nito ang isang bahagi ng hawak-hawak nitong mansanas gamit lamang ang kamay nito.

"So, you are giving these to me? You would allow me to eat your apples?" he said while still wiping the apple on his hand. Nang parang makontento na at waring maaari nang kagatan ay dinala ng binata ang prutas sa bibig nito at kumagat doon.

It was just an apple. Maliit na kagat lamang nga ang ginawa ni Sergio, para bang laan lamang para inisin lang talaga siya. But how did he manage to bite on it in a very sensual way? How can a man looked so sexy by just biting an apple?

Until she realized something. Waring noon lang niya naunawaan ang ibig sabihin ng naging tanong nito. Alam ni Rhea na may dobleng kahulugan iyon.

You would allow me to eat your apples?--- Dama na niya ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa nadaramang inis.

"Bastos!" she hissed angrily. Tinalikuran na niya ito saka nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay para hanapin ang kanyang ina. Uudyukan na niya itong sumama sa kanya pauwi sa Manila dahil hindi niya yata kayang pakitunguhan ang isang tulad ni Sergio.

Nasa may hamba na siya ng pintuan nang marinig niyang bumunghalit ng tawa ang binata na mas nagpaahon ng inis niya.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Carloth Polenio Cerillo
next chapter pls
goodnovel comment avatar
angelagastador3
goodluck Rhea hahaha
goodnovel comment avatar
mycaptain❤️
aso't pusa waving...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status