Tuloy-tuloy na naglakad si Sergio papasok sa kanilang bahay. Mula sa restaurant kung saan niya kinatagpo si Charlie ay dumiretso na siya ng uwi sa rancho na pag-aari ng kanilang pamilya, ang Rancho Arganza. Malawak na lupain iyon na kilalang-kilala sa buong San Nicholas. Ang kanyang abuelo, ang ama ng kanyang papa, ang nagsimula niyon. Napalago iyon ng kanyang lolo dahil na rin sa husay nito sa pamamahala.
Mayroon silang iba't ibang alaga sa Rancho Arganza. Sa pagdaan ng mga taon, mas nadagdagan pa ang mga hayop na inaalagaan nila sa kanilang lupain. Ang ilan doon ay naibebenta pa nila, hindi lang sa San Nicholas kundi maging sa ibang karating bayan. Maliban sa paghahayupan, iba't ibang pananim din ang pinagkakakitaan ng kanyang pamilya. Lahat ng iyon ay magkatulong nilang inaasikaso ng kanyang Uncle Fabian... at Uncle Richard. "Welcome back, hijo..." Agad na natigilan si Sergio sa paglalakad nang marinig niya ang tinig na iyon--- ang kanyang Uncle Fabian. May malawak itong ngiti sa mga labi habang nakamasid sa kanya. Sa halip na dumiretso sa kanyang silid ay pumihit si Sergio patungo sa kinaroroonan ng kanyang tiyuhin. Kalalabas lamang nito mula sa kanilang library at natigilan nga nang makita siya. "Hi, Uncle. How are you?" "Have you eaten your lunch? Magpapahain ba ako para sa iyo?" "No need, Uncle. Nakipagkita ako kay Charlie bago tumuloy dito. Kumain kami sa Elyong's," tukoy niya sa restaurant na kinainan kanina. Nang mabanggit niya ang establisimiyento ay hindi pa maiwasang sumagi sa kanyang isipan ang babaeng nakadaupang-palad niya roon. Agad niyang iwinaksi sa kanyang isipan ang tungkol sa bagay na iyon nang makita niyang naglakad patungo sa sala ang kanyang tiyuhin. Sinundan niya ito at matamang pinagmasdan habang marahang nauupo sa mahabang sofa. Fabian is now on his fifty. Sa kabila ng bakas na ang katandaan sa hitsura nito, masasabi pa rin ni Sergio na makisig pa rin kung titingnan ang kanyang tiyuhin. "How's Davao?" usisa nito nang makalapit na rin siya. Nagkibit-balikat siya. "Great, Uncle. I had a great time staying there. Naroon din ang ilan sa mga kaibigan ko," imporma niya pa rito. "How are they? Si Ethan? Kumusta siya at ang iba mo pang kaibigan?" "They're doing good," aniya sabay hakbang patungo sa pang-isahang sofa. Naupo siya roon bago nagpatuloy sa pagsasalita. "May kasintahan na si Ethan, just like Renz. Nakilala ko na rin ang mga nobya nila. And Lorenzo is getting married. Buntis na ang nobya niya." Kaswal lang ang pagkakakuwento niya. Though, he was happy for his friends, Sergio couldn't help but to cringe. Hindi niya sukat akalain na makatatagpo ang mga kaibigan niya ng mga babaeng mamahalin ng mga ito. Just like Romano. Nasa ibang bansa ito para tuluyang magpagaling pero nabanggit sa kanila ni Hendrick ang ginawang biglaang pagpapakasal ng kaibigan nila. Hindi pa nila ito makausap nang maayos upang usisain sapagkat nagpapagaling pa ito sa ngayon. "Glad to hear that. Akala ko lahat kayo'y walang balak na magsipag-asawa. Sasayangin niyo lamang ang inyong mga lahi," nangingiting saad ni Fabian. "How about you? Kailan ka tutulad sa mga kaibigan mo? Kailan ka magpapakilala ng mapapangasawa sa amin?" "You are talking as if looking for a fiancee is like picking a flower from Auntie Rebecca's garden," natatawa niyang sabi bago biglang nagseryoso nang maalala ang kasintahan nito. "Where is Auntie Rebecca, by the way?" "Sumama kay Marilyn sa kuwadra para magdala ng tanghalian ng mga tauhan ng rancho. Maya-maya lang ay narito na ang mga iyon." Ang Marilyn na tinutukoy nito ay isa sa kanilang mga kasambahay. Matagal na ito sa kanila at sadyang pinagkakatiwalaan na nila sa maraming bagay. Samantalang ang Rebecca na pinag-uusapan nila ay ang nobya ng kanyang Uncle Fabian. Fabian has been single ever since. Ang buong akala niya ay tatandang binata na talaga ito. Nagkaroon din naman ito ng mga karelasyon noong bata-bata pa pero kailanman ay hindi ito nakapag-asawa. Hanggang sa ilang buwan na ang nakararaan nang ipakilala nito sa kanya si Rebecca bilang kasintahan nito. Halos kaedad lamang ito ng kanyang tiyuhin, biyuda at may isang anak na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa nakikilala. Ilang buwan nang nanunuluyan sa rancho nila si Rebecca. Sa loob ng ilang buwan na iyon ay nagawa na nitong palaguin ang mga halamang nasa kanilang hardin. Nagbabalak na ring magpakasal ang mga ito at labis na ikinatuwa ni Sergio ang planong iyon. For him, his Uncle Fabian deserves to be happy. Isa lang ang nakikita nilang problema sa ngayon--- ang anak ni Rebecca. Ayon sa ginang, nahirapan itong ipaliwanag sa anak ang plano nito at ng tiyuhin niya. Nang minsang nakausap nito sa telepono ang sariling anak ay nagpahayag na raw ito ng hindi pagsang-ayon. And Sergio couldn't help but think about it. Sinong anak ba ang ayaw na makitang masaya ang sariling ina? Nakikita niya naman kasing masaya si Rebecca sa tuwing kasama nito ang kanyang Uncle Fabian. Bakit hindi iyon ang isipin ng anak nito? "I'm serious, Gio. Hindi mo pa ba naiisip ang lumagay sa tahimik gaya ng kaibigan mo?" narinig niya pang sabi ni Fabian dahilan para mabalik dito ang kanyang atensyon. Sergio chuckled. "Paano ako lalagay sa tahimik, Uncle? I don't even have a girlfriend." "Alam kong hindi ka nawawalan ng babae, Gio." "That's different from having a serious relationship, Uncle," sansala niya rito. "At kailan ka magseseryoso?" buwelta nito. "Hindi mo man lang ba isinasaalang-alang ang tungkol sa provision ng lolo mo? Gio, malapit nang matapos ang takdang panahong ibinigay niya para makapag-asawa ka?" Dahil sa mga sinabi nito ay agad na naging seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Sergio. Ang tinutukoy ng kanyang tiyuhin ay ang provision na kasama sa last will and testament ng kanyang Lolo Abel, ama ng kanyang Papa Felix. Magdadalawang-taon na mula nang mamatay ang kanyang lolo. Inatake ito sa puso na naging sanhi ng pagkawala nito. Days after he died, his lawyer read his last will and testament. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang dahil sa provision na kasama sa last will na iniwan nito--- kailangan niyang makapag-asawa bago mag-ikalawang taong anibersaryo ng pagkamatay nito. If it didn't happen, mawawala ang lahat ng manang naiwan sa kanya. Kay Sergio naiwan ang pinakamalaking porsiyento ng ari-arian ng kanyang Lolo Abel. Mas nauna kasing nawala ang kanyang ama kaysa rito dahilan para siya ang maging tagapagmana ng lahat ng mayroon ang matandang Arganza. May naiwan din naman sa kanyang Uncle Fabian at Uncle Richard ngunit wala iyon kumpara sa lahat ng nakuha niya. And it was because of one reason. Ang kanyang ama lamang ang legal na Arganza. Sina Fabian at Richard ay kapwa ampon lamang ng lolo't lola niya. Kapwa lumaki ang mga ito sa rancho at Arganza rin naman ang gamit na apelyido pero mas malaki pa rin ang nakuha niya kaysa sa mga ito. Iyon ay kung masusunod ang provision ng kanyang Lolo Abel. Maiiwan sa kanya ang pinakamalaking bahagi ng Rancho Arganza, ang ancestral house, ilang sasakyan at pinakamalaking porsyento ng pera sa bangko. Maging ang ilang properties din nito sa Manila ay maililipat sa pangalan niya. It would be an easy life for him if that ever happens. Pero may kondisyon--- kailangan ay may asawa na siya bago pa man sumapit ang ikalawang anibersaryo ng pagkamatay ng abuelo niya. Kung hindi, paghahatian nina Fabian at Richard ang lahat ng naiwan sa kanya. Napabuntonghininga si Fabian. "You should start looking for a fiancee now, Gio. Magdadalawang taon na mula nang nawala ang papa. Isa lang ang ibig sabihin niyon, alam mo iyan." "And wouldn't you be glad, Uncle? Isa ka sa makikinabang sa lahat ng mana ko kung nagkataon." Pagak na natawa si Fabian. "Alam mong hindi ako naghahabol ng karangyaan, Gio. Sapat na sa akin ang iniwan ng papa. But Richard? Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa Rancho Arganza kung sakaling mapunta sa kanya ang pinakamalaking bahagi nito. So I want you to get married before Papa's second death anniversary. Kumpara kay Richard, mas gusto kong ikaw pa rin ang mamahala ng rancho na ito." Sergio's face hardened. Kuha niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Simula pa man noon ay hindi siya malapit kay Richard. They were civil, yes. Pero ang relasyong mayroon siya kay Richard ay malayo sa kung ano ang relasyon niya kay Fabian. Nakikita niya ring sinsero ang Uncle Fabian niya sa mga sinabi nito. Richard was ambitious. Alam niyang masisira ang rancho oras na ito na ang mamahala. Pero ano ang gagawin niya? Hindi niya naman gustong magpakasal para lang makuha ang mana niya. And to top it all, sino ang pakakasalan niya? He's not in love with anyone. Oo't tama ang tiyuhin niya. Hindi siya nawawalan ng babae. He can bed a woman if ever he wants to. Fling... ganoon lang. Pero ang pakasalan sino man sa mga babaeng nakakarelasyon niya? Wala siyang makitang karapat-dapat pagbigyan ng pangalan niya. ***** HALOS palinga-linga si Rhea sa magkabilang gilid ng daan. Pilit niyang hinahanap ang public market na sinabi ng lalaking nakasagutan niya sa may parking lot kanina. Gusto niya pang mabagot sa sobrang layo ng ibiniyahe niya ulit. Mula sa restaurant ay halos ilang saglit pa siyang nagmaneho sa daan. Ayon sa lalaki, kailangan niyang lumiko pakaliwa para matunton ang daan papuntang Rancho Arganza. Sa haba ng iminaneho ni Rhea, ilang paliko pakaliwa na rin ang nadaanan niya. Pero patuloy lang siya sa pagmaneho dahil hinahanap niya ang public market na sinabi ng nakausap niya. Ayon kasi dito, public market ang pinakakanto ng kalsadang kailangan niyang paglikuan. And after how many minutes of driving, Rhea saw a public market. Waring iyon yata ang pinakasentro ng bayang iyon. Sa harap ng palengke ay isang malaking gusali pang-komersiyal. "Finally, I am here," sambit niya. Kinabig na niya ang manibela para lumiko. Nang makarating siya sa tapat ng palengke ay sadyang inihinto pa ni Rhea ang kanyang kotse para magtanong sa ilang tinderang nakapuwesto lamang sa gilid ng kalsada.. "Magandang araw, manang," aniya. Binuksan na lamang niya ang bintana ng kanyang sasakyan at nagtanong sa matandang babaeng naroon. Sadyang nilakasan niya pa ang kanyang tinig para makuha ang atensyon nito. Dali-daling lumapit sa kanya ang matandang babae sa pag-aakalang bibili siya. Iba't ibang prutas ang paninda nito. "Ano iyon, ineng? Prutas ba?" Alanganin siyang ngumiti. "M-Maaari ho bang magtanong? Dito na ba ang daan patungong Rancho Arganza?" tanong niya na itinuro pa ang kalsadang paliko. "Rancho Arganza?" balik-tanong nito. "Naku, hindi, ineng. Hindi papunta sa Rancho Arganza ang daang iyan." "W-What do you mean? Hindi ito patungo sa Rancho Arganza?" "Hindi," tugon nito sabay turo sa kalsadang pinanggalingan niya. "Papunta roon ang rancho na hinahanap mo. Mga ilang minutong biyahe rin, ineng. Kung iyon ang hanap mo, ang pinakakilalang establisimiyentong maaari mong gawing landmark ay ang restaurant na Elyong's. Kapag nakita mo na ang restaurant na iyon ay magtanong ka lang roon. Hindi ka mahihirapang maghanap dahil kilalang-kilala ang Rancho Arganza rito sa San Nicholas." "E-Elyong's?" saad niya. May umaahon nang hinala sa kanyang isipan. "Are you sure, Manang?" "Naku, ineng, dito na ako tumanda sa San Nicholas. Alam ko ang mga lugar dito," anito, itinuro pa ang kalsadang akma niyang lilikuan. "Ang daang ito ay patungo na sa kabilang bayan. Malalayo ka pa sa Rancho Arganza." Her face hardened. Ang Elyong's na binanggit ng matandang babae ay ang restaurant na kinainan niya kanina... ang restaurant kung saan niya nakasagutan ang lalaking nagturo sa kanya sa daang iyon. Kung totoo man ang mga binanggit ng matandang babae, iisa lang ang ibig sabihin niyon--- pinag-trip-an siya ng lalaking iyon at ibang daan ang itinuro sa kanya! "That son of a bitch!" she hissed angrily. "Ano iyon, ineng?" tanong ng matanda na bahagya pa siyang niyuko. "N-Nothing, manang..." "Bibili ka ba ng prutas? Marami kang mapagpipilian." She smiled at her. "S-Sige ho, pabili na lang," saad niya. Sinulyapan niya ang mga paninda nito. "Sampung mansanas ho at isang kilong saging na rin." Waring natuwang mabilis na lumapit ang matanda sa mga tinda nito. Agad nitong isinupot ang mga pinamili niya saka iyon ibinigay sa kanya. Nag-abot ng limang daan si Rhea at nang akmang kukuha ang tindera ng panukli sa kanya ay mabilis siyang nagwika. "Keep the change, manang. I need to go." "Naku, salamat, ineng," nagagalak nitong sabi. "Mag-ingat ka patungo sa Rancho Arganza. Kahit si Sergio Arganza ang ipagtanong-tanong mo, ituturo ng mga tao sa iyo ang daan papunta sa lugar na hinahanap mo." "S-Sergio Arganza?" "Siya na ang namamahala ng Rancho Arganza. Kilalang-kilala rin siya ng mga tao rito." Her eyebrow arched. Ganoon ba kakilala ang pamilya Arganza sa lugar na iyon? Nagpasalamat na siya sa matandang babae saka nagmaneho na paalis. Kanina pa sana siya nakarating sa lugar na sadya niya kung hindi lang dahil sa lalaking nakasagutan niya kanina. How dare him! Talagang sinadya pang ituro siya sa malayo. "Huwag lang sanang mag-krus ulit ang landas natin na lalaki ka," nangangalaiting saad ni Rhea. Mas binilisan niya na ang kanyang pagmamaneho pabalik sa kalsadang pinanggalingan niya.Marahang inihinto ni Rhea ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan nang makita na niya ang malaking arko kung saan nakalagay ang pangalan ng lugar na kanina niya pa hinahanap--- ang Rancho Arganza. Malayo pa lang ay mababasa na iyon na sadyang aagaw ng atensyon ninumang dadaan sa naturang kalsada.Tuluyan na siyang lumapit sa may arko at marahang bumusina upang makuha ang atensyon ng guwardiyang nakabantay doon. Nang lumingon ito ay mabilis na lumabas ng kanyang kotse si Rhea at naglakad palapit sa puwesto ng lalaki."Magandang hapon," bati niya nang makalapit."Yes, Ma'am?" tipid nitong tanong."Obviously, this is Rancho Arganza. I just want to ask... nariyan ba si F-Fabian Arganza?""Ano ho ang kailangan ninyo kay Sir Fabian? At ano ho ang pangalan niyo, Ma'am?" magkasunod nitong tanong.She swallowed hard and smiled at him. Naging alanganin pa ang pagngiting ginawa niya. "A-Actually, I am looking for Rebecca. Hindi ko alam kung kilala mo siya... Rebecca Sanchez?""Si Ma'am Rebecca, an
Nakatuon ang mga mata ni Rhea sa mga pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Nakamasid siya roon ngunit ang isipan niya ay nasa mga taong kasama niya nang mga oras na iyon. Kasalukuyan silang nasa may patio ng bahay ng mga Arganza. Matapos niyang sundan papasok ang kanyang ina at si Fabian ay inaya siya ng mga ito roon. Isang masaganang meryenda nga ang inihain ng mga ito para sa kanya.Maraming inihain ang mga ito pero wala man lang kinuha si Rhea kahit isa. Maliban sa hindi pa siya nagugutom, ang atensyon niya ay nakatuon sa kung paano niya mapahihinuhod ang kanyang ina na sumama na sa kanya pauwi ng Manila."Don't you like the food, 'nak?" pukaw ni Rebecca sa pananahimik niya.Rhea raised her head and met her mother's eyes. Masuyo itong nakatitig sa kanya at bakas sa mukha nito ang kasiyahan dahil nagkita sila ulit. Kailanman ay hindi pa nangyari na nagkahiwalay sila nang matagal. Ngayon pa lang talaga at iyon ay dahil sa lalaking bagong karelasyon nito.Rhea's eyes darted to Fabian. Magkata
Marahang iniunat ni Rhea ang kanyang katawan habang nakahiga pa rin at nakapikit ang kanyang mga mata. Nang tuluyang magising ang kanyang diwa ay tuluyan na siyang nagmulat saka iginala ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan niya.Ibang-iba iyon sa kanyang silid sa bahay nila sa Manila. Her own room was full air-conditioned. Ang silid na kinaroroonan niya ngayon, though, may air-con din naman ngunit hindi iyon nakabukas. Naalala niyang hindi niya pinagkaabalahang buksan iyon kagabi pagkapasok niya sa kuwarto. Mas pinili niyang maglinis na lang ng kanyang katawan at pagkabihis. Pagkatapos, binuksan niya ang sliding door sa may teresa saka natulog na.And in fairness, she has fallen asleep easily. Hindi niya alam kung dahil iyon sa pagod mula sa pagmamaneho patungong San Nicholas, o dahil sa sariwang hangin na pumapasok sa silid na inookupa niya.Marahan na siyang naupo sa kama. Hindi niya pa maiwasang maisip ang kanyang ina. Kagabi, pagkahapunan ay sinamahan siya nito
"Welcome sa kuwadra ng aming rancho, Rhea," wika ni Sergio sa kanya. Inilahad pa nito ang mga kamay na para bang ipinapakita sa kanya ang kanilang kinaroroonan.Rhea roamed her eyes around the place. Matapos makapag-almusal ay isinama nga siya ni Sergio sa kuwadra kung saan hindi niya mabilang kung ilang hayop ang naroon. Iba't iba ang mga alaga ng mga Arganza. Hindi niya pa nga maiwasang mamangha habang iginagala ang kanyang paningin sa buong paligid.Ilang kabayo ang nakakulong sa kuwadra. Hindi lang basta-bastang kabayo ang mga naroon. Nahihinuha niyang ang ilan doon ay galing pa sa ibang bansa. Stallions! May stallions ang mga Arganza! Alam niyang kung hindi nabibilang sa maaalwan na pamilya ay nunca makabibili ng ganoong mga alaga.Ilang metro naman mula sa kuwadra ay ang malawak na koral ng iba pang mga hayop. May mga baka at kambing na nanginginain sa malawak na damuhan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya mabilang kung ilan ang mga baka at kambing na nakakalat roon. The
"Let us stop this," saad ni Sergio sabay ng marahas na pagtayo. Ang ginawa niya ay naging dahilan para tingalain siya ni Rhea. Bakas sa mukha nito ang pagkalito dahil sa ikinilos niya."W-What?" tanong nito sabay bitiw sa baka. "M-May mali ba sa ginawa ko?"Damn! Hindi mapigilan ni Sergio ang mapamura ulit sa kanyang isipan. Rhea didn't have any idea what was happening on him. Kahit siya mismo ay hindi rin maunawaan kung bakit ganoon na lang ang naging epekto sa kanya ng pagmasid lang sa ginagawa ng dalaga. He was turned on, he wouldn't deny it."Umuwi na tayo," aniya sa seryosong tinig. Pilit niya pang hinamig ang kanyang sarili bago tumalikod na sa dalaga."Umuwi?" naguguluhang tanong ni Rhea. Tumayo na rin ito at mabilis na sumunod sa kanya. Nasa may bukana na sila ng kulungan nang maabutan siya nito. "Wait, Sergio. What is wrong with you? Hindi ba---""Iuuwi na kita," saad niya sabay harap sa dalaga."Why? Did I do something wrong? Nagawa ko naman, hindi ba?" Sumulyap pa ito sa ba
Halos naitulos sa kinatatayuan si Rhea pagkakita niya sa ginagawa nina Sergio at Armira. Hindi niya pa nga maiwasang may lumabas na mga salita mula sa kanyang bibig dahilan para kapwa mapalingon sa kanya ang dalawa.Sergio was shocked to see her. Agad nitong binitiwan si Armira at mabilis na isinara ang ilang butones ng suot nitong polo. Bukas na kasi ang unang tatlong butones niyon na marahil ay dahil na rin sa ginagawa ng mga ito. Kung hindi siya dumating ay alam niya kung saan hahantong ang tagpong naabutan niya.They were making out in a broad day! At bukas pa ang pinto?"I-I..." She couldn't find any word to say. Naroon lang siya, nakatayo at natitigilan habang nakatitig sa mga ito."Rhea..." sambit ni Sergio sa pangalan niya. Tuluyan din itong pumihit upang humarap sa kanya.Nakarehistro sa mukha ni Sergio ang pag-aalangan kung lalapitan ba siya o hindi. Para itong isang batang hindi malaman kung magpapaliwanag ba o hindi. Katulad niya ay waring wala itong maapuhap na salitang m
Rhea couldn't help but to be mesmerized while she was staring at the black stallion in front of her. Malaki ito at halatang alagang-alaga sa Rancho Arganza. Hindi niya mawari, pero kung pagmamasdan ang naturang hayop, damang-dama niya ang pagiging maawtoridad nito. It was like a man with full of so much authority though it was just standing in front of them.Hindi niya napigilang humakbang pa palapit sa naturang hayop. Nailabas na ito mula sa kulungan at ngayon ay hawak-hawak ng isa sa mga tauhan nina Sergio ang tali nito."He is so beautiful," namamangha niyang sabi. Iniangat niya ang isang kamay niya saka masuyong hinaplos ang katawan ng kabayo. "What kind of horse is this?""A stud horse," sagot ni Sergio. Nasa likuran niya ito at kanina pa siya pinagmamasdan.Pagkatapos nga nilang makakain ay nagpaalaam muna siya sa kanyang ina at sa mag-tiyuhin. Tinawagan niya ulit si Jeselle at sinabi rito na baka matagalan pa bago siya makabalik sa Manila. Her friend was urging her to go back t
Matuling lumipas ang mga araw. Hindi na namalayan ni Rhea na mahigit isang buwan na siyang nananatili sa San Nicholas. Ang trabaho niya sa Manila ay sadyang isinantabi niya muna.Kahit papaano ay hindi naging kainip-inip para sa kanya ang mga araw sa Rancho Arganza sapagkat natuon din ang kanyang atensyon sa patuturo ni Sergio kung paano mangabayo. Tulad ng nais ni Fabian, naglaan ng panahon si Sergio upang maturuan siya kung paano sumakay sa kabayo. Totoong nahirapan siya nang simula dahil na rin sa takot na baka hindi niya magawang kontrolin ang alaga ng mga ito. But surprisingly, it didn't take long for her to learn how to do it. Agad niyang nakukuha ang mga itinuturo ng binata."Madali kang matuto. Ilang araw pa ay magagawa mo nang patakbuhin nang mag-isa ang kabayo," wika sa kanya ni Sergio.She smiled, an authentic smile for that matter. "Magaling ka rin naman magturo. Thank you." She added the last two words with sincerity.Napalingon sa kanya si Sergio dahilan para mahinto ito