Chapter 20Hindi makapaniwala si Kristal sa narinig kung kaya't nabato ito sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya kailanman naisip na sasabihin sa kaniya 'yon ni Lorenzo. Sa isip-isip ng babae na baka sa sobrang kalasingan kaya kung anu-ano nalang ang naririnig nito."Boss...ano po?" Tila nalalasing pa lalong tanong ni Kristal kay Lorenzo.Napatigil din sa kaniyang pwesto si Lorenzo, hindi rin makapaniwala sa bilis ng nangyari. Nang makitang hindi na maayos ang pagtayo ni Kristal ay inabot niya ang siko ng babae para tulungan itong tumayo nang tuwid.Naka-short sleeve na baby-tee shirt lang si Kristal kasi hinubad niya ang ang suot na coat dahil sa init kanina sa loob ng silid. Nang mahawakan siya ni Lorenzo ay tila parang nakuryente silang dalawa na parang may kung anong malakas na enerhiya ang dumaloy sa kanilang mga katawan. Bumuhos din sa isipan ni Kristal ang nangyari noong gabing 'yon."Kris!" Pagbasag ni Frankie ng tensiyon sa pagitan ng dalawa.Hinawakan ni Frankie sa braso si K
Chapter 21Nasa loob na ng kotse si Frankie at papalayo na sa villa. Nang mapansing hindi na nito makita ang bahay ni Lorenzo ay tumingin ito kay Richard na siyang nagmamaneho ng sasakyan."Ngayon ko lang nakita ang matandang 'yon sa ilang beses kong pagpunta sa bahay ni boss. Lola niya ba talaga 'yon?""Oo," sagot naman ni Richard, "Kinuha siya ni boss nu'ng nagkasakit siya. Nag-aalala kasi walang ibang kasama sa bahay nila dati ang lola niya.""So hindi na siya aalis pa sa bahay ni boss?" Pag-iingat na tanong ni Frankie.Pero kahit gaano pa ka-malumanay ang boses ni Frankie ay nahimigan pa rin ni Richard ang hindi pagsang-ayon ng babae sa pagpapatira ni Lorenzo ng lola niya sa bahay nito."Tanungin mo nalang si boss diyan."Napaisip si Frankie at napagtantong tama nga si Richard. Siya nalang mismo ang magtatanong kay Lorenzo kung may pagkakataon. Sa isip-isip ni Frankie kung anong era na ba ngayon. Na ayos lang sana kung nabubuhay sila dati at okay lang na tumira kasama ang matatand
Chapter 22"Hindi po ba't naroon ka?" Tumalikod si Kristal para tignan kung sino ang nakaupo sa swivel chair at napapikit siya nang mariin nang mapagtantong ibang tao pala 'yon...hindi si Lorenzo. Si Marco Sy, matagal ng business partner ng Yu's Company at matalik na kaibigan ni Lorenzo. Hindi ito mas'yadong napapadpad sa opisina pero kilala at natatandaan ito ni Kristal dahil sa guwapo at matipuno nitong katawan."Mr. Sy?" Dalawang salita na kumawala sa bibig ni Kristal pagkatapos makita ang lalaki. Kahihiyan. 'Yan ang unang pumasok sa isipan ni Kristal dahil sa tagal niyang nagsasalita kanina, maling tao pa ang pinagmakaawaan niya. Pakiramdam niya tuloy na parang napunta lang sa wala lahat ng hinaing niya.May hawak-hawak na folder si Lorenzo at mukhang kagagaling lang sa isang meeting. Nang mapunta ang kaniyang tingin kay Kristal ay napansin agad nito ang namumula niyang mga mata. Parang may kumirot naman sa kaniyang puso nang makita niya ito."What have you done, Marco?" Tanong a
Chapter 23"Kris..." Nakakaawang sambit ni Erika na parang si Kristal pa ang may maling ginawa sa kaniya.Kung dati ay napapasunod niya pa si Kristal sa ganito, ngayon ay hindi na, "Wala rito si Paul kaya hindi mo kailangang magmukhang kawawa riyan. Hindi mo na ako madadala sa paawa effect mo, Erika. Nakakasuka."Hindi naman in-expect ni Erika na magiging straightforward si Kristal, "Kris, you can say anything to me, pero huwag naman sana kay Paul.""Hindi ako interesado sa inyong dalawa. Kaya huwag mo na akong kakausapin pa. Magkalimutan na tayo, tutal nagawa mo na nu'ng niloko niyo akong dalawa."Ding! Bumukas na ang pinto ng elevator. Hindi na tinapunan ng tingin ni Kristal si Erika at diretsong pumasok na sa loob ng elevator. Hindi rin kaagad umalis si Erika sa harap ng elevator at hinintay kung hanggang saang floor pupunta si Kristal. Huminto naman ang pag-ilaw ng numbers sa pinakatuktok na floor.Tumakbo papunta ng front desk si Erika at nagtanong, "Excuse me, gusto ko lang ma
Chapter 24Umiling naman si Kristal, "Kapatid at brother-in-law ko.""Oh." Kitang-kita ang paglatay ng disappointment sa mata ni Frankie na agad din nawala pagkatapos niyang ngumiti."Ganda ng ambiance ng restaurant na 'to, next time mag-date kayo ng boyfriend mo rito." Dagdag pa ni Frankie sabay pasimpleng hinawakan ang braso ni Lorenzo at mas dumikit pa sa lalaki.Tinignan naman ng lalaki, "Anong perfume ang gamit mo?""Orange perfume, kakabili ko lang nito. Bakit? Mabango ba?" Para mas magustuhan pa siya ni Lorenzo ay nag-research si Frankie at nalaman nito na mahilig pala ang lalaki sa fruity scents kaya bumili siya ng orange perfume."No, huwag mo na ulit gagamitin 'yan," sambit ni Lorenzo. Napahiya naman si Frankie sa harap ni Kristal kaya kimi itong ngumiti sa babae.-----Nakaupo na sa designated nilang table si Lorenzo at Frankie. Mga ilang minuto lang ay nakarating na rin si Marco at Alyssa."Kuya Lorenzo." Bungad ni Alyssa sabay hatak ng upuan sa gilid ni Lorenzo at doon u
Chapter 1“Hmm…” Paimpit na umungol si Kristal nang may bigla na lamang siyang naramdaman na mainit na bagay na nakalapat sa kaniyang katawan. Naglalakbay pataas at pababa na tila ba’y may sinusundan itong ritmo ng sayaw. At sa hindi maipaliwanag na kakaibang sensasyong nararamdaman niya ay tila may sariling utak ang kaniyang katawan at sumabay na lamang sa kung saan agos man siya dalhin nito.Hindi na nabilang ni Kristal kung ilang beses o ilang ulit pa ito nangyari basta ang alam niya lamang na bago ipikit ang mga mata ay may isang brasong humapit sa kaniya para yapusin siya. Isang yakap na puno ng seguridad, isang yakap na nagpapakalma ng buong pagkatao niya. Sa isip-isip niya ay walang sinabi ‘yung mga panahon na natutulog siyang mag-isa kung kaya ay napahiling siya na sana hindi muna dumating ang umaga dahil ayaw niyang matapos ito. Na sana huminto ang oras…Nagising si Kristal dahil sa sinag ng araw, dahilan para ilagay niya ang kaniyang kaliwang braso sa mukha para gawing pant
Chapter 2“Kaninong bracelet ‘to?” Pangatlong tanong ni Lorenzo.“Mukhang ordinary bracelet lang siya eh, baka nabibili lang sa tabi-tabi.” Sabi naman ng isang empleyado.“Frankie, alam mo ba kung sinong may-ari nito?” Napaangat ng tingin si Frankie para tignan ang bracelet. Umiling ito at umiwas agad ng tingin, “Ah? Hindi ko alam.”“Okay, mag-r-roll call na tayo.” Nag-start na mag-roll call si Richard. At natawag na ang lahat, si Kristal nalang ang wala. Inulit naman ni Richard ang pangalan ni Kristal kung kaya ay sumagot na si Frankie.“Nasa campsite si Kristal, may sakit po siya sir.”“May sakit? Anong nangyari?” Tanong ni Richard habang naglalakbay ang mga mata papunta kay Lorenzo na ngayon ay nakaupo sa kaniyang itim na kotse. Nasa kamay pa rin si Lorenzo ang bracelet at tila inuusisa ito nang mabuti.“Okay, tara na,” dagdag ni Richard. Naglakad si Richard hawak-hawak ang ang kaniyang planner papunta kay Lorenzo. Huminto siya sa tapat nito at tinanong na, “Are you going with us
Chapter 3Bumaba man ang lagnat ni Kristal ay hindi pa rin siya makakauwi. Sabi ng doktor ay nagkaroon daw siya ng bacterial infection na nag-c-cause ng inflammation sa kaniyang katawan. Kailangan pa siyang obserbahan kaya mananatili pa muna siya ng dalawa pang araw sa hospital.Gabi na nang dumating ang ate ni Kristal, si Maurice. Makikita mo rito ng labis na pag-aalala para sa kaniyang kapatid. Minsanan lang kasi magkasakit si Kristal kaya ganoon na lamang ang pag-aalala ni Maurice rito.“Kumusta ka na?” Bungad na tanong ni Mau kay Kristal.“Okay lang ako ate, don’t worry about me. Malakas ata ‘to,” sabi ni Kristal habang tumatawa para maibsan man lang ang pag-aalala sa mukha ng kaniyang kapatid.“Anong nangyari at bakit nangyari ‘to? Hindi ka naman sakitin ah.” Grabe nalang mag-alala si Maurice sa kapatid dahil ito nalang ang natitira nitong kamag-anak dahil ulila na sila sa ama’t-ina.“Nahanginan lang siguro kaya nagkasakit. Pero mas maayos na pakiramdam ko ngayon kaya smile ka n