Chapter 24Umiling naman si Kristal, "Kapatid at brother-in-law ko.""Oh." Kitang-kita ang paglatay ng disappointment sa mata ni Frankie na agad din nawala pagkatapos niyang ngumiti."Ganda ng ambiance ng restaurant na 'to, next time mag-date kayo ng boyfriend mo rito." Dagdag pa ni Frankie sabay pasimpleng hinawakan ang braso ni Lorenzo at mas dumikit pa sa lalaki.Tinignan naman ng lalaki, "Anong perfume ang gamit mo?""Orange perfume, kakabili ko lang nito. Bakit? Mabango ba?" Para mas magustuhan pa siya ni Lorenzo ay nag-research si Frankie at nalaman nito na mahilig pala ang lalaki sa fruity scents kaya bumili siya ng orange perfume."No, huwag mo na ulit gagamitin 'yan," sambit ni Lorenzo. Napahiya naman si Frankie sa harap ni Kristal kaya kimi itong ngumiti sa babae.-----Nakaupo na sa designated nilang table si Lorenzo at Frankie. Mga ilang minuto lang ay nakarating na rin si Marco at Alyssa."Kuya Lorenzo." Bungad ni Alyssa sabay hatak ng upuan sa gilid ni Lorenzo at doon u
Chapter 1“Hmm…” Paimpit na umungol si Kristal nang may bigla na lamang siyang naramdaman na mainit na bagay na nakalapat sa kaniyang katawan. Naglalakbay pataas at pababa na tila ba’y may sinusundan itong ritmo ng sayaw. At sa hindi maipaliwanag na kakaibang sensasyong nararamdaman niya ay tila may sariling utak ang kaniyang katawan at sumabay na lamang sa kung saan agos man siya dalhin nito.Hindi na nabilang ni Kristal kung ilang beses o ilang ulit pa ito nangyari basta ang alam niya lamang na bago ipikit ang mga mata ay may isang brasong humapit sa kaniya para yapusin siya. Isang yakap na puno ng seguridad, isang yakap na nagpapakalma ng buong pagkatao niya. Sa isip-isip niya ay walang sinabi ‘yung mga panahon na natutulog siyang mag-isa kung kaya ay napahiling siya na sana hindi muna dumating ang umaga dahil ayaw niyang matapos ito. Na sana huminto ang oras…Nagising si Kristal dahil sa sinag ng araw, dahilan para ilagay niya ang kaniyang kaliwang braso sa mukha para gawing pant
Chapter 2“Kaninong bracelet ‘to?” Pangatlong tanong ni Lorenzo.“Mukhang ordinary bracelet lang siya eh, baka nabibili lang sa tabi-tabi.” Sabi naman ng isang empleyado.“Frankie, alam mo ba kung sinong may-ari nito?” Napaangat ng tingin si Frankie para tignan ang bracelet. Umiling ito at umiwas agad ng tingin, “Ah? Hindi ko alam.”“Okay, mag-r-roll call na tayo.” Nag-start na mag-roll call si Richard. At natawag na ang lahat, si Kristal nalang ang wala. Inulit naman ni Richard ang pangalan ni Kristal kung kaya ay sumagot na si Frankie.“Nasa campsite si Kristal, may sakit po siya sir.”“May sakit? Anong nangyari?” Tanong ni Richard habang naglalakbay ang mga mata papunta kay Lorenzo na ngayon ay nakaupo sa kaniyang itim na kotse. Nasa kamay pa rin si Lorenzo ang bracelet at tila inuusisa ito nang mabuti.“Okay, tara na,” dagdag ni Richard. Naglakad si Richard hawak-hawak ang ang kaniyang planner papunta kay Lorenzo. Huminto siya sa tapat nito at tinanong na, “Are you going with us
Chapter 3Bumaba man ang lagnat ni Kristal ay hindi pa rin siya makakauwi. Sabi ng doktor ay nagkaroon daw siya ng bacterial infection na nag-c-cause ng inflammation sa kaniyang katawan. Kailangan pa siyang obserbahan kaya mananatili pa muna siya ng dalawa pang araw sa hospital.Gabi na nang dumating ang ate ni Kristal, si Maurice. Makikita mo rito ng labis na pag-aalala para sa kaniyang kapatid. Minsanan lang kasi magkasakit si Kristal kaya ganoon na lamang ang pag-aalala ni Maurice rito.“Kumusta ka na?” Bungad na tanong ni Mau kay Kristal.“Okay lang ako ate, don’t worry about me. Malakas ata ‘to,” sabi ni Kristal habang tumatawa para maibsan man lang ang pag-aalala sa mukha ng kaniyang kapatid.“Anong nangyari at bakit nangyari ‘to? Hindi ka naman sakitin ah.” Grabe nalang mag-alala si Maurice sa kapatid dahil ito nalang ang natitira nitong kamag-anak dahil ulila na sila sa ama’t-ina.“Nahanginan lang siguro kaya nagkasakit. Pero mas maayos na pakiramdam ko ngayon kaya smile ka n
Chapter 4Pumasok si Kristal ng elevator na hindi pinapansin and dalawang tao sa harapan niya dahil sariwa pa rin sa kaniya kung paano nila siya saktan at linlangin.Kung dati ay hindi siya naniniwalang may hiwalayang nagaganap kasi nakiapid ang isa sa iba, subalit nu’ng nangyari ‘yon sa kaniya ay doon niya lang napagtanto na oo nga, nangyayari ito sa totoong buhay. Nangyari ‘yon nu’ng pagbukas niya ng pinto ng university dormitory ay ang hubad na katawan nila ni Erika, ang matalik niyang kaibigan, at ng ex boyfriend niya ang kaniyang ang nakita. Hindi siya makapaniwala at tila para siyang isang kandila na nauupos sa tabi nang masaksihan ‘yon.“Kris? Hi,” bati ni Erika kay Kristal.Tinaasan lamang ni Kristal ito ng kilay. ‘Wala ba siyang hiya at may gana pang pansinin ako pagkatapos nila akong traydurin?’ Inis na sabi ni Kristal sa sarili.“May school event ba? Vacation?” Patuloy na sabi ni Erika. Alam niya rin namang hindi siya papansinin ni Kristal, nagbabasakali lamang siya.Wala
Chapter 5Napasigaw si Kristal ng puting kisame na naman ang kaniyang nakita. Na-t-trauma na siya na sa tuwing ididilat niya ang kaniyang mga mata ay ito na agad ang bungad sa kaniya. Labis na pagtataka ang naramdaman ni Kristal at iniisip kung panaginip lang ba lahat ng mga nangyari sa kaniya sa nagdaang dalawang araw. ‘Yung pagsundo sa kaniya ni Maurice, ang pagkikita nila ng traydor niyang kaibigan at ex, at ang pagsulpot ni Lorenzo sa labas ng pinto ng kaniyang dorm.“Iha, okay ka lang ba? Binangungot ka ba? Napansin ko kasing grabe ‘yung hawak mo sa kumot mo kanina. Tignan mo, lukot-lukot na nga,” sabi ng matanda na katabi ni Kristal sa kabilang kama. Nasa isang ward siya ng hospital. Akala pa niya nu’ng una kung nababaliw na siya kasi mag-isa lang siya sa kwarto.“Boss ko po,” sagot naman ni Kristal rito.“Nakakatakot naman ang boss mo kung binanungot ka.” Dagdag pa ng matanda.Hindi na rin nakasagot si Kristal kasi bigla nalang bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok roon si Lore
Chapter 6 “Hi, Kris. Okay ka na ba?” Bungad na tanong ni Frankie pagkatapos sagutin ni Kristal ang tawag.“Oo, mabuti-buti na rin,” sagot na lamang ni Kristal sa kausap.“Kumain ka na ba? Bumaba na ba ang lagnat mo? Gusto mo bang dalhan kita ng food diyan?” Hindi close si Kristal at Frankie kaya labis ang pagtataka ni Kristal kung bakit biglang grabe na ata ang pag-aalala ng babae sa kaniya.“No need, kumain na rin ako. Thanks for your concern, Frankie,” pigil ni Kristal kay Frankie.Natahimik naman ang babae sa kabilang linya. Pagkatapos ay tinanong niya si Kristal ng isang tanong na mas lalong nagpagulo sa isipan ni Kristal,“Uhm, so, nandiyan pa rin ba si boss? Binisita ka niya personally?” Maingat na tanong ni Frankie kay Kristal.“Wala na, umalis. And no, may iba siyang binisita.”“Oh, okay, sino?”Hindi alam ni Kristal kung paano sagutin ang tanong ni Frankie. Ayaw din naman niyang ibulgar dito na nasa hospital ang lola ng boss nila. Hindi naman maganda ‘yon para kay Kristal.
Chapter 7Pumunta muna si Lorenzo sa opisina ng doctor ng kaniyang lola para alamin ang test results nito bago ibigay kay Kristal ang lunchbox. Nang matapos siyang kausapin ay dumiretso na siya kaagad sa ward. Pagkarating niya roon ay nakita niyang gising na si Kristal at nag-iinat na. Hindi na muna siya pumasok at naghintay kung ano pa ang gagawin ng babae. Kinumutan ni Kristal si Lola Ven, sinigurong hindi ito malamigan. Matapos niyang gawin iyon ay inayos niya rin ang unan ng matanda. Iinom na sana siya ng tubig nang makarinig ng konting kaluskos sa kaniyang likuran. "B-boss, ikaw pala 'yan," mahinang sabi ni Kristal. Na-conscious siya kasi bagong gising palang siya."Thanks for taking care of my grandma." Nakangiting sabi ni Lorenzo kay Kristal. Naiintindihan na ngayon ng lalaki ang sinabi ng kaniyang lola sa kaniya. Mabait nga at malambot ang puso ni Kristal, at bulag lamang ang hindi makakapansin dito. "Okay lang po 'yon. Wala naman ako masiyadong ginawa atsiyaka pambayad na r