Share

25

Author: Ms. Majeure
last update Last Updated: 2024-11-10 02:42:47

Chapter 25

"Kristal." Tawag ni Lorenzo gamit ang mababang boses nito, "Do you need something?"

Napatayo naman nang tuwid si Kristal nang marinig 'yon at uligagang sumagot kay Lorenzo, "Uhm...hinahanap ko lang po si Frankie, boss."

"Why? Why do you want to talk to her?" Mausisang tanong naman ng lalaki na kaagad tinaasan ng kilay ng kasamang si Marco. Nanunuyang tingin ang ginawad nito sa kaibigan.

Walang ibang choice si Kristal kung hindi lunukin nalang ang hiya na nararamdaman kay Lorenzo kaysa naman ang hiya na hindi nakapagbayad ng bill.

"Boss, kung p'wede...p'wede bang makiutang?"

"Magkano?"

"P500 lang po sana. Sorry po," mahinang sambit ni Kristal. Gustong-gusto na niyang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan.

"What do you want it to be? Cash or e-money?" Diretsang tanong naman ni Lorenzo. Wala itong tanong sa babae kung saaan gagamitin ang pera, basta't bibigyan niya ito.

"Kahit saan po p'wede..."

Kinuha naman ni Lorenzo ang phone sa bulsa and may in-open na application. Tinanon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   26

    Chapter 26Nang walang sagot na marinig ay kumatok ulit ng ilang beses si Frankie."Boss, papasok na ako ha?" Sambit ni Frankie habang binubuksan ang pinto.Walang kahit na anong ilaw ang naroon sa silid, hindi rin makapasok ang liwanang galing sa labas na poste sa kuwaro dahil nakatabon ang makakapal na kurtina rito. Sa isiping si Lorenzo ang nasa kama, ay dagli-dagling naglakad papunta si Frankie roon at nahiga na. Nagawa niya pang ipasok ang sarili sa kumot. Haharap na sana siya nang may bigla nalang sumigaw na babae.Ang naglalakad na si Lorenzo papunta sa kaniyang kuwarto ay kaagarang pumanhik sa silid ng kaniyang lola, dahil dito nanggagaling ang ingay na narinig niya."La, are you okay? What happened?"Ang bumukas ng pinto ay Frankie na gulong-gulo ang buhok. Napahinto naman si Lorenzo sa nakita, "Frankie?"Sumunod naman si Lola Ven sa likod ng babae at galit na sinabing, "Matanda na ako pero hindi ko akalain may mapangahas na gawin sa'kin 'to. Alam mo ba 'to Lorenzo?""..."--

    Last Updated : 2024-11-10
  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   27

    Chapter 27Nagmaneho na palabas ng villa si Lorenzo at bumusina ng dalawang beses sa kotseng nadaanan niya. Nagising naman ang dalawa sa loob at ibinaba ni Marco ang bintana."Hindi ka nakatulog nang maayos kagabi, why don't you go back to sleep?" Mapanutyang sabi ni Lorenzo."..." Hindi na nakabawi si Marco sa sinabi ng lalaki dahil nagmaneho na ito papalayo sa kanila.Nagising naman si Alyssa at nakitang walang kasama si Lorenzo sa kotse. Nagpapatunay lamang na nag-stay nga sa villa ng lalaki si Frankie.Uminat naman si Marco habang sinabi na, "Naniniwala ka na ba ngayon?"Hindi naman umimik si Alyssa sa panunuya ng kaniyang kapatid."Kuya, may isa pa akong gustong gawin mo," sabi ni Alyssa."Ha? Ano na naman 'yon?" "Ngayon resigned na si Frankie sa kompanya nila kuya Lorenzo, edi may open ng isa pang position sa assistant department. Kaya gawan mo ng paraan kung paano ako makakapasok doon, okay?"Parang tanga namang tumingin si Marco sa kapatid at hindi makapaniwala sa narinig."L

    Last Updated : 2024-11-11
  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   28

    Chapter 28Nang tuluyan nang huminto ang kotse ay ibinaba ni Lorenzo ang bintana ng kaniyang kotse para alamin kung ano ang sadya ni Kristal."Why are you still here, Kristal? It's getting late."Sa tuwing binabanggit ni Lorenzo ang pangalan ng babae ay hindi mapakali si Kristal, at hindi niya rin alam kung bakit ganoon ang kaniyang nararamdaman."Uhm, nakita niyo po ba 'yung picture sa group chat ng kompanya?" Pagbukas ng usapan ni Kristal matapos niyang tuluyang inignora ang nararamdaman niyang pagkabalisa."Are you referring about our photo that was secretly taken at the cafeteria?""Opo, boss.""I've already seen it. What's wrong?" Sambit ni Lorenzo sabay tingin sa nag-aalalang mukha ni Kristal."Did it cause you trouble?" Dagdag pa ng lalaki.Ang totoo niyan ay nahihiya talaga si Kristal sa nangyari kanina sa cafeteria. Nag-aalala ang babae bagaman presidente ng kompanya si Lorenzo, ayaw nitong maging dahilan para maging pulutan ng chismis ng buong kompanya. Pero sa nakikitang pa

    Last Updated : 2024-11-15
  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   29

    Chapter 29Dumating na ang lunch time at dating gawi ulit si Kristal. Kinuha nito ang dalang tinapay at tubig sa bag bago pumunta sa fire exit. Doon niya balak kumain sa takot na makita siyang ganoon ulit ni Lorenzo. Nahihiya na siyang ayain ng boss sa cafeteria. Kinakabahan siyang may bago na namang isyung uusbong kung makikita silang magkasama. Mabuti na lamang at siya lang ang tao roon kung kaya't tahimik ang lugar. Habang kumakain ng tinapay ay nag-scroll down siya sa kaniyang contacts para maghanap ng p'wedeng mapag-utangan pero wala siyang makita. Kung kaya't binuksan niya ang kaniyang WeMess at napansing may 99 messages ang nasa archive niyang group chat kasama ang mga kaklase. Ang totoo niyan ay si Erika lang din naman ang nag-add sa kaniya rito pero inilagay niya kaagad ito sa kaniyang archive dahil wala siyang pakialam. Hindi rin alam ni Kristal kung anong pumasok sa isip niya at binuksan ang group chat na 'yon. Maraming mensahe roon kaya nag-backread muna si Kristal at lu

    Last Updated : 2024-11-15
  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   30

    Chapter 30Pagkatapos magbihis ay iginiya ni Angela si Kristal palabas. Kabaliktaran ng medyo dim na ilaw ang daanan ng mga empleyado ang daan patungo sa kung saan ang sentro ng bar. Sumisigaw ito sa karangyaan na kung saan pati ang amoy nito ay pang-mayaman din. Kinakabahang sumusunod si Kristal sa likod ni Angela; ang kabang nararamdaman niya ay parang isang batang hindi nagpaalam sa kaniyang ina na pupunta sa computer shop para maglaro. "Dapat pa-sweet ka mamaya sa mga customer natin, okay? Kapag nagbigay ng tip, tanggapin mo. Huwag kang mahihiya." Paalala ni Angela kay Kristal bago itinulak ang pinto.Parang bata namang tumango si Kristal at inilista sa isipan ang mga sinasabi ni Angela sa kaniya. Kahit anong pagpapakalma ni Kristal sa sarili ay wala pa ring epekto nang tuluyan na silang nakarating sa loob ng bar. Nakayuko lang siya habang naglalakad at walang balak na tumingin sa mga tao. Seryoso ang mukha niya habang sumusunod kay Angela, nag-f-focus siya at baka mawala sa kan

    Last Updated : 2024-11-15
  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   31

    Chapter 31Nabigla man sa tanong ni Lorenzo ay unti-onting tumango si Kristal, wala na rin namang kuwenta kung magsisinungaling pa siya."Opo.""Hindi pa ba sapat ang sweldo mo para may panggastos ka?" Mabigat na tanong ni Lorenzo."Hindi naman po sa ganoon..." Wala naman atang karapatang magreklamo si Kristal tungkol sa natatanggap nitong sahod dahil kung tutuusin ay sapat na ito para sa kaniya. Kung hindi lang siguro sa pagtakas ni Carlos sa pagbayad ng bill nila ay wala sana siyang poproblemahin ngayon."I'll give you a chance to explain, Kristal." Seryosong sambit ni Lorenzo habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa babae."Umalis po kasi ako sa puder ng ate ko at naubos po lahat nang hawak kong pera. Idagdag pa po 'yung inutang kong P500 sa inyo last time at matagal pa po ang sahod, kung kaya't..." Pagpapaliwanag ni Kristal sa boss."What did I say when I gave you money that night?""Ha?" Naguguluhang tano

    Last Updated : 2024-11-18
  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   32

    Chapter 32Ang kotse ay pagmamay-ari talaga ni Lorenzo at hindi sa kompaniya. Tanging siya lang at si Richard ang gumagamit nito pero nakakamangha lamang na kaswal niyang ipinagamit kay ito kay Kristal. Kung titignan nga naman ay parang si Richard lang ang qualified sa kompanya para imaneho ang kotse ni Lorenzo papunta sa bahay nito. Kahit nga si Frankie na medyo matagal na sa kompanya ay hindi nabigyan ng pagkakataon para gawin ito. Pero si Kristal? Si Kristal na bagong-bago palang sa mga Yu.Umiling naman si Kristal sa alok ng lalaki at inilagay ang susi sa harap ng kotse."Salamat sa offer boss pero mag-t-taxi nalang po ako. Mauuna na ako." Tumango rin siya kay Frankie bago naglakad papuntang highway."Bakit kasama mo si Kristal? Isinama mo siya sa event kanina?" Pag-uusisa ni Frankie kay Lorenzo habang tinitignan ang papalayong anino ni Kristal."She's an employee in my company and also part of the assistant department. Is ther

    Last Updated : 2024-11-18
  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   33

    Chapter 33"Pumunta ka rito sa hospital ngayon din. Your sister is dying." Nagmamadaling sambit ni Carlos sa kabilang linya.Sa sobrang panginginig ay nabitawan ni Kristal sa lapag ang hawak niyang susi. Pinoproseso pa rin ang narinig niya galing sa kaniyang bayaw."A-anong nangyari sa ate?" Nanginginig ang boses na tanong ng dalaga."Pumunta ka na ngayon dito at baka hindi mo na siya maabutan pang buhay." Pinal na sabi ni Carlos at nagmamadaling patayin ang tawag.-------Nang makarating si Kristal sa ospital ay nakita niya si Carlos na nakaupo sa labas ng emergency room. Nakayuko ito at parang sising-sisi ang lalaki."Kuya, nasaan ang ate?" Tanong ni Kristal nang nasa harap na siya ni Carlos.Umangat naman ang ulo ni Carlos at diretsang tumingin sa may emergency room, nagpapahiwatig na naroon si Maurice. Naglakad papunta roon si Kristal at sinubukang silipin ang nasa loob pero wala siyang maaninag na kahit anino man. Dumagdag ito sa kaba niya."Anong nangyari kuya?" Pagtatanong ulit

    Last Updated : 2024-11-25

Latest chapter

  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   46

    Chapter 46Hindi umuwi buong gabi si Lorenzo, habang si Frankie naman ay nakatulog sa sala buong magdamag. Puno rin ito nang pagdududa sa kinakasama. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan si Richard.Tumunog ang telepono ng ilang beses bago ito sinagot ni Richard."Frankie?"Nang marinig ang pangalan niya ay napakunot ang noo ni Frankie. Dati na siyang tinatawag ng ganoon ni Richard sa opisina, at kahit may relasyon na sila ngayon ni Lorenzo, ay hindi pa rin ito nagbabago sa paraan ng pagtawag sa kanya—wala pa ring respeto o kahit na anong titulo.Pinigilan ni Frankie ang pagkainis at dumiretso nalang sa sadya niya sa lalaki."Richard, kasama mo ba si Lorenzo?""Si boss?" Sandaling natigilan si Richard ngunit hindi siya sumagot nang diretso, sa halip ay nagtanong pa ulit ito."Bakit?""Hindi siya umuwi kagabi, at hindi ko siya makontak hanggang ngayon. Medyo nag-aalala na ako sa kaniya, kaya ako napatawag dahil nagbabakasakali akong magkasama kayong dalawa.""Oh...hindi kami m

  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   45

    Chapter 45"Boss!" Gustuhin mang tumayo ni Kristal ay hindi niya kaya, sapagkat nang makalahati pa lang siya ay nanghina na kaagad ang kanyang mga binti at napabalik siya sa kaniyang inuupuan.Katatapos lang maligo ni Lorenzo at nakasuot na siya ngayon ng puting polo—sinadyang iniwan na nakabukas ang dalawang butones sa taas para maging daan sa pagsilip ng namumula niyang dibdib. Pagkalabas niya palang ng banyo ay kaagad na niyang naamoy ang kakaibang halimuyak sa silid at naramdamang may hindi tama rito.Nang makita ang sitwasyon ni Kristal ay kinuha niya ang coat na nasa kama bago puntahan ang babae."Lumabas ka muna ng kuwarto, Kristal.""Sige po," sagot ni Kristal, pero dahil nga nanghihina pa ang kanyang mga binti ay hindi siya makatayo. Ilang beses din nitong sinubukan pero napapabalik lamang siya sa kaniyang p'westo dahil sa nanghihina niyang mga tuhod. Nakita iyon ni Lorenzo at lumapit ito kay Kristal, lumuhod din ito sa harap ng babae"Kaya mo bang tumayo?""Hindi ko po kay

  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   44

    Chapter 44"Kalokohan!" Hinawakan ni Maurice ang kamay ni Kristal bago hinaplos ang pisngi nito gamit ang kanyang mga daliri, at malumanay na sinundan ang sinabi."Pero ang Kris namin ang pinaka-cute at pinaka-mabait na bata sa mundo. Kung gusto mong mag-asawa balang araw, dapat isang mabuting lalaki lang ang mapapangasawa mo. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi kita hahayaang maranasan ang mga hirap na pinagdaanan ko. Bubuksan ko ang mga mata ko para hanapin ang pinakamahusay na lalaki para sa'yo. Hindi pwedeng maghirap ang Kris namin."Kagat-labi lang si Kristal at walang imik sa sinabi ng kaniyang ate.Akala ata ng kapatid niya na nagbibitiw lang siya ng salita dahil sa galit, pero totoo ang bawat salitang binitiwan ni Kristal. Parang minarkahan na ng lipunang ito ang mga babae. Kailangan nilang magpakasal, manganak, alagaan ang asawa’t mga anak, habang ang mga lalaki ang sinasabing haligi ng tahanan. Kahit magkamali ang mga lalaki, parang tinatanggap pa rin ito bilang makatuwiran.

  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   43

    Chapter 43Papalabas ng underground parking lot si Lorenzo nang makita sa malayo ang nakatayong si Kristal, naghihintay ng bus na masasakyan. Naalala niya ang pagtanggi nito at nakaramdam siya nang hindi maipaliwanag na emosyon.Sa mga oras na iyon ay tumawag si Frankie at nagtanong."Lorenzo, uuwi ka ba para maghapunan ngayon?""May appointment ako, you guys can eat first.""Ah, ganoon ba." Bahagyang nadismaya ang boses ni Frankie. "Gusto mo ba ng midnight snack mamaya? Ihahanda ko na para sa'yo nang maaga.""No need, I don't do midnight snacks. Just rest since you've been busy all day.""Sige."Pagkatapos ibaba ang tawag, nanatiling nakaupo si Lorenzo sa kotse. Hindi siya gumalaw hangga't hindi niya nakikitang sumakay si Kristal sa bus. Nang makasakay na ito, dalawang beses niyang tinapik ang manibela, pagkatapos ay binuksan ang phone book at tinawagan si Marco."Where are you?""Sa Yese." Sumagot si Marco na parang bagong gising pa. "Bakit, pupunta ka ba rito?""Papunta na." Matapo

  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   42

    Chapter 42Namula sa galit si Kristal dahil sa narinig. Ngunit sa paningin ni Frankie, ang pamumula ng babae ay dahil sa kahihiyan at pagsisisi.Gamit ang mahinahong tinig, sinabi ni Frankie na, "Bata ka pa, Kris. Huwag mong ugaliing gumawa ng desisyong ikapapahamak mo.""Wala naman akong ginawang masama..." Gusto sanang ipagtanggol ni Kristal ang sarili, ngunit bigla niyang nakita si Lorenzo. Ang mga mata ng lalaki ay puno ng lambing, walang bahid ng pagdududa, at kalmado, na tila kayang payapain nito ang damdamin ni Kristal.Dumako naman ang tingin ni Lorenzo sa namumulang sulok ng mga mata ni Kristal. "Kristal, find Richard and tell him that I have a job for him to do."Natigilan si Kristal dahil dito. Kung tutuusin ay kayang-kaya ni Lorenzo na tawagin si Richard gamit ang telepono pero bakit kailangan pa niyang utusan si Kristal para hanapin ito nang personal? Gusto ba siya nitong paalisin para makapag-usap sila ni Frankie?"Opo, boss." Tumayo na si Kristal at lumabas ng opisina.

  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   41

    Chapter 41Sa may private room...Nang makita ni Kristal na binubuksan na ni Lorenzo ang ointment ay napakurap siya nang ilang beses bago tinawag ang pansin ng lalaki."Boss!"Napaharap naman sa kaniya si Lorenzo at tinignan siya. Napatayo na rin si Kristal sa kaniyang kinauupuan."Uhm...akin na po ang ointment, ako na ang maglalagay.""Kaya mo ba?" Nag-aalangan na tanong ni Lorenzo."Opo, boss," pagtatango naman ni Kristal.Hindi na rin nagpumilit pa ang lalaki at sinarado muna ang bote bago ibigay kay Kristal."Remember to apply it accordingly, it will be bad if it leaves bruises." Habang sinasabi ito ni Lorenzo ay hindi naman makamayaw ang kaniyang mga mata sa kakatingin sa balikat ni Kristal. Kapag naiisip ang malambot na balikat nito ay parang may tumatalon na kung ano sa kaniyang puso."Okay," nakatangong sagot ni Kristal."Sige po, una na ako..."Hindi pa tapos magsalita ang babae nang bigla nalang nag-ring ang cellphone ni Lorenzo. Kinuha niya ito at sinagot."Hello.""Busy ka

  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   40

    Chapter 40"Richard."Kakalabas palang ni Richard ng opisina ni Lorenzo nang bigla na lamang may bumigkas ng kaniyang pangalan. Nang harapin niya ito ay nakita niyang si Frankie pala—nakasuot ng Chanel-brand na outfit at may dala-dalang crocodile leather na bag. Halata ring nanggaling sa salon dahil sa ayos ng buhok nito. Sumisigaw ng yaman ang pananamit ni Frankie ngayon, ibang-iba sa nakasanayan ni Richard dati."Nasaan si boss?"Sasagot na sana siya nang maalala ang bilin ni Lorenzo kanina kaya pinigilan niyang pumasok si Frankie sa opisina nito. "Busy si boss ngayon at hindi ka niya makakausap."Napahinto naman saglit si Frankie bago ipinakita ang hawak na tupperware sa lalaki."Nilutuan ko siya ng pagkain...""Akin na't ako nalang ang magbibigay," sambit ni Richard sabay abot ng tupperware sa kamay ni Frankie pero hindi niya ito nakuha dahil iniwas ito kaagad ng babae sa kaniya."Rinig kong promoted daw si Kristal? At nasa opisina ni boss ang workstation niya. Ibig sabihin ba ni

  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   39

    Chapter 39Tahimik na ngayon ang silid at walang malay na nakahiga na si Kristal sa kama, habang nakaupo naman sa kaniyang tabi si Lorenzo. Wala ring tigil ang pagdudugo ng ilong nito na kahit kumalat na sa kaniyang mukha at damit ay parang wala rito ang atensiyon niya. Ang mga mata ni Lorenzo ay nakatuon lamang kay Kristal na agaran namang napansin ni Richard.Nang makitang sina Richard at Doc Gem ay tumayo na si Lorenzo para salubungin ito. "Check her, doc. She has an injury on her shoulder," bungad na sabi ni Lorenzo."This...she is a girl, Mr. Yu. I think we should wait until she wakes up to ask her permission," pag-aalangan ni Doc Gem."I told you to check her, why are you talking so much nonsense?" Kunot ang noong tanong ni Lorenzo."..." Wala namang choice si Doc Gem kung hindi ang lumapit sa kama.Nakasuot ng long-sleeved shirt si Kristal at kinakailangang hubaran ang isang sleeve nito para makita ang injury. Kahit na sa mga mata ni Doc Gem ay hindi importante ang kasarian ay

  • One Night Stand With My Cold-Hearted Boss   38

    Chapter 38Sinalubong naman nang mainit at magaang yakap ni Lorenzo si Kristal. Sarado na rin ang pinto ng elevator, at dahil nga naka-mirror type ang material nito ay kitang-kita ni Kristal ang naguguluhang mukha niya pati na rin ang nakayukong si Lorenzo—na yakap-yakap siya. Sa sobrang lapit nilang dalawa ay nararamdaman na ni Kristal ang tainga ni Lorenzo sa kaniya. Ang init na nanggagaling sa katawan niya ay parang dumoble dahil na rin sa intensidad na binibigay ni Lorenzo sa yakap na binibigay nito. Naririnig na rin ni Kristal ang mabibigat na hininga ng lalaki."..."Hindi pa rin nakabawi si Kristal sa nangyayari. Nagtataka pa rin siya kung bakit yayakapin siya ng boss nang ganito kahigpit."B-boss...boss..." Gamit ang natitirang lakas ni Kristal ay bahagya niyang tinulak ang lalaki. Isang tulak lang 'yon pero nakawala na siya sa yakap ni Lorenzo. Buong akala niya ay mahina lang 'yon pero medyo napalakas pala nang makitang nakadalawang hakbang na paatras si Lorenzo hanggang sa

DMCA.com Protection Status