Chapter 30Pagkatapos magbihis ay iginiya ni Angela si Kristal palabas. Kabaliktaran ng medyo dim na ilaw ang daanan ng mga empleyado ang daan patungo sa kung saan ang sentro ng bar. Sumisigaw ito sa karangyaan na kung saan pati ang amoy nito ay pang-mayaman din. Kinakabahang sumusunod si Kristal sa likod ni Angela; ang kabang nararamdaman niya ay parang isang batang hindi nagpaalam sa kaniyang ina na pupunta sa computer shop para maglaro. "Dapat pa-sweet ka mamaya sa mga customer natin, okay? Kapag nagbigay ng tip, tanggapin mo. Huwag kang mahihiya." Paalala ni Angela kay Kristal bago itinulak ang pinto.Parang bata namang tumango si Kristal at inilista sa isipan ang mga sinasabi ni Angela sa kaniya. Kahit anong pagpapakalma ni Kristal sa sarili ay wala pa ring epekto nang tuluyan na silang nakarating sa loob ng bar. Nakayuko lang siya habang naglalakad at walang balak na tumingin sa mga tao. Seryoso ang mukha niya habang sumusunod kay Angela, nag-f-focus siya at baka mawala sa kan
Chapter 31Nabigla man sa tanong ni Lorenzo ay unti-onting tumango si Kristal, wala na rin namang kuwenta kung magsisinungaling pa siya."Opo.""Hindi pa ba sapat ang sweldo mo para may panggastos ka?" Mabigat na tanong ni Lorenzo."Hindi naman po sa ganoon..." Wala naman atang karapatang magreklamo si Kristal tungkol sa natatanggap nitong sahod dahil kung tutuusin ay sapat na ito para sa kaniya. Kung hindi lang siguro sa pagtakas ni Carlos sa pagbayad ng bill nila ay wala sana siyang poproblemahin ngayon."I'll give you a chance to explain, Kristal." Seryosong sambit ni Lorenzo habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa babae."Umalis po kasi ako sa puder ng ate ko at naubos po lahat nang hawak kong pera. Idagdag pa po 'yung inutang kong P500 sa inyo last time at matagal pa po ang sahod, kung kaya't..." Pagpapaliwanag ni Kristal sa boss."What did I say when I gave you money that night?""Ha?" Naguguluhang tano
Chapter 32Ang kotse ay pagmamay-ari talaga ni Lorenzo at hindi sa kompaniya. Tanging siya lang at si Richard ang gumagamit nito pero nakakamangha lamang na kaswal niyang ipinagamit kay ito kay Kristal. Kung titignan nga naman ay parang si Richard lang ang qualified sa kompanya para imaneho ang kotse ni Lorenzo papunta sa bahay nito. Kahit nga si Frankie na medyo matagal na sa kompanya ay hindi nabigyan ng pagkakataon para gawin ito. Pero si Kristal? Si Kristal na bagong-bago palang sa mga Yu.Umiling naman si Kristal sa alok ng lalaki at inilagay ang susi sa harap ng kotse."Salamat sa offer boss pero mag-t-taxi nalang po ako. Mauuna na ako." Tumango rin siya kay Frankie bago naglakad papuntang highway."Bakit kasama mo si Kristal? Isinama mo siya sa event kanina?" Pag-uusisa ni Frankie kay Lorenzo habang tinitignan ang papalayong anino ni Kristal."She's an employee in my company and also part of the assistant department. Is ther
Chapter 33"Pumunta ka rito sa hospital ngayon din. Your sister is dying." Nagmamadaling sambit ni Carlos sa kabilang linya.Sa sobrang panginginig ay nabitawan ni Kristal sa lapag ang hawak niyang susi. Pinoproseso pa rin ang narinig niya galing sa kaniyang bayaw."A-anong nangyari sa ate?" Nanginginig ang boses na tanong ng dalaga."Pumunta ka na ngayon dito at baka hindi mo na siya maabutan pang buhay." Pinal na sabi ni Carlos at nagmamadaling patayin ang tawag.-------Nang makarating si Kristal sa ospital ay nakita niya si Carlos na nakaupo sa labas ng emergency room. Nakayuko ito at parang sising-sisi ang lalaki."Kuya, nasaan ang ate?" Tanong ni Kristal nang nasa harap na siya ni Carlos.Umangat naman ang ulo ni Carlos at diretsang tumingin sa may emergency room, nagpapahiwatig na naroon si Maurice. Naglakad papunta roon si Kristal at sinubukang silipin ang nasa loob pero wala siyang maaninag na kahit anino man. Dumagdag ito sa kaba niya."Anong nangyari kuya?" Pagtatanong ulit
Chapter 34Hindi inaasahan ni Kristal na ganito ang kahihinatnan ng lahat. Magsasalita pa lamang sana siya nang kalmadong nagsalita si Lorenzo."Do I need to explain myself to you?"Mahinahon man ang boses ng lalaki ay ramdam na ramdam dito ang bigat ng tono niya."Hindi naman sa ganoon, boss. Gusto ko lang namang ipaglaban ang fairness dito...""Nakitaan ko ng potensiyal si Miss Liwayway kaya ayaw ko siyang mawala rito sa kompanya. Kung paano ko siya protektahan at gamitin ang kaniyang potensiyal ay sa akin na 'yon. Your concern is only up to your job and not to gossip and tell me what to do Miss.""..." Para namang malalagutan na ng hininga sa Jade nang marinig 'yon. Wala ring narinig kahit ni isang salita galing sa ibang empleyado."Aren't there new applicants coming today? Move Kristal's workstation to my office," pagkabawing sambit ni Lorenzo kay Richard."Boss..." Nanlalaki ang mga matang sabi ni Jade.Natigilan din si Kristal, hindi alam kung paano mag-r-react sa sinabi ng boss
Chapter 35Dumating na ang hapon, pati na rin ang mga aplikanteng i-interview-hin ni Jade. Tinulak nito ang pinto at nakita ang dalawang babaeng nakaupo sa loob. Nang makita ng dalawa si Jade ay tumayo ang isa at magiliw na ngumiti habang ang isa naman ay nakaupo pa rin at nakataas ang kilay na tinitigan si Jade."Nandito ba kayo for interview?" Sambit ni Jade bago ibaba ang hawak-hawak niyang folder at umupo na."Opo," sagot naman ng babaeng nakatayo.Wala namang sinabi ang babaeng nakaupo at ganoon pa rin ang mga tingin na iginawad nito sa dalawa. Ang arogante at akala mo'y siya ang may-ari ng kompanya.Hindi naman masaya si Jade sa inaakto ng babae pero hindi niya nalang ipinakita ito sa mukha niya."Let me see your resume," baling niya sa babaeng nakatayo.Mabilis namang ibinigay ito sa kaniya ng babae. Kapansin-pansin din dito ang pagiging marespeto. Tinignan naman ni Jade ang resume nito bago magsalita."Erika Lapuz?""Opo."Pagkatapos pasadahan ng tingin ni Jade si Erika ay dum
Chapter 36Iniangat muna ni Erika ang kaniyang employee ID bago nangungutyang nagsalita."Katatanggap lang sa'kin dito kaya magiging magkatrabaho na tayong dalawa.""Oh," seryosong sambit ni Kristal."Ang...malas ko naman.""Ha?" Napaawang ang bibig na tanong ni Erika."Ang malas ko na nga nu'ng naging kaibigan kita at nakasama dati sa dorm. Akala ko hindi na tayo magkikita pagkatapos ng college, pero nandito ka na naman. Kailan mo ba ako tatantanan?" Pagpapaliwanag ni Kristal.Kung hindi lang seryoso ang mukha ni Kristal nang mga oras na 'yon ay aakalain ni Erika na nagbibiro ang babae. Nanibago ito dahil kung dati ay duwag at takot magsalita si Kristal ay ibang-iba naman ito ngayon. Masakit na itong magsalita."..." Hindi alam ni Erika kung paano mag-react sa sinabi ni Kristal kaya nanatili itong tahimik. Wala na ring iba pang sinabi si Kristal at lumabas na ng banyo pagkatapos ng pagtatagpong 'yon. Pagkabalik niya sa opisina ni Lorenzo ay kasalukuyan itong nasa virtual meeting. N
Chapter 37Napahinto naman sa kaniyang ginagawa si Kristal nang marinig ang tanong ni Richard."Hindi po ba't pinapadala niyo ako ng gamit for minutes of the meeting?" Sagot naman niya habang inosenteng ipinakita ang dala niyang notebook sa lalaki."Ang ibig kong sabihin is 'yung laptop mo, bakit ka pupunta rito na notebook lang ang dala mo? Marami kang i-t-take note mamaya, hindi ka ba natatakot na masugatan ang kamay mo?" Manghang balik na tanong naman ni Richard.Ito kasi ang unang general meeting ni Kristal kaya hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Atsyaka, isa lang ang laptop niya, bigay pa sa kaniya 'yon ni Paul, pero naiwan niya sa dorm. Kahit naman dala niya ay parang hindi pa rin siya makakasabay sa kadahilanang nag-l-lag 'yon. "Okay lang po 'yan, mabilis akong magsulat.""Give her mine," sabat ni Lorenzo sa usapan ng dalawa. Nasa likod lang kasi nito sina Kristal at Richard kung kaya't naririnig niya ang pag-uusap ng dalawa."Okay, boss," sambit ni Richard bago tumayo p
Chapter 55Habang nag-aayos ng kama si Kristal ay may narinig siyang kaluskos sa likuran niya."May baso ka ba?" Tanong ni Lorenzo.Lumingon si Kristal at nakita niyang nakasandal si Lorenzo sa pintuan ng banyo, may hawak na toothbrush at seryosong nakatingin sa kanya. Tumayo siya, kinuha ang mouthwash cup sa shelf, at hinugasan ito ng ilang beses sa ilalim ng gripo bago binalingan ng tingin ang lalaki."Kung okay lang po sa'yo, puwede mong gamitin ang sa akin boss.""Sige," sagot ni Lorenzo nang walang alinlangan ats'aka naglagay ng tubig sa baso at nagsimulang magsipilyo. Mukhang normal lang ito para sa kanya.Tumayo si Kristal sa bukana ng pinto ng banyo at napahinto ang tibok ng puso niya nang makitang direktang ginamit ni Lorenzo ang mouthwash cup niya. Bigla niyang naalala na wala pala siyang binigay na tuwalya kung kaya't itinuro niya ang puti at pink na tuwalya na nakasabit malapit sa kaniya."'Yan po ang face towel ko.""Okay," sagot ni Lorenzo habang tinitingnan siya sa sala
Chapter 54Hindi na sumagot pa si Richard at tahimik lang nagmaneho. Makaraan ang sampung minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng villa ni Lorenzo. Pinagbuksan naman ni Richard ng pinto ng sasakyan si Frankie."Miss Frankie, bumaba na po kayo."Tumingin si Frankie sa villa sa labas, at napasimangot ang mukha niya nang malaman na wala sila sa unibersidad nila Kristal."Sinabi kong dalhin mo ako sa unibersidad nila Kristal, hindi mo ba ako narinig? O sinasadya mo akong suwayin?""Pasensya na, Miss Frankie, sumusunod lang ako sa utos ni boss," malamig na sagot ni Richard na tila walang pakialam sa tono ng pagsasalita ni Frankie.Walang nagawa si Frankie kung hindi bumaba sa sasakyan, ngunit agaran din niyang kinuha ang cellphone sa bag para tumawag ng grab taxi."Kung ayaw mo akong dalhin doon, mag-g-grab nalang ako! Gusto kong makita kung naroon ba si Lorenzo at kung kasama niya si Kristal!"Binuksan ni Richard ang pinto ng kotse at saglit na natigilan matapos marinig iyon."Miss Fra
Chapter 53"Boss, pakiusap, paniwalaan mo ako, hindi ko talaga sinasadya!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Erika kay Lorenzo.Pero ni sipat ay hindi niya nakuha kay Lorenzo dahil ang mga mata ng lalaki ay nakatuon lamang sa maliit na mukha ni Kristal. "Richard, hindi ko na siguro kailangang ituro sa'yo ang gagawin mo.""Yes, boss," tugon ni Richard bago tinignan ang nakaluhod na si Erika."Miss Lapuz sumama ka na sa amin."Nanlaki ang mga mata ni Paul sa narinig, nasa isip nito na mukhang magiging seryosong usapan na ito. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay bigla na lamang sumigaw si Erika."Boss, hindi mo ito puwedeng gawin sa akin. Nagtatrabaho ako para sa kasintahan niyo! Kung aarestuhin mo ako ngayon, dapat lamang na kasama rin siya!"Habang nagsasalita ay kinuha ni Erika ang kanyang cellphone at binuksan ang talaan ng mga mensahe."Ito ang mensahe mula kay Miss De Jesus. Ginawa ko lang ito para mapasaya siya! Wala akong kasalanan dito!"Kinuha ni Richard ang telepono at nakita na an
Chapter 52"Anong gagawin natin? Kailangan ba nating pumunta ng ospital?" tanong ng ginang, bakas sa kaniyang boses ang pag-aalala."Hindi...hindi na po kailangan...medyo okay naman na po ako...kailangan ko lang po magpainit..." Umiiling na sambit ni Kristal."Bo...boss...bakit...bakit ka pumunta rito?" Tanong ni Kristal habang lumilipat na ang tingin niya kay Lorenzo."Nag-alala ako sa'yo," sagot ni Lorenzo, gamit ang 'di-sinasadyang malambot na tono sa boses nito."Natakot akong baka may gawin kang masama sa sarili mo. Pero inisip ko na mahina ang loob mo para gawin 'yun. Hindi ko inakala na...""Ma...masama?" naguguluhang tanong ni Kristal."Wala...wala akong ginawang masama...""Kung ganun, bakit mo ini-lock ang sarili mo sa banyo at itinodo ang lamig ng aircon?" Tanong ni Lorenzo na may bahagyang paninisi. Hindi malinaw kung ang paninisi ay para kay Kristal o sa kaniyang sarili."Si...Erika..." Kagat ang labing pinakawala ni Kristal ang dahilan sa likod nang panginginig niya ngay
Chapter 51"Pumupunta rito kada buwan?" Napakunot-noo si Paul, halatang naiinis siya na parang may nalunok siyang langaw sa narinig."Oo, ang mga hotel na ganitong malapit sa unibersidad ay kadalasang pinupuntahan ng mga magkasintahan. Hindi na ito bago rito.""Salamat." Mabilis na umalis si Paul mula sa maliit na hotel 'yon. Pagdating niya sa kotse ay nanatili siyang nakaupo nang matagal, pakiramdam niya'y puno ng dumi ang hangin sa paligid. Binuksan niya ang bintana ng kotse at huminga nang malalim bago napagpasiyahang tawagan ang kanyang ina."Hello, ma, may biglaang lakad ako. Kailangan siyang asikasuhin kaagad kaya hindi ako makakauwi riyan para sa hapunan..."----------Bumaba ang temperatura sa kwarto, kaya kinailangan ni Kristal na magbalot ng basang tuwalya at magkulong sa isang sulok upang maiwasan ang malamig na hangin mula sa air vent. Gayunpaman, nanatili pa rin ang lamig sa loob ng silid. Paminsan-minsan ay tumutunog ang kanyang telepono, tapos tatahimik, tapos tutunog
Chapter 50Nakarating si Erika sa isang maliit na hotel malapit sa kanilng University. Maingat na tumingin ito sa paligid upang siguraduhing walang siyang kakilalang makakakita sa kanya. Tumigil siya sa harap ng pamilyar na numero ng kwarto at itinaas ang kamay upang kumatok.Bumukas ang pinto, at isang kamay mula sa loob ang humila kay Erika papasok.Walang ilaw sa loob ng kwarto. Idiniin ni Lander si Erika sa dingding at sinimulang halikan at hawakan ang babae, ngunit matapos ang ilang saglit na paghalik ay nakaramdam siya nang malamig sa kanyang leeg. Hawak ni Erika ang isang kutsilyo na ginagamit para sa paghiwa ng prutas, at ang matalim na dulo nito ay nakatutok sa leeg ni Lander.Dahan-dahang inalis ni Lander ang kanyang mga kamay ngunit may ngiti pa rin sa kanyang mukha."Sigurado ka bang sasaktan mo ako gamit 'yan?" tanong niya."Lander, ayoko 'tong gawin, pero sinasagad mo talaga ako!" sagot ni Erika na walang pag-aalinlangan."Ilabas mo ang cellphone mo! Gusto kong burahin m
Chapter 49"Wala," saad ni Paul pagkatapos nang mahabang katahimikan at tumalikod na lamang.Hindi na hinabol ni Erika si Paul sa pagkakataong ito. Pinanood niya ang likuran ng lalaki habang papalayo ito, alam niya sa kanyang puso na may nararamdaman pa rin ito sa dating kaibigan. Dahil kung hindi, bakit biglaang lumamig ang asta nito sa kanya?Hindi mapalagay si Erika nang maisip si Lander at ang sinabi nito kanina. Bumalik siya sa parehong daan pero wala na sina Kristal at Lander roon.Kinuha ni Erika ang kanyang telepono at tinawagan ang numero ni Lander."Tut-tut-tut-" Tumunog ang telepono nang matagal, ngunit walang sumasagot.Ibinaba ni Erika ang tawag at galit na galit itong bumalik sa apartment.Nang bumalik siya ay nakita niyang kumakain ng instant noodles si Kristal. Nang makita siya nito ay bahagyang tiningnan lamang siya ng babae at muling nagpatuloy sa pagkain habang nanonood ng teleserye.Nilapitan ni Erika si Kristal."Kristal, parang sumusobra ka na ha?"Napakunot ng n
Chapter 48"..." Hindi makapagsalita si Kristal. Anong karapatan ng lalaking 'to para ihambing ang mga pasakit niya sa sarili?Tumingin siyang muli kay Lander na ngayo'y nasa kanyang harapan na, "Sinabi mong ex-girlfriend mo si Erika? Pero bakit hindi kita nakita kahit kailan?" Sa totoo lang, hindi niya narinig mula kay Erika ang tungkol sa taong ito. Kahit na mahirap ang buhay ni Erika, mataas ang respeto nito sa sarili. May mga lalaking nanliligaw sa kanya noong nasa paaralan pa sila, ngunit tinatanggihan niya ang mga ito isa-isa. Kung hindi lamang niya nakita si Erika at si Paul na magkasama, iisipin pa rin ni Kristal na si Erika ay isang napaka-konserbatibong babae...taliwas sa mukhang gangster na si Lander kung kaya't may pagdududa siya sa mga pinagsasabi nito. "Hindi ka naniniwala?" tanong ni Lander nang diretsahan, sabay hawak sa kaliwang kamay ni Kristal at hinila siya papunta kina Paul at Erika. Nang makita niyang papalapit na sila, hinila siya ni Kristal nang may pag
Chapter 47——Night Club, high-end suite.Kasalukuyang nakahiga si Kristal sa isang malaking kama, balot na balot nang manipis na kumot, at hawak ang isang manggas ng suit ni Lorenzo. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay luminga-linga siya sa paligid ngunit wala siyang makita kahit ni anino ng lalaki.Ang kaniyang cellphone ay nakalagay sa isang table malapit sa kaniya ngunit wala pa rin itong signal. Pagkabangon ni Kristal ay tumunog ang doorbell na kaagad din naman niyang pinuntahan para alamin kung sino ang nasa labas ng kuwarto. Nang buksan ang pinto ay bumungad sa kaniya ang isang waiter."Hello, Miss Liwayway, ito po ang pinadala ni Mr. Yu para sa inyo."Dala ng babae ang isang masarap na agahan at may kasama pa itong note sa plato—napakaayos at maliinis ang sulat kamay ni Lorenzo: "Nauna na akong bumalik sa opisina. Kumain ka ng agahan at magpahinga. Treat this day as your off, no deductions."Tiningnan ni Kristal ang oras—lampas alas-nuwebe na ng umaga. Hindi niya alam kun