Chapter 21Nasa loob na ng kotse si Frankie at papalayo na sa villa. Nang mapansing hindi na nito makita ang bahay ni Lorenzo ay tumingin ito kay Richard na siyang nagmamaneho ng sasakyan."Ngayon ko lang nakita ang matandang 'yon sa ilang beses kong pagpunta sa bahay ni boss. Lola niya ba talaga 'yon?""Oo," sagot naman ni Richard, "Kinuha siya ni boss nu'ng nagkasakit siya. Nag-aalala kasi walang ibang kasama sa bahay nila dati ang lola niya.""So hindi na siya aalis pa sa bahay ni boss?" Pag-iingat na tanong ni Frankie.Pero kahit gaano pa ka-malumanay ang boses ni Frankie ay nahimigan pa rin ni Richard ang hindi pagsang-ayon ng babae sa pagpapatira ni Lorenzo ng lola niya sa bahay nito."Tanungin mo nalang si boss diyan."Napaisip si Frankie at napagtantong tama nga si Richard. Siya nalang mismo ang magtatanong kay Lorenzo kung may pagkakataon. Sa isip-isip ni Frankie kung anong era na ba ngayon. Na ayos lang sana kung nabubuhay sila dati at okay lang na tumira kasama ang matatand
Chapter 22"Hindi po ba't naroon ka?" Tumalikod si Kristal para tignan kung sino ang nakaupo sa swivel chair at napapikit siya nang mariin nang mapagtantong ibang tao pala 'yon...hindi si Lorenzo. Si Marco Sy, matagal ng business partner ng Yu's Company at matalik na kaibigan ni Lorenzo. Hindi ito mas'yadong napapadpad sa opisina pero kilala at natatandaan ito ni Kristal dahil sa guwapo at matipuno nitong katawan."Mr. Sy?" Dalawang salita na kumawala sa bibig ni Kristal pagkatapos makita ang lalaki. Kahihiyan. 'Yan ang unang pumasok sa isipan ni Kristal dahil sa tagal niyang nagsasalita kanina, maling tao pa ang pinagmakaawaan niya. Pakiramdam niya tuloy na parang napunta lang sa wala lahat ng hinaing niya.May hawak-hawak na folder si Lorenzo at mukhang kagagaling lang sa isang meeting. Nang mapunta ang kaniyang tingin kay Kristal ay napansin agad nito ang namumula niyang mga mata. Parang may kumirot naman sa kaniyang puso nang makita niya ito."What have you done, Marco?" Tanong a
Chapter 23"Kris..." Nakakaawang sambit ni Erika na parang si Kristal pa ang may maling ginawa sa kaniya.Kung dati ay napapasunod niya pa si Kristal sa ganito, ngayon ay hindi na, "Wala rito si Paul kaya hindi mo kailangang magmukhang kawawa riyan. Hindi mo na ako madadala sa paawa effect mo, Erika. Nakakasuka."Hindi naman in-expect ni Erika na magiging straightforward si Kristal, "Kris, you can say anything to me, pero huwag naman sana kay Paul.""Hindi ako interesado sa inyong dalawa. Kaya huwag mo na akong kakausapin pa. Magkalimutan na tayo, tutal nagawa mo na nu'ng niloko niyo akong dalawa."Ding! Bumukas na ang pinto ng elevator. Hindi na tinapunan ng tingin ni Kristal si Erika at diretsong pumasok na sa loob ng elevator. Hindi rin kaagad umalis si Erika sa harap ng elevator at hinintay kung hanggang saang floor pupunta si Kristal. Huminto naman ang pag-ilaw ng numbers sa pinakatuktok na floor.Tumakbo papunta ng front desk si Erika at nagtanong, "Excuse me, gusto ko lang ma
Chapter 24Umiling naman si Kristal, "Kapatid at brother-in-law ko.""Oh." Kitang-kita ang paglatay ng disappointment sa mata ni Frankie na agad din nawala pagkatapos niyang ngumiti."Ganda ng ambiance ng restaurant na 'to, next time mag-date kayo ng boyfriend mo rito." Dagdag pa ni Frankie sabay pasimpleng hinawakan ang braso ni Lorenzo at mas dumikit pa sa lalaki.Tinignan naman ng lalaki, "Anong perfume ang gamit mo?""Orange perfume, kakabili ko lang nito. Bakit? Mabango ba?" Para mas magustuhan pa siya ni Lorenzo ay nag-research si Frankie at nalaman nito na mahilig pala ang lalaki sa fruity scents kaya bumili siya ng orange perfume."No, huwag mo na ulit gagamitin 'yan," sambit ni Lorenzo. Napahiya naman si Frankie sa harap ni Kristal kaya kimi itong ngumiti sa babae.-----Nakaupo na sa designated nilang table si Lorenzo at Frankie. Mga ilang minuto lang ay nakarating na rin si Marco at Alyssa."Kuya Lorenzo." Bungad ni Alyssa sabay hatak ng upuan sa gilid ni Lorenzo at doon u
Chapter 25"Kristal." Tawag ni Lorenzo gamit ang mababang boses nito, "Do you need something?"Napatayo naman nang tuwid si Kristal nang marinig 'yon at uligagang sumagot kay Lorenzo, "Uhm...hinahanap ko lang po si Frankie, boss.""Why? Why do you want to talk to her?" Mausisang tanong naman ng lalaki na kaagad tinaasan ng kilay ng kasamang si Marco. Nanunuyang tingin ang ginawad nito sa kaibigan.Walang ibang choice si Kristal kung hindi lunukin nalang ang hiya na nararamdaman kay Lorenzo kaysa naman ang hiya na hindi nakapagbayad ng bill. "Boss, kung p'wede...p'wede bang makiutang?""Magkano?""P500 lang po sana. Sorry po," mahinang sambit ni Kristal. Gustong-gusto na niyang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan."What do you want it to be? Cash or e-money?" Diretsang tanong naman ni Lorenzo. Wala itong tanong sa babae kung saaan gagamitin ang pera, basta't bibigyan niya ito."Kahit saan po p'wede..."Kinuha naman ni Lorenzo ang phone sa bulsa and may in-open na application. Tinanon
Chapter 26Nang walang sagot na marinig ay kumatok ulit ng ilang beses si Frankie."Boss, papasok na ako ha?" Sambit ni Frankie habang binubuksan ang pinto.Walang kahit na anong ilaw ang naroon sa silid, hindi rin makapasok ang liwanang galing sa labas na poste sa kuwaro dahil nakatabon ang makakapal na kurtina rito. Sa isiping si Lorenzo ang nasa kama, ay dagli-dagling naglakad papunta si Frankie roon at nahiga na. Nagawa niya pang ipasok ang sarili sa kumot. Haharap na sana siya nang may bigla nalang sumigaw na babae.Ang naglalakad na si Lorenzo papunta sa kaniyang kuwarto ay kaagarang pumanhik sa silid ng kaniyang lola, dahil dito nanggagaling ang ingay na narinig niya."La, are you okay? What happened?"Ang bumukas ng pinto ay Frankie na gulong-gulo ang buhok. Napahinto naman si Lorenzo sa nakita, "Frankie?"Sumunod naman si Lola Ven sa likod ng babae at galit na sinabing, "Matanda na ako pero hindi ko akalain may mapangahas na gawin sa'kin 'to. Alam mo ba 'to Lorenzo?""..."--
Chapter 27Nagmaneho na palabas ng villa si Lorenzo at bumusina ng dalawang beses sa kotseng nadaanan niya. Nagising naman ang dalawa sa loob at ibinaba ni Marco ang bintana."Hindi ka nakatulog nang maayos kagabi, why don't you go back to sleep?" Mapanutyang sabi ni Lorenzo."..." Hindi na nakabawi si Marco sa sinabi ng lalaki dahil nagmaneho na ito papalayo sa kanila.Nagising naman si Alyssa at nakitang walang kasama si Lorenzo sa kotse. Nagpapatunay lamang na nag-stay nga sa villa ng lalaki si Frankie.Uminat naman si Marco habang sinabi na, "Naniniwala ka na ba ngayon?"Hindi naman umimik si Alyssa sa panunuya ng kaniyang kapatid."Kuya, may isa pa akong gustong gawin mo," sabi ni Alyssa."Ha? Ano na naman 'yon?" "Ngayon resigned na si Frankie sa kompanya nila kuya Lorenzo, edi may open ng isa pang position sa assistant department. Kaya gawan mo ng paraan kung paano ako makakapasok doon, okay?"Parang tanga namang tumingin si Marco sa kapatid at hindi makapaniwala sa narinig."L
Chapter 28Nang tuluyan nang huminto ang kotse ay ibinaba ni Lorenzo ang bintana ng kaniyang kotse para alamin kung ano ang sadya ni Kristal."Why are you still here, Kristal? It's getting late."Sa tuwing binabanggit ni Lorenzo ang pangalan ng babae ay hindi mapakali si Kristal, at hindi niya rin alam kung bakit ganoon ang kaniyang nararamdaman."Uhm, nakita niyo po ba 'yung picture sa group chat ng kompanya?" Pagbukas ng usapan ni Kristal matapos niyang tuluyang inignora ang nararamdaman niyang pagkabalisa."Are you referring about our photo that was secretly taken at the cafeteria?""Opo, boss.""I've already seen it. What's wrong?" Sambit ni Lorenzo sabay tingin sa nag-aalalang mukha ni Kristal."Did it cause you trouble?" Dagdag pa ng lalaki.Ang totoo niyan ay nahihiya talaga si Kristal sa nangyari kanina sa cafeteria. Nag-aalala ang babae bagaman presidente ng kompanya si Lorenzo, ayaw nitong maging dahilan para maging pulutan ng chismis ng buong kompanya. Pero sa nakikitang pa
Chapter 46Hindi umuwi buong gabi si Lorenzo, habang si Frankie naman ay nakatulog sa sala buong magdamag. Puno rin ito nang pagdududa sa kinakasama. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan si Richard.Tumunog ang telepono ng ilang beses bago ito sinagot ni Richard."Frankie?"Nang marinig ang pangalan niya ay napakunot ang noo ni Frankie. Dati na siyang tinatawag ng ganoon ni Richard sa opisina, at kahit may relasyon na sila ngayon ni Lorenzo, ay hindi pa rin ito nagbabago sa paraan ng pagtawag sa kanya—wala pa ring respeto o kahit na anong titulo.Pinigilan ni Frankie ang pagkainis at dumiretso nalang sa sadya niya sa lalaki."Richard, kasama mo ba si Lorenzo?""Si boss?" Sandaling natigilan si Richard ngunit hindi siya sumagot nang diretso, sa halip ay nagtanong pa ulit ito."Bakit?""Hindi siya umuwi kagabi, at hindi ko siya makontak hanggang ngayon. Medyo nag-aalala na ako sa kaniya, kaya ako napatawag dahil nagbabakasakali akong magkasama kayong dalawa.""Oh...hindi kami m
Chapter 45"Boss!" Gustuhin mang tumayo ni Kristal ay hindi niya kaya, sapagkat nang makalahati pa lang siya ay nanghina na kaagad ang kanyang mga binti at napabalik siya sa kaniyang inuupuan.Katatapos lang maligo ni Lorenzo at nakasuot na siya ngayon ng puting polo—sinadyang iniwan na nakabukas ang dalawang butones sa taas para maging daan sa pagsilip ng namumula niyang dibdib. Pagkalabas niya palang ng banyo ay kaagad na niyang naamoy ang kakaibang halimuyak sa silid at naramdamang may hindi tama rito.Nang makita ang sitwasyon ni Kristal ay kinuha niya ang coat na nasa kama bago puntahan ang babae."Lumabas ka muna ng kuwarto, Kristal.""Sige po," sagot ni Kristal, pero dahil nga nanghihina pa ang kanyang mga binti ay hindi siya makatayo. Ilang beses din nitong sinubukan pero napapabalik lamang siya sa kaniyang p'westo dahil sa nanghihina niyang mga tuhod. Nakita iyon ni Lorenzo at lumapit ito kay Kristal, lumuhod din ito sa harap ng babae"Kaya mo bang tumayo?""Hindi ko po kay
Chapter 44"Kalokohan!" Hinawakan ni Maurice ang kamay ni Kristal bago hinaplos ang pisngi nito gamit ang kanyang mga daliri, at malumanay na sinundan ang sinabi."Pero ang Kris namin ang pinaka-cute at pinaka-mabait na bata sa mundo. Kung gusto mong mag-asawa balang araw, dapat isang mabuting lalaki lang ang mapapangasawa mo. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi kita hahayaang maranasan ang mga hirap na pinagdaanan ko. Bubuksan ko ang mga mata ko para hanapin ang pinakamahusay na lalaki para sa'yo. Hindi pwedeng maghirap ang Kris namin."Kagat-labi lang si Kristal at walang imik sa sinabi ng kaniyang ate.Akala ata ng kapatid niya na nagbibitiw lang siya ng salita dahil sa galit, pero totoo ang bawat salitang binitiwan ni Kristal. Parang minarkahan na ng lipunang ito ang mga babae. Kailangan nilang magpakasal, manganak, alagaan ang asawa’t mga anak, habang ang mga lalaki ang sinasabing haligi ng tahanan. Kahit magkamali ang mga lalaki, parang tinatanggap pa rin ito bilang makatuwiran.
Chapter 43Papalabas ng underground parking lot si Lorenzo nang makita sa malayo ang nakatayong si Kristal, naghihintay ng bus na masasakyan. Naalala niya ang pagtanggi nito at nakaramdam siya nang hindi maipaliwanag na emosyon.Sa mga oras na iyon ay tumawag si Frankie at nagtanong."Lorenzo, uuwi ka ba para maghapunan ngayon?""May appointment ako, you guys can eat first.""Ah, ganoon ba." Bahagyang nadismaya ang boses ni Frankie. "Gusto mo ba ng midnight snack mamaya? Ihahanda ko na para sa'yo nang maaga.""No need, I don't do midnight snacks. Just rest since you've been busy all day.""Sige."Pagkatapos ibaba ang tawag, nanatiling nakaupo si Lorenzo sa kotse. Hindi siya gumalaw hangga't hindi niya nakikitang sumakay si Kristal sa bus. Nang makasakay na ito, dalawang beses niyang tinapik ang manibela, pagkatapos ay binuksan ang phone book at tinawagan si Marco."Where are you?""Sa Yese." Sumagot si Marco na parang bagong gising pa. "Bakit, pupunta ka ba rito?""Papunta na." Matapo
Chapter 42Namula sa galit si Kristal dahil sa narinig. Ngunit sa paningin ni Frankie, ang pamumula ng babae ay dahil sa kahihiyan at pagsisisi.Gamit ang mahinahong tinig, sinabi ni Frankie na, "Bata ka pa, Kris. Huwag mong ugaliing gumawa ng desisyong ikapapahamak mo.""Wala naman akong ginawang masama..." Gusto sanang ipagtanggol ni Kristal ang sarili, ngunit bigla niyang nakita si Lorenzo. Ang mga mata ng lalaki ay puno ng lambing, walang bahid ng pagdududa, at kalmado, na tila kayang payapain nito ang damdamin ni Kristal.Dumako naman ang tingin ni Lorenzo sa namumulang sulok ng mga mata ni Kristal. "Kristal, find Richard and tell him that I have a job for him to do."Natigilan si Kristal dahil dito. Kung tutuusin ay kayang-kaya ni Lorenzo na tawagin si Richard gamit ang telepono pero bakit kailangan pa niyang utusan si Kristal para hanapin ito nang personal? Gusto ba siya nitong paalisin para makapag-usap sila ni Frankie?"Opo, boss." Tumayo na si Kristal at lumabas ng opisina.
Chapter 41Sa may private room...Nang makita ni Kristal na binubuksan na ni Lorenzo ang ointment ay napakurap siya nang ilang beses bago tinawag ang pansin ng lalaki."Boss!"Napaharap naman sa kaniya si Lorenzo at tinignan siya. Napatayo na rin si Kristal sa kaniyang kinauupuan."Uhm...akin na po ang ointment, ako na ang maglalagay.""Kaya mo ba?" Nag-aalangan na tanong ni Lorenzo."Opo, boss," pagtatango naman ni Kristal.Hindi na rin nagpumilit pa ang lalaki at sinarado muna ang bote bago ibigay kay Kristal."Remember to apply it accordingly, it will be bad if it leaves bruises." Habang sinasabi ito ni Lorenzo ay hindi naman makamayaw ang kaniyang mga mata sa kakatingin sa balikat ni Kristal. Kapag naiisip ang malambot na balikat nito ay parang may tumatalon na kung ano sa kaniyang puso."Okay," nakatangong sagot ni Kristal."Sige po, una na ako..."Hindi pa tapos magsalita ang babae nang bigla nalang nag-ring ang cellphone ni Lorenzo. Kinuha niya ito at sinagot."Hello.""Busy ka
Chapter 40"Richard."Kakalabas palang ni Richard ng opisina ni Lorenzo nang bigla na lamang may bumigkas ng kaniyang pangalan. Nang harapin niya ito ay nakita niyang si Frankie pala—nakasuot ng Chanel-brand na outfit at may dala-dalang crocodile leather na bag. Halata ring nanggaling sa salon dahil sa ayos ng buhok nito. Sumisigaw ng yaman ang pananamit ni Frankie ngayon, ibang-iba sa nakasanayan ni Richard dati."Nasaan si boss?"Sasagot na sana siya nang maalala ang bilin ni Lorenzo kanina kaya pinigilan niyang pumasok si Frankie sa opisina nito. "Busy si boss ngayon at hindi ka niya makakausap."Napahinto naman saglit si Frankie bago ipinakita ang hawak na tupperware sa lalaki."Nilutuan ko siya ng pagkain...""Akin na't ako nalang ang magbibigay," sambit ni Richard sabay abot ng tupperware sa kamay ni Frankie pero hindi niya ito nakuha dahil iniwas ito kaagad ng babae sa kaniya."Rinig kong promoted daw si Kristal? At nasa opisina ni boss ang workstation niya. Ibig sabihin ba ni
Chapter 39Tahimik na ngayon ang silid at walang malay na nakahiga na si Kristal sa kama, habang nakaupo naman sa kaniyang tabi si Lorenzo. Wala ring tigil ang pagdudugo ng ilong nito na kahit kumalat na sa kaniyang mukha at damit ay parang wala rito ang atensiyon niya. Ang mga mata ni Lorenzo ay nakatuon lamang kay Kristal na agaran namang napansin ni Richard.Nang makitang sina Richard at Doc Gem ay tumayo na si Lorenzo para salubungin ito. "Check her, doc. She has an injury on her shoulder," bungad na sabi ni Lorenzo."This...she is a girl, Mr. Yu. I think we should wait until she wakes up to ask her permission," pag-aalangan ni Doc Gem."I told you to check her, why are you talking so much nonsense?" Kunot ang noong tanong ni Lorenzo."..." Wala namang choice si Doc Gem kung hindi ang lumapit sa kama.Nakasuot ng long-sleeved shirt si Kristal at kinakailangang hubaran ang isang sleeve nito para makita ang injury. Kahit na sa mga mata ni Doc Gem ay hindi importante ang kasarian ay
Chapter 38Sinalubong naman nang mainit at magaang yakap ni Lorenzo si Kristal. Sarado na rin ang pinto ng elevator, at dahil nga naka-mirror type ang material nito ay kitang-kita ni Kristal ang naguguluhang mukha niya pati na rin ang nakayukong si Lorenzo—na yakap-yakap siya. Sa sobrang lapit nilang dalawa ay nararamdaman na ni Kristal ang tainga ni Lorenzo sa kaniya. Ang init na nanggagaling sa katawan niya ay parang dumoble dahil na rin sa intensidad na binibigay ni Lorenzo sa yakap na binibigay nito. Naririnig na rin ni Kristal ang mabibigat na hininga ng lalaki."..."Hindi pa rin nakabawi si Kristal sa nangyayari. Nagtataka pa rin siya kung bakit yayakapin siya ng boss nang ganito kahigpit."B-boss...boss..." Gamit ang natitirang lakas ni Kristal ay bahagya niyang tinulak ang lalaki. Isang tulak lang 'yon pero nakawala na siya sa yakap ni Lorenzo. Buong akala niya ay mahina lang 'yon pero medyo napalakas pala nang makitang nakadalawang hakbang na paatras si Lorenzo hanggang sa