Share

21

Chapter 21

Nasa loob na ng kotse si Frankie at papalayo na sa villa. Nang mapansing hindi na nito makita ang bahay ni Lorenzo ay tumingin ito kay Richard na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

"Ngayon ko lang nakita ang matandang 'yon sa ilang beses kong pagpunta sa bahay ni boss. Lola niya ba talaga 'yon?"

"Oo," sagot naman ni Richard, "Kinuha siya ni boss nu'ng nagkasakit siya. Nag-aalala kasi walang ibang kasama sa bahay nila dati ang lola niya."

"So hindi na siya aalis pa sa bahay ni boss?" Pag-iingat na tanong ni Frankie.

Pero kahit gaano pa ka-malumanay ang boses ni Frankie ay nahimigan pa rin ni Richard ang hindi pagsang-ayon ng babae sa pagpapatira ni Lorenzo ng lola niya sa bahay nito.

"Tanungin mo nalang si boss diyan."

Napaisip si Frankie at napagtantong tama nga si Richard. Siya nalang mismo ang magtatanong kay Lorenzo kung may pagkakataon. Sa isip-isip ni Frankie kung anong era na ba ngayon. Na ayos lang sana kung nabubuhay sila dati at okay lang na tumira kasama ang matatand
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status