Share

18

Chapter 18

Minsanan lang kung dumalo si Lorenzo sa mga ganitong pagtitipon, lalo na kung dahil ito sa empleyado. Kaya ganoon na lamang ang pagkabigla ng mga tao sa loob ng silid. Tahimik na kumakain si Kristal sa tabi at paminsan-minsang nakikinig sa usapan ng kasamahan niya sa trabaho.

"Hindi ko akalaing nandito si boss. I mean, hindi nga siya minsan uma-attend sa company parties natin before eh. I-n-invite rin siya dati ng iba nating kasama pero no show siya. Paano kaya napapayag ni Frankie si boss?"

"Oo nga eh, kaya nagtataka ako. Hindi naman pansinin si Frankie sa office."

"Napansin niyo ba? Iba 'yung tinginan ni Frankie kay sir. Parang binabakuran niya eh."

"No way? Maganda si Frankie pero walang-wala pa sa kalingkingan ng level ni boss."

"Correct ka riyan! Ang mga lalaking kagaya ni boss ay p'wedeng maghanap ng babaeng mas higit pa kay Frankie. Hello? Si Boss Yu na 'yan eh."

"What do you think, Kristal? Tama naman 'di ba?"

Ang tahimik na kumakain ng apple na si Frankie ay nasali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status