Share

Chapter 3

Lokong lalaki, psh nabigla ako doon, hindi ako makamove on. “The pancake tastes better, huh?” ngumiti naman ako.

“But the hotdog is not, mine is better.” Napayuko ako sa sinabi niya, ito na naman eh!

“Ah, ganon ba, sir?” sagot ko na lang.

’Anong mine is better! Mine is better! Wag mo nang ulit-ulitin, baka hanapin ko ‘yan at tikman! Yung MINE na brand ng hotdog, ah…’

“Pfft…” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang mahina at nagpipigil niyang tawa.

“Oh sir, hotdog, baka gusto niyo pa.” Nilagyan ko pa siya sa plato niya sa inis ko at kahihiyan at the same time.

‘Sana tumigil na siya sa kaka mine is better niya…’

Nang makapag-ayos, kinuha ko ang travel bag tapos naglakad na kasabay si Mateo. Sana makamove on na siya… “Sa airport na tayo dumeretso, taxi na lang siguro,” ani pa nito.

“Sure, sir, medyo kinakabahan na ako sa party,” ani ko pa.

“Don’t worry, I’m on your back,” sa sagot niya ay hindi ko alam kung kikiligin o aasa na maayos kami, pero paano ko malalaman kung hindi ko susubukan, hindi ba?

“Thanks, sir,” ani ko pa.

“Of course,” sagot niya.

•• AN HOUR LATER… ••

“Malapit na rin tayo; wag ka na matulog,” ani ni sir. Magkatabi kami sa plane seat, kaya naman medyo awkward.

Para akong nakukuryente kada nagtatama ang mga balat namin; naiilang rin ako nang sobra. Nawala ang kakapalan ng mukha ko, huminga ako nang malalim at sumilip na lang sa bintana.

Okay naman, merong ulap, isa pang ulap, tapos sa kabila may ulap pa. Pagtingin mo sa taas, may isa pang ulap.

‘Meet the Ulap Family.’

Nang mag-announce na, sinunod ko na lang ang sinabi nila dahil maglaland na. Minsan ay naisip ko, paano kaya pag nabutas ang isang salamin, anong mangyayari sa eroplano ito?

Nang makapagland, naunang tumayo si Mateo nang kailangan na naming bumaba. Kinuha niya naman ang travel bag ko at ako ang pinagbuhat noon.

Sumunod naman ako sa kanya at nang maraming tao, mabilis kong inabot ang dulo ng laylayan ng shirt niya at hinawakan ’yon para hindi kami magkahiwalay.

“Hindi ka naman siguro bata,” ani pa nito sa akin. Napanguso ako at mas hinigpitan na lang ang kapit sa kanya.

Nang matapos ang nakakasuffocate na oras, nakahinga ako nang maluwag at saka bumitaw na sa pagkakahawak sa kanya. “Akala ko nagtrain ako, wala man lang distancing,” hinihingal kong sabi.

“Nonsense,” sagot niya at saka tinalikuran na ako, kaya naman mabilis akong humabol. Pagkarating, may sasakyan at may driver na kumaway sa amin, may dalang magandang sasakyan.

“Get in,” ani Mateo, kaya mabilis akong sumunod.

Nang makaupo, inilagay ni Mateo ang bag sa pagitan namin, kaya naman kinandong ko na lang ang bag ko. Simple lang naman ang suot ko.

Isang simpleng fitted pants, ¾ polo na kulay abo, at nakaipit lang naman ang buhok ko, walang bago. Sunglasses.

Nang lingunin ko si Mateo, naka-sunglasses na siya, kaya naman sinuot ko na rin ang sa akin tapos tumingin sa daan. Sa isang beach ata ang hotel na pupuntahan namin kung saan gaganapin ang engrandeng business party.

Hindi pa ako nakapunta sa ganito. Hindi naman ako mayaman tulad niya, pero hindi rin naman ako walang pera kahit na wala pa akong magulang, kahit pa namatayan ako ng ka-isa-isang kapatid.

Si Sasha na lang ang meron ako at si Oliver; sila na lang ang pamilya ko ngayon. Kung ako kay Sasha, ay dapat dinagdagan niya si Oliver; nako, maghahanap ng kapatid ang batang ’yon.

Nang makarating sa hotel, pakiramdam ko nalaglag ang panga ko sa sobrang ganda; para siyang five-star hotels sa Maldives…

“Ang ganda,” ani ko pa.

“Of course, maraming pupunta na businessman and woman rito,” sagot ni Mateo. May reserved rooms naman na rito for the businessmen and women.

“Name, sir? Ma’am?” tanong ng receptionist.

“Luciana Valentina Vion, and Sebastian Mateo Martinez,” sagot ni Mateo.

“Ah, sundan niyo na lang po siya,” ginawa namin ang sinabi ng receptionist. Habang naglalakad, sinusundan namin ang lalakeng staff ng hotel.

Nang umabot sa 5th floor, mas namangha pa ako sa ganda ng hotel nila. Habang naglalakad, napalunok ako nang maunang pumasok si Mateo. “What about mine?” tanong ko.

“Ah, dito na rin po,” nanlaki ang mata ko.

“What?”

“Two beds naman po yung room, kaya walang magiging issue.” Kaya naman kinakabahan akong pumasok sa kwarto at nakita kong two beds nga.

‘This is awkward… Hindi naman kami mag-ex, pero may pinagsamahan kami ni Mateo. Walang confirmation yung relasyon na meron kami that time…’

Pero para kaming mag-girlfriend/boyfriend noon; may hugs, kisses, calls, texts, at iba pa, bukod sa bagay na iniisip niyo… “Rest for a while,” ani ni Mateo tapos ay nahiga sa sariling kama niya.

Humarap ako sa kanya nang makahiga sa sarili kong kama. Dahil nakapikit siya, nagawa kong titigan ang maganda niyang mukha, matangos ang ilong, magaganda at maninipis na labi.

Agad akong pumikit nang magmulat siya.

Nang makalipas ang ilang minuto, dahan-dahan akong nagmulat—“AY!” agad akong napabalikwas nang nasa harap ko na siya at deretsong nakatitig sa akin.

“What are you doing?” Napalunok ako at nahihiyang tinignan siya.

“W-wala, ah,” sagot ko.

“You sure?” Napalunok akong tumango; nang sagutin ko ’yon, bumalik siya sa pagkakahiga, but this time kinuha niya na ang panyo niya at itinakip sa mukha.

‘Sungit…’

Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog nang sobrang lakas ang cellphone ko. Napalunok ako nang makita ang caller.

‘About business siguro? Si Vince ang tumawag, e…’

“Answer that phone before I throw it.” Agad kong nasagot ang tawag sa sinabi ni Mateo.

“Yes, Vince?”

“Sup, I’m just reminding you about the party. Miyu and I will be there too. By the way, are you with Mr. Mateo Martinez?”

Napatingin naman ako nang bumangon si Mateo. “Ah, yes, he’s with me. May problema ba?”

“Can I talk to him?”

“Ah, sure, teka…”

“Kausapin ka daw niya.” Tapos inabot ko kay Mateo ang cellphone; magkasalubong ang kilay ni Mateo ngayon, kaya naman tinignan ko lang siya.

“Alright.”

“Okay, that will do.”

“With Miss Miyu Binez?”

“Ah, okay, Miyu Binez Sandoval. Okay na?”

“Fine, bye.”

Napamaang ako nang basta-basta na lang niyang i-end ang tawag. How rude… “P-pinatay mo kaagad…” mahinang sabi ko. Seryoso lang ito tapos bumalik sa pagkakahiga.

Nang tumunog ang cellphone, sinagot ko ulit. “Pinatayan ata ako, hahahaha. Ang sungit rin nang boss mo, ah.”

“Napatay lang ata…”

“Mm, don’t worry, I’m with Miyu, kaya wala siyang masamang iisipin at wala naman talagang masama dito…”

“I know, right. So pag babalik kayo ng Maldives, sasama ako, ah. Namimiss ko na yung iba don. Nakakalungkot lang, wala si Kaka…”

“I guess that’s the saddest part kada bumabalik tayo sa Maldives.”

“Namimiss ko na nga siya; years na ang lumipas… Pero wala, eh, nangyari na ang nangyari.”

“Ayun rin, so we’ll go ahead? Babyahe pa kami at lunch.”

“Take care, bye-bye.”

“You too, bye.”

Nang patayin niya ang tawag, ibinaba ko na ang cellphone tapos ay pumikit ako at nahiga nang maayos.

“So you still call each other?” Napamulat ako at bahagyang nilingon si Mateo na nakatitig sa kisame.

“W-wala namang masama don, sir…”

“It’s just a yes or no,” sagot niya pa tapos tumayo.

“I’ll go somewhere outside,” paalam niya na lang basta-basta at saka kumaway patalikod at umalis na.

‘Tsh, ang sungit mo. Akala mo naman grr mo ko, eh…’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status