Share

Chapter 6

Ciana’s Point of View

“S-Sir Mateo…” sambit ko sa pangalan niya, nakita ko naman ang titig niya sa akin. Nang hindi niya ako magawang tignan, nagrereklamo ako at ngayon, tinititigan niya ako.

‘Nagrereklamo pa rin? Tinde mo, Ciana. Ano ba talaga ang gusto mo?’

“Are you okay?” Kinakabahan man, ngunit nagawa kong tumango sa tanong niya. Nang ialok sa akin ang kamay, tinanggap ko iyon, kaya naman nang ilagay niya ang kamay ko sa braso niya, mas kinabahan ako.

‘Maging masaya dapat ako, di ba?’

“Let’s go, baka may tama ka na sa iniinom mo.” Hindi ko man alam ang sasabihin, ngunit hindi na siya naghintay ng sagot.

‘Hindi nga niya tinatanong kung bakit ko siya iniwan, bakit ako umalis nang walang paalam…’

Nang makabalik, inalalayan niya rin ako sa pag-upo. Kaya naman naisipan kong kumain na lang ng chocolate na nasa harapan namin.

‘May wine ang chocolate na ito, pero masarap siya…’

“Okay ka lang ba, Ms. Vion?” Nilingon ko ang isang businessman na nagtanong sa akin at nginitian.

“I’m good, hindi naman ako mabilis tamaan ng alak,” nakangiting sagot ko pa.

“So you’re from Maldives, huh? Ano namang work mo doon?” tanong nila.

“Mix. Natry ko nang mag-waitress, dishwasher, janitress, chef, and of course, manager,” nakangiting sabi ko pa. Nagulat naman sila.

“Hindi halata, Ms. Vion.” Ngumiti ako.

“That’s what they always say. Hindi ko naman ikinakahiya dahil sabi nila, being experienced and exposed are better than being a wealthy woman but doesn’t know anything.” Lahat ay natuwa sa sinabi ko kaya naman ngumiti ako.

“I’m impressed. I’m sure that your future man will be proud.” Tipid na lang akong ngumiti. Tahimik lang si Mateo, drinking his drink, getting drunk by the alcohol.

‘He’s freaking amazing. Pati ang pagkakaupo niya ay boss na boss talaga.’

“Ciana…” Nalingon ko si Miyu. Agad naman siyang binati ng iba at nagbigay galang pa, bukod kay Mateo.

“Mauuna na kami, mukhang nakarami na ang asawa ko.” Nginitian ko siya tapos b****o.

“Take care.” Ngumiti siya.

“Kayo rin. Mr. Martinez, sa’yo ko na muna ipagkakatiwala ang kaibigan ko.” Ngumiti lang si Mateo at tumango. Muli ay nagpaalam na kami bago maupo.

“So you’re a friend of Mrs. Sandoval, huh?” Ngumiti ako.

“Naging kaibigan ko siya because of Vince Sandoval,” nakangiting sabi ko.

“Oh, interesting,” sagot nila.

“Both of them are my good friends, kaya naman nakakatuwa,” nakangiting sabi ko pa.

“Wow naman, Ms. Vion. I’m really interested,” aniya nito. Ngumiti naman ako.

“Ano namang trabaho ng parents mo?” Natigilan ako at napalunok.

“Ah t-that…” Hindi ko alam ang isasagot. Wala akong magulang, wala akong pamilya na gumagabay sa akin, tanging si Sasha lang…

‘Lalo na nang patayin ang kapatid ko…’

“I think we need to go. I’m already sleepy. Tapos naman na ang event,” nakangiting sabi ni Mateo, kaya naman nalingon ko siya.

“Let’s go, Ciana. Ayokong mapagalitan ni Mr. and Mrs. Sandoval.” Inabot niya ang kamay ko, kaya naman mabilis akong nagpaalam sa kanilang lahat. Bago pa man umalis ng venue, inabutan kami ng isang paper bag.

Tig-isang paper bag. Tingin ko ito ang product ng company founder ng party na ito, kaya naman tinanggap ko ‘yon. Nang nasa elevator, naamoy ko ang masarap na tsokolate at binuksan ko ang paper bag.

“Shems…” bulong ko. Chocolate at wine ang naamoy ko, sobrang bango.

“Don’t worry. Your private life will be private. Hindi mo kailangang sagutin lahat ng tanong nila.” Napatingin ako kay Mateo na nag-aalalang tinignan ako.

“Thanks for saving me,” aniya ko, sobrang sinsero.

“You hurt me, but that doesn’t mean na hahayaan kong makalkal muli ang inilibing mo nang alaala.” Bigla ay parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya, dahilan para mapaiwas tingin ako.

Bahagya kong pinahid ang luha tapos tumikhim na lang. “Thank you,” sagot ko.

Nang makarating sa floor namin, nauna na ako sa banyo upang mag-shower sandali. Nang matapos, nagsuot lang ako ng simpleng pajamas at manipis ngunit maluwag na shirt.

Sumunod si Mateo na pumasok sa banyo, kaya naman dumiretso ako sa kama at kumain ng chocolates na binigay kanina. Malamig rito sa kwarto kaya naman tumihaya ako habang kumakain.

‘He’s a good man…’

Hindi ko dapat siya sinaktan. Hindi ko dapat siya iniwan. Sana ay umalis man lang ako at nagpaalam. Mauunawaan niya naman yun, nasisigurado ko…

‘Bakit nga ba ako natakot? Dahil ba lahat ng mahal ko sa buhay iniwan ako at nawala?’

‘Kaka died because of me, to protect me. My parents died while hugging me, to protect me again. And my brother… my brother died to protect me from intruders.’

Pumikit ako at hinayaang tumulo ang luha sa mga mata.

‘I am cursed…’

‘Mas ayos na sigurong kahit hindi ko pag-aari si Mateo, ay ayos siya. Sa bawat sandaling naiisip ko na namatay ang mga mahal ko para protektahan ako, gusto ko na lang manahimik at hayaan siyang sumaya sa iba…’

‘Mas safe siya kay Ms. Carmelle. Alam niya lang na wala na akong pamilya, pero hindi niya alam ang cause of death nila…’

Baka layuan niya rin naman ako pag nalaman niya. Hindi niya naman ako gusto kaya masasabi kong hindi ako mahihirapan. Ang gagawin ko na lang ay manahimik…

‘At hayaan siyang sumaya sa iba…’

“What makes you cry again, mm?” Kaagad akong nagpunas ng mata at saka umayos ng upo.

“Hindi ah, bakit naman ako iiyak?” Sagot ko pa.

“Really?” Tumango-tango pa ako.

“Oo kaya, ano ka ba. At isa pa, masarap yung chocolate. Tikman mo.” Nang maupo siya sa dulo ng kama ko, bahagya akong lumapit sa kaniya at ang piraso ay isinubo sa bibig niya.

Pero agad akong natigilan nang makuha niya ‘yon sa kamay ko. Hinawakan niya ang kamay ko, at ang daliri ko ay dinidikit sa bibig niya.

‘What the—’

“S-sir…” sambit ko, pero ang kamay ko ay ibinaba pa niya.

Hindi naalis ang titig namin sa isa’t isa nang bumaba sa dibdib niya ang kamay ko, at napalunok ako nang ilagay niya ang palad ko sa tapat ng dibdib niya.

‘Ang bilis ng tibok ng puso niya…’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status