Umiiyak si Ciana sa loob ng bar dahil sa pagsisi niya sa sarili dahil sa pagkamatay ng pamilya niya. Buong pamilya niya kasi ang napahamak at siya na lang ang natitirang buhay. Nakailang boteng alak na siya at ramdam niya na ang hilo ngunit nais niyang mas mamanhid pa. Hanggang sa bigla niyang mamataan ang isang lalake na nakatayo sa stand table at pinanonood siya habang umiinom ito. “I-Ikaw!” malakas niyang sigaw at dinuro ang lalake. Nangunot ang noo nito at itinuro ang sarili, bilang sagot ay tumango si Ciana. “Lapit!” pinagpag ni Ciana ang espasyo sa kanyang tabi. Naglapat ang labi ng lalake at nagtatakang lumapit, ngunit nang papaupo pa lamang siya ay natigilan ang lalake nang hablutin ni Ciana ang kwelyuhan nito at halíkan. Kanina pa siya pinanonood ng lalakeng ito dahil na rin sa pag-aalala, ngunit hindi niya inaasahan na parehas silang madadala sa alak hanggang sa puntong kamuntikan na silang gumawa ng kababalaghan sa pampublikong lugar. “Are you giving yourself to
=Ciana’s Point of View= Isang buwan mula nang makabalik ako sa Pilipinas, inilakad ako ng kaibigan kong si Sasha para magtrabaho sa isang sikat at kilalang kumpanya. Pinsan daw kasi ng asawa niya ang may-ari nito. Ngayon ay nandito na ako at papasok sa opisina ng CEO na sinasabi ni Sasha sa akin. Dala ko ang mga papel at requirements. Pagkapasok ko ay ginandahan ko ang ngiti, naglakad ako papalapit, at confident na ngumiti—pero labis na nalaglag ang panga ko nang humarap ang lalake. “M-Mateo—” “Ciana?” taas-kilay niyang wika at masungit akong tinignan. “I didn’t know you’re here to apply?” Tila nabigla ako dahil hindi na malambing ang kanyang pananalita. ‘Hindi tulad noon…’ “I-I—M-My friend’s husband s-said he knows the owner of this company,” nauutal kong sabi, halos manlambot ang tuhod ko sa gwapo nitong mukha. ‘Shit! Shitttt!’ Kung sino pa ang iniiwasan, siya pa talagang makakasalubong! “Ako nga,” angil niya at itinuro ang upuan, dahilan para halos matapilok pa ako sa sob
Naalimpungatan ako nang may diretsong nag-doorbell. Tamad na tamad akong tumayo. Seriously? 5:30 A.M pa lang. Lumapit ako sa pinto at antok na antok kong binuksan ’yon.Ngunit agad akong nagising sa katotohanan nang makita si—shit, nasa iisang condo building lang pala kami! “A-Mateo—I mean, sir…” gulat na sabi ko.“Kung hindi ako maaga pupunta, baka tulog ka pa rin.” Napalunok ako nang basta-basta na lang siyang pumasok at sumalampak sa sofa.“Mag-aayos lang ako, sir. Gusto niyo po ba ng coffee? Hot chocolate?” tanong ko.“No thanks, mag-ready ka na.” Mabuti na lang at maayos ang tulog ko, dahilan para magmadali akong pumunta sa kwarto, kumuha ng pamalit, at mabilis na tumakbo sa banyo.‘Parati na lang ba akong mapapahiya sa kaniya?’Nang matapos ay mabilis kong sinuri ang buong itsura. Naglagay pa ako ng lip balm, moisturizer, at simpleng brush-up lang sa kilay para fresh look. Matapos ay lumabas ako at umakto ng normal habang pinatutuyo ang buhok gamit ang towel.“Maaga pa naman, ga
Lokong lalaki, psh nabigla ako doon, hindi ako makamove on. “The pancake tastes better, huh?” ngumiti naman ako. “But the hotdog is not, mine is better.” Napayuko ako sa sinabi niya, ito na naman eh! “Ah, ganon ba, sir?” sagot ko na lang. ’Anong mine is better! Mine is better! Wag mo nang ulit-ulitin, baka hanapin ko ‘yan at tikman! Yung MINE na brand ng hotdog, ah…’ “Pfft…” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang mahina at nagpipigil niyang tawa. “Oh sir, hotdog, baka gusto niyo pa.” Nilagyan ko pa siya sa plato niya sa inis ko at kahihiyan at the same time. ‘Sana tumigil na siya sa kaka mine is better niya…’ Nang makapag-ayos, kinuha ko ang travel bag tapos naglakad na kasabay si Mateo. Sana makamove on na siya… “Sa airport na tayo dumeretso, taxi na lang siguro,” ani pa nito. “Sure, sir, medyo kinakabahan na ako sa party,” ani ko pa. “Don’t worry, I’m on your back,” sa sagot niya ay hindi ko alam kung kikiligin o aasa na maayos kami, pero paano ko malalaman kung
Ciana’s Point of ViewDahil lunch time pa lang, nag-ayos muna ako ng pormahan at saka kinuha ko ang wallet ko. Pero pagkabukas ko ng pinto ay napatingin ako kay Mateo.Maliit lang naman kasi ako, hindi ako gano’n katangkad para sa babae at siya, matangkad na, kasi lalaki siya eh. Ha? Ano daw?Basta, sa pagkakaalam ko, his height is 6-foot something. “Let’s have lunch together,” aniya pa niya, kaya naman tumango ako.Sumunod ako sa kaniya papalabas ng kwarto. Habang naglalakad ay nasa kaniya ang lahat ng atensyon. Gwapo naman kasi talaga siya at malakas rin ang dating in his own way. “Good day, Ma’am/Sir,” ngumiti na lang ako sa bumati sa amin.Nang papasok na sa elevator, mukhang kakilala ni Mateo ang nakasakay dito. “Mr. Martinez, it’s nice to see you here.” Nakita ko ang tipid na ngiti ni Mateo.“It’s nice to see you too,” bati niya pabalik. Nang mapatingin sa akin ang lalaking ’yon, nailang ako.“Are you Ms. Vion?” Napalunok ako at magandang ngumiti sa kaniya kasabay ng pagtango.“
=Ciana’s Point Of View=Sumapit ang ala-sais nang gabi at nakapaghanda na ako, buhok na lang ang aayusin ko while Mateo is fixing his hair and coat. He looks so manly, he looks so professional.“Are you done?” tanong niya, kaya naman huminga ako nang malalim. Magpapashort hair na talaga ako next month para no need to style.Nang matapos ay tumayo na ako at naglagay ng konting pabango. Tumayo ako at hinarap si Mateo, napansin ko naman ang mga mata niya sa akin habang nakaharap siya sa salamin, kaya napalunok ako.Nakataas ang buhok niya at nakahati pa ‘yon sa gitna. Hindi ko agad naiiwas ang tingin dahil naaliw ako sa mukha niya. Napakagwapo.“Let’s go then,” aniya pa. Kinuha ko ang maliit kong pouch, tapos naglakad na. Medyo hindi ako kumportable sa takong, pero ayos na rin.“Wala ka na bang naiwan, Ciana?” tumango ako.“Wala na, Sir. Everything is ready.” Tumango siya, tapos sinenyasan niya akong sumunod.“Sa rooftop ng hotel ang venue.” Tumango na lang ako at sumunod na. Dahil nga m
Ciana’s Point of View“S-Sir Mateo…” sambit ko sa pangalan niya, nakita ko naman ang titig niya sa akin. Nang hindi niya ako magawang tignan, nagrereklamo ako at ngayon, tinititigan niya ako.‘Nagrereklamo pa rin? Tinde mo, Ciana. Ano ba talaga ang gusto mo?’“Are you okay?” Kinakabahan man, ngunit nagawa kong tumango sa tanong niya. Nang ialok sa akin ang kamay, tinanggap ko iyon, kaya naman nang ilagay niya ang kamay ko sa braso niya, mas kinabahan ako.‘Maging masaya dapat ako, di ba?’“Let’s go, baka may tama ka na sa iniinom mo.” Hindi ko man alam ang sasabihin, ngunit hindi na siya naghintay ng sagot.‘Hindi nga niya tinatanong kung bakit ko siya iniwan, bakit ako umalis nang walang paalam…’Nang makabalik, inalalayan niya rin ako sa pag-upo. Kaya naman naisipan kong kumain na lang ng chocolate na nasa harapan namin.‘May wine ang chocolate na ito, pero masarap siya…’“Okay ka lang ba, Ms. Vion?” Nilingon ko ang isang businessman na nagtanong sa akin at nginitian.“I’m good, hin
“My heart still beats like this whenever you’re around, Ciana.” Napalunok ako at napatitig lang sa mukha niya.“M-Mateo…” sambit ko sa pangalan niya, pero nakita ko ang matamis niyang ngiti, ngunit malungkot.“Naghintay pa rin ako, aminin ko man o hindi. Inantay pa rin kita, itanggi ko man o aminin.” Bigla akong nanlambot nang makita ko ang pag-kislap ng mata niya dahil namamasa na ito.“Ano bang plano ng tadhana sa atin, Vion?” Napalunok ako nang tawagin niya ako sa tawag niya sa akin noon.(Wala naman sigurong nagbabasa sa inyo ng Vion na VA-YON, di ba?)“T-Tayo ba talaga o hindi?” Hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya. Naupo ako nang maayos ngunit hinayaan siyang hawakan ang kamay ko at itapat sa dibdib niya.“Hindi ko magawang lapitan ka habang napapanood kita sa malayo, Vion. Gusto kitang tawaging ‘Vion,’ but I can’t. It reminds me of the painful waiting.” Napalunok ako nang punasan niya ang luhang tumulo sa mata ko.“It took years of waiting, Vion. Why did you have to leave me
Habang tinatapos namin ang pagkain, patuloy ang pagpaplano at asaran. Halos kalahating araw na kaming abala sa mga detalye ng kasal, pero tila hindi pa rin tapos ang lahat ng kailangan ayusin. Si Sonya at Sasha ay nagsimula nang mag-discuss ng seating arrangement, habang si Mateo naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga suppliers para sa mga huling detalye ng catering at iba pang aspeto ng reception.“Mommy, gusto ko po na malapit ako sa daddy sa reception,” sabi ni Viera habang hawak ang juice niya.“Syempre, anak. Doon ka sa tabi ko at daddy,” sagot ko, ngumiti kay Mateo na nandoon pa rin sa kanto, nakikipag-usap sa event planner.“Ako nga pala, hon, nakatanggap na ako ng tawag mula sa stylist. Naka-schedule na sila bukas ng hapon para sa fitting,” sabi ni Mateo, paglapit niya sa akin.“Wow, mabilis pala. Ayos, baka makauwi pa tayo nang maaga,” sagot ko, habang inaayos ang buhok ni Viera.“Oo, makakapahinga tayo pagkatapos ng fitting, para naman hindi tayo mabigla sa dami ng ginagawa
Pagkasabi ni Mateo na “Sa’yo kaya nangangalmot,” ay narinig naming bumalik si Sonya, bitbit ang ilang mga gown na pang-abay.“Ano bang pinag-uusapan niyo at ang iingay niyo?” tanong ni Sonya habang inilalapag ang mga damit sa sofa.“Wala! Nag-uusap lang kami ni Honey tungkol sa pagiging magaling niyang mangalmot,” sagot ni Mateo sabay tawa.“Ikaw talaga, Mateo! Grabe ka makapang-asar,” sagot ko, sabay kurot sa tagiliran niya.“Aray, ang sakit! Honey, easy lang!” reklamo niya, ngunit halata naman ang ngiti sa labi niya.“Mommy, mangalmot po?” inosenteng tanong ni Viera habang ngumunguya ng pagkain.Halos maiyak ako sa tawa, habang si Mateo ay biglang tumayo at nag-explain. “Hindi ‘yon literal, baby. Joke lang ni Mommy ‘yon. Mommy mo talaga, ang kulit!”“Bakit ba ako lagi ang nasisisi?” sagot ko, kunwari nagtatampo.Tumawa si Sasha at umupo sa tabi ni Sonya, hawak ang isang gown na kulay peach. “Ang cute niyo pa rin kahit nagtatalo! Ikaw naman, Ciana, hindi mo pa sinasabi sa akin kung a
“Hoy, gaga! Ikakasal ka na, aber! Mamili ka na ng cake mo!” sigaw ni Sasha. Kaya naman, inagaw ko ang brochure na hawak niya hanggang sa lumapit si Viera at kumandong sa akin.“Mommy, purple?” tanong niya, tinutukoy ang magandang cake na tatluhan.“Okay, this one, baby,” sabi ko sa anak ko. Masaya itong pumalakpak.“Asan po si Daddy?” tanong ni Viera.“Nag-aayos rin siya for the wedding, baby. Where are your friends?” tanong ko sa kaniya.“Mommy, lahat po sila guy. Masungit po si Klei, at naglalaro po sila ni Oliver ng games,” tila nalulungkot na sabi ng anak ko, sabay nguso.“Edi go and still play with them, baby,” sabi ko.“Klei, Oliver, let Viera join you,” utos ni Sasha sa kanila.“Tita, ayaw po niya ng car games,” sagot ni Klei.“Mommy, I really hate riding,” sagot ni Viera.“Yung mommy mo, mahilig sa pagsakay—aray! Gaga naman!” reklamo ni Sasha nang hilahin ko ang buhok niya.“Kung ano-ano na namang sinasabi mo,” inis kong sabi.“Totoo naman, ah. Hiya ka pa eh,” sabi niya, sabay
“Daddy, ang laki po ng house natin!” niyuko ko ang anak at nginitian.“Of course, baby. Do you want to see your room?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Nandito na kami sa bahay namin sa city, at si Vion ay abala sa mga bagong paso na may mga bulaklak na nakatanim.“Hon! Ipapakita ko ang room ni Viera, sama ka!” malakas na sabi ko pa.“Kayo na lang! Nagdidilig pa ako eh!” balik-sigaw niya dahil nasa garden siya, at kami ni Viera ay nasa loob.“SIGE! Diligan rin kita mamaya!” sigaw ko pabalik.“Tumahimik ka!” sigaw niya, kaya tatawa-tawa kong binuhat si Viera upang maipakita ang kwarto niya na nasa second floor ng bahay. Nang makarating sa kwarto ni Viera ay halatang mangha na mangha siya sa nakita.“Ang ganda, Daddy!” masayang sabi ni Viera, kaya naman napangiti ako.“Mabuti naman at nagustuhan mo,” aniya ko.“Opo, Daddy! I love my bed po! It’s purple!” Tumalon siya doon at hinablot ang malaking purple bear na nasa kama niya.“Thank you, Daddy!” masayang sabi ni Viera.I asked Vion abo
Sunod ko pang tinignan ang mga pictures, ngunit gano’n na lang ang pagtataka ko nang makitang muli ang sarili ko sa account ni Vion. Parati ba kaming magkasama? Tinignan ko ang date ng picture at napansing kailan lang ito, halos buwan lang ang nakalipas. Sunod-sunod kong tinignan hanggang sa mamataan ko ang pamilyar na condo sa highlights niya sa story. “Bakit panay ako?” nagtatakang tanong ko sa sarili. “Sa pad ko ata ito, ah?” takang-taka ko pang sabi sa sarili. “Bakit ko naman siya paglulutuan? Baka best friends talaga kami? Hindi man lang ba nagseselos ang asawa nito sa ’kin?” Inis na inis akong naupo at saka tumingin muli. “Ako na naman? Crush ba ’ko nito?” Sa sobrang frustration ay pinatay ko ang laptop at niyakap na lamang ang unan. ‘Bakit naman ako apektado? Ano naman kung nasa highlights niya ako?’ Makalipas ang Ilang Linggo Makalipas ang ilang linggo, naisipan kong bumalik sa condominium ko dahil naiinis lang ako sa pakikitungo sa akin ni Mom. Ang laki-laki ng galit ni
Few Days After Nandito ngayon ang doctor ni Viera upang i-update kami sa lagay niya. Mahigit limang araw na hindi niya kailangan ng dugo, at bumalik na ang kanyang sigla at lakas. Natutuwa kami dahil ilang araw na rin na hindi dinugo ang ilong niya, at hindi na rin bumaba pa ang kanyang hemoglobin level. “Ang balita ko lang naman ay maaari na siyang lumabas,” aniya ng doctor. “Ngunit bibigyan ko kayo ng mga kakailanganin niya sakaling mahilo siya o duguin ang ilong. Hindi naman gano’n kabilis bumaba ang dugo ng isang tao, pero dahil sa kondisyon niya, nababawasan ito dahil sa sobra-sobrang white blood cells na napo-produce niya.” Nakinig kaming mabuti sa kanya. “Maaari niyo nang tawagan si Doctor L, dahil siya na ang bahala kay Viera,” dagdag pa niya. Napalunok ako at tumango na lang. “Hindi pa rin magbabago ang mga suhestiyon kong kainin niya ang mga berdeng gulay, at mga pagkaing rich in iron. Sa gatas, mag-ingat tayo dahil maaaring makaapekto sa kanya ang ibang klase ng gatas. A
Ciana’s Point of View “May napapansin akong kakaiba.” Nalingon ako agad-agad kay Sasha at saka kabadong ngumiti. “K-kanino?” “Kanino pa ba? Edi sa’yo. Ano ‘yung nasa daliri mo, ha?” Napatingin sa’kin pati sila Mom at Dad, even my own daughter. “It’s a ring,” sagot ko nang diretso. “OOOHHH!” “MUKHANG ALAM NA THIS!” Napalunok ako at tumikhim na lang. Nang marinig ang nang-aasar na tawa ni Mateo, huminga ako nang malalim. “Are you going to marry Daddy na po, Mommy?” inosenteng tanong ng anak ko, kaya ngumiti ako at dahan-dahan na tumango. “YES!” “PUCHA PRE!” “IKAKASAL NA REN KAYO SA WAKAS!” “Ah… hehehehehehehehehehe…” “Comeback ‘yan, ah! Wala nang atrasan!” aniya ni Sasha. Kahit kasi sila Shion at Sonya, nandito rin, kasama si Klei na tahimik lang. Kahit si Oliver ay narito, pero abala sa pakikipag-usap sa pinsan niya. Naupo ako sa isang couch at agad namang tumabi si Mateo sa’kin, sabay akbay ng braso’t kamay. Hanggang sa nagpaalam muna sina Mom at Dad para magpahinga. “In
Ciana’s Point of View “But you’re a doctor po,” aniya ng anak ko, nanunumbat na ang bata-bata pa. “That guy will take care of you, even though he’s not a doctor.” Sa sinabi ni Luke, napangiti ako. Ang anak ko naman ay napaisip. “Sino po?” tanong ni Viera. “Si Klei.” Sa sinabi ni Luke, mahina ko siyang napalo. “LOKO KA.” “Baka lang naman. At least handa siya, Tita,” natatawang sabi ni Luke. Pero ang anak ko ay hindi nakuntento at nagpa-buhat pa kay Luke. “Ninong, do you have a girl po? I don’t know what it’s called po pero ‘yung nayayakap niyo po,” tanong ni Viera. Nangunot ang noo ko. Simula nang magkasama si Sasha at Viera, andami nang nalalaman ng anak ko. “Mm, maybe soon?” sagot ni Luke. “LOYAL!” “SI MIA ‘YAN!” sigaw ni Vince habang nakaakbay sa kanyang asawa. Natawa ako lalo na nang mamula ang mukha ni Luke. “Hindi ko nga inaasahan na magdo-doktor rin ang panganay ko. Pasaway,” sabi pa ni Vince. “Pero mukhang balak kang kalabanin ni Viera, eh. Tingin mo, Luke?” Nakinig
Ciana’s Point of View “Kamusta siya? Kakagaling lang namin sa ibaba, kinuhanan kami. Maraming bags na ’yon, aba,” saad ni Vince, kaya napangiti ako. “Salamat.” Lumapit ako sa kanila at isa-isa ko silang niyakap. “Naks, kaya pala di ako gusto. Ang gwapo ng mister,” asar ng kaibigan kong nanligaw noon. “Sus,” tugon ko. “Kamusta si Viera?” tanong ni Miyu. “Paano mo nalaman ang pangalan niya?” tanong ko, nagtataka. “Sa kaisa-isa niyang ninong,” sagot niya. Napalunok ako. “What’s up, Tita?” Napalingon ako sa nasa likuran nila. Ngumiti ako nang makita si Luke. “Hala, ang pogi-pogi at ang laki-laki mo na!” sabi ko, sabay yakap sa kanya. “Kamusta ang inaanak ko, Tita?” tanong niya, kaya itinuro ko si Viera. Nilapitan niya ito, kaya naman pinaupo muna namin ang mga bisita habang si Luke ay chine-check si Viera. Nakakatuwa dahil naka-uniporme pang doktor siya. Sila Miyu at Vince naman ay kinakausap ang mga magulang ni Mateo. “Ang laki niya na,” saad nila. “Parang kailan lang, dalaga