Share

Chapter 2

Naalimpungatan ako nang may diretsong nag-doorbell. Tamad na tamad akong tumayo. Seriously? 5:30 A.M pa lang. Lumapit ako sa pinto at antok na antok kong binuksan ’yon.

Ngunit agad akong nagising sa katotohanan nang makita si—shit, nasa iisang condo building lang pala kami! “A-Mateo—I mean, sir…” gulat na sabi ko.

“Kung hindi ako maaga pupunta, baka tulog ka pa rin.” Napalunok ako nang basta-basta na lang siyang pumasok at sumalampak sa sofa.

“Mag-aayos lang ako, sir. Gusto niyo po ba ng coffee? Hot chocolate?” tanong ko.

“No thanks, mag-ready ka na.” Mabuti na lang at maayos ang tulog ko, dahilan para magmadali akong pumunta sa kwarto, kumuha ng pamalit, at mabilis na tumakbo sa banyo.

‘Parati na lang ba akong mapapahiya sa kaniya?’

Nang matapos ay mabilis kong sinuri ang buong itsura. Naglagay pa ako ng lip balm, moisturizer, at simpleng brush-up lang sa kilay para fresh look. Matapos ay lumabas ako at umakto ng normal habang pinatutuyo ang buhok gamit ang towel.

“Maaga pa naman, gagawa na ako ng breakfast,” nakangiting sabi ko sa kaniya. Tiningnan niya ako at iniwas ang tingin.

“Sure,” sagot niya.

Kaya naman nang makapunta ako sa kwarto, kinuha ko ang pabango at naglagay nito. Aba, hindi ko naman hahayaang makuha lang siya ni Miss Carmelle—pero paano kung huli na nga ako?

Nang makapagsuklay, dumaan ako sa harap niya ngunit dumiretso sa kusina kung saan madudungaw ko siya. He looks so natural, pero iba ang dating.

Kumuha ako sa refrigerator ng pancake batter, bacon strips, itlog, at hotdog. Ito lang ang meron sa ref ko. Nang magsimulang magluto, humarap ako para silipin sana siya ngunit…

Bumulaga na siya sa kitchen stall ko. “Do you know how to cook?” tanong niya.

“Of course, naging cook rin ako sa Maldives,” sagot ko sa kaniya.

“But I saw you being a waitress?” Tumikhim ako at napaflip ng pancake.

“Halo-halo ang trabaho ko doon. Bago mo pa man ako nakilala, doon na ako nagtatrabaho. Kaibigan ko ang halos lahat doon,” sagot ko sa kaniya.

“Ahh, is that so,” sagot niya. Panay siya ng tanong pero hindi niya ako matignan sa mata, na para bang may tinatago siya sa akin.

‘Sama ng loob siguro, Ciana. Engot ka e.’

“What about strip dance?” Nalingon ko kaagad si Mateo, tapos binitiwan ko ang sandok at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

“Nakita mo ba akong sumayaw? Eh hindi nga ako marunong,” sagot ko habang napapanguso.

“Anong sasayawin ko ron, baby shark?” Pinigilan kong mainis at pinilit kong lagyan ng galang ang tinig, pero bastos na talaga ako eh.

“Ah, pwede rin,” napasinghal ako sa sagot niya.

“Maupo ka na lang doon, sir, baka mahambalos kita ng sandok,” pahinang sabi ko.

“What did you say?” Nilingon ko siya ng nakangiti.

“Kako ay sing-astig niyo ang sandok na hawak ko, napakatibay,” diniinan ko pa ang “napakatibay” kasi hindi man lang siya rumupok. Tch.

“Really? Sa sandok mo ba talaga ako kinumpara?” Palihim akong napairap tapos inilagay na ang nalutong pancake sa lagayan. Sa isang pan ay niluluto ko ang bacon dahil tapos na ang itlog, sinabay ko na rin ang hotdog.

“Favorite mo ba ang hotdog?” Napalingon ako kaagad kay Mateo. Nakahinga ako ng maluwag nang ang tinutukoy niya ay ang ref.

’Hindi ako makapaniwalang iba ang inisip ko sa tanong na ‘yon.’

“Ah, eh parang ganon na nga, sir,” sagot ko pa.

“Ang daming hotdogs rito. Really, footlong? Payat pero mahaba. Not the best,” napalunok ako sa sinabi niya.

‘Ang dumi dumi ng isip mo, Ciana. Sobra. Mahiya ka naman, kababae mong tao!’

“What’s best then?” tanong ko.

“Mine.” Agad na napaawang ang bibig ko sa sinagot niya. Nag-init ang mukha ko at halos napalunok ako nang makaramdam ng hiya.

‘Akala ko ay marumi ang isip ko, iba pala ang pinaparating ng isang to.’

“M-mali ata pagkakarinig ko,” mahina ko pang sabi. Narinig ko naman siyang natawa.

“The brand, named Mine, is the best.” Halos matampal ko ang noo sa kahihiyan nang linawin niya.

“Hindi ko alam na may Mine palang brand ng hotdog, sir. Worldwide ba ’yon?” tanong ko sa kanya, hindi siya magawang lingunin.

“Nope, only made here in the Philippines. Nag-iisa.” Halos makagat ko ang ibabang labi sa sagot niya.

“S-sige, sir, maupo na ho kayo doon,” utos ko pa sa kanya.

“Namumula ka ata. Mainit ba sa kusina mo?” tanong niya. Tch, wala siyang ideya na iba-iba na ang pumapasok sa isip ko.

‘Sarap mong buhusan ng malamig na tubig, Mateo. Jusko ka, randam ko ang pananadya mo.’

“Mainit nga, sir, nagluluto kasi ako,” aniya ko pa. Nang matapos magluto ng apat na bilog na pancake, nilagay ko na ’to sa plato namin.

“Let me help,” aniya niya pa. Tapos kinuha ang iba. Nang makaupo kami sa dining table, tumikhim siya.

“Thanks for making breakfast.” Tipid lang akong ngumiti. Hindi nakalimutan ang…

‘Hotdog daw na Mine ang brand.’

Kahit wala ako sa Pinas, alam kong walang ganon. Kumain naman siya nang prente at hindi man lang naiilang, habang ako rito, hinahati ko na ang hotdog para hindi awkward kainin.

’Baka maalala niya ang Mine na hotdog, sabihin na mas best ‘yon.’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status