=Ciana’s Point of View=
Isang buwan mula nang makabalik ako sa Pilipinas, inilakad ako ng kaibigan kong si Sasha para magtrabaho sa isang sikat at kilalang kumpanya. Pinsan daw kasi ng asawa niya ang may-ari nito. Ngayon ay nandito na ako at papasok sa opisina ng CEO na sinasabi ni Sasha sa akin. Dala ko ang mga papel at requirements. Pagkapasok ko ay ginandahan ko ang ngiti, naglakad ako papalapit, at confident na ngumiti—pero labis na nalaglag ang panga ko nang humarap ang lalake. “M-Mateo—” “Ciana?” taas-kilay niyang wika at masungit akong tinignan. “I didn’t know you’re here to apply?” Tila nabigla ako dahil hindi na malambing ang kanyang pananalita. ‘Hindi tulad noon…’ “I-I—M-My friend’s husband s-said he knows the owner of this company,” nauutal kong sabi, halos manlambot ang tuhod ko sa gwapo nitong mukha. ‘Shit! Shitttt!’ Kung sino pa ang iniiwasan, siya pa talagang makakasalubong! “Ako nga,” angil niya at itinuro ang upuan, dahilan para halos matapilok pa ako sa sobrang panghihina ng tuhod. ‘Mayaman siya?! Ang alam ko, empleyado lang siya eh…’ “Sit down,” utos niya at inilahad ang kamay. Kinakabahan at natataranta kong inabot iyon, ngunit agad kong naramdaman ang matalim niyang tingin sa akin. “Your resume and requirements, Ms. Ciana. Not your hands,” singhal niya, dahilan para napapahiya kong bawiin ang kamay at inabot ang mga papel na dala ko. Pinasadahan niya iyon ng tingin. “What is your expected salary?” taas-kilay niyang sabi, ipinapakita ang malakas niyang dating habang suot ang yayamanin niyang office attire. “I—I d-don’t know, sir…” naiilang kong sabi at huminga ng malalim sa kahihiyan. “Since you are recommended by my cousin, wala akong pagpipilian kundi ipasok ka sa posisyon na nais mo. Do better or I’ll fire you.” Masungit niyang tono habang inilalagay sa ilalim ng drawer ang mga papeles ko. “Opo…” “Know that I’m a strict boss,” pahabol niya, kaya naman bahagya akong yumuko. A WEEK LATER… Nakatulala ako sa monitor ng laptop at biglang napatampal sa noo. Hindi ko na alam ang gagawin. “So being Luciana Valentina Vion is hard, huh?” Agad akong napatayo at mabilis na yumuko nang pumasok ang boss ko. Nailang ako bigla. “Sir Mateo,” bati ko. “Do that next week, Ciana. Hindi ko rin naman matatanggap ’yan kaagad dahil flight na natin sa Cebu in two days.” Napatitig ako sa kaniya. “Yes, sir!” mabilis kong sagot, ngunit napalunok ako nang makita ang ngiti niya bago niya ako tinalikuran. ’Bakit ko nga ba iniwan ang isang ‘to nang walang paalam?’ Napabuntong-hininga ako at naupo. He’s Sebastian Mateo Martinez. Kasama siya sa Top 10 famous businessmen in Asia—sobrang gwapo, maganda ang katawan, maputi, at mabait naman talaga siya. Not until I turned him into this. Sino ba namang tanga ang aamin pabalik pero hindi kayang panindigan? Walang iba, nag-iisa akong tanga. Akala ko, pagbalik ko, maayos pa namin ang lahat nang sinimulan noon. But three years ago, I was a coward. Malapit na ang flight namin papuntang Cebu, at sobra talaga akong kinakabahan para sa Business Party na ‘yun. Sana ay huwag akong mailang dahil kasama ko si Mateo papunta roon. “Miss Ciana, pinatatawag ka na naman ni Sir Mateo.” Napalunok ako at napabuntong-hininga. Bukas na nga ang alis namin, hindi pa niya ipagpabukas ang sasabihin. Naglakad ako papunta sa opisina ni Mateo. Hinatid ako ng secretary niya, at pagkapasok ko ay bahagya akong yumuko. “Sir Mateo,” bati ko. Tinignan niya ako, tapos nag-focus na naman sa laptop niya. “Sit down, Miss Ciana,” utos niya. Sobrang bossy. Hindi mawawala ang pagiging maawtoridad niya. Nakasimpleng long-sleeved polo lang siyang puti at necktie, pero sobrang hot niyang tignan. “Are you sure you’re ready for tomorrow? What about your dress for the party?” Napalunok ako. Oo nga pala. “Gagamitin ko na lang sigu—” “Come with me. Hindi pwedeng hindi ka presentable tomorrow night.” Sinabi niya iyon habang hindi ako tinitignan. Nang maisave ang back-up file para sa trabaho niya, tumayo siya, dahilan para mapatayo ako. “S-Saan, sir?” tanong ko. “Sa isang store kung saan ka makakakita ng susuotin mo para bukas,” aniya ni Mateo, tapos may kinuha pa siya at sinenyasan ako. “K-Kukuha muna ako ng pera si—” “I’m on it. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka naman madadawit dito. This is for company purposes.” Napalunok ako, tapos mabilis na sumunod sa kaniya. Nagulat kami nang tinignan ng ibang empleyado, pero wala na akong nagawa at sumunod na lang. Matangkad siya kaya paano ko mahahabol ang malalaking hakbang niya. “Faster,” utos niya, kaya naman naglakad-takbo ako. Nang makarating sa elevator, napalunok ako at inililibot ang paningin sa buong paligid sa pagkailang. “Will you act normal? Don’t be too intimidated,” tila naiirita niyang sabi, kaya tumikhim ako. “Yes, sir!” mabilis kong sagot, nahihiya na rin akong tawagin siyang ‘sir.’ ‘Kala mo ay hindi namin inungol ang pangalan ng isa’t isa tatlong taon ang nakalipas…’ Nasa parking lot na kami, at binuksan ko ang sasakyan niya. Sumakay na ako, gayundin siya. Habang tinatahak ang daan, hindi ko nagawang magsalita. Nakakakaba ang presensya niya. Kung noon ay ayos lang sa akin ang lahat, ngayon ay hindi na. Nagbago rin siya ng sobra. Hindi na siya palangiti tulad nang dati. ‘I know it’s my fault.’ “D-Dito na, sir?” tanong ko. Napalunok ako nang marating namin ang isang store kung saan sikat ang designer at sobrang mahal ng mga damit rito. Yung naipon ko ata, hindi sapat para sa sampung gown dito. Kahit sapatos, kuminang sa mga mata ko. Parang sa tuwing isang gasgas, malaki na agad ang babayaran mo. “Follow me. Hindi mo makukuha ang mga ’yan sa patitig-titig mo lang.” Napalunok ako at sumunod kay Mateo papasok sa store. “Good morning, Sir Mateo!” “Welcome back, Sir Mateo!” Napalunok ako nang batiin siya ng mga staff dito na ang gaganda rin ng suot. Mas nagandahan pa ako nang makita ang chandelier sa loob ng store—so precious. “For a party, formal please,” nakangiting aniya ni Mateo, agad akong tinignan at nginitian ng mga staff. “Go with them, I’ll wait over there.” Tinuro pa ni Mateo ang upuan kaya sumama na ako sa mga staff. Nang makarating kami sa mga gown—no way, hindi naman siguro ako magsusuot ng sexy formal dress, right? “Night party, ma’am?” tanong ng isa. Tumango na lang ako bilang sagot. Maya-maya ay nakakuha na sila ng isusukat ko. Bago iyon, pinunta nila ako sa harap ni Mateo. Hindi ko alam ang gagawin nang titigan niya ako mula paa hanggang ulo. Yes, pataas! Ang ganda ng pagkakaupo niya, prenteng-prente, at masasabi kong hot. “Susukatin po muna namin ang katawan ninyo,” aniya ng staff. ‘Seriously?! Sa harap niya?!’ Ang maluwag kong office uniform ay biglang naging fitted nang sukatin nila ako. Bumakat ang katawan ko, at nag-iwas tingin naman si Mateo, saka tumingin na lang ng magazines. “Ang magaling kong customer, bumisita.” Kusa kong nalingon ang magandang babaeng nagsalita. Sobrang ganda niya, sobrang fire ang fashion niya at… Shit, model ba siya? “Well, well, well…” aniya pa ng babae. Napalunok ako nang lumapit siya kay Mateo at yumakap. Napaiwas ako ng tingin at tinignan na lang ang mga damit. “So, why did you come?” tanong ng babae. Ngumiti naman si Mateo sa kaniya at nang lingunin ako ay agad akong nag-iwas ng tingin. “Pinaayos ko lang yung susuotin ng employee ko for tomorrow night, you know, business,” sagot ni Mateo. ‘Employee? Tch. Pwede namang kaibigan diba? Ayaw niyang dinedeny siya pero psh.’ “Mm, I’ll do this then. Teka, ano bang babagay sa’yo?” napatitig ako sa babae nang titigan niya ako mula ulo hanggang paa. “I knew it! Teka lang, I’ll go and get my new stocks for my favorite customer,” nakangiti siyang sabi, kaya napilitan akong ngumiti. Sobrang ganda niya, sobrang perfect! Clear skin, maputi, at bagay talaga sila ni Mateo. Napanguso na lang ako sa naisip. Maya-maya ay dumating na ang babae na may dalang paper bag. “Can you tie your hair for me?” nakangiti at maayos niyang sabi. Kinuha ko ang inabot ng staff na hair tie. Halatang bago, kaya inilagay ko ito sa bibig ko at itinaas ang buhok ko, inayos. Nang tingnan ko si Mateo, nakatitig siya sa akin kaya napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin. Nang maitali ko ang buhok, humarap ako sa babae. “I’m Carmelle, the owner of this store, kaya trust me,” matamis niyang sabi, kaya tipid akong ngumiti. Nang makapasok sa fitting room, tinulungan niya akong magbihis. Pagkatapos, nauna siyang lumabas, tapos napalunok ako sa suot ko. It’s too sexy… “Miss Ciana! Come here.” Aniya ni Carmelle, kaya lumabas na ako. Naka-paa, napanguso ako nang matawa si Mateo sa tuwid kong pagtayo. “What about her shoes?” tanong ni Mateo. Naisip ni Carmelle, saka siya tumingin sa paligid ng store. “Get me the red one, para bumagay sa black dress niya.” Fitted ang black dress kaya kita ang katawan ko. Nang makuha ang sapatos, napalunok ako nang makita ang 5-inch heels na pula. Pinasuot nila sa akin. “G-Ganito po kataas?” tanong ko. “Yes, that suits you better,” nakangiting sabi niya, kaya hindi ko na magawang magreklamo. “Any make-up will do, light, dark—maganda ka naman,” nakaramdam ako ng hiya nang sabihin niya iyon. “So, what about this, Mateo?” Sinuri ako ni Mateo. Tumayo pa siya. “Of course, ikaw ang magaling rito. Ikaw ang magdesisyon.” Nagpalitan pa sila ng ngiti. Kung pwede lang umirap, ginawa ko na. “Then that’s it. Ayusin ko na. Tara, magbihis ka na, Miss Ciana,” nakangiting sabi ni Carmelle, kaya sumunod ako sa kaniya at nagpalit na. Nang maayos na ang lahat, inayos ko ang tuck-in ng white long-sleeve polo ko sa itim na fitted skirt. Tapos ay lumabas na ako. Agad akong nadismaya nang makita ko si Mateo na naka-akbay kay Carmelle. ‘Grabe, sana pumunta na lang sila sa park, diba?’ “Okay na po ako,” maayos at mahinhin kong sabi sa kanila. Nilingon naman nila ako. Normal na normal ang ngiti sa akin ni Miss Carmelle, pero hindi ko iyon napalitan ng kasing-sincere nang kaniya. ‘Tch, parati na lang akong no match sa mga babaeng nagugustuhan ng mga lalaking nagugustuhan ko.’ “Let’s go. Carmelle, text me later,” aniya pa ni Mateo kay Miss Carmelle. ‘Edi wow, mawalan sana kayo ng signal.’ Sumunod na ako kay Mateo, dala-dala ang dalawang paper bag, at nang makarating sa sasakyan niya, basta-basta na lang akong pumasok. “Nakakahiya naman, sir,” mahinang sabi ko. “That’s nothing, para sa kumpanya naman,” seryoso niyang sagot. Nawala ang kaninang ngiti na suot-suot at napalitan ng alam niyo ’yung parang terror boss pero gwapo. “Bukas nang 6 A.M, I’ll fetch you para walang takas,” napalunok ako. “Baka mawala ka na naman nang walang paalam,” agad ko siyang nalingon sa sinabi, at basta-basta na lang akong napanguso sa kahihiyan. “Sige po, sir,” mahinang sagot ko. “B-bakit po pala two days? Eh bukas naman po ’yung party, makakauwi rin tayo aft—” “Hindi tayo makakauwi nang lasing, at after the party, tomorrow night pa tayo makakauwi dahil may pakulo ang mga businessman doon,” sagot niya sa akin. “Formal po ba ang susuotin after the party?” tanong ko. “Nope, wear anything na aakma sa beach.” Pajama tapos longsleeve, aakma ’yon, ngiwing sabi ko sa sarili. “Yes, sir,” sagot ko na lang. Ang kapal ng mukha ko nang una akong nandito sa company niya kasi akala ko okay pa rin kami pero hindi pala. Late ko narealize na mali talaga ang ginawa kong pag-alis nang walang paalam, inisip lang ang sariling nararamdaman at hindi ang kaniya. ‘Lesson learned. Huwag maging selfish gaano man kasakit ang nararamdaman mo, ano mang rason mo, lalo na kung sigurado kang magsisisi ka sa huli.’Naalimpungatan ako nang may diretsong nag-doorbell. Tamad na tamad akong tumayo. Seriously? 5:30 A.M pa lang. Lumapit ako sa pinto at antok na antok kong binuksan ’yon.Ngunit agad akong nagising sa katotohanan nang makita si—shit, nasa iisang condo building lang pala kami! “A-Mateo—I mean, sir…” gulat na sabi ko.“Kung hindi ako maaga pupunta, baka tulog ka pa rin.” Napalunok ako nang basta-basta na lang siyang pumasok at sumalampak sa sofa.“Mag-aayos lang ako, sir. Gusto niyo po ba ng coffee? Hot chocolate?” tanong ko.“No thanks, mag-ready ka na.” Mabuti na lang at maayos ang tulog ko, dahilan para magmadali akong pumunta sa kwarto, kumuha ng pamalit, at mabilis na tumakbo sa banyo.‘Parati na lang ba akong mapapahiya sa kaniya?’Nang matapos ay mabilis kong sinuri ang buong itsura. Naglagay pa ako ng lip balm, moisturizer, at simpleng brush-up lang sa kilay para fresh look. Matapos ay lumabas ako at umakto ng normal habang pinatutuyo ang buhok gamit ang towel.“Maaga pa naman, ga
Lokong lalaki, psh nabigla ako doon, hindi ako makamove on. “The pancake tastes better, huh?” ngumiti naman ako. “But the hotdog is not, mine is better.” Napayuko ako sa sinabi niya, ito na naman eh! “Ah, ganon ba, sir?” sagot ko na lang. ’Anong mine is better! Mine is better! Wag mo nang ulit-ulitin, baka hanapin ko ‘yan at tikman! Yung MINE na brand ng hotdog, ah…’ “Pfft…” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang mahina at nagpipigil niyang tawa. “Oh sir, hotdog, baka gusto niyo pa.” Nilagyan ko pa siya sa plato niya sa inis ko at kahihiyan at the same time. ‘Sana tumigil na siya sa kaka mine is better niya…’ Nang makapag-ayos, kinuha ko ang travel bag tapos naglakad na kasabay si Mateo. Sana makamove on na siya… “Sa airport na tayo dumeretso, taxi na lang siguro,” ani pa nito. “Sure, sir, medyo kinakabahan na ako sa party,” ani ko pa. “Don’t worry, I’m on your back,” sa sagot niya ay hindi ko alam kung kikiligin o aasa na maayos kami, pero paano ko malalaman kung
Ciana’s Point of ViewDahil lunch time pa lang, nag-ayos muna ako ng pormahan at saka kinuha ko ang wallet ko. Pero pagkabukas ko ng pinto ay napatingin ako kay Mateo.Maliit lang naman kasi ako, hindi ako gano’n katangkad para sa babae at siya, matangkad na, kasi lalaki siya eh. Ha? Ano daw?Basta, sa pagkakaalam ko, his height is 6-foot something. “Let’s have lunch together,” aniya pa niya, kaya naman tumango ako.Sumunod ako sa kaniya papalabas ng kwarto. Habang naglalakad ay nasa kaniya ang lahat ng atensyon. Gwapo naman kasi talaga siya at malakas rin ang dating in his own way. “Good day, Ma’am/Sir,” ngumiti na lang ako sa bumati sa amin.Nang papasok na sa elevator, mukhang kakilala ni Mateo ang nakasakay dito. “Mr. Martinez, it’s nice to see you here.” Nakita ko ang tipid na ngiti ni Mateo.“It’s nice to see you too,” bati niya pabalik. Nang mapatingin sa akin ang lalaking ’yon, nailang ako.“Are you Ms. Vion?” Napalunok ako at magandang ngumiti sa kaniya kasabay ng pagtango.“
=Ciana’s Point Of View=Sumapit ang ala-sais nang gabi at nakapaghanda na ako, buhok na lang ang aayusin ko while Mateo is fixing his hair and coat. He looks so manly, he looks so professional.“Are you done?” tanong niya, kaya naman huminga ako nang malalim. Magpapashort hair na talaga ako next month para no need to style.Nang matapos ay tumayo na ako at naglagay ng konting pabango. Tumayo ako at hinarap si Mateo, napansin ko naman ang mga mata niya sa akin habang nakaharap siya sa salamin, kaya napalunok ako.Nakataas ang buhok niya at nakahati pa ‘yon sa gitna. Hindi ko agad naiiwas ang tingin dahil naaliw ako sa mukha niya. Napakagwapo.“Let’s go then,” aniya pa. Kinuha ko ang maliit kong pouch, tapos naglakad na. Medyo hindi ako kumportable sa takong, pero ayos na rin.“Wala ka na bang naiwan, Ciana?” tumango ako.“Wala na, Sir. Everything is ready.” Tumango siya, tapos sinenyasan niya akong sumunod.“Sa rooftop ng hotel ang venue.” Tumango na lang ako at sumunod na. Dahil nga m
Ciana’s Point of View“S-Sir Mateo…” sambit ko sa pangalan niya, nakita ko naman ang titig niya sa akin. Nang hindi niya ako magawang tignan, nagrereklamo ako at ngayon, tinititigan niya ako.‘Nagrereklamo pa rin? Tinde mo, Ciana. Ano ba talaga ang gusto mo?’“Are you okay?” Kinakabahan man, ngunit nagawa kong tumango sa tanong niya. Nang ialok sa akin ang kamay, tinanggap ko iyon, kaya naman nang ilagay niya ang kamay ko sa braso niya, mas kinabahan ako.‘Maging masaya dapat ako, di ba?’“Let’s go, baka may tama ka na sa iniinom mo.” Hindi ko man alam ang sasabihin, ngunit hindi na siya naghintay ng sagot.‘Hindi nga niya tinatanong kung bakit ko siya iniwan, bakit ako umalis nang walang paalam…’Nang makabalik, inalalayan niya rin ako sa pag-upo. Kaya naman naisipan kong kumain na lang ng chocolate na nasa harapan namin.‘May wine ang chocolate na ito, pero masarap siya…’“Okay ka lang ba, Ms. Vion?” Nilingon ko ang isang businessman na nagtanong sa akin at nginitian.“I’m good, hin
“My heart still beats like this whenever you’re around, Ciana.” Napalunok ako at napatitig lang sa mukha niya.“M-Mateo…” sambit ko sa pangalan niya, pero nakita ko ang matamis niyang ngiti, ngunit malungkot.“Naghintay pa rin ako, aminin ko man o hindi. Inantay pa rin kita, itanggi ko man o aminin.” Bigla akong nanlambot nang makita ko ang pag-kislap ng mata niya dahil namamasa na ito.“Ano bang plano ng tadhana sa atin, Vion?” Napalunok ako nang tawagin niya ako sa tawag niya sa akin noon.(Wala naman sigurong nagbabasa sa inyo ng Vion na VA-YON, di ba?)“T-Tayo ba talaga o hindi?” Hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya. Naupo ako nang maayos ngunit hinayaan siyang hawakan ang kamay ko at itapat sa dibdib niya.“Hindi ko magawang lapitan ka habang napapanood kita sa malayo, Vion. Gusto kitang tawaging ‘Vion,’ but I can’t. It reminds me of the painful waiting.” Napalunok ako nang punasan niya ang luhang tumulo sa mata ko.“It took years of waiting, Vion. Why did you have to leave me
Ciana’s Point of ViewI just came back to my senses after hearing some loud noises outside our hotel room. Napatakip ako sa katawan at hinila ang comforter nang matagpuan ang sarili kong nakahubad.“Tch, wait for me there…” Kusang pumikit ang mga mata ko nang yumuko siya at hinalikan ako sa noo. Mabilis siyang nagsuot ng bathrobe at tinali ito, tapos lumapit sa pinto.“What’s happening?” I heard his voice. Nakagat ko ang ibabang labi nang maalala ang mga nangyari.‘I’m not a… Shit!’Napayuko ako at napahawak sa mukha ko. May nangyari nga sa amin… Shit…‘You’re stupid! Yes, I am stupid! Nasaan ang pag-iwas doon, Ciana? Binigyan mo siya ng hope…’“Ganun ba? Okay, I thought there was an emergency.” Nang bumalik si Mateo, nahiya ako. Yumuko ako habang kagat ang labi.Nang maupo siya sa tabi ko, hindi ko siya magawang tignan.“V-Vion…” Kapalunok ako nang tawagin niya ako.“I-I’m sorry… N-nagpadala ako sa nararamdaman…” Nakagat ko nang sobrang diin ang ibabang labi hanggang sa makaramdam ak
Here’s the corrected version of your text with improved punctuation and capitalization:Nang may kumatok sa hotel room namin, tumayo ako at pinilit maglakad nang maayos. Nasasanay naman ako, kaya hindi mahirap.“Let me help you,” ani ko sa waiter, tapos tumulong rin si Mateo.“Where’s my bill?” tanong ni Mateo, kaya naman pumunta ako sa kama ko at inabot ang wallet.“I’ll pay for it,” sambit ko.“No, I’m on it,” ani pa ni Mateo, tapos nagbayad.“Keep the change,” nakangiting sabi niya. Nagpasalamat naman ang lalaki at mabilis na umalis, kaya naman napangiti ako nang makita ang food ngunit agad na natigilan nang may suso shell na naman rito.“Let’s eat.” Naupo kami sa maliit na dining table, tapos napalunok ako nang pagsilbihan niya ako.“No need, sir, ako na,” ngiting sabi ko pa, pero ngumiti siya.“I’m on it, honey.” Hindi ako makapaniwalang tinitigan siya.“Stop calling me that, sir. I’m just one of your employees.” Sinulyapan niya ako habang nakangiti.“Should I make you my wife th
Ang ngiti sa labi ko ay hindi nawala nang sunduin ako ni Mateo at hawakan ako sa kamay.“I want to curse so bad. You’re so beautiful, honey,” aniya, kaya mahina akong natawa.“Ang gwapo-gwapo mo rin, hon,” sabi ko sa kaniya.“Pinaghandaan ko ’to,” sagot niya habang nakangiti.Nang marating namin ang pinakaharap ng aisle, ngumiti kami kay Father nang lumabas siya mula sa pinanggalingan niya. Dinasalan muna kami, at tumagal iyon ng ilang minuto bago niya kami hinarap upang simulan na ang kasalan.The wedding proceeds at this point.“Sebastian Mateo Martinez, do you take Ciana Vion to be your lawful wedded wife?” Magkaharap kami ngayon. Ngumiti si Mateo at nilingon si Father.“I do,” he answered.“Ciana Vion, do you take Sebastian Mateo Martinez to be your lawful wedded husband?” the priest asked me.Ngumiti muna ako. “I do, Father.”“Do you promise to love and cherish her/him, in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, and forsaking all others, keep yourself o
Wedding Day“Oh, hija, don’t cry na. I’m sure your parents are happy for you,” nginitian ko si Mom, ang mother ni Mateo. Pinunasan nito ang luha ko.“Aayusan ka na oh. Huwag nang iiyak, baka pumanget ka niyan.” Natawa ako sa sinabi ni Mom at ngumiti.“Grabe naman po,” tumawa rin sila ni Dad.“At dahil ikakasal na ang anak namin, masayang-masaya kami para sa inyong dalawa, hija.” Ngumiti ako at tumango-tango.“Salamat po, Mom, Dad.” Yumakap ako sa kanila bago pa man sila umalis, at sinimulan na akong ayusan ng make-up artist.Habang inaayusan, huminga ako ng malalim. Matatapos na. Hindi ko mawari kung bakit ako sobrang kinakabahan. Dahil siguro ikakasal na ako? Ang matagal kong pinakahihintay, eto na.“Ma’am, finish na po.” Nang sambitin niya iyon, sobra-sobra talaga ang kaba kong tumayo.“Gaga!” Nalingon ko si Sasha.“OMG, this is it!” nakangiti niyang sabi, kaya tumango-tango ako.“Eto na nga,” aniya ko.“Hinihintay ka na ng groom mo! Gaga, spoil na kita ha—ang gwapo niya!” Natawa ak
Ciana’s Point of View Dumating ang araw na pinakahihintay naming dalawa, ngunit dahil matoyo ang mga kaibigan namin, sa mismong araw ng kasal ay hindi nila kami pinagkitang dalawa. Ayon sa kanila, baka raw hindi matuloy ang kasal kung magkikita kami bago ang seremonya. Sila rin daw ang nag-asikaso ng venue. Si Viera naman ay iniwan muna sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Kasama ko ngayon sina Sasha at Sonya, pati na rin ang kanilang mga anak, dito sa bahay ng mga magulang ni Mateo. Kahit ang mga asawa nila ay nandoon rin. “Bakit ba kasi tayong tatlo lang? Sana nandito na rin si Viera,” reklamo ko habang nagmumukmok sa kanila. Inabutan naman nila ako ng wine habang magaganda ang kanilang ngiti. “May nangyari ba ulit sa inyo netong nakaraan?” tanong ni Sonya, kaya naman agad na umawang ang labi ko. “Wala. Busy kami eh,” sagot ko, pilit na iniwasan ang usapan. “Kailan yung last?” tanong ulit ni Sonya, nakangisi pa. “Matagal na… three years ago,” pag-amin ko, sabay tingin sa
Habang tinatapos namin ang pagkain, patuloy ang pagpaplano at asaran. Halos kalahating araw na kaming abala sa mga detalye ng kasal, pero tila hindi pa rin tapos ang lahat ng kailangan ayusin. Si Sonya at Sasha ay nagsimula nang mag-discuss ng seating arrangement, habang si Mateo naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga suppliers para sa mga huling detalye ng catering at iba pang aspeto ng reception.“Mommy, gusto ko po na malapit ako sa daddy sa reception,” sabi ni Viera habang hawak ang juice niya.“Syempre, anak. Doon ka sa tabi ko at daddy,” sagot ko, ngumiti kay Mateo na nandoon pa rin sa kanto, nakikipag-usap sa event planner.“Ako nga pala, hon, nakatanggap na ako ng tawag mula sa stylist. Naka-schedule na sila bukas ng hapon para sa fitting,” sabi ni Mateo, paglapit niya sa akin.“Wow, mabilis pala. Ayos, baka makauwi pa tayo nang maaga,” sagot ko, habang inaayos ang buhok ni Viera.“Oo, makakapahinga tayo pagkatapos ng fitting, para naman hindi tayo mabigla sa dami ng ginagawa
Pagkasabi ni Mateo na “Sa’yo kaya nangangalmot,” ay narinig naming bumalik si Sonya, bitbit ang ilang mga gown na pang-abay.“Ano bang pinag-uusapan niyo at ang iingay niyo?” tanong ni Sonya habang inilalapag ang mga damit sa sofa.“Wala! Nag-uusap lang kami ni Honey tungkol sa pagiging magaling niyang mangalmot,” sagot ni Mateo sabay tawa.“Ikaw talaga, Mateo! Grabe ka makapang-asar,” sagot ko, sabay kurot sa tagiliran niya.“Aray, ang sakit! Honey, easy lang!” reklamo niya, ngunit halata naman ang ngiti sa labi niya.“Mommy, mangalmot po?” inosenteng tanong ni Viera habang ngumunguya ng pagkain.Halos maiyak ako sa tawa, habang si Mateo ay biglang tumayo at nag-explain. “Hindi ‘yon literal, baby. Joke lang ni Mommy ‘yon. Mommy mo talaga, ang kulit!”“Bakit ba ako lagi ang nasisisi?” sagot ko, kunwari nagtatampo.Tumawa si Sasha at umupo sa tabi ni Sonya, hawak ang isang gown na kulay peach. “Ang cute niyo pa rin kahit nagtatalo! Ikaw naman, Ciana, hindi mo pa sinasabi sa akin kung a
“Hoy, gaga! Ikakasal ka na, aber! Mamili ka na ng cake mo!” sigaw ni Sasha. Kaya naman, inagaw ko ang brochure na hawak niya hanggang sa lumapit si Viera at kumandong sa akin.“Mommy, purple?” tanong niya, tinutukoy ang magandang cake na tatluhan.“Okay, this one, baby,” sabi ko sa anak ko. Masaya itong pumalakpak.“Asan po si Daddy?” tanong ni Viera.“Nag-aayos rin siya for the wedding, baby. Where are your friends?” tanong ko sa kaniya.“Mommy, lahat po sila guy. Masungit po si Klei, at naglalaro po sila ni Oliver ng games,” tila nalulungkot na sabi ng anak ko, sabay nguso.“Edi go and still play with them, baby,” sabi ko.“Klei, Oliver, let Viera join you,” utos ni Sasha sa kanila.“Tita, ayaw po niya ng car games,” sagot ni Klei.“Mommy, I really hate riding,” sagot ni Viera.“Yung mommy mo, mahilig sa pagsakay—aray! Gaga naman!” reklamo ni Sasha nang hilahin ko ang buhok niya.“Kung ano-ano na namang sinasabi mo,” inis kong sabi.“Totoo naman, ah. Hiya ka pa eh,” sabi niya, sabay
“Daddy, ang laki po ng house natin!” niyuko ko ang anak at nginitian.“Of course, baby. Do you want to see your room?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Nandito na kami sa bahay namin sa city, at si Vion ay abala sa mga bagong paso na may mga bulaklak na nakatanim.“Hon! Ipapakita ko ang room ni Viera, sama ka!” malakas na sabi ko pa.“Kayo na lang! Nagdidilig pa ako eh!” balik-sigaw niya dahil nasa garden siya, at kami ni Viera ay nasa loob.“SIGE! Diligan rin kita mamaya!” sigaw ko pabalik.“Tumahimik ka!” sigaw niya, kaya tatawa-tawa kong binuhat si Viera upang maipakita ang kwarto niya na nasa second floor ng bahay. Nang makarating sa kwarto ni Viera ay halatang mangha na mangha siya sa nakita.“Ang ganda, Daddy!” masayang sabi ni Viera, kaya naman napangiti ako.“Mabuti naman at nagustuhan mo,” aniya ko.“Opo, Daddy! I love my bed po! It’s purple!” Tumalon siya doon at hinablot ang malaking purple bear na nasa kama niya.“Thank you, Daddy!” masayang sabi ni Viera.I asked Vion abo
Sunod ko pang tinignan ang mga pictures, ngunit gano’n na lang ang pagtataka ko nang makitang muli ang sarili ko sa account ni Vion. Parati ba kaming magkasama? Tinignan ko ang date ng picture at napansing kailan lang ito, halos buwan lang ang nakalipas. Sunod-sunod kong tinignan hanggang sa mamataan ko ang pamilyar na condo sa highlights niya sa story. “Bakit panay ako?” nagtatakang tanong ko sa sarili. “Sa pad ko ata ito, ah?” takang-taka ko pang sabi sa sarili. “Bakit ko naman siya paglulutuan? Baka best friends talaga kami? Hindi man lang ba nagseselos ang asawa nito sa ’kin?” Inis na inis akong naupo at saka tumingin muli. “Ako na naman? Crush ba ’ko nito?” Sa sobrang frustration ay pinatay ko ang laptop at niyakap na lamang ang unan. ‘Bakit naman ako apektado? Ano naman kung nasa highlights niya ako?’ Makalipas ang Ilang Linggo Makalipas ang ilang linggo, naisipan kong bumalik sa condominium ko dahil naiinis lang ako sa pakikitungo sa akin ni Mom. Ang laki-laki ng galit ni
Few Days After Nandito ngayon ang doctor ni Viera upang i-update kami sa lagay niya. Mahigit limang araw na hindi niya kailangan ng dugo, at bumalik na ang kanyang sigla at lakas. Natutuwa kami dahil ilang araw na rin na hindi dinugo ang ilong niya, at hindi na rin bumaba pa ang kanyang hemoglobin level. “Ang balita ko lang naman ay maaari na siyang lumabas,” aniya ng doctor. “Ngunit bibigyan ko kayo ng mga kakailanganin niya sakaling mahilo siya o duguin ang ilong. Hindi naman gano’n kabilis bumaba ang dugo ng isang tao, pero dahil sa kondisyon niya, nababawasan ito dahil sa sobra-sobrang white blood cells na napo-produce niya.” Nakinig kaming mabuti sa kanya. “Maaari niyo nang tawagan si Doctor L, dahil siya na ang bahala kay Viera,” dagdag pa niya. Napalunok ako at tumango na lang. “Hindi pa rin magbabago ang mga suhestiyon kong kainin niya ang mga berdeng gulay, at mga pagkaing rich in iron. Sa gatas, mag-ingat tayo dahil maaaring makaapekto sa kanya ang ibang klase ng gatas. A