I’m sorry for the very late update. I know most of you are disappointed. Nagkasakit ako and even right now I’m not yet well. I have a painful lump or cyst on my body. Hindi ko na sasabihin kung saan, pasensya na. I will try to update a lot once I’m better! Thank you for patiently waiting. 💞
Wedding Day“Oh, hija, don’t cry na. I’m sure your parents are happy for you,” nginitian ko si Mom, ang mother ni Mateo. Pinunasan nito ang luha ko.“Aayusan ka na oh. Huwag nang iiyak, baka pumanget ka niyan.” Natawa ako sa sinabi ni Mom at ngumiti.“Grabe naman po,” tumawa rin sila ni Dad.“At dahil ikakasal na ang anak namin, masayang-masaya kami para sa inyong dalawa, hija.” Ngumiti ako at tumango-tango.“Salamat po, Mom, Dad.” Yumakap ako sa kanila bago pa man sila umalis, at sinimulan na akong ayusan ng make-up artist.Habang inaayusan, huminga ako ng malalim. Matatapos na. Hindi ko mawari kung bakit ako sobrang kinakabahan. Dahil siguro ikakasal na ako? Ang matagal kong pinakahihintay, eto na.“Ma’am, finish na po.” Nang sambitin niya iyon, sobra-sobra talaga ang kaba kong tumayo.“Gaga!” Nalingon ko si Sasha.“OMG, this is it!” nakangiti niyang sabi, kaya tumango-tango ako.“Eto na nga,” aniya ko.“Hinihintay ka na ng groom mo! Gaga, spoil na kita ha—ang gwapo niya!” Natawa ak
Ang ngiti sa labi ko ay hindi nawala nang sunduin ako ni Mateo at hawakan ako sa kamay.“I want to curse so bad. You’re so beautiful, honey,” aniya, kaya mahina akong natawa.“Ang gwapo-gwapo mo rin, hon,” sabi ko sa kaniya.“Pinaghandaan ko ’to,” sagot niya habang nakangiti.Nang marating namin ang pinakaharap ng aisle, ngumiti kami kay Father nang lumabas siya mula sa pinanggalingan niya. Dinasalan muna kami, at tumagal iyon ng ilang minuto bago niya kami hinarap upang simulan na ang kasalan.The wedding proceeds at this point.“Sebastian Mateo Martinez, do you take Ciana Vion to be your lawful wedded wife?” Magkaharap kami ngayon. Ngumiti si Mateo at nilingon si Father.“I do,” he answered.“Ciana Vion, do you take Sebastian Mateo Martinez to be your lawful wedded husband?” the priest asked me.Ngumiti muna ako. “I do, Father.”“Do you promise to love and cherish her/him, in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, and forsaking all others, keep yourself o
Umiiyak si Ciana sa loob ng bar dahil sa pagsisi niya sa sarili dahil sa pagkamatay ng pamilya niya. Buong pamilya niya kasi ang napahamak at siya na lang ang natitirang buhay. Nakailang boteng alak na siya at ramdam niya na ang hilo ngunit nais niyang mas mamanhid pa. Hanggang sa bigla niyang mamataan ang isang lalake na nakatayo sa stand table at pinanonood siya habang umiinom ito. “I-Ikaw!” malakas niyang sigaw at dinuro ang lalake. Nangunot ang noo nito at itinuro ang sarili, bilang sagot ay tumango si Ciana. “Lapit!” pinagpag ni Ciana ang espasyo sa kanyang tabi. Naglapat ang labi ng lalake at nagtatakang lumapit, ngunit nang papaupo pa lamang siya ay natigilan ang lalake nang hablutin ni Ciana ang kwelyuhan nito at halíkan. Kanina pa siya pinanonood ng lalakeng ito dahil na rin sa pag-aalala, ngunit hindi niya inaasahan na parehas silang madadala sa alak hanggang sa puntong kamuntikan na silang gumawa ng kababalaghan sa pampublikong lugar. “Are you giving yourself to
=Ciana’s Point of View= Isang buwan mula nang makabalik ako sa Pilipinas, inilakad ako ng kaibigan kong si Sasha para magtrabaho sa isang sikat at kilalang kumpanya. Pinsan daw kasi ng asawa niya ang may-ari nito. Ngayon ay nandito na ako at papasok sa opisina ng CEO na sinasabi ni Sasha sa akin. Dala ko ang mga papel at requirements. Pagkapasok ko ay ginandahan ko ang ngiti, naglakad ako papalapit, at confident na ngumiti—pero labis na nalaglag ang panga ko nang humarap ang lalake. “M-Mateo—” “Ciana?” taas-kilay niyang wika at masungit akong tinignan. “I didn’t know you’re here to apply?” Tila nabigla ako dahil hindi na malambing ang kanyang pananalita. ‘Hindi tulad noon…’ “I-I—M-My friend’s husband s-said he knows the owner of this company,” nauutal kong sabi, halos manlambot ang tuhod ko sa gwapo nitong mukha. ‘Shit! Shitttt!’ Kung sino pa ang iniiwasan, siya pa talagang makakasalubong! “Ako nga,” angil niya at itinuro ang upuan, dahilan para halos matapilok pa ako sa sob
Naalimpungatan ako nang may diretsong nag-doorbell. Tamad na tamad akong tumayo. Seriously? 5:30 A.M pa lang. Lumapit ako sa pinto at antok na antok kong binuksan ’yon.Ngunit agad akong nagising sa katotohanan nang makita si—shit, nasa iisang condo building lang pala kami! “A-Mateo—I mean, sir…” gulat na sabi ko.“Kung hindi ako maaga pupunta, baka tulog ka pa rin.” Napalunok ako nang basta-basta na lang siyang pumasok at sumalampak sa sofa.“Mag-aayos lang ako, sir. Gusto niyo po ba ng coffee? Hot chocolate?” tanong ko.“No thanks, mag-ready ka na.” Mabuti na lang at maayos ang tulog ko, dahilan para magmadali akong pumunta sa kwarto, kumuha ng pamalit, at mabilis na tumakbo sa banyo.‘Parati na lang ba akong mapapahiya sa kaniya?’Nang matapos ay mabilis kong sinuri ang buong itsura. Naglagay pa ako ng lip balm, moisturizer, at simpleng brush-up lang sa kilay para fresh look. Matapos ay lumabas ako at umakto ng normal habang pinatutuyo ang buhok gamit ang towel.“Maaga pa naman, ga
Lokong lalaki, psh nabigla ako doon, hindi ako makamove on. “The pancake tastes better, huh?” ngumiti naman ako. “But the hotdog is not, mine is better.” Napayuko ako sa sinabi niya, ito na naman eh! “Ah, ganon ba, sir?” sagot ko na lang. ’Anong mine is better! Mine is better! Wag mo nang ulit-ulitin, baka hanapin ko ‘yan at tikman! Yung MINE na brand ng hotdog, ah…’ “Pfft…” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang mahina at nagpipigil niyang tawa. “Oh sir, hotdog, baka gusto niyo pa.” Nilagyan ko pa siya sa plato niya sa inis ko at kahihiyan at the same time. ‘Sana tumigil na siya sa kaka mine is better niya…’ Nang makapag-ayos, kinuha ko ang travel bag tapos naglakad na kasabay si Mateo. Sana makamove on na siya… “Sa airport na tayo dumeretso, taxi na lang siguro,” ani pa nito. “Sure, sir, medyo kinakabahan na ako sa party,” ani ko pa. “Don’t worry, I’m on your back,” sa sagot niya ay hindi ko alam kung kikiligin o aasa na maayos kami, pero paano ko malalaman kung
Ciana’s Point of ViewDahil lunch time pa lang, nag-ayos muna ako ng pormahan at saka kinuha ko ang wallet ko. Pero pagkabukas ko ng pinto ay napatingin ako kay Mateo.Maliit lang naman kasi ako, hindi ako gano’n katangkad para sa babae at siya, matangkad na, kasi lalaki siya eh. Ha? Ano daw?Basta, sa pagkakaalam ko, his height is 6-foot something. “Let’s have lunch together,” aniya pa niya, kaya naman tumango ako.Sumunod ako sa kaniya papalabas ng kwarto. Habang naglalakad ay nasa kaniya ang lahat ng atensyon. Gwapo naman kasi talaga siya at malakas rin ang dating in his own way. “Good day, Ma’am/Sir,” ngumiti na lang ako sa bumati sa amin.Nang papasok na sa elevator, mukhang kakilala ni Mateo ang nakasakay dito. “Mr. Martinez, it’s nice to see you here.” Nakita ko ang tipid na ngiti ni Mateo.“It’s nice to see you too,” bati niya pabalik. Nang mapatingin sa akin ang lalaking ’yon, nailang ako.“Are you Ms. Vion?” Napalunok ako at magandang ngumiti sa kaniya kasabay ng pagtango.“
=Ciana’s Point Of View=Sumapit ang ala-sais nang gabi at nakapaghanda na ako, buhok na lang ang aayusin ko while Mateo is fixing his hair and coat. He looks so manly, he looks so professional.“Are you done?” tanong niya, kaya naman huminga ako nang malalim. Magpapashort hair na talaga ako next month para no need to style.Nang matapos ay tumayo na ako at naglagay ng konting pabango. Tumayo ako at hinarap si Mateo, napansin ko naman ang mga mata niya sa akin habang nakaharap siya sa salamin, kaya napalunok ako.Nakataas ang buhok niya at nakahati pa ‘yon sa gitna. Hindi ko agad naiiwas ang tingin dahil naaliw ako sa mukha niya. Napakagwapo.“Let’s go then,” aniya pa. Kinuha ko ang maliit kong pouch, tapos naglakad na. Medyo hindi ako kumportable sa takong, pero ayos na rin.“Wala ka na bang naiwan, Ciana?” tumango ako.“Wala na, Sir. Everything is ready.” Tumango siya, tapos sinenyasan niya akong sumunod.“Sa rooftop ng hotel ang venue.” Tumango na lang ako at sumunod na. Dahil nga m
Ang ngiti sa labi ko ay hindi nawala nang sunduin ako ni Mateo at hawakan ako sa kamay.“I want to curse so bad. You’re so beautiful, honey,” aniya, kaya mahina akong natawa.“Ang gwapo-gwapo mo rin, hon,” sabi ko sa kaniya.“Pinaghandaan ko ’to,” sagot niya habang nakangiti.Nang marating namin ang pinakaharap ng aisle, ngumiti kami kay Father nang lumabas siya mula sa pinanggalingan niya. Dinasalan muna kami, at tumagal iyon ng ilang minuto bago niya kami hinarap upang simulan na ang kasalan.The wedding proceeds at this point.“Sebastian Mateo Martinez, do you take Ciana Vion to be your lawful wedded wife?” Magkaharap kami ngayon. Ngumiti si Mateo at nilingon si Father.“I do,” he answered.“Ciana Vion, do you take Sebastian Mateo Martinez to be your lawful wedded husband?” the priest asked me.Ngumiti muna ako. “I do, Father.”“Do you promise to love and cherish her/him, in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, and forsaking all others, keep yourself o
Wedding Day“Oh, hija, don’t cry na. I’m sure your parents are happy for you,” nginitian ko si Mom, ang mother ni Mateo. Pinunasan nito ang luha ko.“Aayusan ka na oh. Huwag nang iiyak, baka pumanget ka niyan.” Natawa ako sa sinabi ni Mom at ngumiti.“Grabe naman po,” tumawa rin sila ni Dad.“At dahil ikakasal na ang anak namin, masayang-masaya kami para sa inyong dalawa, hija.” Ngumiti ako at tumango-tango.“Salamat po, Mom, Dad.” Yumakap ako sa kanila bago pa man sila umalis, at sinimulan na akong ayusan ng make-up artist.Habang inaayusan, huminga ako ng malalim. Matatapos na. Hindi ko mawari kung bakit ako sobrang kinakabahan. Dahil siguro ikakasal na ako? Ang matagal kong pinakahihintay, eto na.“Ma’am, finish na po.” Nang sambitin niya iyon, sobra-sobra talaga ang kaba kong tumayo.“Gaga!” Nalingon ko si Sasha.“OMG, this is it!” nakangiti niyang sabi, kaya tumango-tango ako.“Eto na nga,” aniya ko.“Hinihintay ka na ng groom mo! Gaga, spoil na kita ha—ang gwapo niya!” Natawa ak
Ciana’s Point of View Dumating ang araw na pinakahihintay naming dalawa, ngunit dahil matoyo ang mga kaibigan namin, sa mismong araw ng kasal ay hindi nila kami pinagkitang dalawa. Ayon sa kanila, baka raw hindi matuloy ang kasal kung magkikita kami bago ang seremonya. Sila rin daw ang nag-asikaso ng venue. Si Viera naman ay iniwan muna sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Kasama ko ngayon sina Sasha at Sonya, pati na rin ang kanilang mga anak, dito sa bahay ng mga magulang ni Mateo. Kahit ang mga asawa nila ay nandoon rin. “Bakit ba kasi tayong tatlo lang? Sana nandito na rin si Viera,” reklamo ko habang nagmumukmok sa kanila. Inabutan naman nila ako ng wine habang magaganda ang kanilang ngiti. “May nangyari ba ulit sa inyo netong nakaraan?” tanong ni Sonya, kaya naman agad na umawang ang labi ko. “Wala. Busy kami eh,” sagot ko, pilit na iniwasan ang usapan. “Kailan yung last?” tanong ulit ni Sonya, nakangisi pa. “Matagal na… three years ago,” pag-amin ko, sabay tingin sa
Habang tinatapos namin ang pagkain, patuloy ang pagpaplano at asaran. Halos kalahating araw na kaming abala sa mga detalye ng kasal, pero tila hindi pa rin tapos ang lahat ng kailangan ayusin. Si Sonya at Sasha ay nagsimula nang mag-discuss ng seating arrangement, habang si Mateo naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga suppliers para sa mga huling detalye ng catering at iba pang aspeto ng reception.“Mommy, gusto ko po na malapit ako sa daddy sa reception,” sabi ni Viera habang hawak ang juice niya.“Syempre, anak. Doon ka sa tabi ko at daddy,” sagot ko, ngumiti kay Mateo na nandoon pa rin sa kanto, nakikipag-usap sa event planner.“Ako nga pala, hon, nakatanggap na ako ng tawag mula sa stylist. Naka-schedule na sila bukas ng hapon para sa fitting,” sabi ni Mateo, paglapit niya sa akin.“Wow, mabilis pala. Ayos, baka makauwi pa tayo nang maaga,” sagot ko, habang inaayos ang buhok ni Viera.“Oo, makakapahinga tayo pagkatapos ng fitting, para naman hindi tayo mabigla sa dami ng ginagawa
Pagkasabi ni Mateo na “Sa’yo kaya nangangalmot,” ay narinig naming bumalik si Sonya, bitbit ang ilang mga gown na pang-abay.“Ano bang pinag-uusapan niyo at ang iingay niyo?” tanong ni Sonya habang inilalapag ang mga damit sa sofa.“Wala! Nag-uusap lang kami ni Honey tungkol sa pagiging magaling niyang mangalmot,” sagot ni Mateo sabay tawa.“Ikaw talaga, Mateo! Grabe ka makapang-asar,” sagot ko, sabay kurot sa tagiliran niya.“Aray, ang sakit! Honey, easy lang!” reklamo niya, ngunit halata naman ang ngiti sa labi niya.“Mommy, mangalmot po?” inosenteng tanong ni Viera habang ngumunguya ng pagkain.Halos maiyak ako sa tawa, habang si Mateo ay biglang tumayo at nag-explain. “Hindi ‘yon literal, baby. Joke lang ni Mommy ‘yon. Mommy mo talaga, ang kulit!”“Bakit ba ako lagi ang nasisisi?” sagot ko, kunwari nagtatampo.Tumawa si Sasha at umupo sa tabi ni Sonya, hawak ang isang gown na kulay peach. “Ang cute niyo pa rin kahit nagtatalo! Ikaw naman, Ciana, hindi mo pa sinasabi sa akin kung a
“Hoy, gaga! Ikakasal ka na, aber! Mamili ka na ng cake mo!” sigaw ni Sasha. Kaya naman, inagaw ko ang brochure na hawak niya hanggang sa lumapit si Viera at kumandong sa akin.“Mommy, purple?” tanong niya, tinutukoy ang magandang cake na tatluhan.“Okay, this one, baby,” sabi ko sa anak ko. Masaya itong pumalakpak.“Asan po si Daddy?” tanong ni Viera.“Nag-aayos rin siya for the wedding, baby. Where are your friends?” tanong ko sa kaniya.“Mommy, lahat po sila guy. Masungit po si Klei, at naglalaro po sila ni Oliver ng games,” tila nalulungkot na sabi ng anak ko, sabay nguso.“Edi go and still play with them, baby,” sabi ko.“Klei, Oliver, let Viera join you,” utos ni Sasha sa kanila.“Tita, ayaw po niya ng car games,” sagot ni Klei.“Mommy, I really hate riding,” sagot ni Viera.“Yung mommy mo, mahilig sa pagsakay—aray! Gaga naman!” reklamo ni Sasha nang hilahin ko ang buhok niya.“Kung ano-ano na namang sinasabi mo,” inis kong sabi.“Totoo naman, ah. Hiya ka pa eh,” sabi niya, sabay
“Daddy, ang laki po ng house natin!” niyuko ko ang anak at nginitian.“Of course, baby. Do you want to see your room?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Nandito na kami sa bahay namin sa city, at si Vion ay abala sa mga bagong paso na may mga bulaklak na nakatanim.“Hon! Ipapakita ko ang room ni Viera, sama ka!” malakas na sabi ko pa.“Kayo na lang! Nagdidilig pa ako eh!” balik-sigaw niya dahil nasa garden siya, at kami ni Viera ay nasa loob.“SIGE! Diligan rin kita mamaya!” sigaw ko pabalik.“Tumahimik ka!” sigaw niya, kaya tatawa-tawa kong binuhat si Viera upang maipakita ang kwarto niya na nasa second floor ng bahay. Nang makarating sa kwarto ni Viera ay halatang mangha na mangha siya sa nakita.“Ang ganda, Daddy!” masayang sabi ni Viera, kaya naman napangiti ako.“Mabuti naman at nagustuhan mo,” aniya ko.“Opo, Daddy! I love my bed po! It’s purple!” Tumalon siya doon at hinablot ang malaking purple bear na nasa kama niya.“Thank you, Daddy!” masayang sabi ni Viera.I asked Vion abo
Sunod ko pang tinignan ang mga pictures, ngunit gano’n na lang ang pagtataka ko nang makitang muli ang sarili ko sa account ni Vion. Parati ba kaming magkasama? Tinignan ko ang date ng picture at napansing kailan lang ito, halos buwan lang ang nakalipas. Sunod-sunod kong tinignan hanggang sa mamataan ko ang pamilyar na condo sa highlights niya sa story. “Bakit panay ako?” nagtatakang tanong ko sa sarili. “Sa pad ko ata ito, ah?” takang-taka ko pang sabi sa sarili. “Bakit ko naman siya paglulutuan? Baka best friends talaga kami? Hindi man lang ba nagseselos ang asawa nito sa ’kin?” Inis na inis akong naupo at saka tumingin muli. “Ako na naman? Crush ba ’ko nito?” Sa sobrang frustration ay pinatay ko ang laptop at niyakap na lamang ang unan. ‘Bakit naman ako apektado? Ano naman kung nasa highlights niya ako?’ Makalipas ang Ilang Linggo Makalipas ang ilang linggo, naisipan kong bumalik sa condominium ko dahil naiinis lang ako sa pakikitungo sa akin ni Mom. Ang laki-laki ng galit ni
Few Days After Nandito ngayon ang doctor ni Viera upang i-update kami sa lagay niya. Mahigit limang araw na hindi niya kailangan ng dugo, at bumalik na ang kanyang sigla at lakas. Natutuwa kami dahil ilang araw na rin na hindi dinugo ang ilong niya, at hindi na rin bumaba pa ang kanyang hemoglobin level. “Ang balita ko lang naman ay maaari na siyang lumabas,” aniya ng doctor. “Ngunit bibigyan ko kayo ng mga kakailanganin niya sakaling mahilo siya o duguin ang ilong. Hindi naman gano’n kabilis bumaba ang dugo ng isang tao, pero dahil sa kondisyon niya, nababawasan ito dahil sa sobra-sobrang white blood cells na napo-produce niya.” Nakinig kaming mabuti sa kanya. “Maaari niyo nang tawagan si Doctor L, dahil siya na ang bahala kay Viera,” dagdag pa niya. Napalunok ako at tumango na lang. “Hindi pa rin magbabago ang mga suhestiyon kong kainin niya ang mga berdeng gulay, at mga pagkaing rich in iron. Sa gatas, mag-ingat tayo dahil maaaring makaapekto sa kanya ang ibang klase ng gatas. A