PROLOGUE
Umiiyak ang kalangitan… katulad ko. I tried to wipe my tears away pero hindi ‘yon nauubos sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. My heart’s badly broken… at unti-unti na itong sumusuko.
I’m waiting for my husband to come home. I’ve been waiting for him for days already. Hindi na ako makatulog nang maayos kakaisip kung nasaan ba siya at sino ang kasama niya. I clasped my hands and walked back and forth while looking at the clock. It’s already 2 am and I’m still here, desperately hoping that even for once, he’d come home to me.
Ilang oras pa akong naka-upo roon sa sofa na hindi ko na namalayan pa ang oras. Napatayo lang ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Raven. I looked at him from head to toe and I just clenched my jaw because there’s no words coming out from my mouth, ni hindi ko nga alam kung paano magsisimula.
“B-Bakit ngayon ka lang? Anong oras na, nag-alala—”
“Stop with your drama, Archella. ‘Wag kang umarte na para bang nag-aalala ka,” he coldly said as he walked past me. I licked my lower lip before following him.
“Saan ka ba kasi galing? Papatayin mo naman ako sa pag-aalala, e!” Hindi ako tumigil kahit na kita ko na ang kunot sa noo niya. “If you’re going to go home this late, at least text me!”
He chuckled. “Really? You’re worried? Nag-aalala ka na ngayon?”
“Because I’m your wife, Raven!” I tried to reach him but he moved away from me. “Asawa mo ako at normal na mag-alala ako—”
“Oh! Now you’re my wife? Ngayon lang kita naging asawa? Ngayon ka lang nag-alala sa ‘kin? Dahil ano? Dahil dati, iba ang nasa puso at isipan mo—”
“Matagal na ‘yon! How many times do I have to tell you that it’s you now!” Sinubukan ko ang ‘wag umiyak pero sa galit at panlalamig na nakikita ko sakaniya ngayon, hindi ko napigilan ang paglandas ng luha ko.
“Enough with the drama, Archella. I had enough! If you are just doing this para makabawi sa akin, I’m sorry but it’s too late now. I’ve loved you enough and that’s my limit.”
Nilagpasan niya ako at naiwan akong nakatayo roon sa salas. I stayed there for a few minutes before I decided to follow him. Nang makarating sa kwarto namin, nasa banyo na siya at naliligo. I saw his coat on top of the bed. Kinuha ko ‘yon para sana isampay pero natigilan nang may maamoy. I looked at the bathroom door to check before bringing back my gaze on the cloth I am holding. Slowly, I lifted it up to sniff it. I swallowed the lump on my throat when a female scent enveloped my nose. Kinapa ko ang coat niya at tuluyan na akong nanigas sa kinatatayuan nang may makuhang pink na panyo at lipstick sa bulsa no'n.
Wala sa sarili akong napa-upo sa kama habang hawak ang coat ng asawa ko. I stared at the lipstick with no emotion at all. There were no tears coming out of my eyes but when my husband came out of the bathroom, tears started to form.
Our gaze locked and his eyes immediately drifted to his coat. I expected him to panic but it didn’t come. He just walked towards the walk-in closet. Nang lumabas siya ay dumeretso siya sa kabilang parte ng kama at kinuha na ang laptop niya.
“Aren’t you going to tell me why you have a damn lipstick inside your coat? Kanino ‘to?” I asked as I faced him. He didn’t bother looking at me. He just continued with what he was doing. “Answer me, Raven! Kanino ‘to?! This isn’t mine! I don’t use this sha—”
“Bakit kailangang mo pang malaman?” aniya sabay tingin sa akin. Halos manginig ako sa lamig ng tingin niya.
“Did you forget? Asawa mo ako!” I really emphasized those three words for him to realize my position in his life. “A-Are you cheating on me? A-Are you seeing another woman?” I asked as I advanced near him. “Answer me!”
“It is none of your business.”
“It is my business! You can’t do this to me, Raven! We are married!” I cried.
Inalis niya ang laptop sakaniyang kandungan at hinigit ang kumot. “I’m tired. Matutulog na ako.”
“We’re still talking!” Hinigit ko ang kumot niya at tinaas ang coat niya para ipakita sakaniya. “Your coat doesn’t smell like you, Raven. This is not your perfume. Your perfume is manly, strong, and… and not a female perfume.”
“Fine. I was with someone else earlier. Are you satisfied now?” he said heartlessly before covering himself with a comforter. Nanatili akong nakatitig sakaniya, hindi makapaniwala. “Now go to sleep and stop crying behind my back.”
“Napakasama mo…” bulong ko. “Ang sama-sama mo…” I continued as I entered our bathroom.
I looked at myself through the mirror. Niyakap ko ang sarili habang hinahayaan na pumatak ang mga luha na kanina pa gustong kumawala. My tears didn’t stop from falling even after washing my face. Inayos ko ang sarili bago lumabas ng banyo. I even told myself that I can do this, that I can overcome this, and that I can still fix and save this marriage.
“The same order?” the waiter asked me, I nodded.
Nandito ako sa isang café na madalas puntahan ni Raven. Ilang beses ko na siyang nakita rito kaya madalas na rin ako rito para tignan kung sino ang kasama niya. Puro meeting ang inaatupag niya sa lugar niya ‘to kasama ang business partner niya na si Marianne pero iba ngayon… iba ‘to.
“Who are you…” I whispered when Raven stood up to welcome the woman who just entered. She’s wearing a cap and shades kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya.
My hold on the table napkin tightened when they hugged each other. My husband even pulled a chair for her. Nanikip ang dibdib ko nang makita kung paano ngumiti si Raven. ‘Yung ngiti na kahit kailan ay hindi ko pa nakita sakaniya simula nang ikasal kami.
It hurts… It hurts so much.
I didn’t pay attention to my food when it arrived because my gaze just won’t leave my husband and his woman alone. Gusto kong sumugod pero hindi ako ‘yon, hindi ako ganoon.
“Wow… just wow, Raven,” I muttered when Raven left his chair to hug the woman. Mabilis kong kinuha ang bag ko at tumayo. Lalabas na sana ako nang magtama ang tingin naming dalawa. I looked away, not wanting to look weak in front of him.
I walked so fast, scared that Raven will follow and scold me for stalking him. E, anong magagawa ko? Mahal ko ‘yon, e. He is my husband. We are married.
“So, she’s the reason why you suddenly went cold to me. She’s the reason why you’re always coming home late. She’s the reason why you don’t love me anymore. Tama, hindi ba?” walang emosyon kong sabi nang pumasok siya sa kwarto namin. Tinigil ko ang pagsusuklay sa buhok at tinignan siya sa pamamagitan ng salamin. “She’s the reason why?”
“What are you talking about?” he asked without tearing his eyes off me.
“We saw each other earlier. Don’t you dare deny that you didn’t see me because our eyes locked while you were hugging her,” I said. “Nasaan siya ngayon? H-Hinatid mo na ba?”
“Stop this—”
“Masaya ba siya kasama? Masaya siya kausap? What? She loves your cuddles? Your… Your kisses? Was she better than me?”
“Wala akong panahon para rito,” he answered, obviously avoiding my questions.
“Just answer me. ‘Yon lang ang gusto ko, ‘yon lang ang gusto kong malaman. Okay, it’s clear for me that you love someone else now! Pero gusto kong malaman kung paano siya kasama? Kung paano ka niya napapasaya? A-At kung paano niya nahihigitan ‘yung pagmamahal… ‘yung pagmamahal na binibigay ko sa ‘yo?” I sobbed hard. Sinubukan ko namang pigilan, e. I really tried. “What? Answer me now—“
“Wala akong dapat na sabihin sa ‘yo. ‘Wag mong pakealaman ang buhay ko, Archella. You are out of this,” aniya sa isang matigas na boses. “Don’t use your tears on me, pwede ba? I’m not weak for you anymore! Hindi na ako lalambot sa mga luha mo dahil naubos na ako! Inubos mo na ako!”
“What did I do, Raven?! Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko for you to act like this! I don’t understand you. I thought we were going to try this out? I thought we were going to save this marriage… but why am I the only one standing?! Why am I the only one who’s fighting?!” Tumayo ako at lumapit sakaniya. I sobbed more as I punched his chest. “You can’t keep hurting me like this, love.”
“I thought that my love for you would never last, but it did… and there’s nothing I can do about it.” He looked down at me with emotionless eyes, gone the love and admiration.
“So… you don’t love me anymore?” Should we end this?
“I don’t want to answer that—“
“Why?! It’s just a simple yes or no! Kung hindi mo na ako mahal, sabihin mo! O hindi mo naman talaga ako minahal?” Tinulak ko ang dibdb niya habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko. “’Yon ba? Answer me! Parang awa mo na, sagutin mo ako!”
“Oo, I don’t love you anymore! That’s what you want to hear, right?! That’s it! I’m giving you the answer now!” he yelled and I saw how his eyes glistened with tears. I looked down to lessen the pain I’m feeling, pero nadagdagan lang ‘yon nang mapagtanto ang sinabi niya.
He doesn’t love me anymore.
I stepped back with my eyes still looking at the ground. I wiped my tears away with shaking hands. I just continued stepping back until I bumped into the bed. I fell down and I let myself. Raven’s just standing in front of me like a damn statue.
“Matulog ka na,” sabi ko at tuluyang pinahid ang luha at pinigilan ang pag-iyak. “You’re tired. Take a rest now, Raven.” Tumayo ako at akmang lalagpasan siya nang hawakan niya ang braso ko.
“Where are you going?” tanong niya.
“Just sleep,” I replied as I forced him to let go of me. I walked towards the door and was about to open it when I heard him.
“You will be here when I wake up, Archella. You need to be here when I open my eyes.”
I opened the door and went downstairs. Dumeretso ako sa kusina para maghilamos. He’s so selfish. Paano niya nagagawang saktan ako?
I love him… I love him so much, but do I really have to ignore myself? Do I really have to cry a river whenever he’s coming home late? Do I really have to love him first before myself?
I didn’t sleep beside him and went out. Nung umalis ako para sa trabaho, tulog pa siya. I didn’t bother waking him up like how I used to. Baka dapat ko nang sanayin ang sarili ko na mag-isa lang dahil pakiramdam ko’y malapit na magkaroon ng katapusan ang lahat ng ‘to.
“Ma’am, these are the reports from the sibling company.” My secretary entered. Tumango naman ako at minuwestra sakaniya na iwan nalang ang mga ‘yon sa aking lamesa. Sinunod niya naman ako at pagkatapos ay lumabas na rin siya.
I covered my face with my hands. What should I do now? Should I go to my parents and tell them that I want an annulment? Or should I stay with Raven and try to save this marriage instead?
Mababaliw ako sa kakaisip.
“Ma’am?” My secretary entered again with panic in her voice.
“What is it?” I asked, a bit annoyed.
“Your husband’s downstairs. Hinaharang po ng guards pero nagpupumilit,” aniya at mukhang kabado pa.
I told the guards earlier to not let Raven enter the building. I want him to think that I’m gone and won’t let him see me again. Dahil para saan pa, hindi ba? If hurting my heart is his only way to keep me, then maybe I should give up already because this isn’t the love I dreamt of.
Raven didn’t leave the building. He was just there, waiting for me to come down but I didn’t give him the satisfaction. Hindi ko alam kung bakit siya nariyan at ano ang dahilan kung bakit nagwawala siya? Hindi ba ito ang gusto niya? Ang malaya siya? Ang wala ako sa buhay niya?
“He just left, Ma’am,” my secretary informed me.
I chuckled at myself. See? He didn’t wait for you enough. He got tired, he lost hope. Kung ganito ang ginagawa mo, paano pa ako hahanap ng rason para manatili sa ‘yo?
“This is not going to work, Archella. Stop hoping,” I said to myself while driving. I’m going to follow Raven. I have his location because that’s what we did when we were still okay as husband and wife. “Kapag nakita mo na naman siyang may kasamang iba, what will you do, huh?” I kept talking to myself because this is the only way I know to distract me from thinking of so many things.
I parked my car not so far away from Raven’s car. Dito ako dinala sa isang condominium. Bago ako pumasok sa parking area, tinanong ko muna ang sarili ko kung may pag-aari ba siya na ganito? I even checked everything, pero wala.
I heaved a deep sigh while comforting myself that this will be fine soon. I swallowed hard and even fixed my hair. I was about to open the door and step out when I saw two familiar built. Ang dapat na pagbaba ko ay hindi na natuloy nang mapagtanto kung sino ‘yon.
I smiled… painfully.
“Love…” I whispered.
I just watched them as Raven pulled the same woman in his arms. He even kissed her forehead and whispered something. I tilted my head to make sure that it is really my husband… and that someone else is in his arms.
Pinanood ko kung paano pagbuksan ni Raven ng pinto ang babae at inalalayan pang pumasok. He looked around first before sliding himself inside the driver’s seat. Nanatili naman ako roon kahit na nakaalis na sila dahil pinoproseso ko pa ang nakita.
That’s him, right? That’s my husband.
When I realized it, I yelled and punched the steering wheel. Tears started to fall like waterfalls. I kept on punching the steering wheel until I saw my phone. With tears in my eyes, I immediately grabbed my phone to call Amara, my friend.
[Hello—]
“I don’t want this marriage anymore! I want out of it!] I yelled while enduring the pain in my heart.
“Okay, okay. Calm down, please? What happened? Where are you?” The panic in Amara’s voice didn’t escape my ear.
I didn’t tell her what happened dahil parang hindi ko kaya. Sinabi ko lang kung nasaan ako at sinundo niya na ako. Iniwan ko ang sasakyan ko roon at tahimik lang na sumakay sa sasakyan niya. I looked outside the window while hugging myself. Ang lamig… sobrang lamig.
Sumama ako kay Amara sakaniyang condo. She didn’t speak, she just let me have my own space to think. Pero ‘yung totoo, hindi ko na kailangan pang pag-isipan ang lahat. I did everything. I gave everything. I loved him too much… sobra-sobra pa sa pagmamahal na binibigay ko sa sarili ko. And I think that’s enough. Tama na.
I looked at my ring finger and tears didn’t fall unbelievably. I just feel pure pity for myself. I don’t feel pain anymore because my heart went stone cold from all the heartbreak I’ve been through. Slowly and calmly, I removed my wedding ring. I shut my eyes tightly, thinking that if I remove this, I will be completely out of his life because I don’t want it anymore… I’m finally giving up after endless tries.
That’s it. I’m walking out of his life now because this is what he wanted in the very first place. This marriage between us should have never happened.
...
CHAPTER 1 “Mama, wake up now!” I opened my eyes when I heard my baby boy. I heard him chuckled when I pulled him towards me. “Ah, do not tickle me!” “You’re so kulit! Mama is tired pa, anak,” I said while tickling him. His laugh is music to my ears. “But we need to buy groceries pa! We’re out of stock na.” He pouted. I stopped tickling him and pulled him to lay beside me. “Why are you so tired ba, Mama? Where did you go last night? You went out with your friend?” Nagiging madaldal na talaga ang anak ko. “Yes, anak. I went out with a friend. We just talked about business,” I explained. Bumangon siya at humarap sa ‘kin. Humalukipkip pa siya at tinaasan ako ng kilay. I smiled, amused. “Business? But he’s courting you,” suplado niyang sabi. “What? Who told you that?” I got alarmed. Paano niya nalaman na gustong manligaw ni Chase?! “So he’s courting you nga po, Mama? Hm, I don’t like him to be my Daddy. Choose a good man to be my Father.” “Zyair, kanino mo natutunan ang mga iyan,
CHAPTER 2 Nanatili akong nakatayo roon habang nakatulala. Nang maalala si Laurel ay kagad akong umakyat sa kwarto para tawagan siya pero nagulat nalang ako nang makita ang isang bodyguard na hawak na ang cellphone at laptop ko. I ran to him and tried to get my belongings but he was too tall and bulky. Wala akong kalaban-laban. “Ibigay mo sa akin ‘yan!” Sinubukan kong kunin sakaniya pero hindi ko rin nagawa. “No! Laurel!” I yelled, almost crying while thinking of Laurel who’s probably waiting for me to come. My shoulders shook as I looked at the bodyguard’s back. Pumasok ako sa kwarto at naghanap ng kung anong gadget na magagamit para matawagan o matext si Laurel. Nanlumo ako at napa-upo nalang nang walang nakita kahit na halos halughugin ko ang buong kwarto. Even my old phones weren’t there anymore! Parang talagang plinano na ito! I cried helplessly while trying to open the door. The bodyguards were too strong, hindi ko man lang mahawakan ang handle. “Let me go! Let me go! I need
CHAPTER 3Raven and I decided to sleep next to each other. We didn’t have a choice because that’s the only available room. I put a pillow in between us so that we wouldn’t be that close. Even in my sleep, I was thinking of Laurel. The next day, I woke up with no one beside me. I looked around the room and even downstairs until I realized that Ivan has already left for work. He’s not studying anymore while I’m in my last year. I just toasted a slice of bread for breakfast and decided to buy a coffee on my way to school. When I arrived, si Laurel kagad ang una kong hinanap pero hanggang sa natapos ang lahat ng klase ko, hindi ko man lang siya nakita. I don’t have a driver because our parents thought that Raven will always drop me off, e iniwan nga lang ako ng isang ‘yon. I rolled my eyes while walking towards the waiting shed. I’m planning to take a taxi so I could go home fast. The house was dark and empty when I arrived. He’s not home and I have all the time and space just for myse
CHAPTER 4He was working when I entered the room. He didn’t even give me a single glance. Umirap ako at pumasok na sa banyo. While showering, I kept on thinking why he was mad. Ano bang nagawa ko para magalit siya? At akala ko ba walang pakielamanan?I went out wearing my sleepwear. I brushed my hair using my fingers while slowly walking towards the bed. Hinintay kong tumingin siya sa akin pero hindi nangyari ‘yon. Umirap akong muli at inayos nalang ang space ko sa kama. Umupo ako sa kama at hihiga na sana nang magsalita siya. “Aren’t you going to tell me where you went?” he asked with a cold voice with his eyes still on the screen of his laptop. “Why do you have to know?” sabi ko habang nakatingin sa laptop niya. Up until now, I don’t have a phone! Gusto ko nang marinig ang boses ni Laurel!I saw how his jaw clenched when I looked at him. Tumalim ang tingin niya sa laptop at mas umingay ang pag-tipa niya sa kaniyang keyboard. Kumunot na ang noo ko dahil nararamdaman ko na ang gali
CHAPTER 5When I woke up the next day, my head was throbbing in pain. I tried to stand up but I ended up falling back to the bed. Hindi na ako sumubok pang tumayo at humilata nalang doon. Napunta ang tingin ko sa bintana at nakitang maliwanag na. Nang dahil doon ay bumangon na ulit ako dahil may pasok pa ako.I was smiling on my way down but it faded immediately when I saw Raven in the kitchen with an apron on. Lumapit ako sakaniya nang walang kahit na anong emosyon sa mukha. Bakit nandito pa rin siya? He should be in his office right now… or with that Marianne Beige!“What are you doing?” I asked as I grabbed a cup to make coffee.He didn’t answer me. He just continued cooking breakfast. I frowned while watching him because a question suddenly filled my mind. Bakit gumagawa pa siya ng breakfast kung pwede namang sumabay nalang siya roon sa kay Marianne.“I’m not eating, I’m late for school,” I said as I sipped on my coffee. Tatalikuran ko na sana siya nang marinig ko siyang magsalit
CHAPTER 6I ignored him because he was also ignoring me. Naiinis lang ako dahil paano ko makakausap si Laurel kung ganitong hindi niya man lang ako pinapansin, ni ultimo sulyap ay hindi niya magawa.Sunday ngayon kaya walang pasok, ganoon din siya. Nanatili lang kami parehas sa bahay pero ni isang beses, hindi kami nag-usap o nagdikit man lang. Busy ako sa pagbabasa ng mga libro at pag-iisip kung kailan ako makakabili ng cellphone. Pwede akong humiram sa mga kaibigan ko pero hindi ko ‘yon naisip kagad dahil nakulong ang isip ko sa katotohanang kasal na ako kay Raven. It just won’t sink in.I was in the library when Raven entered. Naka-upo ako sa couch na medyo malayo sa table kung saan madalas nagta-trabaho si Raven. Kaya lang naman ako pumunta rito dahil alam kong hindi siya magta-trabaho ngayon. Hindi ko in-expect na papasok siya rito ngayon, hindi tuloy ako makagalaw at makaalis. I just stayed seated. Umakto pa akong hindi ko siya napansin pero kagad siyang sinundan ng mata ko nang
CHAPTER 7 Matapos nang nangyari sa school, tuluyan na akong hindi pinansin ni Raven. There are times na ako na ang lalapit at magsisimula ng usapan pero hindi niya talaga ako pinapansin. Late na rin siya kung umuwi, minsan nga ay hindi na siya umuuwi. Pero kahit na ganoon, hinihintay ko pa rin siya sa hindi malamang dahilan. I only have one week left before I graduate from college. May mga plano na ako na na-buo at hindi na ako makapaghintay pa na masimulan iyon. Tutal hindi naman ako kinakausap at pinapansin ni Raven, hindi naman niya siguro malalaman ang mga ginagawa ko. I looked for a job before I graduate. I made myself busy. I stopped waiting for him to come home pero pinagluluto ko pa rin siya. Minsan kinakain niya at madalas ay hindi. “You have a whole company waiting for you, Arc,” Amara said while typing on her laptop. Siya ang nilapitan ko para tulungan akong maghanap ng trabaho dahil magaling ‘to si Amara pagdating sa mga gig. Marami siyang pinagkaka-abalahan sa buhay.
CHAPTER 8 “Bumalik ka ah!” Amara said and then she let out a sigh. Ngayon ang lipad ko papuntang Canada. Tinapos ko muna ang mga dapat na pag-aralan at trabahuhin sa kumpanya and then I asked for a break. Raven asked me about my plans but I kept quiet. Ang tanging sinabi ko lang sakaniya ay gusto ko lang ng break bago ako tuluyang mag-trabaho. “Of course, babalik ako…” I gave her a warm smile. Hindi ko sinabi kay Amara ang dahilan kung bakit ako pupunta ng Canada. Hindi naman niya ako kinulit tungkol doon na siyang ipinagpasalamat ko. Nga lang, naging mahirap ang pag-aayos ng gamit dahil mahuhuli ako ni Raven. Kaya hindi na ako nagdala ng damit at humiram nalang ng ilan kay Jade. Bibili na lang din ako roon. Hindi naman ako magtatagal, kailangan ko lang talaga maka-usap si Laurel para naman aware siya sa sitwasyon ko ngayon. Buti nalang din at naging busy si Raven these past few days kaya hindi niya na ako gaanong napapansin.“I’ll go na,” I said to Amara. “Mag-iingat ka, ah? Ca
CHAPTER 20Hinabol ko si Mommy habang pinupunasan ang luha ko. Binalot ng hiya at awa para sa sarili ang buong pagkatao ko. Kailan ba ako matatapos sa sitwasyong ‘to?“Mommy!” Hinawakan ko ang braso niya nang maabutan ko siya. Matigas ang ekpresyon niya nang humarap siya sa akin.“Ayokong makipag-away, Archella. Ginawa ko lang ang dapat ay ginagawa mo!” She raised her brows at me. Mabilis akong umiling sakaniya.“No. Hindi ako papayag. Nakita mo ba ‘yung kanina? Mrs. De Leon was there! Nakita niya ang lahat. Narinig niya ang lahat!”Kumunot ang noo niya. “At ano naman?”“What…”“Hindi niyo naman mahal ang isa’t isa! At pakielam ko sa pamilya niya? ‘Yung anak lang naman nila ang kailangan natin—”“I don’t know you anymore…” I whispered but still enough for her to hear. “Bakit… Bakit mo ginagawa sa ‘kin ‘to.”She looked away, trying not to cry. “I’m not up for any drama right now, Archella. Magpasalamat ka nalang at tutulungan ka raw ng mayaman mong asawa. Kausapin mo siya at baka makal
CHAPTER 19Nanatili pa kami roon ng ilang araw bago ko napagpasyahan na bumalik ng Maynila dahil alam kong hindi babalik si Raven hangga’t hindi ako nabalik. Nga lang, baka pagbalik namin ay iba na naman ang trato niya sa akin.“Uuwi ka ba sa bahay?” I broke the silence between us. Hindi na ako umasa pa pero curious lang.“Maybe…”Napangisi ako roon. Maybe… Matapos niyang mangulit sa akin na sasama rito, hindi pa rin siya uuwi sa bahay. Ayos lang siguro ‘yon. Sanayan nalang ‘to. Kung dumating man ang panahon na napagod na ako, sana ay siya naman ang maghanap sa akin.Nang makarating kami sa Maynila, naghiwalay kami nang hindi man lang nag-uusap. Hinayaan ko nalang siya dahil pagod ako. Sa bahay namin ako dumeretso. Natulog kagad ako pagka-uwi dahil wala na akong energy para umiyak pa.Nang pumasok ako sa trabaho kinabukasan, maraming tao. Nagtataka ko silang pinapanood sa bintana ko. Umingay kasi bigla, akala mo may artistang dumating. Saktong pumasok sa opisina ko ang secretary ni Ra
CHAPTER 18“Hindi mo ‘to kailangang gawin, Raven,” sabi ko habang pinapanood siyang mag-ayos ng gamit niya. Nandito kami ngayon sa bahay para kumuha ng damit niya. “Hindi ka kasama sa plano kong ‘to—”“Bakit hindi ako kasama sa plano mo?” Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin.“Galit ka sa ‘kin, ‘di ba?” I asked. Napasapo ako sa noo ko nang iniwas niya ang tingin sa ‘kin at nagpatuloy sakaniyang ginagawa.Paano kami mag-uusap ni Laurel kung nandoon din siya? Mukhang hindi niya ako bibigyan ng space kung sasabihin kong gusto kong mag-usap kami.“I want to be involved, Archella.”“You don’t even know kung anong gagawin ko roon!”“That’s why I’m coming with you.”Naiinis ako sag anito niya dahil kapag gusto niya, dapat nasusunod siya. Wala man lang ako magawa. Dapat kasi hindi ko nalang sinabi na aalis ako at umalis nalang kagad. Galit siya sa akin kaya hindi niya ako hahanapin kung mawala man ako bigla.Wrong move, Archella. Ngayon, problema ko pa kung ano gagawin ko sakaniya.“H
CHAPTER 17Hinigit ko kagad si Khalil. Bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan dahil napagtanto niya na ang lahat. Pero dapat ko bang i-deny? Anong sasabihin ko? Hindi ko pwedeng sabihin na si Laurel dahil ilang beses kong sinabi sakanila na hindi pa ulit kami nag-uusap ni Laurel.“Kanino ka kinasal?” ulit niya.Napapikit ako nang mariin. Sasagutin ko ba? Anong magiging reaksyon niya?“Mag-eexplain ako.”“Kanino, Archella?” he asked more. I bit my lower lip and then I heaved a deep sigh.“To Raven. Idan Raven De Leon.” Tinignan ko ang mukha niya para makita ang reaksyon niya… pero wala. Nanatiling blangko ‘yon kaya mas kinabahan ako. “Khalil…”“Anong ginawa mo?” Halos maiyak ako nang marinig ang tanong niya. “Bakit… Bakit? Hindi ko maintindihan. Si Raven?” Ngayon naman, kumunot ang noo niya. Hinawakan ko ang braso niya pero lumayo siya nang bahagya.“Sasabihin ko rin naman sainyo, hindi lang ako handa ngayon. May balak akong sabihin sainyo…”“Kailan pa?”“College.”“Bullshit, Arc.”
CHAPTER 16I did go home. When I entered our house, it was dark and empty. It didn’t feel like home anymore. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng wine. I opened and drank it right away. I bit my lower lip as Raven’s words kept playing on my head. So, he’s not living here anymore. Kaya pala hindi niya man lang ako hinanap dahil kahit siya ay umalis.I chuckled at myself. I confessed to him! And he didn’t believe me..“Mukha ba akong nagsisinungaling? Am I not capable of loving someone else? Am I not allowed to move on from my past lover?” tanong ko sa sarili habang natatawa. “Am I a joke?” My voice started to break. I heaved a deep sigh. Binitawan ko ang inumin at umakyat na sa taas. Pumasok ako sa kwarto naming dalawa at napa-iling nalang ako nang maamoy ko ang pabango niya. I tilted my head as I looked around. Napatingin ako sa picture frame namin na nasa bed side table. Dumeretso ako roon at umupo sa kama. Kinuha ko ‘yon at tinitigan. “I’m sorry… Sorry that I wasn’t able to stop
CHAPTER 15It wasn’t easy to eat while he’s mad. Hindi siya matanggal sa isipan ko. Iniisip ko kung ano ba ang natakbo sa isipan niya. What is he thinking?I looked at my clothes and that’s when it dawned to me that he took care of me while I was drunk. Tinapos ko nalang kagad ang kinakain para makapag-usap na kami. This time, I’m not afraid. Gusto ko siyang harapin. Gusto kong pag-usapan namin ‘to, wala naman akong tinatago sakaniya. “I’m done eating, Raven,” I declared. I saw him looked at me with cold eyes. Lumapit siya sa ‘kin at deretso akong tinignan. “Ano ang pag-uusapan natin?”“Are you sober now?” I looked down but he spoke. “Look at me, Archella.” Nag-angat ako ng tingin sakaniya. Gusto kong umiwas ng tingin bigla. Nakakainis dahil naduduwag na naman ako ‘pag gan’yan siya tumingin. “I’m sober now. Hindi na ako lasing.” “Really?” he whispered. Tumango ako at matapang na tumingin na sakaniya. Sinubukan kong pantayan ang ginagawa niya pero kitang-kita ko ang pagbagsak ng ti
CHAPTER 14Hindi ko alam kung bakit laging nandoon si Laurel sa kumpanya. It’s been two weeks already. Palagi akong umiiwas dahil hindi na naman ako madalas pansinin ni Raven sa bahay at kahit sa opisina.“Umalis na ulit si Sir Laurel…” Saktong pagpasok ko sa pantry area ay ‘yon ang narinig ko. Dalawang empleyado ang nag-uusap at nang makita ako ay natahimik sila bigla.Lumapit ako sakanila. “Nakaalis na ulit si Sir?” tanong ko habang nagtitimpla ng kape ni Raven. Hindi naman niya ito inutos sa ‘kin. Napansin ko lang kasi na parang masama ang mood niya kaya naisip kong dalhan siya ng kape. “Ah, oo. Akala nga namin papasok ulit ngayon pero sabi ng head namin hindi na raw,” tuloy-tuloy na sabi ng babae. Umalis na rin ako nang natapos mag-timpla.Pagbalik ko, may kausap siya sa phone kaya dumeretso muna ako sa desk ko. Nagkunyari akong nag-aayos ng mga files pero ang totoo ay nakikinig ako sa sinasabi niya. Kahit naman hindi ko sadyaing makinig, maririnig ko dahil boses at konting ingay
CHAPTER 13I decided to face them. Sinabi ko kay Raven na oras na siguro para humarap na kami sakanila. Sayang ang mga hinanda nila sa baba. Nag-effort pa rin sila na pumunta rito kahit na hindi naman namin sila inimbitahan.“Come on! Let’s eat!” excited na sabi ni Mrs. De Leon nang makita kami ni Raven na naglalakad na palapit sakanila. Mom eyed me with serious eyes, na para bang ino-obserbahan ako.Dumating na rin si Daddy at Mr. De Leon. Raven pulled a chair for me and then he kissed my forehead. I just gave him a small smile because I know that everyone was watching us. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Mrs. De Leon na para bang kinikilig pa.“Kamusta kayo? Ano, nakabuo na ba kayo?” panimula ni Mommy. My brows furrowed and I cringed at her excited tone. Alam kong hindi ‘yon totoo.“Hindi po kami nagmamadali ni Archella. We want to take time,” Raven answered. Nagpatuloy nalang ako sa pag-kain dahil hindi ko alam kung paano ako makakasagot nang maayos habang nakatitig kay Mommy.
CHAPTER 12My eyes widened a fraction when Raven pulled me away from Joe. Dahil lasing na si Joe, nabitawan niya kagad ako pero nang ma-realize niya ang nangyari, umamba siyang susuntukin si Raven. Buti nalang at malakas ang tugtog at maingay ang mga tao kaya hindi sila pansinin.“Stop this! Raven!” I yelled and tried to pull him away. Hindi siya nagpahila sa akin at mukhang gusto rin suntukin si Joe. “Let’s go!” I still tried to pull him.“Sino ka ba ha?! Give me back my girlfriend!” Joe yelled as he attempted to punch my husband.“What did you just say?” Raven asked in disbelief. Tumingin siya sa ‘kin at umiling ako kagad. His jaw clenched and then he looked back at Joe.Hinila ko siya ulit dahil pakiramdam ko ay magkakagulo na talaga rito. Hindi pwede mangyari ‘yon. Kilala si Raven at ang pamilya niya. Hindi pwedeng malaman ng tao na nakipagsuntukan siya nang dahil lang sa akin! Malalaman nilang kasal na siya!“What the hell are you doing?!” mariin kong bulong kay Raven habang naka