CHAPTER 6I ignored him because he was also ignoring me. Naiinis lang ako dahil paano ko makakausap si Laurel kung ganitong hindi niya man lang ako pinapansin, ni ultimo sulyap ay hindi niya magawa.Sunday ngayon kaya walang pasok, ganoon din siya. Nanatili lang kami parehas sa bahay pero ni isang beses, hindi kami nag-usap o nagdikit man lang. Busy ako sa pagbabasa ng mga libro at pag-iisip kung kailan ako makakabili ng cellphone. Pwede akong humiram sa mga kaibigan ko pero hindi ko ‘yon naisip kagad dahil nakulong ang isip ko sa katotohanang kasal na ako kay Raven. It just won’t sink in.I was in the library when Raven entered. Naka-upo ako sa couch na medyo malayo sa table kung saan madalas nagta-trabaho si Raven. Kaya lang naman ako pumunta rito dahil alam kong hindi siya magta-trabaho ngayon. Hindi ko in-expect na papasok siya rito ngayon, hindi tuloy ako makagalaw at makaalis. I just stayed seated. Umakto pa akong hindi ko siya napansin pero kagad siyang sinundan ng mata ko nang
CHAPTER 7 Matapos nang nangyari sa school, tuluyan na akong hindi pinansin ni Raven. There are times na ako na ang lalapit at magsisimula ng usapan pero hindi niya talaga ako pinapansin. Late na rin siya kung umuwi, minsan nga ay hindi na siya umuuwi. Pero kahit na ganoon, hinihintay ko pa rin siya sa hindi malamang dahilan. I only have one week left before I graduate from college. May mga plano na ako na na-buo at hindi na ako makapaghintay pa na masimulan iyon. Tutal hindi naman ako kinakausap at pinapansin ni Raven, hindi naman niya siguro malalaman ang mga ginagawa ko. I looked for a job before I graduate. I made myself busy. I stopped waiting for him to come home pero pinagluluto ko pa rin siya. Minsan kinakain niya at madalas ay hindi. “You have a whole company waiting for you, Arc,” Amara said while typing on her laptop. Siya ang nilapitan ko para tulungan akong maghanap ng trabaho dahil magaling ‘to si Amara pagdating sa mga gig. Marami siyang pinagkaka-abalahan sa buhay.
CHAPTER 8 “Bumalik ka ah!” Amara said and then she let out a sigh. Ngayon ang lipad ko papuntang Canada. Tinapos ko muna ang mga dapat na pag-aralan at trabahuhin sa kumpanya and then I asked for a break. Raven asked me about my plans but I kept quiet. Ang tanging sinabi ko lang sakaniya ay gusto ko lang ng break bago ako tuluyang mag-trabaho. “Of course, babalik ako…” I gave her a warm smile. Hindi ko sinabi kay Amara ang dahilan kung bakit ako pupunta ng Canada. Hindi naman niya ako kinulit tungkol doon na siyang ipinagpasalamat ko. Nga lang, naging mahirap ang pag-aayos ng gamit dahil mahuhuli ako ni Raven. Kaya hindi na ako nagdala ng damit at humiram nalang ng ilan kay Jade. Bibili na lang din ako roon. Hindi naman ako magtatagal, kailangan ko lang talaga maka-usap si Laurel para naman aware siya sa sitwasyon ko ngayon. Buti nalang din at naging busy si Raven these past few days kaya hindi niya na ako gaanong napapansin.“I’ll go na,” I said to Amara. “Mag-iingat ka, ah? Ca
CHAPTER 9Itinaboy ko siya sa aking tinutuluyan. Hinayaan niya naman ako na gawin ‘yon pero kinabukasan nang lumabas ako ay nand’yan na kagad siya at naghihintay.I acted as if I didn’t see him. Hindi rin siya nagsalita nang lagpasan ko siya pero ramdam ko namang sumunod siya sa akin. Dumeretso ako sa isang café para roon mag-breakfast. I glanced at Raven and saw him talking to a girl.I raised my left brow when he looked at me. Umiwas na rin ako ng tingin at naghanap ng bakanteng lamesa. Nang makakita ay umupo na ako roon. After ordering my food, I took out my laptop to get some work done.“What are you doing?” I glared at Raven when he pulled the chair in front of me.“Sitting? Kakain din ako rito,” he said as he raised his hand.“Maraming bakante.” Tinignan ko siya nang mariin.“Bakit pa ako uupo roon kung nandito ang asawa ko?” he fired back.I blew a breath and just decided to ignore him. Hindi rin siya nangulit at nanatili nalang na tahimik habang nagtitingin ng magazine.“Arche
CHAPTER 10My mother was so mad at me. Ni hindi ko nga alam paano ako nakatakas sakanila. Guards escorted my mother outside while Raven and I went to his car. Habang nasa loob, nagti-tipa na ako ng mensahe kay Amara at pati na rin sa manager ko na baka ma-late ako. I apologized to them and good thing that they understood.Nang makarating sa bahay, Raven went straight to our room. Sumunod na rin ako sakaniya para maghanda na. I took a bath first while he’s talking to someone over the phone. Nang lumabas ako, may kausap pa rin siya pero napansin ko ang pagtingin niya sa ‘kin at ang pagpasada ng tingin sa suot ko. Nagmamadali na rin ako kaya hindi ko na napansin na galit pala siya.“Where are you going?” he asked. I looked at him and saw that he already put down his phone. Humarap na siya sa ‘kin ngayon, binibigay ang buong atensyon.“I’m meeting with a friend. Meron kaming kasunduan na magkita ngayon,” sabi ko nang hindi man lang siya tinitignan dahil aware ako sa riin ng tingin niya. B
CHAPTER 11Because of what happened, I became awkward every time he was around. Nang pumasok kami sa trabaho kinabukasan, hindi ako makapagsalita. I didn’t bring my car with me because he wanted me to ride with him.“Sir, you’re already late for your meeting.” Sinalubong kami ng kaniyang secretary nang bumukas ang elevator. Yumuko naman ako at nanatili sa likod nila. Mukhang may something pa ang binigay na tingin sa ‘kin ng secretary niya dahil kasabay ko lang naman ang boss niya.Hindi ako nagsalita at iiba na sana ng daan nang tawagin ako ni Raven.“Archella,” he called.Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba dahil nakita ko kagad ang ngisi niya. Halos pandilatan ko siya dahil halatang-halata ang ginagawa niya. He’s flirting with me! At kapag nakita iyon ng mga tao rito, magiging issue pa at pag-uusapan ako. Ayaw ko nga ng ganoon!“Yes, Sir?” I tried to be formal.“I want to see you in my office after the meeting,” aniya at umalis na.Tumango nalang ako at pinanood siyang maglakad pal
CHAPTER 12My eyes widened a fraction when Raven pulled me away from Joe. Dahil lasing na si Joe, nabitawan niya kagad ako pero nang ma-realize niya ang nangyari, umamba siyang susuntukin si Raven. Buti nalang at malakas ang tugtog at maingay ang mga tao kaya hindi sila pansinin.“Stop this! Raven!” I yelled and tried to pull him away. Hindi siya nagpahila sa akin at mukhang gusto rin suntukin si Joe. “Let’s go!” I still tried to pull him.“Sino ka ba ha?! Give me back my girlfriend!” Joe yelled as he attempted to punch my husband.“What did you just say?” Raven asked in disbelief. Tumingin siya sa ‘kin at umiling ako kagad. His jaw clenched and then he looked back at Joe.Hinila ko siya ulit dahil pakiramdam ko ay magkakagulo na talaga rito. Hindi pwede mangyari ‘yon. Kilala si Raven at ang pamilya niya. Hindi pwedeng malaman ng tao na nakipagsuntukan siya nang dahil lang sa akin! Malalaman nilang kasal na siya!“What the hell are you doing?!” mariin kong bulong kay Raven habang naka
CHAPTER 13I decided to face them. Sinabi ko kay Raven na oras na siguro para humarap na kami sakanila. Sayang ang mga hinanda nila sa baba. Nag-effort pa rin sila na pumunta rito kahit na hindi naman namin sila inimbitahan.“Come on! Let’s eat!” excited na sabi ni Mrs. De Leon nang makita kami ni Raven na naglalakad na palapit sakanila. Mom eyed me with serious eyes, na para bang ino-obserbahan ako.Dumating na rin si Daddy at Mr. De Leon. Raven pulled a chair for me and then he kissed my forehead. I just gave him a small smile because I know that everyone was watching us. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Mrs. De Leon na para bang kinikilig pa.“Kamusta kayo? Ano, nakabuo na ba kayo?” panimula ni Mommy. My brows furrowed and I cringed at her excited tone. Alam kong hindi ‘yon totoo.“Hindi po kami nagmamadali ni Archella. We want to take time,” Raven answered. Nagpatuloy nalang ako sa pag-kain dahil hindi ko alam kung paano ako makakasagot nang maayos habang nakatitig kay Mommy.