"Sergeant Sanchez, iwanan mo na ko rito. Iligtas mo na lang ang sarili mo. Hindi ko na kaya pang tumakbo. Nanghihina na ako at marami ng dugong nababawas sa akin. Nanlalabo na rin ang aking paningin," hinahapong turan ni Corporal Rojen Santiago.
"Hindi, Santiago. Hindi kita iiwanan dito. Sabay tayong bababa ng bundok, magpakatatag ka lang. Alam ko na may darating na tulong sa atin. Maniwala ka sa mga kasamahan natin. Sigurado akong ililigtas nila tayo," saad ni Sergeant Dixson Sanchez na hinihingal na rin sa pagod. Nagpahinga na muna silang dalawa sa nakita nilang maliit na bukana ng kweba na hindi na rin pwedeng pasukin pa dahil sa kipot ng daan papasok. Kaya nakuntento na lang silang magtago muna sa bandang bungad ng kweba na natatakpan lang ng mataas na talahib. Hinubad ni Dixson ang suot niyang damit at pinunit iyon. Itinali ng mahigpit ang tela sa mga sugat ng kasama niyang sundalo. Natamaan ng bala ng baril ang tagiliran ng kanang hita nito at may tama rin sa isang braso niya si Corporal Santiago. "Makinig ka sa 'kin, Sergeant. Mababalewala ang ginawa nating pagtakas kanina sa kuta ng mga rebelde, kung kahit isa sa atin ay walang mabubuhay. Magiging pabigat lang ako sa iyo, dahil sa kalagayan ko. Kaya iwanan mo na ako rito!" Pagpapaintindi pa ng kapwa sundalo ni Dixson sa kanya. Iniiling ni Dixson ang ulo niya. "Magkasama tayong tumakas sa kuta ng kalaban Santiago, kaya magkasama tayong makakalabas sa bundok na ito. Konting tiis pa at darating din ang mga kasamahan natin. Naniniwala akong babalikan nila tayo." "Ang tigas ng ulo mo, Sergeant! Nakikita mo naman ang kalagayan ko ngayon, pero pinipilit mo pa rin ang gusto mo. Hindi mo ba nauunawaan na pagod na ako at hindi ko na kayang takbuhan ang mga kalabang humahabol sa atin. Ayokong maging pabigat pa sa iyo, Sergeant. Sa ating dalawa ikaw ang may malaking chance na makababa ng bundok. Kung makakatakas ka sigurado akong mababalikan mo ako rito. Hindi man siguradong buhay, kahit ang katawan ko na lang maibalik mo sa pamilya ko." matapang na saad ni Corporal Santiago. Batid kase nilang dalawa na kung mapapatay sila ng mga rebelde ay susunugin din ang kanilang mga katawan. Katulad ng ginawa sa iba nilang mga kasamahan na napatay sa engkwentro. Ganun ang ginagawa ng mga rebelde sa katawan ng mga sundalong napapatay nila. Napabuntong hininga si Dixson. Naiintindihan naman niya ang kasama niya, ayaw lang talaga niya na maiwan si Santiago. Saglit siyang nanahimik at nag isip. Nakangiwing napahawak sa hita niyang tinamaan ng bala si Corporal. Napaungol din ito sa sakit na nararamdaman kaya napabaling ng tingin sa kanya si Dixson. Halata sa mukha ng binata ang pag aalala niya para sa kasamahan. "Kung iiwan kita dito, maipapangako mo ba sa akin na kahit na anong mangyari ay hindi ka lalabas dito hanggang walang dumarating na tulong sa iyo, Santiago?" "Pangako, Sergeant. Mag iingat ka!" walang pag- aalinlangang sagot sa kanya ni Santiago. Naghahabol na ng hininga ang lalaki at dama ni Dixson ang paghihirap nito. "Babalikan kita, Corporal. Mag iingat ka rin." Binunot ni Dixson ang baril na nakaipit sa suot niyang pantalon at tiningnan kung ilan na lang ang bala ng baril. "Ito, apat pa ang bala nito. Gamitin mo kung kinakailangan." saad ni Dixson at ipinahawak ang baril kay Santiago. Tinanggihan si Santiago ang baril at ibinabalik kay Dixson. "Mas kakailanganin mo ito, Sergeant. Maraming kalaban ang makakasagupa mo, paglabas mo rito." "Santiago, wag mo akong alalahanin. Magaling ako sa self defense, black belter ako sa taekwondo at martial arts. Ikaw, itong baril lang ang magiging depensa mo ngayon." litanya ni Dixson at tinanggap na rin ni Santiago ang baril. "Dito, nandito sila..," dinig nila Dixson na sigaw ng isa sa mga humahabol sa kanilang kalaban. "Malapit na sila sa atin. Umalis ka na, Sergeant Sanchez." Nagdadalawang isip naman si Dixson kung iiwanan pa ba niya si Santiago. "May patak ng dugo rito at sariwa pa, kaya hindi pa sila nakakalayo. Sundan ninyo ang mga patak ng dugo." aning saad at utos ng isang lalaking malakas ang hinala ni Dixson na isa sa mga may mataas na rango sa mga rebelde. "Ka Terong, dito sila dumaan." muling sigaw ng kalaban na naririnig nila Dixson. Mabilis na kumilos si Dixson at nagpaalam kay Santiago. "Mag iingat ka, Sergeant Sanchez." bilin ni Santiago. "Ililigaw ko ang mga kalaban gamit ang dugo ko. Magpapahabol ako sa kanila upang makalayo sila dito, kaya wag kang lalabas." bilin din ni Dixson. Maingat at mabilis ang mga galaw ng binatang sundalo. Kumuha siya ng mga malalagong halaman na pangtabing pa sa kinalalagyan ng kasama niya. Bahagya na siyang lumayo sa lugar at sinugatan ang braso niya gamit ang kutsilyo. Sinadya niya iyon ipatak sa mga dinaraanan niya palayo sa pinagtataguan ng kasama niya. Tumakbo siya ng mabilis at napahinto siya ng takbo ng marinig niya ang palitan ng putok ng baril at ang malakas na sigaw na pagdaing ni Santiago sa sobrang sakit. Muling nakarinig si Dixson ng ilang magkakasunod na putok ng baril at hindi na niya narinig pa ang pagsigaw ni Corporal Santiago. Batid na niyang tinapos na ng mga rebelde ang buhay ni Santiago. Muli siyang tumakbo, ngunit may nakakita na sa kanyang kalaban kung saan siya papunta. Hinagisan siya ng granada na naiwasan niya ng makapagtago siya sa malaking bato. Hinabol na siya kaya sunud-sunod na putok ng baril ang narinig niya. Tinamaan ang kaliwang binti niya at ang isa niyang braso. May ilang daplis din ng bala ang tagiliran ng katawan niya. Bumagal ang takbo ni Dixson at napahinto siya ng mapansin niyang nasa tuktok siya ng isang talon. Pinag-iisipan niya kung anong gagawin niya ng marinig niya ang tawanan ng mga rebeldeng pinanood na pala siya. "Ano na ang gagawin mo Sergeant? Wala ka ng matatakbuhan pa, dead end na." nakangising wika ng lalaking sa tingin ni Dixson ay lider ng mga humabol sa kanya. Pasimple niyang sinulyapan ang talon. Malakas ang pressure ng tubig hindi siya sigurado kung mabubuhay pa siya kapag tumalon siya. "Hindi mo ba kayang tumalon sa talon? Gusto mong tulungan ka na namin, Sergeant?" muling saad ng lalaking nagsalita kanina at nagtawanan muli ang mga kasama nito. Dalawa lang ang pagpipilian ni Dixson. Ang pagtalon sa falls na rumaragasa ang tubig o ang magpahuli sa mga rebeldeng alam niyang pahihirapan muna siya bago patayin. Nagulat ang mga rebelde ng makita nilang tumalon si Dixson at agad din silang lumapit sa kinatatayuan ni Dixson kanina upang paputukan ng bala ng baril ang ibaba ng talon, kahit hindi na nila nakikita ang katawan ng sundalo. Tinamaan pa rin ng dalawang bala ang katawan ni Dixson kahit na nasa ilalim na siya ng tubig. Nagkulay pula ang tubig ng humalo ang dugo ng binata sa tubig ng talon. Nakita iyon ng mga rebelde kaya sigurado silang hindi na mabubuhay pa ang sundalo. "Ka Terong, tinamaan siya ng bala," wika ng isang rebelde. "Tara na, hindi na mabubuhay yan. Bumalik na tayo sa kuta natin." seryosong turan ni Ka Terong na lider ng mga rebelde. Nawalan naman ng malay si Dixson ng tamaan siya ng bala sa katawan."Tiyo Tunying, kumusta na po?!" magiliw na bati ni Alyanna Marie sa kapatid ng kanyang ina ng salubungin siya nito sa daan. "Bakit narito ka na naman, Yanna? Alam ba ng ama mo na nagpunta ka dito?" seryosong tanong ni Tunying sa pamangkin, pagkatapos makapagmano ni Yanna sa kanya. "Tiyo naman, parang ayaw mong narito ako!" may himig tampong saad ng dalaga. Napabuntong hininga naman si Tunying at inagaw sa pamangkin ang dala nitong maliit na maleta. "Ako ng magdadala nito." Hinayaan ni Yanna ang Tiyo Tunying niya na bitbitin ang gamit niya. Nauna itong maglakad pauwi ng bahay at sumunod naman siya. Hindi madaling makapasok sa bakuran ng Tiyo Tunying ni Yanna dahil sa napapaligiran ito ng mga malalaking aso. Malayo pa nga sila sa bahay ay dinig na ng dalaga ang pagtahol ng mga alaga ng tiyo niya. "Ilang beses na akong nagpabalik-balik dito at nakitira, hindi pa rin ako kilala ng mga alaga mo, Tiyo Tunying." aning wikang may pagtataka ni Yanna. Nasa labas na sila ng tarangkahan
"Hindi kaya napapraning ka lang Yanna? 'Yan siguro ang epekto ng pagiging writer mo. Kailan ka ba titigil sa pagsusulat mo? Aba ay naka-graduate ka na ng college pero parang wala ka pang balak na tulungan ang Daddy mo sa inyong negosyo." magkakasunod na tanong ng tiyo ni Yanna. "Hindi pa ko ready mag opisina, Tiyo. Malakas pa naman si Dad, hindi pa niya kailangan ang tulong ko. Nag asawa pa nga di ba! Pasalamat na lang ako at menopause na ang pinakasalan niya. Wala akong magiging half-sibling." natatawang sagot ng dalaga. Natawa at nailing ang ulo ni Tunying sa sinabi ng dalaga. Sumeryoso si Yanna. "Tiyo Tunying, may sasabihin ako sa 'yo, wag mong sasabihin sa iba ha!" "Sabihin mo na," utos ni Tunying kay Yanna. "Bago magpakasal si Dad kay Tita Amanda ay nailipat na ni Daddy sa pangalan ko ang ibang ari-arian na naging conjugal property nilang dalawa ni Mommy. Pero hindi pa isinama ni Dad ang bahay. Nangako naman si Dad na sa akin naman niya iyon ipapamana balang araw at ang
Ilang minuto lang ang hinintay ni Yanna at natanaw na niya ang tiyo niya na kasama si Mang Dencio na paparating. Nakasunod kay Junior at sa asong si Blacky. "Tiyo, bilisan po ninyo! Mahina na ang pintig ng puso niya." nagmamadaling turan ni Yanna ng makita na siya ng tiyuhin. "Sigurado kang buhay pa 'yan?" tanong ni Tunying kay Yanna habang tumatakbo ito papalapit sa pamangkin. "Opo Tiyo, may pulso pa siya." "Tiyo, buhatin n'yo na siya ni Mang Dencio. Dalhin natin siya sa pinakamalapit na ospital. Kailangan niyang magamot agad," nag aalalang turan ng dalaga. "Malayo ang ospital dito, Yanna. Ilang oras ang byahe papunta roon. Si Manang Rita mo ay marunong namang gumamot. Sa bahay na lang natin gamutin ang lalaking ito. Kumpleto rin naman ang gamit sa bahay at kaya niyang alisin ang mga bala sa katawan ng lalaking 'to." Wika ni Mang Dencio sa dalaga na biglang rumehistro ang pagtataka sa mukha, ngunit hindi na rin masyadong pinansin pa ng dalaga ang sinabing iyon ni Mang Dencio. "
"Huwag ka munang gumalaw. Hindi pa naghihilom ang iyong mga sugat. Makinig ka kay Yanna at sa amin kung gusto mong gumaling kaagad." istriktang utos ni Manang Rita ng abutan niyang pilit na umuupo ang lalaki at nahihirapan ang dalaga na umalalay dito. "Manang Rita, buti po at narito ka na. Manang, hindi raw po siya makaalala." pagpapabatid ng dalaga. Umawang ang bibig ng ginang at tumitig sa lalaki na nakatingin naman sa kanilang dalawa. "Wala kang maalala na kahit na ano?" seryosong tanong ni Manang Rita sa lalaki. "Wala po talaga akong maalala," sagot naman nito. "Palagay ko Manang Rita ay nagkaroon siya ng amnesia." wika ni Yanna. "Yun din ang sa tingin ko," saad din ng ginang. "Ano po bang nangyari sa akin? Sino po ba ako at sino po kayo?" mga tanong sa kanila ng lalaki. "Pasensiya ka na, hindi namin masasagot kung sino ka dahil hindi ka namin kakilala. Hindi ka rin naman taga-rito sa lugar namin. Ako si Manang Rita at ito naman si Yanna, siya ang nakakita sa iyo sa tabing
"May amnesia nga siya," wika ng tiyuhin ni Yanna. Nasa sala ang tatlong matanda at mga nag uusap ng lapitan sila ni Yanna dahil narinig niya na ang lalaki ang topic ng pag-uusap ng tatlo. "Totoo kayang hindi siya makaalala? baka gawa-gawa lamang niya ang pagkakawala ng kanyang alaala." saad naman ni Mang Dencio. "Nagsasabi siya ng totoo Dencio. Madali mo namang makikita kung nagsisinungaling sa iyo ang taong kaharap mo." aning usal ng asawa ni Mang Dencio na tapos ng magluto at pinalalamig na lang ng konti ang pagkaing nailuto. "Paano naman malalaman yun Manang Rita?" tanong ni Yanna na nakipag-usap na rin muna sa mga matatanda ng makaupo siya sa tabi ng kanyang tiyo. "Sa mata at sa kilos niya. Palagay ko ay temporary amnesia lang naman. Hindi ako sigurado kung kailan babalik ang alaala niya, Nabagok ang ulo niya at yun ang dahilan kung bakit nawalan siya ng alaala. May sugat siya sa ulo ng matagpuan mo siya sa ilog di ba,Yanna." paliwanag ng ginang na ikinatango ng dalaga dahil
"T-Totoo ba? Totoo bang patay na ang anak ko?!" garalgal ang boses na pagtanong ng Mommy ni Dixson sa commander ng anak, na sinadya pa talaga siyang puntahan sa bahay upang ipaalam ang nangyari kay Dixson. "We're so sorry, Mrs. Sanchez. Ayon sa report ay kasama sa mga nabihag ng mga rebelde si Sergeant Sanchez. Ang iba sa team nila ay sinunog ang katawan, ang iba ay nilunod at ang iba ay ipinakain sa malaking sawa na alaga ng kumander ng mga rebeldeng nakalaban nila. Natagpuan sa kuta ng kalaban ang military dog tag ni Sergeant Sanchez at ang palagi niyang isinusuot na relo. Nakita rin namin ang ipina-customized niyang swiss army knife na may nakaukit na pangalan niya." pahayag ng commander at ipinakita kay Lucille ang mga gamit na pagmamay-ari ng anak na panganay. Tinanggap ni Lucille ang iniabot sa kanya at umiiyak siyang niyakap ang mga gamit ni Dixson. "Nasaan ang katawan ng anak ko?" umiiyak na tanong ni Mrs. Sanchez. Hindi agad nakasagot ang commander nila Dixson. Napansin ni
Pagkarating nila Drake at Don Arnulfo sa labas ng bahay nila Dixson ay nakasalubong na sa kanila si Luis. "Lo, nasa loob pa sila. Hinihintay ka." wika ni Luis at nagmano sa matanda. "Kumusta na ang Tita Lucille ninyo?" tanong ni Don Arnulfo kay Luis. "Nagkamalay na siya, pero iyak pa rin ng iyak si Tita Lucille." sagot ni Luis. "Si Noreen?" si Drake naman ang nagtanong. "Parating pa lang, natawagan ko na siya kanina. Hindi niya pa alam ang dahilan kung bakit ko siya pinauuwi." wika ni Luis. "Tama ang ginawa mo, Luis. Tara na sa loob." saad ng lolo Arnulfo nila. "General Sanchez, Sir..," pagsaludo ng dalawang sundalo ng makita ang retired general. Nagbalik saludo ang matandang Sanchez sa dalawang lalaki na nakauniporme ng sundalo. "Retired General Sanchez, Please accept our sincere sympathy on the tragic death of your grandson Sergeant Dixson Sanchez, We are sorry that he is no longer with you. No doubt this sad event has been very disturbing for you and for the many
Lumipas ang ilang araw at nakakakilos na rin si Dixson na tinawag na ngang Anton nila Yanna at Manang Rita. "O Anton, bakit ka tumayong mag isa? kaya mo na ba?" tanong ni Yanna ng makita niya si Anton na na maingat na naglalakad palabas ng pinto ng silid nila Manang Rita. Kakababa lang ng dalaga sa hagdan ng umagang iyon. "Kailangan ko kaseng magbanyo, Yanna. Nakakahiya naman sa iyo kung tatawagin pa kita. Nahihiya na rin ako sa mag asawa sa abalang ginagawa ko sa kanila at sa inyo na rin ng Tiyo mo. Kaya ko naman ng tumayo at maglakad kahit na mabagal." sagot ni Anton sa dalaga. "Nauunawan ko, sige na magpunta ka na ng banyo at titignan na nga lang kita." wika ni Yanna na nginitian ang lalaki. Tumango si Anton at naglakad nga mag isa patungong banyo. Dumiretso naman ng kusina si Yanna at naghandang magtimpla ng kape. "Nakapagkape ka na ba?" tanong ni Yanna pasigaw upang marinig siya ni Anton sa loob ng banyo. "Kanina ipinagtimpla ako ng kape ni Manang Rita bago siya umalis pa