Share

Chapter 5

"Huwag ka munang gumalaw. Hindi pa naghihilom ang iyong mga sugat. Makinig ka kay Yanna at sa amin kung gusto mong gumaling kaagad." istriktang utos ni Manang Rita ng abutan niyang pilit na umuupo ang lalaki at nahihirapan ang dalaga na umalalay dito.

"Manang Rita, buti po at narito ka na. Manang, hindi raw po siya makaalala." pagpapabatid ng dalaga.

Umawang ang bibig ng ginang at tumitig sa lalaki na nakatingin naman sa kanilang dalawa.

"Wala kang maalala na kahit na ano?" seryosong tanong ni Manang Rita sa lalaki.

"Wala po talaga akong maalala," sagot naman nito.

"Palagay ko Manang Rita ay nagkaroon siya ng amnesia." wika ni Yanna.

"Yun din ang sa tingin ko," saad din ng ginang.

"Ano po bang nangyari sa akin? Sino po ba ako at sino po kayo?" mga tanong sa kanila ng lalaki.

"Pasensiya ka na, hindi namin masasagot kung sino ka dahil hindi ka namin kakilala. Hindi ka rin naman taga-rito sa lugar namin. Ako si Manang Rita at ito naman si Yanna, siya ang nakakita sa iyo sa tabing ilog na walang malay at sugatan." pagpapakilala ng ginang at pagsagot na rin nito sa itinatanong ng lalaki.

"Nasabi ko na sa kanya Manang ang tungkol dun." sambit ng dalaga na ikinatango ng ulo ni Manang Rita sa kanya.

Pinilit ng lalaki na alalahanin ang nangyari sa kanya ngunit kumirot ang ulo nito. Napansin ni Manang Rita ang reaksyon ng lalaki ng hawakan nito ang magkabilaang parte ng ulo.

"Huwag ka munang mag isip, baka makasama sa iyo. Wag mo munang pilitin ang sarili mong makaalala." wika ni Manang sa kanilang pasyente.

"Yanna, bantayan mo muna siya at ikukuha ko siya ng makakain. Ilang araw ng hindi siya kumakain, panigurado akong nagugutom na siya. Painumin mo na rin muna siya ng tubig. Wag mong biglain ipaubos ang tubig sa baso, dapat paunti-unti lang ng hindi sumakit ang kanyang tiyan." bilin ni Manang Rita.

"Tatawagin ko rin muna ang Tiyo mo at si Dencio sa gulayan." dugtong pang turan nito.

"Sige po, Manang Rita." wika ni Yanna.

Lumabas ng silid ang ginang at naiwan si Yanna sa loob na kasama ang lalaki.

"Uminom ka na muna raw ng tubig, baka kase nauuhaw ka na nga rin." utos nI Yanna ng salinan niya ang baso ng tubig at iniabot iyon sa kamay ng lalaki.

"Narinig mo ang sinabi ni Manang di ba, unti- untiin mo lang ang pag inom ng tubig. Wag mo raw biglain ang iyong tiyan." paalala pa ng dalaga.

Sinunod naman ang utos niya at ng halos mangalahati na ang inumin na nasa baso ay inilapag na nito ang baso sa tabi at kinuha iyon ni Yanna.

"Salamat pala sa ginawa mong pagtulong sa akin. Ang laking abala ko siguro sa inyo." wika ng lalaki.

Nakadama ng awa si Yanna ng mapansin niyang iniyuko ng lalaki ang ulo.

"Hindi naman, wag mong alalahanin yun. Ang importante nalagpasan mo ang paghihirap na naranasan mo sa mga taong gustong pumatay sa 'yo at ngayon nga ay pagaling na ang mga natamo mong sugat."

"May gustong pumatay sa akin?!" bulalas na tanong kay Yanna.

"Nang makita kita sa ilog ay mahina na ang pintig ng iyong puso. Sugatan ka at may ilang tama ng bala ng baril. Si Manang Rita at Mang Dencio na asawa ni Manang ang nagtulong na gamutin ka. Nga pala ang bahay na ito ay sa tiyuhin ko, mamaya ay makikilala mo sila." paliwanag ng dalaga.

Hindi maiwasan ng lalaki ang hindi mag-isip at napuna iyon ni Yanna.

"Bilin ni Manang sa iyo na huwag ka munang mag isip di ba. Baka sumakit na naman ang iyong ulo sa ginagawa mo. Malayo ang ospital dito, ilang oras din ang byahe bago makarating doon."

"Paano naman ako makakaalala kung hindi ko iisipin kung ano ba ang nangyari sa akin at kung sino ako. Paano ako makakauwi sa pamilya ko at paano ko malalaman kung may pamilya nga ba ako? Pangalan ko nga ay hindi ko matandaan kung ano."

"Kusa namang babalik ang iyong ala-ala. Hindi lang natin alam kung kailan. Sigurado naman akong may pamilya ka, malay mo hinahanap ka na pala nila. Kaya ang dapat mo munang isipin sa ngayon ay ang mabilisan mong pag galing. Para kapag pwede ka ng magkikilos ay hindi ka masyadong mainip at matulungan mo ang sarili mo na makita ka ng mga kapamilya mo di ba!" pagbibigay payo ni Yanna sa kausap.

"Tama ka, salamat uli."

"Kanina ka pa nagpapasalamat, sinabi ko naman sa iyo na ayos lang. Masaya akong natutulungan kitang mapagaan ang kinakaharap mong pagsubok sa buhay. Magdasal ka at hilingin mo sa nasa itaas na sana ay makaalala ka agad.

"Gagawin ko ang payo mo, Yanna."

Pareho silang natahimik sandali at ilang minuto lang ay kumatok ang Tiyo Tunying ng dalaga sa pinto kahit nakabukas naman.

"Pasok kayo ni Mang Dencio, Tiyo." wika ni Yanna ng makita sa labas ng pintuan ang dalawang lalaki.

"Ang sabi ni Rita ay gising na raw ang pasyente ninyong dalawa." aning wika ni Tunying sa pamangkin bago pumasok.

"Gising na nga po siya, kaso may problema Tiyo Tunying." mahinang usal ng dalaga.

Tiningnan ni Tunying sa mata si Yanna.

Nagmuwestra si Yanna na pumasok na ang tiyuhin sa loob.

"Ipinapakilala ko sa iyo ang Tiyo Tunying ko at si Mang Dencio. Asawa siya ni Manang Rita." saad ni Yanna pagharap niya sa lalaki.

"Mabuti at nagising ka na, tatlong araw kang walang malay. Balak ko na nga sanang dalhin ka sa ospital bukas kung hindi ka pa rin nagkaroon ng malay." litanya ni Tunying.

"Salamat po sa tulong at pag aalaga ninyo sa akin. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang pagpapatuloy ninyo sa akin dito sa bahay n'yo."

"Sinabi ni Rita na wala ka raw maalala, totoo ba?" tanong ni Tunying.

"Hindi po ako nagsisinungaling Mang Tunying, wala po talaga akong matandaan sa mga nangyari sa akin at hindi ko rin po maalala kung sino ako at kung may pamilya ako."

"Kahit na ano ay wala kang maalala?" tanong naman na sambit ni Mang Dencio.

"Hindi niya nga rin po maalala ang pangalan niya." pagsabat ni Yanna.

"Malaking problema yan. Paano natin malalaman kung sino ang mga kamag anak mo na pwede natin kontakin para masundo ka dito sa bahay?! Dalawang araw na akong napapagawi sa bayan para magtanong kung may nag report sa pulisya na may nawawalang lalaki na tutugma sa pisikal mong anyo. Pero wala naman nagrereport sa headquarters." saad ni Tunying at napakamot sa ulo ng mapansin niyang lalong nahiya ang lalaki sa kanila.

"Huwag kang mag alala, hindi kami titigil ni Dencio na magtanong-tanong sa bayan kung mayroong nawawalang lalaki sa lugar. Susubukan din naman magtanong sa mga kalapit lugar baka sakaling doon ay may makuha kaming impormasyon tungkol sa iyo." wika ni Tunying na nagpaangat ng ulo ng kausap.

"Salamat po uli Mang Tunying. Kapag po kaya ko ng tumayo at maglakad. Hindi po ako magtatagal dito sa inyo at ako na po mismo ang gagawa ng paraan upang hanapin ang aking pamilya at aking sarili na rin."

"Huwag mong isipin na malaki kang abala sa amin dito ha, Magtutulungan tayong makita o mahanap ka ng iyong pamilya." saad ni Tunying na pinagagaan ang kalooban ng lalaki.

Nanakit ang ulo ng lalaki kaya lumabas na ng silid sina Tunying at Dencio.

"Nahiya ka sa tiyo ko noh?! Mabait ang tiyo Tunying ko kaya wag kang matakot sa kanya. Dito ka na muna at magpahinga ka. Mamaya babalik ako para pakainin ka. Titignan ko lang kung luto na ang inihahandang pagkain ni Manang Rita para sa 'yo."

Tinanguan lang ng lalaki si Yanna. Tipid na ngumiti ang dalaga bago siya lumabas ng kwarto.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
relax ka.muna sanchez pagaling ka at saan.din maalala.ka.din kung sino.ka
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status