แชร์

Chapter 8

ผู้เขียน: Moonstone13
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-06-30 09:54:02

Pagkarating nila Drake at Don Arnulfo sa labas ng bahay nila Dixson ay nakasalubong na sa kanila si Luis.

"Lo, nasa loob pa sila. Hinihintay ka." wika ni Luis at nagmano sa matanda.

"Kumusta na ang Tita Lucille ninyo?" tanong ni Don Arnulfo kay Luis.

"Nagkamalay na siya, pero iyak pa rin ng iyak si Tita Lucille." sagot ni Luis.

"Si Noreen?" si Drake naman ang nagtanong.

"Parating pa lang, natawagan ko na siya kanina. Hindi niya pa alam ang dahilan kung bakit ko siya pinauuwi." wika ni Luis.

"Tama ang ginawa mo, Luis. Tara na sa loob." saad ng lolo Arnulfo nila.

"General Sanchez, Sir..," pagsaludo ng dalawang sundalo ng makita ang retired general.

Nagbalik saludo ang matandang Sanchez sa dalawang lalaki na nakauniporme ng sundalo.

"Retired General Sanchez, Please accept our sincere sympathy on the tragic death of your grandson Sergeant Dixson Sanchez, We are sorry that he is no longer with you. No doubt this sad event has been very disturbing for you and for the many
บทที่ถูกล็อก
อ่านต่อที่ GoodNovel
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
naku papa dix pagaling kna nagllulkha na sila.dahil akla nila.wla.kna
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 9

    Lumipas ang ilang araw at nakakakilos na rin si Dixson na tinawag na ngang Anton nila Yanna at Manang Rita. "O Anton, bakit ka tumayong mag isa? kaya mo na ba?" tanong ni Yanna ng makita niya si Anton na na maingat na naglalakad palabas ng pinto ng silid nila Manang Rita. Kakababa lang ng dalaga sa hagdan ng umagang iyon. "Kailangan ko kaseng magbanyo, Yanna. Nakakahiya naman sa iyo kung tatawagin pa kita. Nahihiya na rin ako sa mag asawa sa abalang ginagawa ko sa kanila at sa inyo na rin ng Tiyo mo. Kaya ko naman ng tumayo at maglakad kahit na mabagal." sagot ni Anton sa dalaga. "Nauunawan ko, sige na magpunta ka na ng banyo at titignan na nga lang kita." wika ni Yanna na nginitian ang lalaki. Tumango si Anton at naglakad nga mag isa patungong banyo. Dumiretso naman ng kusina si Yanna at naghandang magtimpla ng kape. "Nakapagkape ka na ba?" tanong ni Yanna pasigaw upang marinig siya ni Anton sa loob ng banyo. "Kanina ipinagtimpla ako ng kape ni Manang Rita bago siya umalis pa

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-07-01
  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 10

    Hindi na rin muna nagsalita ang dalaga at naglagay na lang ng palaman sa tinapay na kakainin niya. Nagpakiramdaman ang dalawa at ilang minuto lang ay nagpaalam na si Anton na babalik na sa silid. "Dito ka muna, wala ka namang gagawin sa loob di ba? malapit na rin mag alas dose ng tanghali, ang mabuti pa ay tulungan mo na lang akong magluto ng tanghalian natin." "Hindi ba nakakailang?" tanong ni Anton. "Nakakailang?! Bakit ka maiilang? Pwede ba Anton, wag mo ng intindihin yang naiisip mo. Wala naman tayong gagawin na hindi kaaya-aya. Tulungan mo kong magluto." saad ng dalaga. "Teka, titignan ko kung anong pwedeng lutuin. O eto may naka-marinate na palang baboy at manok sa refrigerator. Mag gigisa na lang siguro ako ng ampalaya at magpiprito ako ng manok. Kaso may problema!" "Anong problema?" napasulyap si Anton kay Yanna. "Takot ako sa tilamsik ng mantika eh!" Natawa ng bahagya si Anton. "Tawa ka diyan! Hindi ako nagbibiro, takot nga akong matalsikan ng mainit na mantika. Huwa

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-07-01
  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 11

    "Tiyo Tunying, kumusta po ang naging lakad ninyo?" tanong ni Yanna pagkarating ng tiyuhin sa bahay kasama si Mang Dencio. "Wala pa ring magandang resulta. Ilang araw na o mahigit dalawang linggo na ngang nasa sa atin si Anton pero walang naghahanap sa kanya o lumalapit sa mga presinto para hanapin siya. Ilang bayan na ang pinuntahan namin ni Dencio, wala talaga. Palagay ko ay taga-maynila siya at walang alam ang pamilya niya sa pagkawala niya. Kung may pamilya nga siyang matatawag." sagot ni Tunying sa pamangkin. Tulad ng mga naunang araw na nagbabyahe ang tiyuhin ni Yanna sa mga kalapit bayan ay bumabalik ito na walang magandang balita ay hindi maiwasan ng dalaga na malungkot para sa lalaki. "Nasaan si Anton?" tanong ni Tunying ng mapansin na wala ang lalaking pinag-uusapan nila. "Nasa likod bahay. Pinapaliguan ang mga alaga mong aso, Tiyo. Medyo nangangamoy na kase kanina kaya nagkusa na si Anton na paliguan sina Blacky at Gido." sagot ng dalaga. "Nahawakan ni Anton si Gido?!"

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-07-20
  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 12

    "Huh?! si Anton sundalo? paano naman ninyo nasabi na isa siyang sundalo, Tiyo?" "Hindi mo ba siya naoobserbahan? Kayo madalas ang nakakapag-usap at laging magkasama di ba? Sa pamamaraan ng pakikipag-usap niya halatang mayroon siyang pinag aralan. Marunong siyang magsalita ng english. Kahit ang kilos niya ay aral. Hindi katulad ng mga rebelde na karamihan sa kanila ay laki sa hirap. Napansin mo ba ang paghawak niya ng kutsara at kahit na magkamay siya pagkukumakain tayo ng sabay-sabay. Nung una ay inisip ko na lang na nahihiya siya pero ganun talaga ang pagkilos niya." saad ng Tiyo ni Yanna. "Hindi ko napapansin ang mga iyon, Tiyo Tunying." "Dahil pareho kayo, Yanna." wika ni Tunying. "Dati ka bang secret agent, Tiyo Tunying? Yung mga maliliit na bagay kase ay nakikita o napapansin mo. May nililihim ka sa amin noh?!" biro ni Yanna. Natawa si Tunying sa pinagsasabi ng pamangkin. "Agriculture ang tinapos ko, Yanna. Malabo yang sinasabi mo. Mahilig lang akong manood ng mga

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-07-21
  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 13

    Nasa gilid ng tarangkahan si Anton dahil ibinabalik nito ang dalawang aso sa loob ng dog house matapos paliguan. Nahagip ng mata niya si Yanna na umiiyak palabas kaya niya ito tinawag. "Anton, sigurado akong sa ilog siya pupunta. Pakisundan mo nga at kausapin. Galit siya sa akin kaya hindi ako papansinin ng pamangkin ko. Pakiusap samahan mo na muna siya at hikayating bumalik dito sa bahay." pakiusap na utos ni Tunying kay Anton. "Sige po, Ka Tunying. Huwag po kayong mag alala babalik po kami agad. Susundan ko na po siya." "Mag iingat ka. Huwag mong iaalis sa paningin mo si Yanna at baka kung ano ang gawin ng pamangkin ko." "Opo, makakaasa po kayo Ka Tunying." Pasigaw na sagot ni Anton na nakalabas na rin ng bakuran at sinusundan ang dalagang si Yanna. "Yanna.., sandali! Yanna.., Yanna, teka lang!" sigaw ni Anton ng malapit na siya sa dalaga. "Huwag mo na akong sundan, Anton. Gusto ko munang mapag-isa. Bumalik ka na ng bahay." saad ni Yanna na saglit na huminto sa paglakad takbo

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-07-21
  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 14

    "Bumalik na tayo sa bahay ng maiayos ko na ang mga gamit ko." wika ni Yanna. "Pwede ba akong sumama sa 'yo?" tanong ni Anton na ikinatitig ni Yanna sa lalaki. "Mas makakabuting dumito ka na lang Anton. Dito mapoprotektahan ka nila Tiyo Tunying at Mang Dencio. Kung isasama kita sa Maynila baka hindi rin kita maasikaso roon. May mga bruha pa akong kasama sa bahay namin. Baka mamaya ay apihin ka lang nila. I'm sorry.., hindi talaga pwede Anton." sagot ni Yanna na ikinayuko ng ulo ng lalaking kausap. "Babalik ka pa rin ba rito?" malungkot na tanong ni Anton na hindi na makatingin kay Yanna. "Babalik ako Anton, babalikan kita. Babalikan ko kayo nila Tiyo Tunying dito." sambit ng dalaga na ikinasulyap muli ni Anton sa kanya. "Mahal kita, Yanna.., sana pagbalik mo marinig ko na mula sa iyo na mahal mo rin ako. Maghihintay ako sa iyong pagbabalik. Hihintayin kita, Yanna." Nakadama ng kirot sa puso niya si Yanna. Nahihirapan siyang tignan si Anton. Damang-dama niýa na nagsasabi ng tapat

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-10-06
  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 1

    "Sergeant Sanchez, iwanan mo na ko rito. Iligtas mo na lang ang sarili mo. Hindi ko na kaya pang tumakbo. Nanghihina na ako at marami ng dugong nababawas sa akin. Nanlalabo na rin ang aking paningin," hinahapong turan ni Corporal Rojen Santiago. "Hindi, Santiago. Hindi kita iiwanan dito. Sabay tayong bababa ng bundok, magpakatatag ka lang. Alam ko na may darating na tulong sa atin. Maniwala ka sa mga kasamahan natin. Sigurado akong ililigtas nila tayo," saad ni Sergeant Dixson Sanchez na hinihingal na rin sa pagod. Nagpahinga na muna silang dalawa sa nakita nilang maliit na bukana ng kweba na hindi na rin pwedeng pasukin pa dahil sa kipot ng daan papasok. Kaya nakuntento na lang silang magtago muna sa bandang bungad ng kweba na natatakpan lang ng mataas na talahib. Hinubad ni Dixson ang suot niyang damit at pinunit iyon. Itinali ng mahigpit ang tela sa mga sugat ng kasama niyang sundalo. Natamaan ng bala ng baril ang tagiliran ng kanang hita nito at may tama rin sa isang braso n

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-06-18
  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 2

    "Tiyo Tunying, kumusta na po?!" magiliw na bati ni Alyanna Marie sa kapatid ng kanyang ina ng salubungin siya nito sa daan. "Bakit narito ka na naman, Yanna? Alam ba ng ama mo na nagpunta ka dito?" seryosong tanong ni Tunying sa pamangkin, pagkatapos makapagmano ni Yanna sa kanya. "Tiyo naman, parang ayaw mong narito ako!" may himig tampong saad ng dalaga. Napabuntong hininga naman si Tunying at inagaw sa pamangkin ang dala nitong maliit na maleta. "Ako ng magdadala nito." Hinayaan ni Yanna ang Tiyo Tunying niya na bitbitin ang gamit niya. Nauna itong maglakad pauwi ng bahay at sumunod naman siya. Hindi madaling makapasok sa bakuran ng Tiyo Tunying ni Yanna dahil sa napapaligiran ito ng mga malalaking aso. Malayo pa nga sila sa bahay ay dinig na ng dalaga ang pagtahol ng mga alaga ng tiyo niya. "Ilang beses na akong nagpabalik-balik dito at nakitira, hindi pa rin ako kilala ng mga alaga mo, Tiyo Tunying." aning wikang may pagtataka ni Yanna. Nasa labas na sila ng tarangkahan

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-06-18

บทล่าสุด

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 14

    "Bumalik na tayo sa bahay ng maiayos ko na ang mga gamit ko." wika ni Yanna. "Pwede ba akong sumama sa 'yo?" tanong ni Anton na ikinatitig ni Yanna sa lalaki. "Mas makakabuting dumito ka na lang Anton. Dito mapoprotektahan ka nila Tiyo Tunying at Mang Dencio. Kung isasama kita sa Maynila baka hindi rin kita maasikaso roon. May mga bruha pa akong kasama sa bahay namin. Baka mamaya ay apihin ka lang nila. I'm sorry.., hindi talaga pwede Anton." sagot ni Yanna na ikinayuko ng ulo ng lalaking kausap. "Babalik ka pa rin ba rito?" malungkot na tanong ni Anton na hindi na makatingin kay Yanna. "Babalik ako Anton, babalikan kita. Babalikan ko kayo nila Tiyo Tunying dito." sambit ng dalaga na ikinasulyap muli ni Anton sa kanya. "Mahal kita, Yanna.., sana pagbalik mo marinig ko na mula sa iyo na mahal mo rin ako. Maghihintay ako sa iyong pagbabalik. Hihintayin kita, Yanna." Nakadama ng kirot sa puso niya si Yanna. Nahihirapan siyang tignan si Anton. Damang-dama niýa na nagsasabi ng tapat

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 13

    Nasa gilid ng tarangkahan si Anton dahil ibinabalik nito ang dalawang aso sa loob ng dog house matapos paliguan. Nahagip ng mata niya si Yanna na umiiyak palabas kaya niya ito tinawag. "Anton, sigurado akong sa ilog siya pupunta. Pakisundan mo nga at kausapin. Galit siya sa akin kaya hindi ako papansinin ng pamangkin ko. Pakiusap samahan mo na muna siya at hikayating bumalik dito sa bahay." pakiusap na utos ni Tunying kay Anton. "Sige po, Ka Tunying. Huwag po kayong mag alala babalik po kami agad. Susundan ko na po siya." "Mag iingat ka. Huwag mong iaalis sa paningin mo si Yanna at baka kung ano ang gawin ng pamangkin ko." "Opo, makakaasa po kayo Ka Tunying." Pasigaw na sagot ni Anton na nakalabas na rin ng bakuran at sinusundan ang dalagang si Yanna. "Yanna.., sandali! Yanna.., Yanna, teka lang!" sigaw ni Anton ng malapit na siya sa dalaga. "Huwag mo na akong sundan, Anton. Gusto ko munang mapag-isa. Bumalik ka na ng bahay." saad ni Yanna na saglit na huminto sa paglakad takbo

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 12

    "Huh?! si Anton sundalo? paano naman ninyo nasabi na isa siyang sundalo, Tiyo?" "Hindi mo ba siya naoobserbahan? Kayo madalas ang nakakapag-usap at laging magkasama di ba? Sa pamamaraan ng pakikipag-usap niya halatang mayroon siyang pinag aralan. Marunong siyang magsalita ng english. Kahit ang kilos niya ay aral. Hindi katulad ng mga rebelde na karamihan sa kanila ay laki sa hirap. Napansin mo ba ang paghawak niya ng kutsara at kahit na magkamay siya pagkukumakain tayo ng sabay-sabay. Nung una ay inisip ko na lang na nahihiya siya pero ganun talaga ang pagkilos niya." saad ng Tiyo ni Yanna. "Hindi ko napapansin ang mga iyon, Tiyo Tunying." "Dahil pareho kayo, Yanna." wika ni Tunying. "Dati ka bang secret agent, Tiyo Tunying? Yung mga maliliit na bagay kase ay nakikita o napapansin mo. May nililihim ka sa amin noh?!" biro ni Yanna. Natawa si Tunying sa pinagsasabi ng pamangkin. "Agriculture ang tinapos ko, Yanna. Malabo yang sinasabi mo. Mahilig lang akong manood ng mga

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 11

    "Tiyo Tunying, kumusta po ang naging lakad ninyo?" tanong ni Yanna pagkarating ng tiyuhin sa bahay kasama si Mang Dencio. "Wala pa ring magandang resulta. Ilang araw na o mahigit dalawang linggo na ngang nasa sa atin si Anton pero walang naghahanap sa kanya o lumalapit sa mga presinto para hanapin siya. Ilang bayan na ang pinuntahan namin ni Dencio, wala talaga. Palagay ko ay taga-maynila siya at walang alam ang pamilya niya sa pagkawala niya. Kung may pamilya nga siyang matatawag." sagot ni Tunying sa pamangkin. Tulad ng mga naunang araw na nagbabyahe ang tiyuhin ni Yanna sa mga kalapit bayan ay bumabalik ito na walang magandang balita ay hindi maiwasan ng dalaga na malungkot para sa lalaki. "Nasaan si Anton?" tanong ni Tunying ng mapansin na wala ang lalaking pinag-uusapan nila. "Nasa likod bahay. Pinapaliguan ang mga alaga mong aso, Tiyo. Medyo nangangamoy na kase kanina kaya nagkusa na si Anton na paliguan sina Blacky at Gido." sagot ng dalaga. "Nahawakan ni Anton si Gido?!"

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 10

    Hindi na rin muna nagsalita ang dalaga at naglagay na lang ng palaman sa tinapay na kakainin niya. Nagpakiramdaman ang dalawa at ilang minuto lang ay nagpaalam na si Anton na babalik na sa silid. "Dito ka muna, wala ka namang gagawin sa loob di ba? malapit na rin mag alas dose ng tanghali, ang mabuti pa ay tulungan mo na lang akong magluto ng tanghalian natin." "Hindi ba nakakailang?" tanong ni Anton. "Nakakailang?! Bakit ka maiilang? Pwede ba Anton, wag mo ng intindihin yang naiisip mo. Wala naman tayong gagawin na hindi kaaya-aya. Tulungan mo kong magluto." saad ng dalaga. "Teka, titignan ko kung anong pwedeng lutuin. O eto may naka-marinate na palang baboy at manok sa refrigerator. Mag gigisa na lang siguro ako ng ampalaya at magpiprito ako ng manok. Kaso may problema!" "Anong problema?" napasulyap si Anton kay Yanna. "Takot ako sa tilamsik ng mantika eh!" Natawa ng bahagya si Anton. "Tawa ka diyan! Hindi ako nagbibiro, takot nga akong matalsikan ng mainit na mantika. Huwa

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 9

    Lumipas ang ilang araw at nakakakilos na rin si Dixson na tinawag na ngang Anton nila Yanna at Manang Rita. "O Anton, bakit ka tumayong mag isa? kaya mo na ba?" tanong ni Yanna ng makita niya si Anton na na maingat na naglalakad palabas ng pinto ng silid nila Manang Rita. Kakababa lang ng dalaga sa hagdan ng umagang iyon. "Kailangan ko kaseng magbanyo, Yanna. Nakakahiya naman sa iyo kung tatawagin pa kita. Nahihiya na rin ako sa mag asawa sa abalang ginagawa ko sa kanila at sa inyo na rin ng Tiyo mo. Kaya ko naman ng tumayo at maglakad kahit na mabagal." sagot ni Anton sa dalaga. "Nauunawan ko, sige na magpunta ka na ng banyo at titignan na nga lang kita." wika ni Yanna na nginitian ang lalaki. Tumango si Anton at naglakad nga mag isa patungong banyo. Dumiretso naman ng kusina si Yanna at naghandang magtimpla ng kape. "Nakapagkape ka na ba?" tanong ni Yanna pasigaw upang marinig siya ni Anton sa loob ng banyo. "Kanina ipinagtimpla ako ng kape ni Manang Rita bago siya umalis pa

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 8

    Pagkarating nila Drake at Don Arnulfo sa labas ng bahay nila Dixson ay nakasalubong na sa kanila si Luis. "Lo, nasa loob pa sila. Hinihintay ka." wika ni Luis at nagmano sa matanda. "Kumusta na ang Tita Lucille ninyo?" tanong ni Don Arnulfo kay Luis. "Nagkamalay na siya, pero iyak pa rin ng iyak si Tita Lucille." sagot ni Luis. "Si Noreen?" si Drake naman ang nagtanong. "Parating pa lang, natawagan ko na siya kanina. Hindi niya pa alam ang dahilan kung bakit ko siya pinauuwi." wika ni Luis. "Tama ang ginawa mo, Luis. Tara na sa loob." saad ng lolo Arnulfo nila. "General Sanchez, Sir..," pagsaludo ng dalawang sundalo ng makita ang retired general. Nagbalik saludo ang matandang Sanchez sa dalawang lalaki na nakauniporme ng sundalo. "Retired General Sanchez, Please accept our sincere sympathy on the tragic death of your grandson Sergeant Dixson Sanchez, We are sorry that he is no longer with you. No doubt this sad event has been very disturbing for you and for the many

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 7

    "T-Totoo ba? Totoo bang patay na ang anak ko?!" garalgal ang boses na pagtanong ng Mommy ni Dixson sa commander ng anak, na sinadya pa talaga siyang puntahan sa bahay upang ipaalam ang nangyari kay Dixson. "We're so sorry, Mrs. Sanchez. Ayon sa report ay kasama sa mga nabihag ng mga rebelde si Sergeant Sanchez. Ang iba sa team nila ay sinunog ang katawan, ang iba ay nilunod at ang iba ay ipinakain sa malaking sawa na alaga ng kumander ng mga rebeldeng nakalaban nila. Natagpuan sa kuta ng kalaban ang military dog tag ni Sergeant Sanchez at ang palagi niyang isinusuot na relo. Nakita rin namin ang ipina-customized niyang swiss army knife na may nakaukit na pangalan niya." pahayag ng commander at ipinakita kay Lucille ang mga gamit na pagmamay-ari ng anak na panganay. Tinanggap ni Lucille ang iniabot sa kanya at umiiyak siyang niyakap ang mga gamit ni Dixson. "Nasaan ang katawan ng anak ko?" umiiyak na tanong ni Mrs. Sanchez. Hindi agad nakasagot ang commander nila Dixson. Napansin ni

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 6

    "May amnesia nga siya," wika ng tiyuhin ni Yanna. Nasa sala ang tatlong matanda at mga nag uusap ng lapitan sila ni Yanna dahil narinig niya na ang lalaki ang topic ng pag-uusap ng tatlo. "Totoo kayang hindi siya makaalala? baka gawa-gawa lamang niya ang pagkakawala ng kanyang alaala." saad naman ni Mang Dencio. "Nagsasabi siya ng totoo Dencio. Madali mo namang makikita kung nagsisinungaling sa iyo ang taong kaharap mo." aning usal ng asawa ni Mang Dencio na tapos ng magluto at pinalalamig na lang ng konti ang pagkaing nailuto. "Paano naman malalaman yun Manang Rita?" tanong ni Yanna na nakipag-usap na rin muna sa mga matatanda ng makaupo siya sa tabi ng kanyang tiyo. "Sa mata at sa kilos niya. Palagay ko ay temporary amnesia lang naman. Hindi ako sigurado kung kailan babalik ang alaala niya, Nabagok ang ulo niya at yun ang dahilan kung bakit nawalan siya ng alaala. May sugat siya sa ulo ng matagpuan mo siya sa ilog di ba,Yanna." paliwanag ng ginang na ikinatango ng dalaga dahil

สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status