Share

Chapter 6

"May amnesia nga siya," wika ng tiyuhin ni Yanna.

Nasa sala ang tatlong matanda at mga nag uusap ng lapitan sila ni Yanna dahil narinig niya na ang lalaki ang topic ng pag-uusap ng tatlo.

"Totoo kayang hindi siya makaalala? baka gawa-gawa lamang niya ang pagkakawala ng kanyang alaala." saad naman ni Mang Dencio.

"Nagsasabi siya ng totoo Dencio. Madali mo namang makikita kung nagsisinungaling sa iyo ang taong kaharap mo." aning usal ng asawa ni Mang Dencio na tapos ng magluto at pinalalamig na lang ng konti ang pagkaing nailuto.

"Paano naman malalaman yun Manang Rita?" tanong ni Yanna na nakipag-usap na rin muna sa mga matatanda ng makaupo siya sa tabi ng kanyang tiyo.

"Sa mata at sa kilos niya. Palagay ko ay temporary amnesia lang naman. Hindi ako sigurado kung kailan babalik ang alaala niya, Nabagok ang ulo niya at yun ang dahilan kung bakit nawalan siya ng alaala. May sugat siya sa ulo ng matagpuan mo siya sa ilog di ba,Yanna." paliwanag ng ginang na ikinatango ng dalaga dahil napansin nga niya ang sugat na sinasabi ni Manang Rita.

"Paano na 'yan ngayon, Ka Tunying? Wala siyang maalala na kahit na ano. Ultimo pangalan niya ay hindi niya masabi sa atin." tanong muli ni Mang Dencio.

"Tinulungan na rin naman natin siya, e di lubusin na natin. Mahirap ang kanyang sitwasyon ngayon. Subukan mong ilagay ang sarili mo sa kalagayan niya Dencio, ano ang iyong mararamdaman?" sambit ng Tiyo ni Yanna.

"Mahirap nga! para kang naliligaw sa isang madilim at masukal na kabundukan at hindi mo makita ang tamang daan pabalik sa iyong pinanggalingan dahil hindi mo matandaan kung saan ka nagmula." sagot ni Mang Dencio kay Tunying.

"Natumbok mo, Dencio. Ang lalaking nasa loob ng inyong silid ay parang naliligaw ngayon at hindi na maalala kung saan siya nagmula. Naniniwala akong kinasangkapan tayo ng nasa itaas para siya ay matulungan." pagpapaunawa ni Tunying sa kaibigan na kanyang tauhan.

"Ka Tunying, ang lalaking iyan ay total stranger, walang pagkakakilalan. Hindi tayo sigurado sa kanya kung mabuti siyang tao o masama. Pinaalalahanan lamang kita." litanya naman ni Manang Rita.

"Rita, alam kong nag aalala ka para sa ating lahat dito, pero ikaw na rin ang nagsabi na makikita sa mata at kilos ng isang tao kung nagsasabi ng totoo o hindi. Mararamdaman mo rin naman siguro kung mabuti siyang tao o hindi di ba? Palagay ko ay hindi siya masamang tao, Rita." wika ni Tunying.

"Tama ka naman ka Tunying, hindi ako nakakaramdam ng panganib sa presensiya niya." pagsang ayon ni Manang Rita.

Naku-curious naman si Yanna sa pagkatao ng ginang. Parang may nag uudyok sa kanya na kilalanin pa ng husto ang asawa ni Mang Dencio.

"Kukupkopin muna natin siya hanggang sa magbalik ang kanyang alaala." dugtong pang wika ng tiyuhin ni Yanna na ikinaagaw pansin ng dalaga.

Napangiti ang dalaga sa naririnig niyang usapan ng tatlong matatanda.

"Kung mananatili siya rito, ano namang itatawag natin sa kanya?" tanong niya sa tatlong kasama niya sa sala.

"Oo nga, Ka Tunying. Kailangan natin siyang pangalanan." segunda ni Manang Rita.

"Di ba Ka Tunying wala ka namang anak na lalaki. Wala kang junior. Bakit hindi na lang Anton, pinaiksing Antonio." suggestion ni Mang Dencio.

"Ang galing ng naisip mo Mang Dencio, gusto ko ang pangalang Anton, bagay sa kanya. Pwede mo rin palabasin Tiyo Tunying na pamangkin mo rin si Anton." pagsabat ni Yanna.

"Pwede naman," sang ayon ni Tunying.

"Hindi maiiwasan na may makakita sa kanyang ibang tao dito. Ganun na nga lang ang gawin natin. Pero magtatanung-tanong pa rin ako ng palihim sa bayan at kalapit lugar kung mayroon naghahanap sa kanya. Hindi natin pwedeng ipaalam o ireport sa mga pulis ang tungkol sa kanya dahil baka mamaya ay lalo lang maging delikado ang buhay niya. Hayaan natin na manatili siya rito hanggang sa manumbalik sa isip niya ang alaala." pinal na desisyon ni Tunying para sa lalaking nasa loob ng silid nila Dencio at Rita.

"Ang bait talaga ng paborito kong tiyo.' natutuwang sambit ni Yanna.

"Yanna, wag mo na akong utoin. Alam kong masaya ka sa ginawa kong desisyon. Pasalamat ka sa lolo at lola mo dahil pinalaki nila kami ng mommy mo na maging matulungin sa kapwa. Kaya ikaw dapat matutunan mo rin na maging mabait at maging mapang-unawa."

"Tiyo, mabait ako," saad agad ni Yanna.

"Pero hindi mo maunawaan ang iyong ama." wika ng tiyuhin ng dalaga.

"Napunta na ang usapan sa akin, Tiyo naman eh! D'yan na nga kayo at babalikan ko na lang si Anton sa loob ng silid at kakausapin ko na lang baka sakali sa kakatanong ko sa kanya ay may maalala siya." usal ni Yanna na ikinatawa ng mahina ng mga kaharap niya.

"Umiiwas ka na naman. S'ya sige asikasuhin mo na nga lang ang pasyente mo." paninitang turan ni Tunying sa pamangkin.

"Ikaw talaga Tiyo Tunying, madalas mo akong buskahin. Kampi ka palagi sa ama ko, may usapan siguro kayong dalawa." aniya pa sa tiyuhin.

"Huwag mo kong mapaghinalaang nakikipagsabwatan kay Rodrigo, Yanna. Ang Daddy mo ay huli kong nakausap sa phone nung hinahanap ka sa akin dahil ilang araw kang nawala at hindi niya alam kung nasaan ka. Napagsabihan pa nga ako na kinukunsinti raw kita kaya lalong tumitigas ang ulo mo." angil ni Tunying sa pamangkin.

Ngingiti-ngiti naman ang dalaga dahil napikon na naman niya ang tiyuhin.

"Mabuti ng matigas ang ulo ko, kaysa naman maging uto-uto katulad ng Daddy ko. Halata namang nagpapakitang gilas lang sa harap niya yung mag ina, pero nagbubulag-bulagan naman siya."

"Selos lang yan, Yanna! Balikan mo na sa silid ang pasyente mo at baka hinihintay ka rin niya at naghahanap na ng makakausap."

"Selos daw, kasalanan naman talaga ni Dad!" maktol ni Yanna at naglakad na patungo sa kusina na ikinasunod sa kanya ni Manang Rita.

Napalakas naman ang tawa ni Mang Dencio sa asal batang ipinakita ni Yanna sa kanila.

"Ako na ang maghahanda ng pagkain niya at ikaw na ang magpakain muna sa kanya, Yanna."

"No problem Manang," mabilis na sumang ayon ang dalaga.

"Yanna, paaalalahanan lang kita ha. Magandang lalaki ang pasyente natin hindi masama ang magka-crush o humanga sa isang lalaki pero dapat alamin mo rin muna ang background niya, baka mamaya may sarili na pala siyang pamilya, asawa't anak ang ibig kong sabihin."

"Manang, sinasabi mo ba sa akin na crush ko si Anton?"

"Napapansin ko lang na parang masyado kang napapalapit sa kanya." pagsasabi ng totoo ng ginang.

"Manang, wala naman masama kung humanga ako sa physical niyang katauhan. Sabi mo nga kanina maganda siyang lalaki. Gwapo naman siyang talaga at makisig ang pangangatawan pero alam ko naman ang limitasyon ko kaya wala kang dapat na ipagworried sa akin."

"Mabuti na yung may nagpapaalala pa rin sa iyo, Yanna. Huwag kang masyadong maging malapit sa kanya para hindi ka magsisi."

"Manang, hindi mangyayari ang iniisip mo. Ilang linggo lang ako dito di ba."

"O s'ya sige, bumalik ka na sa kwarto at ipakain mo sa kanya itong lugaw na may hinimay na manok at nilagang itlog. Kung gusto mong kumain ay kumuha ka na lang dito mamaya."

"Salamat Manang Rita, iwan na kita rito at pakakainin ko muna ang crush ko ng masarap na lugaw ng siya ay lumakas naman na sa aking paningin. Nanlalambot pa kase eh!" natatawang turan ni Yanna na alam ni Manang Rita na binibiro siya ng pamangkin ng amo nila.

"Palabiro kang talaga Yanna. Huwag mo iyan ipaparinig sa Tiyo mo at baka mapauwi ka agad sa Maynila."

"Manang, yung sinabi mo kanina wag mong sasabihin kay Tiyo ha! nagbibiro lang ako."

Natawa ng pagak ang ginang.

"Bigla kang kinabahan noh?! Wala akong sasabihin kay ka Tunying basta yung paalala ko gawin mo."

"Yes, Ma'am." nakangiting sagot ng dalaga at binalikan na ang lalaking may Amnesia na pinangalanan muna nilang Anton.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
Hahaha nag puso mo yanna
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status