Share

Chapter 10

Hindi na rin muna nagsalita ang dalaga at naglagay na lang ng palaman sa tinapay na kakainin niya.

Nagpakiramdaman ang dalawa at ilang minuto lang ay nagpaalam na si Anton na babalik na sa silid.

"Dito ka muna, wala ka namang gagawin sa loob di ba? malapit na rin mag alas dose ng tanghali, ang mabuti pa ay tulungan mo na lang akong magluto ng tanghalian natin."

"Hindi ba nakakailang?" tanong ni Anton.

"Nakakailang?! Bakit ka maiilang? Pwede ba Anton, wag mo ng intindihin yang naiisip mo. Wala naman tayong gagawin na hindi kaaya-aya. Tulungan mo kong magluto." saad ng dalaga.

"Teka, titignan ko kung anong pwedeng lutuin. O eto may naka-marinate na palang baboy at manok sa refrigerator. Mag gigisa na lang siguro ako ng ampalaya at magpiprito ako ng manok. Kaso may problema!"

"Anong problema?" napasulyap si Anton kay Yanna.

"Takot ako sa tilamsik ng mantika eh!"

Natawa ng bahagya si Anton.

"Tawa ka diyan! Hindi ako nagbibiro, takot nga akong matalsikan ng mainit na mantika. Huwa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
yan pakonti konti na may naala si anton sana tuloy tuloy na
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status