Ilang minuto lang ang hinintay ni Yanna at natanaw na niya ang tiyo niya na kasama si Mang Dencio na paparating. Nakasunod kay Junior at sa asong si Blacky.
"Tiyo, bilisan po ninyo! Mahina na ang pintig ng puso niya." nagmamadaling turan ni Yanna ng makita na siya ng tiyuhin. "Sigurado kang buhay pa 'yan?" tanong ni Tunying kay Yanna habang tumatakbo ito papalapit sa pamangkin. "Opo Tiyo, may pulso pa siya." "Tiyo, buhatin n'yo na siya ni Mang Dencio. Dalhin natin siya sa pinakamalapit na ospital. Kailangan niyang magamot agad," nag aalalang turan ng dalaga. "Malayo ang ospital dito, Yanna. Ilang oras ang byahe papunta roon. Si Manang Rita mo ay marunong namang gumamot. Sa bahay na lang natin gamutin ang lalaking ito. Kumpleto rin naman ang gamit sa bahay at kaya niyang alisin ang mga bala sa katawan ng lalaking 'to." Wika ni Mang Dencio sa dalaga na biglang rumehistro ang pagtataka sa mukha, ngunit hindi na rin masyadong pinansin pa ng dalaga ang sinabing iyon ni Mang Dencio. "Tama si Dencio, Yanna. Baka hindi pa natin mailigtas ang buhay ng lalaking ito, kung dadalhin pa natin siya sa ospital." segunda ni Tunying sa sinabi ni Mang Dencio. "Kayo po ang bahala Tiyo, kung wala naman ng pagpipilian talaga." saad na lang ng dalaga. "Mauna na kayo ni Junior sa bahay, Ipa handa na ninyo ang mga kakailanganing gamit kay Rita. Susunod kami sa inyo." utos ni Tunying sa pamangkin. "Sige po, Junior tara! Bilisan natin." wika ni Yanna na mababanaag sa kanyang mukha ang pag aalala para sa lalaking nanghihina ng talaga. Sinulyapan pa muna ng matagal ni Yanna ang mukha ng lalaking walang malay at tahimik na ipinagdasal. Pagkatapos nun ay lakad takbo na siyang bumalik ng bahay na kasunuran ang bata at ang aso. Pagkarating ng bahay ay aligaga si Yanna na tumulong kay Manang Rita. Lahat ng iutos sa kanya ng ginang ay mabilis niyang ginagawa. "Narito na sila!" sigaw ng batang si Junior na nasa labas ng bahay. Lumabas agad ng bahay si Yanna upang sumalubong. Buhat-buhat pa rin ng dalawang lalaki ang estranghero na wala pa ring malay. "Sa silid na muna namin siya ihiga." wika ni Manang Rita. Tatlo lang ang kwarto ng bahay ng tiyo ni Yanna at lahat ng iyon ay okupado na. "Sigurado ka? pwede naman sa silid ko na lang." saad na tanong ni Tunying. "Oo, Sa sala na muna kaming tatlo matutulog. Sanay naman kaming lahat mahiga sa sahig. Maglalatag na lang ako ng banig kapag matutulog na kami." sagot ni Rita. "Ayos lang ba sa iyo Dencio?" tanong ni Tunying sa asawa ni Rita. "Nakapagdesisyon na ang asawa ko. Kung ano ang sinabi niya ay sige na lang, para walang away." sagot ni Dencio na ikinangiti ng magtiyuhin. "Bumira ka na naman ng kalokohan mo Dencio. Ipasok na ninyo 'yan sa loob ng maumpisahan na ang pag alis ng bala sa katawan niya." angil ni Rita sa asawa at nag utos na rin na sinunod naman ng dalawang lalaki. Ipinasok sa loob ng silid ang lalaki at sinimulan ng gamutin ni Manang Rita at linisan ang katawan ng lalaki na katulong si Mang Dencio. Naghintay naman ang mag tiyo sa may sala, habang ginagamot ang lalaki. "Sino kaya siya, Tiyo? Taga-rito kaya siya?" tanong ni Yanna. "Hindi ko kilala, Sigurado akong hindi siya taga-rito." "Ano kayang nangyari sa kanya? Ang dami niyang pasa at sugat sa katawan. May tama pa siya ng bala ng baril. Hindi kaya biktima siya ng salvage?" curious na tanong ng dalaga. "Maaari, Pero pwedeng isa siyang sundalo o kaya ay rebelde. Palagay ko ay tumakas siya sa mga gustong pumatay sa kanya. Sa itsura niya halatang binugbog at pinahirapan siya. Yung sugat niya sa ulo, hinala ko ay tumama iyon sa matigas na bagay." wika ni Tunying. "Kung sundalo siya dapat may pagkakakilalan siya di po ba?" wika ni Yanna. "Military Dog tag ba ang ibig mong tukuyin? Paano kong kinuha sa kanya o sinadyang alisin? Kung rebelde naman siya, maaaring may nakalaban sa mga kasamahan niya yan kaya siya gustong patayin." konklusyong saad ni Tunying. "Wala ka bang nakita kanina sa tabing ilog?" tanong ng Tiyo Tunying ng dalaga sa kanya. "Kinapa ko po kanina ang suot niyang pantalon pero wala po eh! baka po sundalo siya naka-cargo pants eh!" sagot ni Yanna. "Hindi mo masasabi. Marami ng nagsusuot ng cargo pants ngayon, kahit hindi sundalo. Minsan ang mga rebelde ay nagsusuot din ng ganun para makapanlinlang ng kalaban." "Ganun po ba? sabagay! Pero kawawa naman siya, Grabe yung pagpapahirap na ginawa sa kanya." wika ni Yanna. "Naawa ka kaagad, di ka pa sigurado kung mabuting tao ba iyang tinulungan mo." saad ni Tunying na ikinangiti ni Yanna. "Tiyo, hindi lang ako ang tumulong sa kanya. Tayong lahat na nandito sa bahay." paalalang wika ni Yanna. Napabuntong hininga si Tunying. Hindi siya nakakontra sa pamangkin. "Sana ay magising siya agad para malaman natin kung sino siya at kung ano ba ang nangyari sa kanya." saad ni Tunying. "Sana nga po, Tiyo. Nang maipaalam natin sa pamilya niya ang nangyari sa kanya." Tumayo ang tiyo ni Yanna sa kinauupuan nito sa sala at sinundan ng tingin ng dalaga ang tiyuhin. "Mabuti pa ay magpalit ka na ng damit. Basa pa rin iyang suot mo, hindi mo na namalayan." utos at pagpapaalala ni Tunying kay Yanna. "Ay oo nga po pala! sige po maliligo na po muna ako." Lumabas muna ng bahay si Tunying at iniwan na rin sa sala ang pamangkin. Inasikaso ni Yanna ang sarili at ng siya ay matapos ay hinanap ang tiyuhin. Nakita niya ang Tiyo Tunying niya at si Mang Dencio na nag uusap sa kusina at nagmemeryenda. Naghahanda na rin ng lulutuin para sa hapunan nila ang tiyo ng dalaga. "Magluluto na po pala kayo? Hindi pa po ba tapos si Manang Rita?" tanong ng dalaga. "Tapos na, Yanna. Naalis na namin ang mga bala sa katawan nung lalaki." sagot ni Mang Dencio. "Pwede ko na po bang pasukin si Manang Rita sa loob ng silid ninyo, Mang Dencio? Tiyo, okay lang po ba?" "Pwede naman. Sige pasukin mo na sa silid si Manang Rita mo." sagot ni Dencio at tinanguan lang siya ng ulo ng tiyo niya. "Sige po!" Kahit na bukas ang pintuan ng kwarto ay kumatok pa rin si Yanna. "Pumasok ka, Yanna." "Kumusta na po siya, Manang?" "Mas maayos na ang paghinga niya ngayon kesa kanina. Siguradong lalagnatin siya ng ilang araw, kailangan siyang mabantayan dahil baka kumbulsyunin. Kapag bumaba na ang lagnat niya ay magiging okay na rin siya." "Pwede pong ako na lang ang magbantay sa kanya ngayong gabi. Dito na po muna ako sa tabi niya magsusulat. Sanay naman po akong nagpupuyat sa gabi." "Sigurado ka?" naniniguradong tanong ni Rita sa dalaga. "Oo naman po, Manang. Pagod kayo sa maghapon di po ba? Kung sakaling may mangyari naman po ay madali ko naman kayong matatawag." "Kung talagang gusto mo siyang bantayan, E di sige, ikaw ang magbantay sa kanya sa gabi at ako naman sa araw. Si Dencio na muna ang maghahatid at magsusundo kay Junior sa paaralan." "Pasensiya na po sa naging abala, Manang." "Wala ka namang dapat na hingin ng pasensiya. Ako man ang makakita ng taong nangangailangan ng tulong ay gagawin ko rin ang iyong ginawa." nakakaunawang turan ni Manang Rita. Ganoon nga ang ginawa nilang pag aalaga sa pasyente nila. Salitan sila sa pagbabantay ni Manang Rita sa lalaki. Makalipas ang dalawang araw. Nagtitipa si Yanna sa laptop niya sa loob ng silid nila Manang Rita ng marinig niyang umungol ang lalaki. Tumigil sa ginagawa niya si Yanna at pinakiramdaman niya muna ang lalaki. Nang makita ni Yanna na nagigising na ang lalaki ay doon lang niya tinawag sina Manang. "Manang, gising na siya! Nagising na po siya!" pasigaw na pagtawag ng dalaga. "Si-sino ka?! Nasaan ako?" tanong ng lalaki ng lapitan siya ni Yanna. 'Huwag ka munang kumilos, hindi pa magaling ang mga sugat mo." saad ni Yanna at inalalayan ang lalaki. Napatitig sa mukha ni Yanna ang lalaki at mababakas sa mukha nito ang pagkalito. "Huwag kang mag alala, narito ka sa bahay ng tiyuhin ko. Ako si Yanna, ako ang nakakita sa iyo sa tabing ilog na walang malay. Ikaw, sino ka? Anong nangyari sa iyo at bakit ka pinagbabaril?" Kumunot ang noo ng lalaki. "Hindi ko alam, hindi ko matandaan kung sino ako. Bakit wala akong maalala na kahit na ano?!" Naguguluhang tanong ng lalaki kay Yanna na ikinaawang ng bibig ng dalaga. "Bakit hindi ko matandaan kung sino ako?!" tanong muli ng lalaki. "Nagka-amnesia ka?!" patanong na sagot naman ni Yanna."Huwag ka munang gumalaw. Hindi pa naghihilom ang iyong mga sugat. Makinig ka kay Yanna at sa amin kung gusto mong gumaling kaagad." istriktang utos ni Manang Rita ng abutan niyang pilit na umuupo ang lalaki at nahihirapan ang dalaga na umalalay dito. "Manang Rita, buti po at narito ka na. Manang, hindi raw po siya makaalala." pagpapabatid ng dalaga. Umawang ang bibig ng ginang at tumitig sa lalaki na nakatingin naman sa kanilang dalawa. "Wala kang maalala na kahit na ano?" seryosong tanong ni Manang Rita sa lalaki. "Wala po talaga akong maalala," sagot naman nito. "Palagay ko Manang Rita ay nagkaroon siya ng amnesia." wika ni Yanna. "Yun din ang sa tingin ko," saad din ng ginang. "Ano po bang nangyari sa akin? Sino po ba ako at sino po kayo?" mga tanong sa kanila ng lalaki. "Pasensiya ka na, hindi namin masasagot kung sino ka dahil hindi ka namin kakilala. Hindi ka rin naman taga-rito sa lugar namin. Ako si Manang Rita at ito naman si Yanna, siya ang nakakita sa iyo sa tabing
"May amnesia nga siya," wika ng tiyuhin ni Yanna. Nasa sala ang tatlong matanda at mga nag uusap ng lapitan sila ni Yanna dahil narinig niya na ang lalaki ang topic ng pag-uusap ng tatlo. "Totoo kayang hindi siya makaalala? baka gawa-gawa lamang niya ang pagkakawala ng kanyang alaala." saad naman ni Mang Dencio. "Nagsasabi siya ng totoo Dencio. Madali mo namang makikita kung nagsisinungaling sa iyo ang taong kaharap mo." aning usal ng asawa ni Mang Dencio na tapos ng magluto at pinalalamig na lang ng konti ang pagkaing nailuto. "Paano naman malalaman yun Manang Rita?" tanong ni Yanna na nakipag-usap na rin muna sa mga matatanda ng makaupo siya sa tabi ng kanyang tiyo. "Sa mata at sa kilos niya. Palagay ko ay temporary amnesia lang naman. Hindi ako sigurado kung kailan babalik ang alaala niya, Nabagok ang ulo niya at yun ang dahilan kung bakit nawalan siya ng alaala. May sugat siya sa ulo ng matagpuan mo siya sa ilog di ba,Yanna." paliwanag ng ginang na ikinatango ng dalaga dahil
"T-Totoo ba? Totoo bang patay na ang anak ko?!" garalgal ang boses na pagtanong ng Mommy ni Dixson sa commander ng anak, na sinadya pa talaga siyang puntahan sa bahay upang ipaalam ang nangyari kay Dixson. "We're so sorry, Mrs. Sanchez. Ayon sa report ay kasama sa mga nabihag ng mga rebelde si Sergeant Sanchez. Ang iba sa team nila ay sinunog ang katawan, ang iba ay nilunod at ang iba ay ipinakain sa malaking sawa na alaga ng kumander ng mga rebeldeng nakalaban nila. Natagpuan sa kuta ng kalaban ang military dog tag ni Sergeant Sanchez at ang palagi niyang isinusuot na relo. Nakita rin namin ang ipina-customized niyang swiss army knife na may nakaukit na pangalan niya." pahayag ng commander at ipinakita kay Lucille ang mga gamit na pagmamay-ari ng anak na panganay. Tinanggap ni Lucille ang iniabot sa kanya at umiiyak siyang niyakap ang mga gamit ni Dixson. "Nasaan ang katawan ng anak ko?" umiiyak na tanong ni Mrs. Sanchez. Hindi agad nakasagot ang commander nila Dixson. Napansin ni
Pagkarating nila Drake at Don Arnulfo sa labas ng bahay nila Dixson ay nakasalubong na sa kanila si Luis. "Lo, nasa loob pa sila. Hinihintay ka." wika ni Luis at nagmano sa matanda. "Kumusta na ang Tita Lucille ninyo?" tanong ni Don Arnulfo kay Luis. "Nagkamalay na siya, pero iyak pa rin ng iyak si Tita Lucille." sagot ni Luis. "Si Noreen?" si Drake naman ang nagtanong. "Parating pa lang, natawagan ko na siya kanina. Hindi niya pa alam ang dahilan kung bakit ko siya pinauuwi." wika ni Luis. "Tama ang ginawa mo, Luis. Tara na sa loob." saad ng lolo Arnulfo nila. "General Sanchez, Sir..," pagsaludo ng dalawang sundalo ng makita ang retired general. Nagbalik saludo ang matandang Sanchez sa dalawang lalaki na nakauniporme ng sundalo. "Retired General Sanchez, Please accept our sincere sympathy on the tragic death of your grandson Sergeant Dixson Sanchez, We are sorry that he is no longer with you. No doubt this sad event has been very disturbing for you and for the many
Lumipas ang ilang araw at nakakakilos na rin si Dixson na tinawag na ngang Anton nila Yanna at Manang Rita. "O Anton, bakit ka tumayong mag isa? kaya mo na ba?" tanong ni Yanna ng makita niya si Anton na na maingat na naglalakad palabas ng pinto ng silid nila Manang Rita. Kakababa lang ng dalaga sa hagdan ng umagang iyon. "Kailangan ko kaseng magbanyo, Yanna. Nakakahiya naman sa iyo kung tatawagin pa kita. Nahihiya na rin ako sa mag asawa sa abalang ginagawa ko sa kanila at sa inyo na rin ng Tiyo mo. Kaya ko naman ng tumayo at maglakad kahit na mabagal." sagot ni Anton sa dalaga. "Nauunawan ko, sige na magpunta ka na ng banyo at titignan na nga lang kita." wika ni Yanna na nginitian ang lalaki. Tumango si Anton at naglakad nga mag isa patungong banyo. Dumiretso naman ng kusina si Yanna at naghandang magtimpla ng kape. "Nakapagkape ka na ba?" tanong ni Yanna pasigaw upang marinig siya ni Anton sa loob ng banyo. "Kanina ipinagtimpla ako ng kape ni Manang Rita bago siya umalis pa
Hindi na rin muna nagsalita ang dalaga at naglagay na lang ng palaman sa tinapay na kakainin niya. Nagpakiramdaman ang dalawa at ilang minuto lang ay nagpaalam na si Anton na babalik na sa silid. "Dito ka muna, wala ka namang gagawin sa loob di ba? malapit na rin mag alas dose ng tanghali, ang mabuti pa ay tulungan mo na lang akong magluto ng tanghalian natin." "Hindi ba nakakailang?" tanong ni Anton. "Nakakailang?! Bakit ka maiilang? Pwede ba Anton, wag mo ng intindihin yang naiisip mo. Wala naman tayong gagawin na hindi kaaya-aya. Tulungan mo kong magluto." saad ng dalaga. "Teka, titignan ko kung anong pwedeng lutuin. O eto may naka-marinate na palang baboy at manok sa refrigerator. Mag gigisa na lang siguro ako ng ampalaya at magpiprito ako ng manok. Kaso may problema!" "Anong problema?" napasulyap si Anton kay Yanna. "Takot ako sa tilamsik ng mantika eh!" Natawa ng bahagya si Anton. "Tawa ka diyan! Hindi ako nagbibiro, takot nga akong matalsikan ng mainit na mantika. Huwa
"Tiyo Tunying, kumusta po ang naging lakad ninyo?" tanong ni Yanna pagkarating ng tiyuhin sa bahay kasama si Mang Dencio. "Wala pa ring magandang resulta. Ilang araw na o mahigit dalawang linggo na ngang nasa sa atin si Anton pero walang naghahanap sa kanya o lumalapit sa mga presinto para hanapin siya. Ilang bayan na ang pinuntahan namin ni Dencio, wala talaga. Palagay ko ay taga-maynila siya at walang alam ang pamilya niya sa pagkawala niya. Kung may pamilya nga siyang matatawag." sagot ni Tunying sa pamangkin. Tulad ng mga naunang araw na nagbabyahe ang tiyuhin ni Yanna sa mga kalapit bayan ay bumabalik ito na walang magandang balita ay hindi maiwasan ng dalaga na malungkot para sa lalaki. "Nasaan si Anton?" tanong ni Tunying ng mapansin na wala ang lalaking pinag-uusapan nila. "Nasa likod bahay. Pinapaliguan ang mga alaga mong aso, Tiyo. Medyo nangangamoy na kase kanina kaya nagkusa na si Anton na paliguan sina Blacky at Gido." sagot ng dalaga. "Nahawakan ni Anton si Gido?!"
"Huh?! si Anton sundalo? paano naman ninyo nasabi na isa siyang sundalo, Tiyo?" "Hindi mo ba siya naoobserbahan? Kayo madalas ang nakakapag-usap at laging magkasama di ba? Sa pamamaraan ng pakikipag-usap niya halatang mayroon siyang pinag aralan. Marunong siyang magsalita ng english. Kahit ang kilos niya ay aral. Hindi katulad ng mga rebelde na karamihan sa kanila ay laki sa hirap. Napansin mo ba ang paghawak niya ng kutsara at kahit na magkamay siya pagkukumakain tayo ng sabay-sabay. Nung una ay inisip ko na lang na nahihiya siya pero ganun talaga ang pagkilos niya." saad ng Tiyo ni Yanna. "Hindi ko napapansin ang mga iyon, Tiyo Tunying." "Dahil pareho kayo, Yanna." wika ni Tunying. "Dati ka bang secret agent, Tiyo Tunying? Yung mga maliliit na bagay kase ay nakikita o napapansin mo. May nililihim ka sa amin noh?!" biro ni Yanna. Natawa si Tunying sa pinagsasabi ng pamangkin. "Agriculture ang tinapos ko, Yanna. Malabo yang sinasabi mo. Mahilig lang akong manood ng mga
"Bumalik na tayo sa bahay ng maiayos ko na ang mga gamit ko." wika ni Yanna. "Pwede ba akong sumama sa 'yo?" tanong ni Anton na ikinatitig ni Yanna sa lalaki. "Mas makakabuting dumito ka na lang Anton. Dito mapoprotektahan ka nila Tiyo Tunying at Mang Dencio. Kung isasama kita sa Maynila baka hindi rin kita maasikaso roon. May mga bruha pa akong kasama sa bahay namin. Baka mamaya ay apihin ka lang nila. I'm sorry.., hindi talaga pwede Anton." sagot ni Yanna na ikinayuko ng ulo ng lalaking kausap. "Babalik ka pa rin ba rito?" malungkot na tanong ni Anton na hindi na makatingin kay Yanna. "Babalik ako Anton, babalikan kita. Babalikan ko kayo nila Tiyo Tunying dito." sambit ng dalaga na ikinasulyap muli ni Anton sa kanya. "Mahal kita, Yanna.., sana pagbalik mo marinig ko na mula sa iyo na mahal mo rin ako. Maghihintay ako sa iyong pagbabalik. Hihintayin kita, Yanna." Nakadama ng kirot sa puso niya si Yanna. Nahihirapan siyang tignan si Anton. Damang-dama niĆ½a na nagsasabi ng tapat
Nasa gilid ng tarangkahan si Anton dahil ibinabalik nito ang dalawang aso sa loob ng dog house matapos paliguan. Nahagip ng mata niya si Yanna na umiiyak palabas kaya niya ito tinawag. "Anton, sigurado akong sa ilog siya pupunta. Pakisundan mo nga at kausapin. Galit siya sa akin kaya hindi ako papansinin ng pamangkin ko. Pakiusap samahan mo na muna siya at hikayating bumalik dito sa bahay." pakiusap na utos ni Tunying kay Anton. "Sige po, Ka Tunying. Huwag po kayong mag alala babalik po kami agad. Susundan ko na po siya." "Mag iingat ka. Huwag mong iaalis sa paningin mo si Yanna at baka kung ano ang gawin ng pamangkin ko." "Opo, makakaasa po kayo Ka Tunying." Pasigaw na sagot ni Anton na nakalabas na rin ng bakuran at sinusundan ang dalagang si Yanna. "Yanna.., sandali! Yanna.., Yanna, teka lang!" sigaw ni Anton ng malapit na siya sa dalaga. "Huwag mo na akong sundan, Anton. Gusto ko munang mapag-isa. Bumalik ka na ng bahay." saad ni Yanna na saglit na huminto sa paglakad takbo